Share

Chapter 29

Blair was pregnant. I don't know why but that thought occupied my mind hanggang sa matapos ang klase ko. She was pregnant and... who might be the father of her child?

Nabrel...

Kitang-kita ko kung paano siya mag-alala kay Blair. Itanggi niya man na walang namamagitan sakanila ngunit hindi iyon ang nakikita ko sakanilang mga aksiyon. They were more than that. Sigurado ako roon. 

Posibleng wala silang relasyon ngunit posible rin na may nangyayari sakanila even they were not in a relationship. Ganoon naman sa panahon ngayon, hindi ba?

But who am I to judge them? 

Could it be? Si Nabrel kaya ang ama? Anumang gawin kong pagpipilit na burahin ang iniisip, mas lalo lang ito nagmamarka sa utak ko. Do I have to ask Nabrel about this? If he's the father? Hindi yata ako patatahimikin ng iniisip ko hangga't hindi ko nalalaman ang kasagutan. They are both of legal age. Graduating na rin at siguradong may plano na sila sa kani-kanilang mga buhay. They are both endeavoring to become a successful engineer. 

Tahimik lamang ako at ni hindi ko magawang tumingin kay Nabrel habang patungo kami sa parking lot. Iniabot ko sakaniya ang bag ko nang walang sinasabi. I just smiled a bit at him at nauna na sa paglalakad. 

Kumusta na si Blair? Nang lumabas ako ng infirmary kanina, naroon pa rin si Nabrel. He probably couldn't leave her. He was probably too worried about her... at sa baby. 

Naisip ko tuloy... iyon kaya iyong pinag-usapan nila noon? When Blair asked Nabrel if they could talk in the parking lot. 'Yon kaya ang dahilan? I remembered that she cried. At nabanggit niya na si Nabrel lang ang masasabihan niya ng kung anuman iyon. 

Siya lang dahil siya ang ama. 

Wala si Blair. Hindi tulad noong mga nakaraang araw, naghihintay na siya sa parking lot ngunit ngayon ay wala siya. I didn't say anything kahit pa na gustung-gusto ko nang magtanong tungkol doon. 

Probably he sent her home? 

Binuksan niya ang front seat habang mariin ang titig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at tinungo ang pintuan ng backseat. Ako na ang nagbukas niyon at pagkatapos ay mabilis na sumakay.

I don't know... 

Ayaw ko muna siyang makausap. I just want to rest. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw. There was a strange feeling in my heart. Mabigat at... parang nanghihina ito.

Walang nagsasalita sa amin sa gitna ng biyahe. Dinadamdam ko lang ang bawat paghinga ko na tila bumibigat sa bawat tanawin na dumadaan. Habang tumatagal ay pakiramdam ko nagiging limitado ang hangin.

I heard him cleared his throat. I didn't look at him. Nanatili akong tulala sa bintana. 

"Umuwi na si Blair. Sinundo siya ni Kaloy. Masama ang pakiramdam niya," malamig ang kaniyang boses.

I didn't answer. What would I say? How does it feel to have a baby? How does it feel that you impregnated your friend? Or girlfriend? 

Hindi na siya nagsalita pa nang mapansing hindi ako umiimik. Just drive! You're going to be a father soon. Would he be a good father though? 

Ang bilis, ah? Kailan ko lang ito naging crush tapos ngayon ay magkaka-anak na. Nakakadismaya. 

"Uhm." Tumikhim ako at nilingon siya. Ayaw ko naman na manahimik na lang dito at baka kung ano pang isipin niya. Bigla na lang ganito ang mood ko. Baka magtanong pa. At ayaw kong umabot pa sa ganoon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at paulanan siya ng mga tanong... at ng aking hinanakit. 

They should have used a protection! Kahit ilang beses nilang gawin iyon, sana man lang ay inisip nila ang mga posibilidad na maaaring mangyari! Sabik na sabik ba sila sa isa't isa at ni hindi na magawang...

Shit! Pakiramdam ko tumitindi ang kung anong negatibong emosyon na umuusbong sa loob ko.

Kinagat ko ang aking labi at pinisil ang kamay. I need to calm down. Fuck. I need to calm down...

"Sa Linggo... hindi ba birthday ng kapatid mo? Si Senyel ba?" I tried to start a topic nang sa ganoon ay malihis ang atensiyon ko sa ibang bagay. But... it didn't. Matindi na ang pagpipigil ko sa aking sarili na buksan ang usapan tungkol doon. That's a sensitive topic and I shouldn't interfere in it. It doesn't concern me. I should remember that.

Pagkatapos ng aking sinabi ay nag-iwas na ako ng tingin sakaniya.

"Hindi. Iyong bunso namin," aniya.

Napabaling muli ako sakaniya at bahagyang nag-isip.

"Uhm, lalaki rin ba? Para alam ko kung anong ibibigay kong regalo."

"Babae siya, Talianna. Trese anyos pa lang siya. Linella ang pangalan niya. Tsaka hindi mo na kailangan pang mag-abot ng regalo."

"Hindi pwedeng wala akong ibigay, Nabrel. Hayaan mo ako," mariin kong sinabi at napairap na lang.

Narinig ko lamang ang pagbuga niya ng hangin at hindi na nagsalita pa. 

When I got home, tumuloy lamang ako sa aking kwarto. Nag-isip ako ng kung ano bang magandang pangregalo para sa kapatid ni Nabrel. I wonder what his sister looks like? Si Nabrel at Senyel ay magkahawig. Unang tingin sakanilang dalawa ay iisipin mong magkapatid talaga. Lalo na ang kakaiba nilang mga mata. They also have the strong jaw that stands out. It is the first thing you'll notice when you look at their faces, bukod sa mga mata nilang kulay berde. 

Siguro ay kung may pagkakaiba man, iyon ay mas mukhang seryoso si Nabrel. Nabrel's facial features were rougher than Senyel's. Senyel was the goofy type while Nabrel... well, he was a bit serious ngunit maraming pagkakataon din na magaling siyang mang-asar kaya iritadong-iritado ako sakaniya.

Naisip ko tuloy... sino kayang magiging kamukha ng baby nila ni Blair? Blair was beautiful. Hindi iyon maitatanggi. Kaya siguro inanakan ni Nabrel. Ayaw niya nang matakasan pa.

Agresibo kong hinaplos ang aking buhok dahil sa mga pinag-iisip ko. I hate to think about their baby! God! 

Siguro ay napakasama ko dahil naiirita ako sa baby nilang hindi pa naisisilang pero hindi ko talaga mapigilan. Why... why did he have to impregnate her? Kung aksidente man o intensiyon niya talaga... ano pa bang magbabago roon? The baby was already there! Maghihintay lang ng ilang buwan at lalabas din! And then they will get married... start a happy family. 

When Sunday came, I just wore a red crochet top and white skirt. Tinernuhan ko na lamang ng flat shoes. Nabrel will be here any minute now. Susunduin daw niya ako kaya naman narito ako ngayon sa lanai at naghihintay sa pagdating niya. It's already five in the afternoon. He was already 15 minutes late sa oras na napag-usapan namin. 

I want to text him but I stopped myself from doing so. Mariin kong tinikom ang aking bibig habang matalim ang titig sa aking cellphone. 

Pinaghihintay niya ako at ni hindi man lang niya makuhang mag-text! Edi sana alam ko kung masusundo niya pa ba ako o kay Manong Lucio na lang ako magpapahatid. Hindi iyong para akong tangang naghihintay sakaniya rito! Kahit text man lang sana! Kahit text lang! 

Siya pa mismo ang nagsabi kahapon na susuduin niya ako. Sinabi kong hindi na rin naman kailangan dahil pwede naman akong magpahatid sa driver namin pero nagpumilit siyang sunduin ako rito sa mansiyon! Pero nasaan siya ngayon?! 

Nagbuga ako ng hangin at kinalma ang aking sarili. Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. I hate that I easily get affected by him! Sa tuwing nadidismaya ako sakaniya, hindi ko maiwasang maiyak na lang. I feel that he doesn't really care about my feelings. Na para bang wala siyang pakialam kahit magalit, mainis o mairita man ako sakaniya. 

I like him but I don't like these bizarre emotions that he makes me feel with just his simple actions. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. 

Nanginig ang mga labi ko nang mabasa ang text niyang kadarating lang. Halu-halong emosyon ko na halos nakakabaliw na.

Nabrel:

– Si Kaloy ang susundo sa'yo, Talianna. Papunta na siya riyan. May emergency lang. Dinala sa ospital si Blair. Kailangan kong bantayan. Huwag mo na lang sanang banggitin kay Tita Josefa na nasa ospital ang anak niya. Bilin lang ni Blair dahil tiyak na mag-alala iyon. Pasensya na, Talianna. 

Kinagat ko ang aking labi. Bumuhos na ang luha ko at pakiramdam ko ang tanga ko sa lagay na ito. Ano bang iniiyak-iyak ko? Ano bang pakialam ko kung bantayan niya man si Blair? Of course! Blair is very special to him! She's the mother of his unborn child! Kailangan niyang ingatan, alagaan... at mahalin!

Marahas kong pinunasan ang aking pisngi at tumayo. I won't go to that stupid birthday party anymore! Nawalan na ako ng gana. Gusto ko na lang humiga at umiyak sa kama ko.

"Kapag po dumating si Kaloy, paki-abot po ito sakaniya, Manang. Tell him that I'm not feeling well kaya hindi na ako sasama sa party," malamig kong bilin kay Manang Fely at iniabot sakaniya ang kulay pink na paper bag na naglalaman ng dress para kay Linella. 

"Hala, Maam. Ayos ka lang? Gusto niyo dalhan ko kayo ng sabaw sa kwarto ninyo?" I heard Manang Josefa but I ignored her.

Ngumiti lamang ako kay Manang Fely at tumungo na palabas ng dining area.

I remove all my clothes and changed into white silk dress pagkatapos ay binagsak na ang aking katawan sa kama.

I don't know how long it had been but  when I woke up, it was already dark outside. Nabanggit din ni Manang Fely na dumaan nga si Kaloy dito. Inabot niya ang regalo ko para kay Linella at nagtanong pa raw si Kaloy kung bakit hindi ako makakadalo and she answered him that I wasn't feeling well gaya ng sinabi ko.

I was just staring at the horizon from here in my balcony. Kitang-kita ko rito ang mga munting ilaw sa malayong panig ng karagatan. Nakadungaw ang kalahating buwan sa aking kinatatayuan at ang munting kislap ng mga bituin. Marahang hinihipan ng malamig na hangin ang aking nakalugay na mahabang buhok. 

Katatapos lang ng tawag namin ni Vicky. Nabanggit niya sa akin na hindi raw siya magkakaroon ng engrandeng party sakaniyang debut sa darating na susunod na buwan. Nasa kalagitnaan ng krisis ang kanilang negosyong furniture ngayon. Simpleng dinner na lamang daw kasama ang kaniyang pamilya. Inimbitahan niya ako and I promised her that I'm gonna be there. Hindi pwedeng mawala ako sa mahalagang araw niya. 

Bumagsak ang tingin ko sa aking cellphone. Natulala ako sa screen nang makita ang pangalan ni Nabrel. 

Lumunok ako kasabay ng pagkirot sa puso ko. 

I mindlessly answered the call. 

"Talianna..." I heard his cold voice. 

Dahan-dahan akong nagpakawala ng malalim na hininga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status