Share

Chapter 19

Penulis: reyvonn
last update Terakhir Diperbarui: 2021-10-20 15:14:23

I grabbed my chiffon cover up and immediately followed them to the guestroom. Nanginginig pa rin ako at hindi matigil sa pagbuhos ang luha ko dahil masyado akong natakot sa nangyari. I don't think I would be able to sleep tonight. 

Nilapag ni Nabrel si Blair sa kama na kapwa basang-basa pa rin. I stood behind Nabrel. I bit my lower lip while contemplating the right words to say. Suminghot ako at pinalis ang luha sa aking pisngi. I glanced at my Dad who was looking at me with his cold eyes while crossing his arms. He pursed his lips and cleared his throat. 

Nag-iwas ako ng tingin. Masyado akong nagui-guilty sa nangyari. Matindi ang pagsisisi ko. I probably look stupid now. 

"Blair, I think you need to change your clothes first. Take a shower. Magpahinga ka na muna rito at ipagpaliban mo muna ang pag-alis," Dad announced. 

Si Nabrel ay nakaupo lamang sa kama, tulala kay Blair na nakangiti ng tipid ngayon sa aking ama. 

"Salamat po, Sir. Uhm, pasensiya na. Nabasa ko ang kama niyo." 

"No. It's fine. Magpalit ka na. You might get sick." 

Lumunok ako bago magsalita. Blair was already looking at me. Tipid ang kaniyang ngiti sa akin. Hindi ko siya makitaan ng kung anumang galit o paninisi.

"B-Blair, are you okay? I'm really sorry. I-I didn't know that you're-" 

"Ayos lang, Ma'am Talianna. Hindi naman ako napaano. Huwag niyo nang sisihin ang sarili niyo." Umahon siya mula sa kama. 

"But it's my fault. W-What do you want me to do para makabawi ako sa'yo? Anything, Blair. I'm culpable of my wrongdoing. I deserve to be blamed. Kasalanan ko naman talaga..." I couldn't stop crying. I suddenly felt like I'm a bad person for what I've done. Paano kung wala si Nabrel? Paano kung walang nakarinig sa sigaw ko? I might have killed her! 

"Ma'am, ayos lang talaga. Huwag niyo na po akong alalahanin. Alam ko naman na hindi mo ginusto ang nangyari. Tama na ang pag-iyak."

"B-But it's my fault! I'm really sorry, Blair. I really am," my voice shook.

I don't think I would get tired of apologizing to her. 

"Talianna, you should fix yourself first. Magbihis ka. We will talk later. Go. Fix yourself," mariing utos ni Dad. I looked at him with my swollen eyes. Lumipat ang tingin ko kay Nabrel na nakatayo na ngayon malapit kay Dad, madilim ang titig sa akin.

Umigting ang kaniyang panga. He looked enraged. Nanuyo ang aking lalamunan. Sobrang bigat at dilim ng mga mata niya. I couldn't blame him. Muntik ko lang naman mapatay ang girlfriend niya kaya naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang kaniyang matinding galit. 

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtayo ni Blair. She went out of the room, probably to change her clothes. Isang sulyap ang ibinigay ko kay Dad bago ako lumabas upang makapag-shower na rin. Hindi ko na nilingon pa si Nabrel. Hindi ko kayang tignan ang nagdidilim niyang tingin sa akin. 

I changed into my usual summer dress. Nagtungo kaagad ako sa guestroom sa pag-aakalang naroon pa sila ngunit wala ng tao roon. Isang oras ang itinagal ko dahil nagbabad pa ako sa bathtub. Pakiramdam ko ay na-drain ang buong katawan ko dahil sa nangyari.

Narinig ko na lamang kay Manang Fely na nakaalis na raw sina Nabrel at Blair. Hinatid sila ni Manong Lucio, driver ni Dad, pauwi sakanila gamit ang Alphard.

"What the hell happened, Talianna? Ikaw ba ang nagtulak kay Blair sa pool? Why did you do that? Nawawala ka na ba sa katinuan?" Mariing wika ng aking ama nang puntahan ko siya sa library. 

I stared at him and sighed. "Yeah. I pushed her but-" 

"You pushed her?! Talianna, what the hell is wrong with you? Muntik ka nang makapatay! Nagrerebelde ka ba dahil pakiramdam mo'y ikinukulong kita rito?!" 

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling. Why would he even think that?!

"No! Dad, listen to me first. Yes! I pushed her but it was not my intention to... kill her! Hindi ko alam na hindi pala siya marunong lumangoy," pangangatriwan ko sakaniyang paratang. 

"Bakit mo siya itinulak kung ganoon? I swear, Talianna! You'll be the death of me! Jesus!" Pumikit siya nang mariin at madramang hinilot ang kaniyang sentido. 

"I... I just wanted... you know, Dad. Have some fun." Kinagat ko ang aking labi. 

He gasped and shook his head. 

"But it didn't turn out fun. Muntik ka nang makapatay, Talianna! Alam mo ba kung gaano kalaking problema ang maaari mong maidulot sa akin kung sakali man," he stopped and heaved a deep sigh. 

"I'm sorry, Dad." Ngumuso ako. 

I feel like I need to do something to lessen the guilt that I feel. Hindi ko lang alam kung paano. Pero mabuti na iyong may gawin ako kaysa wala, hindi ba? Hindi ako matahimik dito sa mansiyon. Binabagabag pa rin ako ng aking konsensiya. Kaya matapos ang pangangaral sa akin ni Dad, naisipan kong utusan si Manong Lucio na magtungo sa pamilihan upang mamili ng mga groceries. Nagbigay ako ng sampung libo. 

Tingin ko ay iyon lang ang magagawa ko. In that way, I'll be able to help not only her but also her family.

Ngumiti ako nang makita sa likod ng sasakyan ang mga pinamili ni Manong Lucio.

"Kina Blair po tayo, Manong Lucio. Tanda niyo pa ba ang daan patungo roon?" I asked him.

Tumawa siya. "Oo naman, Ma'am."

Hinayaan ko siyang magmaneho habang ako ay tulala lang sa bintana. Sampung minuto ang naubos bago kami nakarating. Dinaanan namin ang bahay nina Nabrel at sinundan ko pa iyon ng tingin. Natanaw ko sa labas ang kapatid niyang si Senyel na may kausap na isang binatilyo rin. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo nang tumingin sa sasakyan. 

"Dito na, Ma'am. Bababa po ba kayo?" si Manong Lucio.

Hindi na ako sumagot at binuksan na lamang ang pintuan sa aking gilid. Ilang bahay lang ang pagitan nila ni Nabrel. Sobrang lapit lang. 

Naabutan ko ang isang may edad na babaeng nagwawalis sa bakuran nina Blair. I smiled at her when she looked at me. Tingin ko ay siya ang ina ni Blair. May pagkakahawig silang dalawa. Nilingon ko si Manong Lucio na abala na sa pagbababa ng mga groceries bago muling bumaling sa ginang. Huminto siya sa pagwawalis at nakakunot ang kaniyang noo sa akin. 

"Uhm, magandang umaga po. Si Blair po sana ang sadya ko."

"Ay! Iyong anak ni Sir Lavino! Hindi ba? Hala! Halika, Ma'am. Tuloy ka. Jusko. Pasensiya na. Hindi ako nakapaghanda," aniya at hindi malaman kung saan itatabi ang kaniyang walis. Ngumiti lamang ako habang naghihintay na buksan niya ang kahoy na nagsisilbing kanilang gate. 

"Thank you po," I said when I got inside. 

"Bakit ka naparito? Pinapasundo na ba ako ng ama mo? Mamayang gabi pa ang dating ko dapat." 

"Uhm, no. Actually, I went here to give you some... groceries. It's, uhm..." 

Alam ba niya ang nangyari sa anak niya na muntik na itong malunod dahil sa kagagawan ko? Paano ko naman sasabihin sakaniya na kaya ako narito ay dahil gusto kong pagbayaran ang ginawa kong muntik nang maging sanhi ng pagkamatay ng anak niya? 

"Halika sa loob. Ano bang gusto mong meryenda? Kumakain ka ba ng minatamis na kamote? Nagluto ako," aniya nang makapasok kami sakanilang bahay. Naabutan ko ang dalawang batang lalaki na nanonood ng telebisyon. Ang isa ay tumakbo palayo. 

"Hindi na po. Hindi naman po ako magtatagal. I-I just want to give you something. For your family." Kinagat ko ang aking labi at napakurap. "I-It's my way po para humingi ng tawad kay Blair." 

Saktong nalingunan ko si Blair na lumabas mula sa isang silid, kasunod si Nabrel. Sandali akong natulala. 

Nagsalubong ang kilay ni Nabrel habang nakatitig sa akin. Tumikhim ako ay ngumiti kay Blair.

"Uhm, I just came here for... uhm." Nilingon ko si Manong Lucio na binababa ang mga groceries. "These..." Itinuro ko ang mga iyon. 

Napakurap si Blair habang nakaawang ang mga labi. Napansin ko na masyadong maluwag sakaniya ang suot niyang jersey shirt. Naglakad siya palapit sa akin at ngumiti habang tinatanaw ang mga groceries. 

"Naku. Sobra naman iyan, Ma'am Talianna. Hindi ka na dapat nag-abala pa. Hindi mo kailangang-" 

"No, Blair. Let me. Tingin ko nga kulang pa ito." 

Hinaplos niya ang kaniyang buhok at tumango. 

"S-Salamat, Ma'am. Malaking tulong iyan. Masyadong marami," she laughed awkwardly. 

Ngumiti ako sa batang lalaki na sinisilip ang laman ng mga kahon. Nang makita niya akong nakatingin ay bigla siyang tumakbo sa ginang, niyakap ang baywang nito at ibinaon sa tiyan nito ang mukha. Tumawa ang ginang at hinaplos ang buhok nito. 

"Nahihiya sa'yo, Ma'am. Mahiyain talaga 'to sa mga magaganda. Kumain ka muna ng kamote rito. May juice kami. Gusto mo ba iyong pineapple? 'Yon lang kasi ang nandito. Pwede akong-" 

"Hindi na po siguro. Maraming salamat na lang po." 

"Ganoon ba?" Nahimigan ko ang dismaya sa kaniyang boses. Napalingon ako kay Nabrel nang magsalita siya. 

"Hindi maganda ang tumanggi, Talianna. Kumain ka muna bago kayo umalis," malamig niyang sinabi habang mariin ang titig. 

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sakaniya. Nilingon ko na lamang ang ginang. "Uhm..." I don't even know what to say. Hindi ko alam at baka na-offend siya sa pagtanggi ko sakaniyang alok. 

"Masarap ang minatamis na kamote ni Mama. Tikman niyo, Ma'am Talianna. Isama mo na rin ang driver mo." 

Ngumiti na lamang ako kay Blair at sumunod sakanila. Sa pagtalikod niya, nahagip ng tingin ko ang apelyidong nasa kaniyang jersey.

Trenuver at ang numero ay eight. 

Ngumuso ako. Kaya pala masyadong maluwag sakaniya dahil hindi naman sakaniya iyon. It was Nabrel's. How sweet, huh? 

Pumait ang sistema ko sa mga iniisip. Nang mapalingon ako kay Blair ay nahuli kong nakatingin na siya sa akin. Tipid siyang ngumiti na sinuklian ko naman. Siya ang umiwas ng tingin habang ako nama'y naiwang nakatitig sakaniya. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 10

    Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 9

    "Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 8

    "Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 7

    Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 6

    Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.

  • Plenitude of the Soul   Special Chapter 5

    "Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status