Asia’s POV Maaga pa lang pero parang fiesta na sa loob ng Divine Divas Parlor — tambayan ng mga sikat na parloristas sa bayan. Amoy hairspray, sunod-sunod ang tunog ng blow dryer, at naroon ang masasabing regal transformation ng mga kababaihan para sa gabing iyon. “Reyna ka ng prom, Trista! Aba, tingnan mo naman ‘yang gown mo. Pati ang buhok mo, mukhang inaral ng tatlong linggo!” tili ng isang bakla habang abala sa pagkulot ng buhok ni Trista. Tumawa si Trista, ‘yung may halong yabang at pa-sweet. “Of course. Deserve ko naman, ‘di ba? Hindi naman kasi lahat ng maganda, kaya ring panindigan ang glamorosa image,” aniya, halatang may pinapatamaan. Tahimik lang ako sa sulok, hawak ang simpleng clutch bag, suot pa ang hoodie para hindi agad makilala. Pero kahit magtago pa ako sa likod ng kurtina, imposibleng hindi ako mapansin — lalo na ng mga kaibigan ni Trista na parang may radar para sa eksena. “Hoy, ‘di ba si Asia ‘yon?” bulong ng isa. “Yung feeling close kay Jasper dati? ‘Yu
Last Updated : 2025-06-05 Read more