Tumawag nga si Nabrel pasado alas diyes na ng gabi. Iyon daw ang eksaktong labas niya mula sakaniyang trabaho. And I can't believe I really waited for him to call me. Ni hindi ako mapakali sa bawat minutong dumadaan. At nakakairita dahil napakatagal niyang tumawag.
Naiintidihan ko naman na bawal ang cellphone sakanila at sumusunod lang siya sa rules. It's just that... naiinis talaga ako. What kind of management is that, right? Paano kung biglang may emergency sa bahay nila? How would he able to know that if he cannot even touch his phone while working? Very irrational and unjustifiable! Ipasara ko kaya ang restaurant na iyon?
I told him to free his schedule this coming Sunday. He didn't hesitate to say yes. Ang sabi niya ay may trabaho siya ng Linggo ngunit pumayag naman sa hiling ko. I didn't ask though. I'll pay him kaya hindi naman masasayang ang araw niya.
Hindi na bumalik si Davien sa mansiyon. He texted me saying that he needed to go back to Manila dahil sa mga pinapagawang trabaho sakaniya ng kaniyang ama. Hindi na ako nag-reply pa. Iyon din naman ang gusto kong mangyari. I really think we need to cool off. Siguro ay alam niya rin sa sarili niya na iyon ang kailangan namin. Siya lang din naman ang dahilan ng lahat kaya nagkaganito ang relasyon namin. He cheated. He fucking cheated. Maybe Vicky was right. I should not have gave him another chance...
Sa tatlong araw na lumipas, nanatili lamang ako sa mansiyon. Sinubukan kong magluto ng kung anumang makita ko sa internet. Kahapon, nagluto ako ng sinigang na baboy ngunit ayon kina Manang, hindi maasim at sobrang tabang. Hindi ako ang tumitikim dahil tinatraydor ako ng utak ko at iniisip na masarap ang lasa ngunit ang totoo ay hindi naman.
Alas kwatro ng madaling araw nang magising ako. Bumaba ako upang magtimpla ng kape. Madilim pa sa baba at panigurado'y tulog pa ang mga kasambahay. Nang palapit na ako sa dining area, natigilan ako nang makarinig ng boses.
Si Blair.
She was laughing. Kumunot ang noo ko at nagpatuloy sa pagpasok. Naabutan ko siyang nakatalikod at mukhang nagtitimpla ng kaniyang kape.
"Sira ulo ka talaga, Nabrel! Hindi mo dapat ginawa iyon. Anong sabi ng customer?" May bahid ng tawa ang kaniyang boses.
Bakit napaka aga niyang may kausap sa telepono? At si Nabrel ang kausap niya? Ganitong oras ba siya nangingisda?
Humakulipkip ako at sumandal sa pader. Nagtaas ako ng kilay habang nakikinig, tinatanaw ang likod at itim na mahabang buhok ni Blair.
"Kayong dalawa lang ni Senyel? Si Kaloy?"
I lazily rolled my eyes at her back. Nagpatuloy ako sa pagpasok at mukhang naramdaman niya kaya napalingon siya sa akin.
"Ma'am Talianna! Gising na pala kayo," gulantang pa niyang sinabi habang nasa tainga ang kaniyang telepono.
No, Blair. I'm just sleep walking. Stupid maid. Ba't ba ako napapaligiran ng mga ganito?!
Nagtaas lamang ako ng kilay at umupo sa mahabang mesa. She gave me an apologetic smile. Tila gusto niya pang maghintay akong matapos ang tawagan nilang dalawa!
Ang kapal!
Tumalikod siya at tinakpan pa ang bibig habang nagsasalita sa kaniyang cellphone.
"Si Ma'am Talianna, Nabrel. Sandali lang... oo, gising na... hindi ko rin alam," mahina niyang sinabi.
"Blair, I want coffee. Now. Who the hell are you talking to in this early morning?" Malakas at mariin ang aking boses. Gusto kong malaman niya na hindi ako natutuwa sa pakikipag-usap niya sa telepono. Sa ganitong oras. Sa harapan ko. Kausap si Nabrel.
Lumingon siya sa akin at kitang-kita ko ang kaniyang paglunok bago mabilis na ibinaba ang kaniyang telepono.
"P-Pasensiya na, Ma'am. Nangamusta lang si Nabrel," aniya sa maliit na boses.
Umirap ako. "Make a coffee now."
Pinanood ko siyang mabilis ang mga galaw. Kitang-kita ko ang pagsayaw ng kaniyang buhok. Ang sarap hilahin.
Nang ilapag niya ang kape sa aking harapan, she apologized again.
"Bakit ang aga-aga, e, magkausap kayo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
She smiled a bit. "Uhm, tinawagan ko lang siya dahil ganitong oras ay gising na iyon. Mas maaga pa dahil nangingisda sila."
Sumimsim ako sa kape at nagkunwaring hindi interesado sakaniyang sinasabi.
"Gusto niyo ba ng french toast, Ma'am?" Aniya nang hindi ako umimik.
"No, thanks. So..." Inilapag ko ang tasa at mariin siyang tinignan. Nakatayo siya sa kabilang banda ng mesa, naghihintay ng aking utos.
"Kasalukuyan ba siyang nasa laot ngayon?" Malamig kong sinabi.
Tumango siya. "Alas dos o alas tres pumapalaot ang mga mangingisda."
Kumunot ang noo ko at ilang sandaling nag-isip.
Napakaaga. Ibig sabihin, maiksi lang ang tulog niya. At pagkatapos mangisda, tutungo siya sa palengke upang gawin ang trabaho niya roon bilang kargador at sa tanghali...
Paano niya nagagawa ang lahat ng iyon? Hindi ko lubos maisip na may tatlo akong trabaho na kailangang gampanan sa loob ng isang araw. At araw-araw ay iyon ang kailangan mong gawin.
Habang ako, pinoproblema kung anong maaari kong gawin dito sa Belleza Eterna upang hindi mainip.
Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit kinukurot ang puso ko habang iniisip iyon.
Why does other people's lives have to be this so difficult...
"G-Gaano sila katagal nananatili sa laot?" Bulong ko.
"Naghihintay po sila ng ilang oras at huhugutin na nila ang lambat bago pa sumikat ang araw." Tumitig siya sa akin na tila ba nagtataka sa aking pagtatanong. Nag-iwas ako ng tingin.
"I'm just curious," napapaos kong sinabi.
Bumagsak ang tingin ko sa aking cellphone na nasa tabi ng kape. Can I call him then? I just want to... maybe say hi to him. Kumustahin siya sa laot. Kung ano na ba ang nangyayari roon. Kung mabigat na ba ang lambat. I don't know. I just want to hear his voice.
Binitbit ko ang aking kape patungo sa balkonahe ng kwarto ko. Tinanaw ko ang madilim na karagatan. Pumasok sa akin ang imahe niyang nasa bangka, sa gitna ng karagatan...
Ang iba ay mahimbing pa ang tulog ngayon. Kumportable sakani-kanilang mga kama. And there was Nabrel...
This is his normal life. Ang kaniyang nakasanayan. I felt a warmth in my heart. A very pleasant feeling. Ano kayang maaari kong maitulong para hindi niya na kailangan pang mangisda nang ganito kaaga? Maybe I could ask Dad to hire him as... ano bang kurso niya? I could also ask to give him a higher salary. Pwede kong gawin iyon.
Napangiti ako sa aking iniisip.
I stared at my phone. Pumikit ako nang mariin bago hinanap ang pangalan niya. Hindi na ako nag-isip pa nang pindutin ko iyon. Nilagay ko sa aking tainga ang telepono at naghintay.
I was biting my lip while waiting for him to answer my call. I was kinda nervous. Humugot ako ng malalim na hininga at hinaplos ang aking buhok.
Sandali pa akong natulala nang sagutin niya ang tawag. He didn't talk. Pinakiramdaman ko ang kaniyang kalmadong paghinga.
"Talianna..." he whispered.
Umawang ang aking labi. Why am I nervous? What the hell! Bigla tuloy akong naalarma sa ginawa. Why did I even call him? Anong sasabihin ko? Maybe I could say that I accidentally dialed his number, right? Katanggap-tanggap naman iyon.
"Uhm, who's this?" Pumikit ako nang mariin at sinapo ang aking noo.
I heard him chuckled softly. Nanlaki ang mga mata ko.
"Mukhang nananaginip ka pa. Dapat ba akong maging masaya na ako ang nasa panaginip mo?"
"What? Shut up, Nabrel. Ang aga-aga!" Uminit ang pisngi ko.
"Ang aga-aga pero tumatawag ka. Nabubulabog tuloy ang mga isda."
"Wrong dial lang, Nabrel." Umirap ako.
"Sino dapat ang tinatawagan mo, kung ganoon? Iyong boyfriend mo?" May bahid ng panunuya ang kaniyang boses.
"Yes! At bakit naman kita tatawagan?" I yelled to save face. He just gave me an idea. I didn't even think about Davien.
"Hmm," mahina ang kaniyang boses.
Ilang sandali kaming natahimik. I could just end this call but there was a part of me telling me not to.
"Hindi naman kayo bagay niyon..." he whispered suddenly.
Kumunot ang noo ko. "And what do you mean?"
"Hindi kayo bagay, Talianna," ulit pa niya sa tamad na tono.
"Whatever," mahina kong sinabi. Ngumuso ako at tinukod ang aking braso sa barandilya. Nagpangalumbaba ako habang natutulala sa kawalan.
"Talianna..." he said softly after a minute of silence.
"What?" Iritado kong sambit.
I inhaled slowly. Pakiramdam ko ay tinatakasan ako ng hangin sa simpleng pag-uusap na ito.
"Kumakain ka ba ng isda?" He asked out of the blue.
Unti-unting nagsalubong ang kilay ko.
"No," I uttered honestly.
Dinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. "Napakaarte talaga."
Napasinghap ako sakaniyang sinabi. Napakadali sakaniyang husgahan ako dahil lang sa hindi ako kumakain ng isda! I have reasons!
"Hindi ako kumakain ng isda dahil na-trauma ako, Nabrel. When I was a kid, malaking tinik ang nagbara sa lalamunan ko. Ilang oras kong iniinda iyon! They even rushed me to the hospital dahil hindi ko na talaga kinakaya. At mula noon, hindi na talaga ako kumain ng kahit na anong klase ng isda. It was very traumatizing. Hanggang ngayon parang nararamdaman ko pa rin iyong tinik! Hindi ako nag-iinarte lang!"
It was true! It happened when I was in grade school. Hindi ako nag-iinarte tulad ng inaakala niya. He always says that! I'm not maarte, 'no!
"Ipaghihimay naman kita. Hindi ka na matitinik. Pangako iyan," may bahid pa ng tawa ang kaniyang boses.
Ngumuso ako upang pigilan ang ngiti. Pumikit ako nang mariin at halos sabunutan ang sarili. Hinawakan ko ang aking pisngi at marahan itong tinampal.
"You're so annoying, Nabrel..." I whispered.
"Palagi mong sinasabi iyan. Papuri na nga ang dating sa akin, e," he said playfully and chuckled a bit.
"Kuya, hindi pa ba tapos? Hugutin na natin ang lambat," I heard someone in the background. I assume it was his brother.
Napakurap ako at napaayos ng tayo.
"Uhm, I-I'll go now, Nabrel," sambit ko sa maliit na tinig.
"Iyon na 'yon? Ang bilis naman," he chuckled again.
I bit my lip. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. I tried to smile. "Bye, Nabrel. I... take care."
"Sandali lang, Talianna."
"Hmmm?"
"Magandang umaga. Hindi kita nabati kanina."
Pumikit ako at napangiti. I shook my head. "Good morning. Bye." I immediately cut the call.
Ilang sandali pa akong natulala bago napagpasiyahang pumasok sa aking kwarto.
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal