Share

CHAPTER 5

Kapwa nakahiga sina Jaron at Karla sa kama sa hotel room kung saan sila tumutuloy sa Japan and they just finished satisfying each other and they're both naked under the sheet.

"Jaron, I was just thinking what if surprisahin natin ang mga pamilya natin sa Pinas," mungkahi ni Karla habang nilalaro-laro ang balabas ni Jaron.

"Oh? What kind of surprise, Baby?" tanong naman ni Jaron sa nobya.

"Let's surprise them that we're married already," nakangiting sagot ni Karla.

Kung siya lang kasi sana ang masusunod ay matagal na niyang gustong lumagay sa tahimik dahil okay na rin naman sila ni Jaron pagdating sa pera sobra-sobra pa nga, e. Sadyang si Jaron lang talaga itong may ayaw pa dahil nga sa ayaw nitong itali ang kanyang sarilli sa isang babae at ang pinakaayaw niya nga sa lahat ay ang magkaroon ng anak.

"Are you kidding, right?" natatawang tanong ni Jaron kay Karla.

"Of course not, Jaron alam mo namang hindi ako nagbibiro pagdating sa relasyon natin 'di ba?" 

D*mn! Mukhang seryosong-seryoso na talaga si Karla ngayon tungkol sa usaping kasal kaya kailangan niyang ilihis ang ganitong paksa sa pagitan nilang dalawa.

"Baby, akala ko ba nagkakaintindihan na tayo tungkol diyan? 'Di ba we promised that we will reach our dream first, especially your dream," litanya niya.

Yes it's true that they made a deal before, noong unang taon pa lamang sila bilang magkasintahan aayusin muna nila ang kani-kanilang mga trabaho at tutuparin ang mga pangarap bago sila lumagay sa tahimik. And gladly they're both lucky when it comes to business because it boomed and became successful, kaya nakaipon agad sila.

" 'Di ba may isang pangarap ka pang gustong matupad?" tanong pa niya sa nobya.

"Yeah, 'yong sa France pero next year pa naman 'yon, e," paingos na sagot na ni Karla.

"Next year na."

Right at this moment he will make her fool again through his sweet words, para lang hindi na siya nito kulitin pang magpakasal.

"Baby, next year na konting hintay na lang then after that we can plan for our wedding. Alam mo namang hindi biro ang kasal," kunwari'y nag-aalalang wika niya.

"Yeah pero pwede namang simple lang ang kasal, e," giit ni Karla.

"No. Baby, I want to give you the best wedding of the year because that's what you deserved."

"Kaya tapusin mo na iyang France dream mo kasi gusto ko kapag kinasal na tayo natupad na nating ang kanya-kanya nating mga pangarap. Gusto ko kasi kapag lumagay na tayo sa tahimik ang iisipin na lang natin ay ang pamilyang bubuuin natin."

Magkakasunod na wika ni Jaron at bakas sa boses niya ang katiyakan lalo na sa ekspresiyon ng kanyang mga mata. He's a great pretender.

Paniwalang-paniwala naman si Karla sa mga sinabi niya, what she felt with his words and expression from Jaron is real. Poor Karla.

"You're right, tatapusin ko na ang dream France ko so that we can finally knot the tie," she sweetly and she gave him a passionate kiss.

With that they end up satisfying each other again and again which is Jaron's favorite. Ang tanga lang din ni Karla dahil hindi man lang niya napapansin na sa tuwing pinag-uusapan nila ni Jaron ang kasal ay pinapahulog lamang siya nito sa mabulaklak na mga salita ng nobya, but you can't blame her because she's madly and deeply in love with Jaron.

While on the other hand Luisa is not feeling well, kanina pa niya hindi maintindihan ang kanyang nararamdaman parang naduduwal siya na nahihilo nagtatrabaho nga siya pero hindi naman siya makafocus marami-rami pa naman ngayon ang customer dahil weekend. 

"Luisa, ayos ka lang ba?" tanong sa kanya ng isa niyang kasamahan na si Mery, napansin kasi nito ang pagkabalisa niya.

"O-oo, Mery antok lang siguro ako 'di bale magkakape na lang ako maya-maya," pagsisinungaling niya sa kasamahan.

"Sure ka? Kasi parang namumutla ka na," nag-aalalang tanong sa kanya ni Mery.

Bilang katrabaho ni Luisa ay ngayon lang nakita ni Mery na hindi maayos ang pagmumukha ng dalaga gayong ang aga-aga pa naman at bilang isang babaeng nag-aalala sa kapwa niya babae ay minabuti ni Mery na pahingahin muna si Luisa sa locker room.

"Sige na, Luisa ako na ang bahala kay Manager," giit niya kay Luisa.

Dahil hindi na talaga kaya ni Luisa ang nararamdaman ng kanyang katawan ay pumayag itong magpahinga muna saglit sa kanilang locker room ngunit nang mapadaan siya sa kusina ng restobar ay doon na talaga siya naduwal dahil hindi niya nagustuhan ang naamoy niya. At sunod na lang niyang natagpuan ang kanyang sarilli sa loob ng banyo ng resto kasunod noon ay ang pagdilim na ng kanyang paningin.

Mabuti na lamang at nasalo siya ni Mery dahil nakasunod pala ito sa kanya dahil nag-aalala nga ito sa kanya, agad na nagpasaklolo si Mery sa kanyang mga kasamahan upang madala agad si Luisa sa pinakamalapit na hospital. Maagap naman agad ang mga kasamahan nila kung kaya't nadala agad si Luisa sa hospital kung kaya't nasuri agad ang lagay ni Luisa habang sinusuri pa ang lagay ni Luisa ay tinawagan niya ang kaibigan nitong si Tessa upang mapuntahan si Luisa at maalalayan hindi na kasi siya pwedeng manatili sa hospital dahil uuwi pa siya ng bahay nila at magpapahinga.

Nang malaman ni Tessa ang nangyari kay Luisa ay agad niya itong pinuntahan sa hospital ni hindi na nga ito nag-abalang magbihis dahil nasa kaibigan na ang buong pag-iisip niya. Sa sobrang bilis niya ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sarilli na nakarating ng hospital.

"Tessa, ikaw na ang bahala kay Luisa ha? Kailangan ko pa kasing umuwi," ani ni Mery.

"Walang problema, Mery salamat sa pagtulong at pagdala rito sa kanya," pasalamat naman agad niya kay Mery.

"Walang anuman, Tessa." 

Umalis na agad si Mery dahil antok na antok na rin ang dalaga samantalang siya ay tahimik lamang habang pinagmamasdan ang walang malay niyang kaibigan na kasalukuyan pa ring sinusuri ng doktor.

"Kayo po ba ang kasama ng pasyente?" Kapagkuwan ay tanong sa kanya ng babaeng doktor pagkatapos suriin si Luisa.

"Opo kaibigan niya po ako," turan niya sa doktora.

"Ano po ba ang nangyari sa kaibigan ko, dok?" Kasunod ay nag-aalalang tanong niya sa doktora.

"Your friend is one month pregnant."

"A-ano ho?" hindi niya makapaniwalang tanong sa doktora.

Gumulo tuloy ang isip niya dahil sa sinabi ng doktora wala naman kasing nobyo ang kaibigan niya kaya paano ito mabubuntis? 

"May hindi yata sinasabi sa'yo ang kaibigan mo, Ma'am, anyways let her take a rest first babalikan ko na lang kayo mamaya kapag nagising na siya."

Ni hindi niya nagawang sagutin ang doktora dahil hindi talaga siya makapaniwala sa kanyang natuklasan. Gustong-gusto niyang gisingin si Luisa ngayon din para masagot na ang mga katanungan sa kanyang isipan pero dahil nga sa sinabi ng doktora na hiyaan muna itong magpahinga ay matiyaga na lang muna itong naghintay sa pagising ni Luisa. 

Nagdaan pa ang ilang minuto at gumalaw na ang kanang kamay ni Luisa kasunod niyon ay ang pagmulat na ng kanyang mga mata. Puting kisame at puting ilaw agad ang bumungad sa kanya nagpalinga-linga rin siya sa kanyang paligid upang malaman kung nasaan siya, and there she saw Tessa with a worried face walking towards her.

"Luisa, kamusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong agad sa kanya ng kaibigan.

"Tessa? Nasaan ako?" magkakasunod niyang tanong sa kaibigan sa nagtatakang nitong boses.

"Sa hospital tinawagan lang ako ng katrabaho mong si Mery na dinala ka rito pero, Luisa bakit ka ba naglihim sa akin? Akala ko best friends tayo?"

Wala pa man sa tamang huwisyo ang utak ni Luisa ay dinagdagan pa ni Tessa dahil sa sinabi nito.

"Ano bang ibig mong sabihin, Tess? Ano ba kasi ang sinabi sa'yo ng doktor na sumuri sa akin?" sunod-sunod niyang tanong sa naguguluhan niyang tono. 

"Mareng, may lamang tadpole na ang tiyan mo." 

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Luisa dahil sa kanyang narinig mula kay Tessa, she froze for a moment dahil hindi niya alam ang gagawin niya, how she wished it was all just a dream but no... because Tessa squeeze her right hand.

"Sino ang ama ng dinadala mo?"

"Sa pagkakaakala ko kasi bahay, trabaho ka lang, e paanong nabuntis ka?" 

Lahat ng katanungan ni Tessa ay narinig niya pero hindi niya magawa-gawang sagutin ang mga iyon dahil lutang ang isip niya kung anu-anong mga senaryo tuloy ang pumapasok sa isipan niya. Ni hindi nga niya naramdaman ang pag-agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Oo malakas siya at kaya niyang supportahan ang pamilya nila pero ibang usapan na kapag bata na ang usapan at higit sa lahat iba na kapag magiging ina na siya. 

"Mareng, tahan na," pang-aalu sa kanya ni Tessa sabay punas sa mga rumaragasa niyang mga luha.

"Tessa..." umiiyak niyang tawag sa kaibigan.

Agad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Tessa at sa mismong balikat siya ni Tessa humagulhol nang humagulhol at bilang nakakaaunwang kaibigan ay hinayaan lamang siya ni Tessa ahinahaplos-haplos lamang ang kanyang likuran. Ilang minuto rin silang nasa ganoong sitwasyon bago sila bumitaw sa pagkakayakap sa isa't-isa tumahan na rin si Luisa.

"Mareng, pwede mo bang ikwento sa akin kung paano nangyari ang lahat-lahat ng ito?" masuyong tanong ni Tessa sa kanya.

"Noong gabing nakipag one night stand ako sa hotel para madugtungan ang buhay ni Tatay." 

Agad namang napasinghap si Tessa sabay takip sa kanyang bibig dahil sa nalaman niya. Kung bakit kasi hindi gumamit ng proteksyon ang nakaniig ni Luisa noong gabing 'yon. 

How careless!

"B-bakit kasi hindi niyo muna sinigurado bago kayo umano?" tanong niya sa kaibigan.

"Hindi ko alam dahil akupado noon ang utak ko sa operasyon ni Tatay. Oo bumibigay ang katawan ko sa init at kiliti pero ang pag-iisip ko talaga ay nasa kay Tatay," paliwanag niya.

It's true her body responded all the way that night, pero ang utak niya ay nasa kalagayan ng kanyang ama.

"Tessa, paano na ako nito ngayon? Mag-aaral pa si Chito at ako pa ang bumubuhay sa amin. Hindi na nga ako magkandaugaga na kaming tatlo pa lang tapos may darating pa?!" gulong-gulo niyang mga tanong sa kaibigan. 

Kung pwede lang sana niyang ibalik ang mga oras at araw ay hindi na lang niya ginawa ang bagay na iyon. Hindi niya talaga lubos akalain na magbubunga ang isang gabing 'yon. 

Pero kahit galit siya ay hindi niya maitatanggi na may konting saya siyang nadarama sa kanyang puso dahil may bata sa loob ng kanyang sinapupunan, and sooner or later she'll be a mom.

"Nandiyan na 'yan, Mareng at wala ka ng choice kundi ang ipagtapat ang lahat-lahat kina Tatay Fredo at Chito, " ani ni Tessa.

When Fredo's operation was successfully done, hindi siya tinatanan nitong magtanong kung saan siya kumuha ng isang milyong piso maging si Chito ay ganoon din, but she kept on lying and lying until the two stopped asking her.

But right now she had no choice but to tell her family the truth. The sacrificial truth she made

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mila Cañete
maganda po ang story......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status