Share

CHAPTER 9

KINABUKASAN, kasalukuyan ng naghihintay sina Luisa at Mery na buksan ang gate ng pagtatrabahuan ni Luisa. Ilang sandali pa ay may nagbukas na rin sa kanila na Isang gwardiya at pinatuloy sila sa loob ng bahay.

Kaagad na namangha si Luisa sa laki at ganda ng bakuran dahil napakaganda ng pagkakagawa nito.

Sana nga ay kasing ganda ng bahay na ito ang ugali ng may-ari.

"Manang Didit!" tawag ni Mery sa mayordoma ng bahay.

Agad ding umayos si Luisa nang makita niya ang mayordoma.

"Mabuti naman at narito na kayo," ani ni Manang Didit sa kanila.

"Magandang umaga po," bati ni Luisa sa ginang.

"Magandang umaga din sa'yo," ganting bati naman sa kaniya ni Manang Didit.

Agad namang pinakilala ni Mery sina Luisa at Manang Didit sa isa't-isa at dahil mabait naman ang mayordoma ay naging magaan agad ang pakikitungo nilang dalawa ni Luisa sa bawat isa.

"Tanging si Sir, Jaron lang ang asikasuhin mo, Luisa dahil may iba namang nakatuka sa gawaing bahay at siyempre isa na ako roon," panimulang paliwanag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status