Share

Chapter 28

Bakit hindi niya sinabi?! At base sa reaksiyon ni Blair, mukhang hindi siya pabor sa ginawa ni Nabrel. Kahit siguro ako ay hindi papayag na tulungan niya kung alam ko namang may mas mahalaga pa siyang kailangang gawin!

"Why didn't you tell me, Nabrel? Ang sabi mo wala ka ng klase kanina! You lied!" Madrama kong sinabi.

God! Na-guilty tuloy ako bigla. Mas gugustuhin ko pang bumagsak na lang kaysa ilagay sa alanganin si Nabrel. Hindi ito kinakaya ng konsensiya ko. He should have told me about that!

Nabrel clicked his tongue and frustratingly ran his fingers through his hair. "Hindi naman iyon mahalaga, Talianna." May iritasyon sakaniyang tono.

"No! Importante 'yon, Nabrel! Alam mo sa sarili mo na importante 'yon kaya hindi ko talaga makuha kung bakit sinasabi mo 'yan!" Humahampas na sa ere ang aking kamay dahil sa frustration. I can't believe this man!

Hindi ko alam kung makakatulog ako nito mamayang gabi dahil siguradong bubulabugin ako ng konsensiya ko.

And I was right! Tulala lamang ako rito sa kama ko. Alas onse na ng gabi ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko at hindi ko alam kung dadalawin pa ba ako ng antok. Uminom na ako ng gatas ngunit wala pa rin.

Kinapa ko ang aking cellphone sa side table. I don't know what's gotten into me but I just found myself dialing Nabrel's number. Nang marinig ko ang pag-ri-ring niyon sa kabilang linya, tila doon lang nanuot sa isip ko ang ginagawa.

What the hell am I actually doing? 

Bago ko pa maibaba ang tawag ay narinig ko na ang boses niya sa kabilang linya. 

Matinding kumalabog ang puso ko. My heart beats so strong that I could literally feel every single pound in my chest. Marahas at malakas. Ang kalabog nito ay hindi ko halos maipaliwanag. Lumalalim ang aking paghinga sa bawat segundong lumilipas. 

Walang nagsalita sa amin. Para akong nakikinig sa isang musikang hindi ko naman maintindihan ngunit matindi ang epekto sa aking sistema. 

Ilang sandali pa bago ko narinig ang kaniyang boses. Pumikit ako nang mariin. 

"Talianna, bakit ka napatawag?" His voice was so cold. 

"Uhm..." Kinagat ko ang aking labi at sandaling natulala sa madilim na kisame. Bakit ko nga ba siya tinawagan? Kailangan kong magbigay ng rason! He would surely find this very weird kung wala akong maisasagot sakaniya! 

But what would I say? Na tumawag ako dahil hindi ko rin alam? Bigla ko na lang hinablot ang telepono ko at pinindot ang numero niya? 

I don't want to look stupid so... 

"Nothing. I'm bored. Naisip ko lang manggulo. Nagugulo na ba kita?" 

Tumagilid ako ng higa at minasahe ang aking noo. Hindi naman pang-stupid ang sagot ko, hindi ba? 

Halos mapudpod ang ngipin ko sa tindi ng pagkagat ko sa aking labi. Kinakabahan ako at alam na alam ko kung bakit!

Damn it, Nabrel Trenuver! 

"Sa totoo lang... oo. Matutulog na sana ako kaya lang tumawag ka. Nakakaistorbo ka, Talianna. Matulog ka na lang."

Natigilan ako at nalaglag ang panga. Napaupo ako sa kama at hindi mapigilang magbuga ng apoy. 

"What did you say?! Ang kapal mo naman, Nabrel! Hindi ka man lang ba grateful at tumawag ako sa'yo? You should be! I'm your boss! Baka gusto mong sisantihin kita!" Tumaas na ang tono ko. 

Nakaka-offend 'yon! Kahit crush ko siya, hindi ko hahayaang tratuhin niya ako nang ganito.

Narinig ko ang marahan niyang halakhak. It was warm and rough. Malalim at tila ba tamad na tamad siyang tumawa sa mga oras na ito. 

"Bakit hindi ang boyfriend mo ang guluhin mo? Tiyak na buong-puso iyon papayag na guluhin mo siya," he said lazily. Halos bulong lamang iyon. Mukhang inaantok na nga siya... 

"We... we broke up," I whispered. 

Tanging paghinga niya na lamang ang aking naririnig. Kinailangan ko pang silipin kung naroon pa ba siya ngunit patuloy pa rin naman umaandar ang oras. 

"Nabrel..." 

"Hmmm. Ganoon ba?" Aniya sa tonong hindi interesado. 

I should end this call now. Mukhang wala siyang ganang makipag-usap sa akin. Naistorbo ko ang pagtulog niya kaya naiintindihan ko. 

"I... uhm, I just want to say sorry, Nabrel. Alam ko na importante ang na-missed mo kanina sa klase ninyo. I'm really sorry. Dapat hindi ko na hinayaan na tulungan mo ako." 

I heard him drew in a deep breath. "Talianna, huwag mo nang isipin iyon. Wala 'yon sa akin. Huwag ka nang mag-alala pa tungkol doon," napapaos niyang sinabi. 

"Nalulungkot ako dahil doon..." Kinagat ko ang aking labi. 

"Ang kulit," marahan ang kaniyang boses. "Sleep now, Talianna. Don't think about it. I'll see you tomorrow," he whispered huskily. 

Pumikit ako nang mariin. Hindi ko namalayan na nagpipigil na ako ng paghinga habang nakikinig sakaniya. 

"Hmmkay. Goodnight, Nabrel." Hindi ko alam kung bakit tila kinukurot ang puso ko. 

"Magpahinga ka na. Ako, nakapagpahinga na..." 

Pagkatapos ng tawag na iyon, mas lalo lamang akong nahirapang makatulog. Hindi ko tuloy alam kung magandang senyales ba ito o ano. Isang oras na yata akong nakapikit ngunit wala pa rin. Gising na gising pa rin ako. 

Iritado kong hinila ang aking comforter hanggang leeg at mas lalong nagpursigeng makatulog. 

I'll never call Nabrel again! 

Ilang oras lang ang tulog ko kaya naman pagkagising ko kinabukasan ay halos ilubog ko ang sarili ko sa aking kama dahil ayaw ko nang bumangon. Baka pwede naman akong lumiban kahit ngayong araw lang? 

Pero bigla kong naalala na ngayon nga pala kami mag-pre-present kay Sir Deterio kaya naman mabilis akong napabangon. Napamura pa ako dahil halos mag-aalas sais na! 

Isang oras akong naliligo kaya paano na ito? 

Wala akong nagawa kundi bilisan ang aking pagkilos. Ni hindi ko na magawang patuyuin ang buhok ko sa pagkukumahog. Pagdating sa dining area ay halos mapaatras pa ako nang matanaw si Nabrel na naroon na at nagkakape! 

At si Blair na nakaupo sakaniyang tabi. Nag-iwas ako ng tingin at dumiretso sa aking ama upang batiin siya. 

"Bakit hindi niyo ako ginising, Dad? Muntikan na akong ma-late!" Reklamo ko habang naglalagay ng yogurt sa bowl. 

"Para matuto ka kung paano kumilos nang mabilis. See? Twenty minutes lang natapos ka." He shrugged before sipping on his coffee.

Napairap na lamang ako. 

Pagdating ko sa room ay naroon na si Camille. Palagi naman itong maaga. Maging si Erus. Ang alam ko ay sabay silang pumapasok dahil magkalapit lang ang kanilang bahay. 

Kasunod ko lang din si Leigh. Nagulat pa ako nang makitang ngumiti siya sa akin. I even checked if someone was behind me na inaalayan niya ng kaniyang ngiti. Ngunit diretso ang tingin niya sa akin. Kumunot lamang ang noo ko at hindi magawang ngumiti pabalik dahil hindi ako sanay na nginingitian siya. Palagi siyang nakasimangot sa akin. 

"Talianna!" She called my name cheerfully. Naglakad siya palapit, hindi pa nabibitawan ang kaniyang bag. 

"Yes?" May bahid ng pagka-ilang ang tono ko. What happened to her? 

Kahit si Camille ay nakitaan ko ng pagtataka habang pinapanood si Leigh. 

"Gusto lang sana kitang imbitahan sa Aurelia Falls! Kasama ang mga kaibigan ko. Pati sina Camille!" Nilingon niya si Camille at ngumiti rito. 

Nanlaki ang mga mata ni Camille at tinuro pa ang sarili. "Huh? Ako?" 

"Oo! Sama kayo! Next next week pa naman iyon. Doon lang kasi available iyong mga kaibigan ko. Magdala na lang kayo kahit kaunting pwede nating pagsaluhan. Magdadala rin ang mga kaibigan ko. Dumiretso na lang kayo roon at kami na ang susundo kay Talianna." Lumingon siyang muli sa akin. "Alam mo ba iyong kakahuyan? Doon lang ang talon. Magkita na lang tayo sa bukana ng kakahuyan. Mga alas singko ng hapon para hindi na mainit." 

"Hala! Gusto ko 'yan! Hoy, Kennedy! Sama kayo, ah?" Maligayang sambit ni Camille at mukhang tuwa-tuwa talaga. 

Nanatili naman akong nahihiwagaan sa biglaang pag-iiba ng pakikitungo ni Leigh sa akin. Ngunit naisip ko na wala naman sigurong masama kung paunlakan ko, hindi ba? Pupunta naman sina Camille. 

"Uhm, yeah, sure. I'll be there." I smiled a bit, still confused about her sudden change of treatment towards me. 

When we had our break time, nagpasama ako kay Camille na bumili ng bottled water sa cafeteria. Hindi ko masundan ang mga sinasabi niya sa gitna ng paglalakad namin dahil lutang ang pag-iisip ko sa ibang bagay.

Ano kayang ginagawa ni Nabrel? Tiyak na nasa klase iyon ngayon. Na-i-imagine ko tuloy siyang naka-upo habang nakapangalumbaba at nakikinig sa prof. 

Nahinto lamang ang imahinasyon ko nang maging makatotohanan sa paningin ko ang taong iyon.

Natanaw ko si Nabrel... buhat ang isang babae sakaniyang bisig. Mabilis ang lakad niya na hindi ko alam kung saan papunta. Ngunit tiyak na sa infirmary ang tungo nila dahil mukhang hindi maganda ang kalagayan ng babaeng dala-dala niya. 

Natagpuan ko na lamang ang sarili kong patakbong tinungo ang daang tinahak niya. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Camille na hindi ko na magawang lingunin pa. 

Tahimik akong sumunod sakaniya hanggang sa nakita kong huminto siya sa harapan ng infirmary. Hinayaan ko muna siyang makapasok bago ako sumunod. Humugot ako ng malalim na hininga bago marahang kumatok.

Dahan-dahan kong binuksan iyon at sumilip. Ang una kong natanaw ay ang walang malay na si Blair na nakahiga sa kama. Naaninag ko si Nabrel na kinakausap ang lalaking nurse. Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan dahil nakakunot ang kaniyang noo.

Mabilis na lumipad sa banda ko ang kaniyang tingin. Bahagyang umawang ang kaniyang mga labi.

Tuluyan na akong pumasok. I smiled at the nurse bago lumingon muli kay Nabrel.

"Talianna, anong ginagawa mo rito?" Seryoso niyang untag at naglakad palapit sa akin.

Bahagya akong nataranta sakaniyang paglapit. Nangapa pa ako ng aking sasabihin.

"Uhm, I-I have a headache. B-Baka dahil kulang ako sa tulog. Hihingi lang sana ako ng gamot."

Lalong nagdugtong ang kilay niya. "Bakit ikaw ang nagpunta rito? Dapat ay nagsabi ka na lang sa mga kaklase mo." Dinig ko ang iritasyon sa tono niya.

"I... no! Kaya ko naman, Nabrel." Ngumiwi ako at lumingon sa nurse na nakikinig lamang. 

"Uhm, I need medicine for headache," marahan kong sinabi. 

Tumango ang nurse at mabilis na tumalikod. 

"Hindi ka kasi nag-aalmusal, Talianna. Puro yogurt ang kinakain mo. Hindi nakakabusog iyon," suway niya sa akin at halatang iritado na. 

"What? Healthy naman ang yogurt!"

"Ang sabihin mo, natatakot kang baka madagdagan ang timbang mo."

"Of course not!" Bayolente kong tugon. 

Natahimik lamang kami nang bumalik ang nurse. Nanatili siyang nakasimangot sa akin. Binalewala ko siya at kinuha ang gamot na inaabot ng nurse. 

"Siguro ay mas mabuting iwan niyo muna si Ms. Orduja. Mahalagang makapagpahinga siya lalo pa't kailangan niya iyon dahil nga buntis. Ilang weeks na ba ang tiyan niya, Nabrel?" 

Pakiramdam ko ay nanlamig ang buong pagkatao ko sa narinig. 

"6 weeks." 

I looked at Nabrel. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at lumapit kay Blair. 

Hindi ko alam kung bakit... sobrang tabang ng pakiramdam ko. Nanigas na lamang ako sa aking kinatatayuan. I can't even move my fingers. I feel like I couldn't breathe. Tila ba sasabog ang puso ko dahil sa matinding kalabog nito. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status