BABALA: Hindi ito kwento ng tamang pag-ibig. Ito ay kwento ng tukso, init, at bawal na pagnanasa. Rated SPG – Striktong Patnubay at Gabay ng matatanda ang kailangan. May maiinit na eksena, maseselang tagpo, at wild na panunukso na hindi para sa mahihina ang loob. Kung ikaw ay inosente, konserbatibo, o madaling ma-turn on… basa sa sariling pananagutan. Pero kung handa ka sa isang kasalanang hindi mo pagsisisihan... then come closer. Uncle Wild is waiting. ******* Pleasure Me, Uncle Wild An Erotic Romance by [Zairaliyah_dezai] ******* Cheerleader. Campus darling. Girlfriend ng pinakapopular na varsity player sa unibersidad. Sa mata ng lahat, perfect na ang buhay ni Asia—hanggang sa masaksihan niyang mismo ang pagkawasak nito. Sa loob ng madilim at amoy-klorox na banyo ng gym, nakita niya ang pinakamalupit na pagtataksil—ang nobyo niyang si Jasper, nakikipagtalik sa mismong bestfriend niyang si Trista. Punit ang puso, nanginginig ang katawan... pero bago pa man siya tuluyang masiraan ng bait, isang lalaking estranghero ang biglang sumugod sa eksena. Matangkad. Mapanganib. Matipuno. At may tinig na parang kasalanan ang bawat salitang binibitawan. "Uncle Wild!" sigaw ni Jasper. Asia's breath hitched. Sa halip na galit at luha, isang mas matinding init ang gumapang sa kanyang katawan. Sino siya? Bakit ang isang titig lang niya'y parang kayang burahin ang lahat ng sakit? At bakit, sa bawat iglap, tila gusto na niyang isuko ang sarili sa lalaking masyadong bawal... pero masyadong masarap? Handa ka na bang matukso sa lalaking hindi mo dapat ginugustong mahalin? Dahil minsan, ang kasalanan… ay nagsisimula sa isang sulyap. ---
View MoreAsia’s POV
Isang malakas na pito ang gumambala sa buong hallway ng gym. Agad akong napalingon, pero hindi ko na pinansin pa ang ilang lalaking nakatambay na sumisipol at sumisigaw ng pangalan ko. Sanay na ako sa mga tagahanga—normal na ‘yon kapag cheerleader ka at girlfriend ng varsity heartthrob ng university. Pero ngayon, hindi ako in the mood para pansinin sila. Manonood ako ng laban ni Jasper. Ayokong malate. Basang-basa pa ang buhok ko mula sa shower. Habang nagmamadali akong isuksok ang katawan ko sa cheer uniform, halos ma-dislocate na ang braso ko kakasubok ikabit ang hook ng bra ko. Tarantang-taranta na talaga ako. “Hoy, Asia! Tapos ka na ba diyan?” sigaw ni Lianne, isa sa co-cheerleaders ko, mula sa kabilang cubicle. “Wait lang!” sagot ko, pilit pa ring kinakabit ang bra habang nanginginig ang kamay ko sa pagmamadali. Tangina, bakit ba kasi ang hirap isara ng hook kapag nagmamadali?! Narinig ko ang tilian sa labas ng ladies' room. Bigla akong napahinto. Si Jasper? Automatic ang ngiti ko. Ganito ang eksena kada laro—girls screaming for him. Gwapo kasi. Athlete pa. Varsity king. At higit sa lahat, akin siya. O ‘di ba? Lucky me. Sinulyapan ko ang sarili sa salamin. Kahit basa pa ang buhok ko at hindi pa ako naka-full glam, ayos lang. Natural beauty is real. Ngumiti ako at tinapik ang pisngi ko. Kaya mo ‘to, Asia. Nang maisara ko na rin ang bra at maisuot ang pang-itaas ng uniform, kinuha ko na ang pom-poms at nagmamadaling lumabas ng dressing area. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng pinto, may narinig akong kakaiba. Hindi ito hiyaw ng kilig. Hindi rin ito sigawan ng fans. May halong... ungol? Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan akong umatras at lumingon sa direksyon ng isa sa mga cubicles sa dulo ng CR. Isang pamilyar na boses ang narinig ko. “Jas... Jasper... bilisan mo…” Hindi… imposible. Nanigas ang buong katawan ko. Kumakabog ang dibdib ko habang palihim akong lumapit sa cubicle. Gamit ang maliit na siwang sa pagitan ng pinto at dingding, sumilip ako. At doon ko nakita ang literal na bangungot ko. Si Jasper. Walang saplot sa katawan. Basang-basa sa pawis. Nakatayo. At sa harap niya… si Trista. Ang bestfriend ko. Nakaluhod. Abala sa kasalanang hindi ko kayang tanggapin. Putang ina n’yo. Napasinghap ako, pero agad kong tinakpan ang bibig ko. Ayokong marinig nila. Ayokong malaman nilang nasasaksihan ko ang kataksilan nila. Ang pagkanulo. Ang panlilinlang. Hindi ako makagalaw. Parang pinako ako sa sahig. Pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng sakit, isang malakas na tunog ng pagbukas ng pinto ang umalingawngaw. “JASPER! ANONG KALOKOHAN ‘TO?!” Isang lalaking hindi ko pa nakikita kailanman ang biglang sumugod sa loob ng CR. Matangkad. Matikas. Nakatatwang sexy kahit galit. At tila ba dumilim ang buong paligid nang tumingin siya kay Jasper na parang lalapain niya ito ng buhay. “U-Uncle Wild?!” Napalingon ako. Uncle what now? Noong nagtagpo ang mga mata namin ng lalaking tinawag nilang Uncle Wild, hindi sakit ang naramdaman ko. Hindi galit. Hindi poot. Kundi... init. Isang mainit na kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Shit. Sino ka? At bakit parang gusto kong ikaw na lang ang magtanggal ng bra ko mula ngayon? Natigil ang pagkatulala ko nang magsalita si Jasper. Sa dami ng emosyon kong nararamdaman—galit, pagkadiri, sakit—hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. “Asia, let me explain…” bulong ni Jasper, habang nagmamadaling mag-ayos ng pantalon. Pawisan siya, mukhang guilty, pero hindi ko makita ang kahit kapirasong pagsisisi sa mga mata niya. Umiling ako. Marahan sa una. Hanggang sa naging mariin. “Let you explain?” ulit ko, may bahid ng pandidiri ang tinig ko. “Ano? I-e-explain mo kung paano mo k******t ang bestfriend ko sa loob ng banyo ng gym habang hinihintay kitang suportahan sa laban mo?!” Napatigil siya. Hindi makatingin sa’kin. Syempre hindi ka makatingin, gago ka eh. Si Trista, na ngayo’y nagbihis na ng mabilis, hindi pa rin makatingin sa akin. Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid, parang lantang gulay, pero ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. “Trista...” tinawag ko siya sa tonong kahit ako'y nagulat. Kalma, pero malamig. “Akala ko ba ikaw ang tinuturing kong kapatid?” “Asia, sorry—” PAK! Ang palad ko, dumapo sa pisngi niya. Malakas. Tunog na parang pumutok ang hangin sa loob ng CR. Nanginginig ang katawan ko, hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil pinipigil ko lang ang sarili kong huwag manlupaypay sa sahig at umiyak. “Hindi lang siya ang nawala sa akin ngayon. Pati ikaw. Pati 'yung tiwalang iningatan ko. Binura mo lang. Sa isang gabi. Sa isang putaeng banyo.” “Asia, please—” singit ni Jasper, lumapit na para hawakan ako. Pero bago siya makalapit, bigla siyang natulak pabalik. “Don’t.” Ang boses na iyon... Mababa. Matigas. Punong-puno ng authority. Siya ulit. Tumindig ang balahibo ko nang muli kong maramdaman ang presensya ng lalaking tinawag na “Uncle Wild.” Nakasuot siya ng dark blue polo na nakabukas ang dalawang butones, revealing just enough of his strong chest. Ang mga mata niya, nakatuon kay Jasper na parang kahit anong segundo ngayon, kaya niyang lunurin sa isang tingin. “Ano bang pinaggagagawa mo, Jasper?” galit na tanong nito. “Uncle, please—” BOG! Isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ni Jasper. Napaupo siya sa sahig. Nabitawan ang cellphone. Natulala si Trista. “’Yan ang problema sa’yo. Akala mo kaya mong pagsabayin ang dalawang babae sa iisang eskwelahan? Cheerleader at bestfriend? Isa kang walang kwentang gago.” Mariing salita ni Uncle Wild habang nakatitig sa pamangkin niya na parang wala itong silbi. Ako? Hindi na ako gumalaw. Hindi ko na rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang lahat ng sakit ko, inako ng lalaking ito sa isang suntok. Isang galit na pagtatanggol na hindi ko inasahan. Sa dinami-rami ng taong pwedeng umeksena, bakit siya? At bakit parang gusto kong pakinggan pa siya? “Asia,” bulong ni Jasper, humawak sa balikat ko. “I’m sorry. Pero… hindi na kita mahal.” Boom. Mas malakas pa iyon kaysa suntok ng uncle niya. Parang may sumabog sa tenga ko. Puso ko? Putok. Buo kong dignidad? Nagkapira-piraso. “Ganun kadali, Jasper?” mahinang sabi ko. “Ganun kadali akong palitan?” “Hindi na kita mahal, Asia,” ulit niya. “Mas okay kami ni Trista. Ikaw kasi—” “Shut the fuck up,” mariing sabi ng uncle niya. Bigla akong hinila ni Uncle Wild palayo. Hinawakan niya ang pulso ko, pero magaan lang. Enough to guide me away. Enough to make me feel... safe? “Come with me,” aniya. “Bakit?” “Because you deserve to walk away from this scene with your head high. Not in tears.” Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—ang bilis ng mga pangyayari, o ang bilis ng pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang tinig niya. Ang tibok na hindi ko naramdaman kahit kailan kay Jasper. At sa bawat hakbang kong papalayo sa banyo, habang kasama siya… isang tanong lang ang gumugulo sa isip ko: Sinong klaseng “Uncle” ang ganito ka-wild… at bakit parang gusto ko pa siyang makilala? Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng campus. Gabi na. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng mga sasakyan sa kalayuan at ang mga yabag namin habang naglalakad palayo sa eksenang muntik nang wasakin ang buong pagkatao ko. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kanina habang inilalayo ako. Pero ngayon, ako na mismo ang kumalas. “Hindi mo na kailangang gawin ’to,” mahinang sabi ko habang iniiwas ang tingin sa kaniya. Tumigil kami sa tapat ng isang lumang poste ng ilaw. Bahagyang madilim, pero sapat para makita ko ang reaksiyon niya—kalma, walang bahid ng pamimilit. “Hindi ko na kayang makita pa ulit ang pagmumukha ng pamangkin ko na ginagawa kang tanga sa harap ng lahat,” sagot niya. Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Sa dami ng nagsasabi ng "sorry" ngayong gabi—si Trista, si Jasper—siya lang ang naramdaman kong totoo. “S-Salamat,” mahina kong tugon. Nagkatinginan kami. Doon ko lang napagmasdang maigi ang mukha niya—matangos ang ilong, may matapang na panga, at ang mga mata niyang matalim ay may halong pag-unawa at galit sa pamangkin niya. Guwapo siya, pero may bigat at lalim na parang masyadong mapanganib… o masyadong nakakabighani. “Pasensiya ka na sa ginawa ng pamangkin ko,” dagdag niya. “Wala akong kontrol sa mga kagaguhan niya, pero ayokong isipin mong lahat ng lalaki pare-pareho.” Napakagat ako sa labi. Napatingin sa lupa. Kung ibang lalaki ang nagsabi niyon, baka sinampal ko na. Pero sa kaniya… parang iba ang dating. Hindi ko alam kung dahil ba sa husky niyang boses, o dahil sa paraan ng pagbitaw niya ng mga salita—kalma, pero may tama. “Masakit pa rin,” mahinang sambit ko. “Lalo na ’pag hindi mo alam kung saan ka nagkulang. Ginawa ko lahat para sa kanya. Supporta, oras, pagmamahal… pero ganun lang pala kadali akong palitan.” “Hindi mo kasalanan,” sagot niya. “’Yung kagaya ni Jasper, kahit anong ganda o kabutihan mo, hindi pa rin marunong makuntento. Hindi ikaw ang problema. Siya.” Tahimik ako. Pero sa gitna ng katahimikan, isang bagay ang hindi ko maipaliwanag: Magaan ang loob ko sa kanya. Sa estrangherong ito na tinawag lang ng nobyo ko kanina na "Uncle Wild." Sa isang lalaking kaka-meet ko lang… pero parang kaya kong ilabas lahat ng bigat ko. “Uncle Wild… iyon ba talaga ang pangalan mo?” tanong ko, pilit na ngumiti. Napailing siya. Bahagyang natawa. “Tawag lang nila sa’kin ’yon. Mali naman kasi agad ang reputasyon ko sa pamilya. But call me Wade.” Wade. Pangalan pa lang, parang gusto ko nang umasa ulit sa mga lalaking may "W" sa pangalan. Tumango ako. “Asia.” “Alam ko,” aniya, nginitian ako ng bahagya. “Ikaw ’yung babaeng pinakabaliw ang pamangkin ko pero binitawan pa rin.” Napatingin ako sa kanya, nagulat sa sinabi niya. “Sayang siya,” dagdag niya. “Pero mas sayang ka kung babalik ka pa.” Tumango lang ako. Walang salita. Kasi kung magsasalita pa ako, baka mapaiyak na ako sa harap ng lalaking ito. At ayokong maramdaman niya na ganun na ako ka-weak… kahit hindi ko maintindihan kung bakit, sa presensya niya, parang okay lang maging totoo.Alas-diyes ng umaga nang makarating sina Asia at Katie sa Maynila. Pagod ang kanilang katawan matapos ang biyahe, ngunit kasabay nito’y may dalang kakaibang saya at pananabik si Asia. Sa kabila ng bigat ng puso niya dahil sa naiwan sa probinsya, dama niya ang bagong simula. Pagkababa nila sa terminal, diretso silang nagtungo sa apartment na nahanap ni Asia sa Quezon City, malapit lang sa Philippine State College of Aeronautics sa Pasay City kung saan siya mag-aaral bilang flight attendant trainee. Malaki ang unit—isang two-bedroom apartment na may sariling veranda, kusina, at sala. Bagamat simple lang ang disenyo, malinis at maaliwalas. Tamang-tama para sa estudyanteng tulad niya na gustong magsimula muli. Pagkapasok nila sa loob, agad na nahiga si Katie sa sofa, habol-habol ang hininga. “Grabe, Asia… ang init at ang traffic dito sa Maynila. Pero ang ganda ng napili mong apartment, ha.” Ngumiti si Asia, bagamat bakas pa rin ang pagod sa mukha niya. “Oo nga eh, at least dito ma
“I’m ready,” biglang sabi ni Wild, diretso ang tingin kay Asia. Napatingin si Asia, namilog ang mga mata. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” Ngumisi si Wild, napahilig nang kaunti palapit sa kanya. “Sasama ako sa inyo… pabalik sa Maynila.” Nagulat si Asia ngunit hindi maitago ang tuwang naramdaman. Parang kumislot ang puso niya, at sa kabila ng pagtataka ay napangiti siya. “Talaga?” halos bulong niya, ayaw ipahalata kay Katie ang sobrang saya. Si Katie naman ay parang batang nanonood ng pelikula. “Ay naku, good idea ‘yan, Uncle! Para may magbabantay kay Asia habang nag-aadjust siya sa school.” Habang nag-uusap silang tatlo tungkol sa mga plano sa Maynila, napuno ang veranda ng magaan na tawa at biruan. Sweet ang eksena—lalo na’t panay ang sulyap ni Wild kay Asia, at tuwing magtatama ang kanilang mata, napapailing si Katie na parang kinikilig din sa eksena. Ngunit nabasag ang kasiyahan nang biglang sumulpot si Nita, may dalang bahid ng pagkataranta. “Sir Wild, Miss Asia…
“Aalis na ba talaga tayo mamaya?” tanong ni Asia habang nilalaro ang kutsara sa kanyang tasa ng tsaa. Nasa veranda silang dalawa ni Katie, tahimik na kumakain ng agahan habang humahaplos ang hangin ng umaga. “Oo, kailangan na talaga. Baka matambakan na ako ng papel sa Maynila kung magtagal pa tayo rito,” sagot ni Katie na may kasamang buntong-hininga, pero halatang pinipilit maging masigla para hindi sumama lalo ang loob ni Asia. Bago pa makasagot si Asia, isang lalaki ang lumitaw sa tarangkahan—may bitbit na lumang sumbrero at nakangiting parang sanay sa lahat ng tao roon. Lumapit siya, kumaway sa dalawa. “Magandang umaga, mga iha! Nandiyan ba si Abi? Sasama na siya sa pamimingwit ngayon,” malakas at masiglang bati nito. Napatingin si Katie kay Asia, tapos tumingin sa lalaki. “Ah, kayo po si…?” “Ako si Mang Kape,” sagot ng lalaki, pinahid ang pawis sa noo. “Malapit lang ang bahay ko rito. Tawag nila sa’kin Kape kasi kahit anong oras, may kape ako.” Napangiti si Asia, pero si K
Third Person POV (Wild): Pagkatapos ng usapan nila ni Katie, agad bumalik si Wild sa loob ng bahay. Mabigat ang pakiramdam niya, pero ayaw niyang manatiling negatibo tungkol sa sinabi ng pamangkin niya. “Hindi dapat ako basta maghihinala,” bulong niya sa sarili. Pero alam niyang may punto si Katie—kailangang maging mapagmatyag. Ayaw niyang dumating sa puntong masasaktan si Asia dahil sa kilos ni Abi, lalo na’t malinaw na may sariling pakay ang nurse na iyon. Pagpasok niya sa sala, naabutan niyang tahimik lang si Asia na nakaupo, waring nag-iisip ng malalim. Napatingin si Wild dito at may bahagyang kirot sa dibdib. Gusto niyang lapitan, pero bago pa man siya makagawa ng hakbang, tumayo na si Asia at nagtungo sa kusina. Pinakiramdaman niya ang kilos nito, at napansin niyang parang pilit ang bawat ngiti, parang may tinatagong inis o sama ng loob. Wild clenched his fists lightly. “Hindi ko hahayaang masaktan siya dahil lang sa kung anu-ano’ng intriga,” wika niya sa sarili, saka tumulo
“Bukas na ba talaga tayo aalis?” malungkot na tanong ni Asia habang nakatungo, iniikot-ikot ang kutsara sa tasa ng kape. Nasa balkonahe sila ni Katie, kasabay ng umagang almusal. Si Katie, nakatukod ang siko at ngumunguya ng tinapay, tumango. “Oo, Asia. Kailangan na nating bumalik ng Maynila. Pasukan na sa susunod na linggo, at kailangan mong maasikaso ang mga papeles mo.” Naroon din si Lola sa kabilang mesa, nakikinig habang nakasandal sa upuan. Pinahid niya ang gilid ng labi gamit ang panyo bago magsalita. “Sumama ka na muna kay Katie, apo. Ang kasal n’yo ni Wild… saka na lang natin pag-usapan ’yan kapag nakatapos ka na sa pag-aaral. Mas mahalaga ang kinabukasan mo.” Bahagyang napangiwi si Asia, may halong lungkot at panghihinayang. Sa gilid ng pintuan, nakikinig si Abi na kunwari’y nag-aayos ng mga halaman. Hindi nakaligtas sa kanya ang buong usapan—mula sa pag-alis nila Asia hanggang sa pagkakaantala ng kasal. Lihim siyang napangiti, kumindat pa sa sarili habang bumubulong
Tahimik ang buong bahay. Alas-nueve na ng gabi at ang tanging maririnig lang ay huni ng mga kuliglig sa labas. Nasa silid si Wild, nakatayo sa may veranda habang nakikipag-usap sa telepono tungkol sa isang proyekto sa kompanya. > “Oo, i-finalize na lang natin bukas. Siguraduhin mong ready yung documents…” malamig at seryoso ang tono ni Wild habang nakatanaw sa dilim. Habang nagsasalita, may narinig siyang mahina ngunit mabilis na katok. Tok! Tok! Napalingon siya, bahagyang nagtaas ng kilay. “Gabing-gabi na ah,” bulong niya sa sarili. Tinapos agad ni Wild ang tawag at tinungo ang pinto. Nang buksan niya iyon, bumungad si Asia—naka-short shorts at manipis na sleeveless top, hawak ang tray na may dalawang baso ng juice at ilang crackers. Bahagyang napalunok si Wild nang mapansin ang suot nito, pero agad din niyang iniwas ang tingin para hindi mahalata. > “Gabi na ha,” puna ni Wild, bahagyang kunot-noo. “Anong ginagawa mo rito?” Ngumiti lang si Asia, parang inosenteng bata,
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments