"Are you out of your mind, Taliyah Lavianna?!" Gulantang na sigaw ni Vicky nang isa-isahin ko sakaniya ang nangyari.
Nag-usap kami ni Davien. And... I gave him another chance. I love him. I think that's enough reason for me to forgive him. Being in a relationship with him for a year now is quite long. He flew all the way from Manila upang kausapin lang ako. Napaaga ang dating niya rito dahil sa nangyari.
Nasa guestroom ngayon si Davien at marahil ay tulog pa. It's still 5 am. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina, hindi ko na magawang matulog ulit.
"Vicky, why can't you just be happy for me? You know how much I love him. Everyone deserves a second chance." I sighed and brushed my hair with my fingers. Maging ako man ay napangiwi sa huling sinabi.
"Gasgas na ang linyang iyan, Talianna. Tanga ka lang talaga!"
Nanlaki ang mga mata ko sakaniyang paratang. She doesn't usually talk like this not unless sagad na ang kaniyang pasensiya.
Umungol pa siya na tila frustrated na sa akin. "Talianna, listen. I'm just worried about you. Paano kung paulit-ulit niyang gawin iyan? Paulit-ulit mo rin siyang pagbibigyan? Nagloko siya! Walang magandang eksplenasyon doon! Hindi ko alam kung paano ka niya binilog at nagpadala ka!"
"I know what I'm doing, Vicky. Kung magloko man siya ulit, there's no way I'll forgive him again," malamig kong sinabi.
"Talaga ba, Talianna?" She snorted.
I lazily rolled my eyes.
"You know what? Bakit hindi na lang si Kuya Trez? He really likes you, Talianna. Nagbabalak nga siyang yayain kang mag-date once na makauwi kami. He doesn't care about Davien. He knows about Davien's reputation when it comes to girls... bitches rather. Handa siyang sulutin ka from him."
Kumunot ang noo ko at bahagyang natawa.
"Sorry. He's way too late now. Nag-fade na ang infatuation ko sakaniya. Last two years ago pa."
"Nakakainis kasi si Kuya! Kung noon ka pa niya pinursue, edi malaki ang tsansa na maging sister in law tayo!"
"Sorry to burst your bubble but that won't happen. Makuntento ka na lang sa pagiging mag-bestfriends natin."
Humaba nang humaba ang aming usapan hanggang sa natatanaw ko na ang unti-unting pagsikat ng araw mula rito sa balkonahe. The sea looked like a metallic gray, glistening as the light pierced through the clouds and danced over the surface. It is the invitation to a new day. The sun rose like a flower opening, gifting its petals unto the world. A very ordinary yet, extraordinary view.
It was bright and fascinating as if it was inviting me to stare, deep into the horizon.
"Good morning, Ma'am," bati ni Blair pagpasok ko sa dining area. Ngumiti ako sakaniya. Nakabalik na pala siya. Mukhang kadarating niya lang.
"Kumusta ang kapatid mo, Blair?" I asked her.
"Mabuti na siya, Ma'am. Masigla na. Hindi gaya noong nakaraan na halos hindi na makabangon." Malapad ang kaniyang ngiti habang sinasalinan ng juice ang aking baso.
"That's good to hear."
Habang kinakagat ko ang bacon, naramdaman kong may humalik sa aking buhok. Nag-angat ako ng tingin kay Davien. He was smiling at me. Magulo pa ang kaniyang buhok.
"Good morning, babe. How's your sleep?" Malambing niyang sinabi habang paupo sa aking tabi. Sinenyasan niya si Blair na magtimpla ng kape.
"Good." Tipid akong ngumiti.
"What do you want to do today? Babawi ako..." Bulong niya at pinisil ang aking kamay.
Napakurap ako at tumikhim. "Uhm, kumain muna tayo, Davien."
"Alright." He smiled gently.
Marami siyang sinasabi sa gitna ng aming pagkain ngunit tipid lamang ang mga sagot ko. I don't know. I suddenly felt very uncomfortable with him. Maybe the cheating part tainted my opinion of him. I think that's normal. Masyado pang sariwa ang nangyari. Nang umakyat siya upang mag-shower, ako naman ay nagtungo sa dalampasigan upang makalanghap ng sariwang hangin.
And... I was also hoping to see Nabrel dahil alam kong ganitong oras dumadating ang mga mangingisda.
I was wearing my baby blue off-shoulder summer dress. Nang matanaw ko ang ilang mga bangka, nakaramdam ako ng galak. Nagtatawanan sila habang nagbababa ng kani-kanilang mga balde at batsa. Hindi alintana ang pagod dulot ng pangingisda sa laot. I didn't even realize that I was smiling while looking at them. They seemed very happy with their simple lives. Sino nga bang hindi gugustuhin ang mamuhay ng payak at payapa?
And then I saw Nabrel. He was talking to the guy beside him. Tumawa ang kausap niya habang siya naman ay umiling, tila dismayado. Kasama nila ang ilang mga kalalakihan.
I bit my lower lip and walked towards them. Napabaling sa akin ang kausap niya kanina. And then I noticed one thing about the guy. Halos manlaki pa ang mga mata ko nang matanto kung gaano kalaki ang hawig niya kay Nabrel! But this guy looked younger than him and he also got a pair of green eyes. Mas mahaba ang buhok nito kaysa kay Nabrel. Sumasayaw iyon sa bawat galaw niya. Pareho silang naka-white t-shirt. This must be his brother?
Kitang-kita kong siniko niya si Nabrel. Kumunot ang noo ni Nabrel bago napalingon sa akin. Bahagya pang namilog ang kaniyang mga mata nang matanaw ako. Nakuha ko na rin ang atensiyon ng ibang mga mangingisdang naroon. Ngumiti sa akin ang isang lalaking payat. I almost cringe with the way how he smiled at me.
Hindi ko siya pinansin at lumingon na lang kay Nabrel. I smiled widely and waved my hand. Kumunot ang kaniyang noo.
"Hi!" Masigla kong bati.
"Talianna, anong ginagawa mo rito?" Aniya na mukhang gulat pa sa aking presensiya. Pinunasan niya ang kaniyang noo gamit ang maliit na puting tuwalyang nakasabit sakaniyang balikat.
"Nothing. I was just walking around and then I saw you. Hello po!" Ngumiti ako sa ibang mga mangingisdang naroon na nakatingin pa rin sa akin. Nahuli ko ang pagbulong ng isa sakanila sa tabi nito. Tumango ang binulungan nito at muling tumingin sa akin.
Nakangisi ang lalaking kamukha ni Nabrel sa akin. Hinaplos niya ang kaniyang buhok bago nilahad ang kaniyang kamay.
"Magandang umaga. Ako nga pala si Senyel. Ikaw iyong anak ni Lavino Monselorette, hindi ba?" Magiliw niyang sinabi habang nakangisi pa rin.
Ngumiti ako at tumango. Akmang tatanggapin ko ang kaniyang kamay nang tinampal iyon ni Nabrel.
"Marumi ang kamay mo, Senyel," seryoso niyang sinabi habang matalim ang tingin sakaniyang kapatid. Nagkibit-balikat ito at binaba ang kamay.
"No, it's fine." I smiled at him. Sumulyap siya sa akin, matalim pa rin ang tingin.
"Bumalik ka na sa mansiyon ninyo, Talianna. Hindi ka dapat nandito."
Nabura ang ngiti ko at napalitan ng simangot. "What's wrong with you, Nabrel? I just want to talk to them! To you! Bakit mo ba ako pinapaalis ha?"
Umawang ang kaniyang mga labi at sandaling natulala sa akin. Nag-iwas siya ng tingin. Umigting ang kaniyang panga. Nakita ko rin na mukhang nasindak ang ilang mga mangingisda.
"Abala kami rito. Hindi ka malilibang sa pakikipag-usap sa amin."
"Then let me stay here. Mananahimik na lang ako. I will just watch. I don't want to go back to the mansion." Ngumuso ako.
"Tss. Ang kulit," aniya habang umiiling. Nakasimangot na siya at nag-squat sa harapan ng isang balde. Inabala na lang ang sarili sa mga isdang naroon. Mukhang pinipili niya ang mga malalaki.
Nilingon ko ang kaniyang kapatid na nakangisi pa rin sa akin. Tinawag siya ng isang mangingisda. He bit his lower lip and shook his head before he turned his back.
"Kuya, ni hindi nga yata kumakain ng isda iyan." Dinig kong sinabi niya bago tuluyang lumayo.
Ngumuso ako. Tumayo si Nabrel at naglakad palapit sa akin. Matamis akong ngumiti ngunit nanatili lamang nakabusangot ang kaniyang mukha.
"Are you going to the mansion later, Nabrel?" I bit my lip, realizing what I just said.
Umiling lamang siya. Akala ko ay sa akin siya patungo ngunit kinuha niya lang pala ang baldeng nasa bandang gilid ko. Punung-puno iyon ng mga isdang hindi ko alam kung ano ang tawag. Walang kahirap-hirap niya iyon inangat at nilipat sa mga nakahilerang balde at batsang naroon.
Ang ibang mga mangingisdang naroon ay biglang lumayo. Ang isa ay hinila pa ang manggas ng t-shirt na suot ng payat na lalaking naiwan.
"Uy! Aray, ah!" Gulat pa nitong sinabi ngunit wala nang nagawa kundi ang magpatinaod.
I ran my fingers through my hair. Amoy na amoy ko ang tubig-alat. Somehow, it soothed my soul. Unti-unti na yata akong nasasanay sa ganitong kapaligiran. Muli kong nilingon si Nabrel na nakatitig lang sa akin. He looked away before he crouched to lift the basin. Napakurap ako bago magsalita.
"Uhm, I thought pupunta tayo sa isla ni Dad? Kailan iyon, Nabrel? Gusto ko mamaya na. Naiinip ako sa mansiyon," malamig kong sinabi upang makita niyang seryoso ako at hindi handang tumanggap ng pagtanggi.
Tumuwid siya ng tayo nang mailapag ang balde at nakapamaywang akong hinarap. He licked his lower lip. Sandaling umawang ang kaniyang labi bago magsalita.
"May trabaho ako mamaya, Talianna," seryoso ang kaniyang tono.
I swallowed hard. Nakaramdam ako ng panlalamig sa aking tiyan. Hindi ko maintindihan kung bakit...
Kinagat ko ang aking labi at tumango. "Okay. I understand. Pero s-sa Sunday ba? May trabaho ka rin?" Maingat kong sinabi. I was unconsciously playing with my fingers. Kinakabahan ako at hindi ko iyon gusto.
Nag-iwas siya ng tingin at hinaplos ang kaniyang buhok. "Mayroon din. Umuwi lang ako nang maaga noong nakaraan para samahan ka."
"Uhm, ganoon ba? It's fine. Sa mansiyon na lang ako kung ganoon. I-I'll just wait kung kailan ka pwede."
Nagbuga siya ng hangin bago ako binalingan. Pumungay ang kaniyang mga mata. "Ayaw kong ikaw ang naghihintay, Talianna. Kaya huwag mong sabihing maghihintay ka sa akin."
I just stared at him. We just stared at each other silently. Those green eyes were piercing mine. And I can swear at this moment he senses the real me.
Sumayaw ang aking buhok dahil sa pag-ihip ng hangin. Inayos ko iyon at nilagay sa aking kanang balikat.
Lumagpas ang kaniyang tingin sa aking likuran. Kasabay niyon ang brasong pumulupot sa aking baywang.
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal