แชร์

Chapter 27

ผู้เขียน: Zairalyah_dezai
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-07-26 11:50:30

Habang abala si Asia sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ng Lola ni Wild, masaya siyang nakangiti at nakikisabay sa kuwentuhan, pinipilit ang sarili na maging kalmado kahit sa loob-loob niya ay kinakabahan pa rin siya sa ginagampanang papel.

Nakasuot siya ng eleganteng itim na dress na bumagay sa hubog ng kanyang katawan. Ang kwintas na isinabit ni Wild sa kanyang leeg kanina ay tila icing on the cake ng kanyang kabuuang look. Ramdam niya ang mga titig ng ilang bisita—may humahanga, may usisero.

Habang abala si Wild sa pakikipagkuwentuhan sa kanyang Lola at sa ilang bisita, biglang bumukas ang pinto sa gilid ng sala. Pumasok si Jasper.

Dahil hindi inaasahan ang pagdating nito, agad na nakuha ng lahat ang tensyon sa kanyang mukha. Naglakad siya papasok, kita ang pag-aalinlangan sa mga mata. Saglit siyang napatitig sa eksenang nakita—si Wild na may kamay pa sa beywang ni Asia, habang ang dalaga'y nakangiti sa isang matandang ginang.

Naglakad siya papalapit, ngunit hindi agad siya pin
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 27

    Habang abala si Asia sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ng Lola ni Wild, masaya siyang nakangiti at nakikisabay sa kuwentuhan, pinipilit ang sarili na maging kalmado kahit sa loob-loob niya ay kinakabahan pa rin siya sa ginagampanang papel. Nakasuot siya ng eleganteng itim na dress na bumagay sa hubog ng kanyang katawan. Ang kwintas na isinabit ni Wild sa kanyang leeg kanina ay tila icing on the cake ng kanyang kabuuang look. Ramdam niya ang mga titig ng ilang bisita—may humahanga, may usisero. Habang abala si Wild sa pakikipagkuwentuhan sa kanyang Lola at sa ilang bisita, biglang bumukas ang pinto sa gilid ng sala. Pumasok si Jasper. Dahil hindi inaasahan ang pagdating nito, agad na nakuha ng lahat ang tensyon sa kanyang mukha. Naglakad siya papasok, kita ang pag-aalinlangan sa mga mata. Saglit siyang napatitig sa eksenang nakita—si Wild na may kamay pa sa beywang ni Asia, habang ang dalaga'y nakangiti sa isang matandang ginang. Naglakad siya papalapit, ngunit hindi agad siya pin

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 26

    KINAGABIHAN, abala na si Asia sa pag-aayos sa sarili. Nakasuot na siya ng eleganteng pulang dress na humahapit sa kanyang katawan, idiniin ang bawat kurbada na parang likhang sining ng isang pintor. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng kasuotan—masyado itong sexy at lantaran, pero naisip niyang wala na siyang magagawa. Bahagi ito ng pagpapanggap. Mabagal ang galaw niya habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Pinili niyang itali ito sa mababang bun na may ilang hiblang malayang bumagsak sa gilid ng kanyang pisngi. Napansin niya ang sarili sa salamin—iba ang aura niya ngayong gabi. Hindi siya si Asia na dating simpleng empleyado. Ngayon, para siyang fiancée ng isang lalaking tulad ni Wild Montenegro. Dahan-dahan siyang nagsaboy ng pabango sa katawan. Tumama ang liwanag mula sa lampshade sa kanyang balikat at leeg—makinis, at tila lalong naging maputi dahil sa glow ng pabango. Nasa gitna siya ng paglalagay ng huling patak sa may pulso niya nang biglang... Tok. Tok. Tok. Kumat

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 25

    Lumipas ang ilang oras at tila unti-unti nang humupa ang tensyon sa dibdib ni Asia. Ngunit nang maramdaman niyang kumakalam na ang kanyang sikmura, napilitan siyang lumabas ng silid. Tahimik siyang naglakad pababa ng hagdan, pinipilit maging mahinahon kahit na sa loob-loob niya’y kabado siya na baka bigla na namang sumulpot si Wild at asarin siya ng kung anu-ano. Pagdating niya sa may sala, nasalubong niya ang isa sa mga katulong—bitbit nito ang ilang paper bags. Sumunod naman ang isa pang katulong na may dala ring paper bag na mukhang mabigat. “Ma’am, para po sa inyo raw ito,” magalang na sabi ng katulong. “Pinapaabot ni Sir Wade. Siya raw po ang pumili ng mga ‘to.” Parang natigilan si Asia sa kinatatayuan niya. Napatitig siya sa mga bag, tila hindi makapaniwala. Binilhan talaga ako ni Wild? Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Masaya? Naiilang? Kinikilig? Nalilito? Bago pa man siya makabawi, bigla na namang sumulpot si Wild, gaya ng dati—parang laging may timing. Nakangisi

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 24

    Masarap ang luto ni Asia, kahit medyo may inis pa rin siya sa dibdib. Habang naglalagay siya ng sinigang sa mangkok ni Lola ay hindi niya mapigilang mapatingin kay Wild, na tahimik lang at abala sa paghiwa ng inihaw na liempo. “Tsk. Ni hindi man lang niya na-appreciate ang effort ko sa kusina,” sabi ni Asia sa sarili habang pasimpleng pinandilatan si Wild. "Asia, anak," sambit ni Lola habang inaabot ang baso ng tubig. "Alam mo na ba kung ano ang mga gusto at ayaw ng apo kong 'yan?" Napatigil sa subo si Wild. Tumigil din si Asia sa paggalaw at napalunok. Dahan-dahan siyang tumingin kay Wild at agad na iniwas ang tingin. Kinabahan siya—wala siyang kaide-ideya sa mga gusto at ayaw nito. Ngunit sa halip na manahimik, agad siyang ngumiti kay Lola at nagsimulang magsalita. "Ahm... Oo naman po, Lola!" bulalas niya. "Si Wild... ayaw niya po ng maingay habang natutulog. Gusto niya rin po ng kape sa umaga, walang asukal—para raw bitter, katulad niya." Napa-choke si Wild sa tubig na iniino

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 23

    Kinabukasan, mahimbing pa rin ang tulog ni Asia habang nakayakap pa siya sa unan. Ang liwanag ng araw ay unti-unting pumapasok sa bintana ngunit hindi pa rin siya nagigising. Hanggang sa isang malalim at baritonong boses ang pumunit sa katahimikan ng silid. "Asia, gumising ka na," malamig ngunit malakas ang tinig ni Wild mula sa pintuan. "Hindi ka prinsesa rito para gumising ng tanghali." Napamulat si Asia, tila nananaginip pa. Saglit siyang napakunot-noo at napaungol pa. "Hmm? Si Wild ba 'yon? Panaginip ba 'to?" bulong niya habang pilit na pinipilit buksan ang mga mata. "Asia!" muling tawag ni Wild, mas malakas na ngayon. Napabalikwas siya ng bangon sa kama, gulo-gulo pa ang buhok at malaki ang mga matang napatingin kay Wild na nakatayo sa may pintuan, naka-cross arms at nakasandal sa doorframe. "Pasensiya na! Napasarap ang tulog ko," ani Asia habang kinukusot ang mga mata at tinatakpan ang bibig dahil sa pagkabigla. "Ang ganda kasi ng panaginip ko eh…" Napataas ang kil

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 22

    THIRD PERSON POV Masaya ang gabi. Nagkikislapan ang mga ilaw sa paligid ng plaza. May mga banderitas na sumasayaw sa ihip ng hangin, tunog ng tambol mula sa pa-parada, at halakhakan ng mga tao. Ang buong paligid ay punô ng saya at kulay – tipikal ng gabi ng pista. Magkabilang gilid ng kalsada, may mga karinderya, larong perya, at mga tindang kakanin. Habang naglalakad si Asia at Wild, simple lang ang ayos nila pero hindi maitatangging bagay sila sa paningin ng iba. Tahimik lang si Wild habang lumilinga sa paligid. Samantalang si Asia ay tila batang excited na bagong salang sa siyudad. “Oh my gosh, MAIS!” Sigaw ni Asia sabay hila kay Wild. May nakita siyang matandang naglalako ng inihaw na mais. Mainit, may kaunting margarine, at pulbos na cheese sa ibabaw—eksaktong paborito ni Asia. Parang kinikilig siyang lumapit pero agad siyang hinila pabalik ni Wild. “Huwag.” Matigas ang tono ng lalaki. Napatigil si Asia at napakunot ang noo. “Bakit naman?” “Hindi bagay sa’yo ‘yon.” “

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status