Share

Chapter 8

Umalis din si Nabrel nang matapos ang kaniyang trabaho sa hardin. Pinaabot ko kay Manang Fely ang damit at shorts sakaniya. Bumaba ako upang puntahan sana si Nabrel ngunit nakaalis na raw. 

"O-Okay. Iyong uhm, bayad. Hindi niya kinuha," wika ko sa maliit na boses. 

"Ahh. Wala naman siyang nabanggit na may kukunin siyang bayad sa 'yo. Tsaka nagmamadali. May trabaho pa kasi siya," si Manang Lusing. 

Kinagat ko ang labi ko at tipid na tumango. 

Nang mag-lunch time, nasa balkonahe lang ako at kausap si Davien. 

"Ilang araw ka mags-stay dito? Hmm

Mga one month?" Ngumuso ako.

He laughed. "Silly. I can't stay for that long, babe. Nakiusap lang ako kay Dad. I'm gonna stay there for three days. How's that sound?"

"Three days lang? Babe! Sobrang bilis niyon! Hindi mo man lang pinaabot ng isang linggo." Dismayado ang boses ko.

"Don't worry. May susunod pa naman."

Kumunot ang noo ko nang may marinig na boses sa background. It was a girl's voice. She was calling Davien. She was asking Davien to cut the call. Something like that. Sigurado ako roon.

"Davien, sino iyon?" Mariin kong untag. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin.

"What do you mean?" 

He was still topless at aniya'y galing siyang gym. 

"May narinig ako. May kasama ka ba sa kwarto mo?" Bumilis ang aking paghinga. He said that he was in his room. Nakikita ko rin sa background na nasa kwarto siya. Alam ko ang kwarto niya. 

"What are you talking about, babe? I'm alone here. Sino namang papapasukin ko rito?" Tumawa siya.

Pumikit ako nang mariin. Maybe I was just being paranoid. Ngunit bakit ganoon naman yata katindi ang pagkapraning ko sa puntong makakarinig ako ng mga boses?

"Babe? Are you okay? What happened?" Dinig ko ang pagkabahala sakaniyang tono.

I tried to smile. Umiling ako. Hindi mawala sa utak ko ang boses na iyon.

"I–I'm fine. I just..." Tumikhim ako. "I need to go now, Davien."

Napakurap siya at tumango na tila napipilitan lang.

"Okay. I'll call you again later. I love you."

I cut the call immediately. Hinaplos ko ang aking buhok at pilit na binura sa aking utak ang boses na iyon. 

Ilang araw akong balisa dahil sa nangyari. Hindi ko gustong mag-isip ng kung ano ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong balik-balikan 'yon. God! Pakiramdam ko mababaliw na ako sa sobrang pag-iisip ng tungkol doon. 

Mas lalo lamang tumindi ang hinala ko nang minsang tumawag ako sakaniya. Alas dose ng gabi. Nagising ako at hindi na makatulog pa kaya sinubukan ko siyang tawagan. Malaki ang posibilidad na sagutin niya ang tawag dahil hindi naman iyon maagang natutulog. Ngunit hindi ang boses niya ang narinig ko. Kundi boses ng isang babae. 

"Hello?" Maarte nitong bungad sa akin. 

"Who's this? Where's Davien?" Matalim ang aking boses dahil hindi na maganda ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Tahimik lamang sa kabilang linya. Mas maiintindihan ko kung maingay at pwede kong isipin na hindi sila nag-iisa. Hindi naman ako mahigpit sa tuwing may lakad siya kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hinahayaan ko siya. Pero hindi sa ganitong pagkakataon. Ramdam ko! Ramdam ko na may ibang nangyayari na taliwas sa gusto kong malaman.

"He's sleeping. Jesus! Gabing-gabi na! Bakit ka pa umatawag?! Get a life, woman! Masyado ka!" Kasabay niyon ay ang pagkaputol ng tawag. 

Nalaglag na lamang ang panga ko. 

What the hell just happened?

Kinalma ko ang sarili ko. Pakiramdam ko ay nagdidilim ang paningin ko dahil sa nangyari.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong tulala sa madilim na kisame nang mapagdesisyunan kong tawagan siyang muli. 

"Babe? It's already late. You can't sleep?" Napapaos ang kaniyang boses nang sagutin niya ang tawag. Tahimik sa kabilang linya at tanging ang kaniyang paghinga ang aking naririnig. 

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog iyon anumang oras. 

"Nagising lang ako. May ginagawa ka pa ba?" Marahan kong sinabi. Pumikit ako habang yakap ang aking unan. 

Nasaan ang babae niya? 

"Hmm. Yeah. I just have to finish something. Kaunti na rin naman." 

"Okay..." 

Fuck you, Davien. 

"You okay, babe?" 

"Yeah." 

Napamulat ako nang makarinig ng hagikgik sa kabilang linya. Napaupo ako sa aking kama. Tila nagising ang bawat himaymay ng pagkatao ko. 

Isang malanding tawa. 

"Davien, anong ginagawa mo?" Nanginig ang aking boses, hindi na napigilan pa ang sarili. 

"What? What are you talking about? Babe, look. It's late–"

"Enough! Davien, sino iyon? Bakit may babaeng tumatawa? Anong ginagawa niyo? Sa gabing ito?! Answer me!" Hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw. Nanginginig ako sa matinding galit. Malinaw sa akin ang narinig at hindi iyon guniguni lang!

"Babe, that was nothing. I don't know what you're talking about." He had the nerve to laugh! Ngunit natitiyak kong may kakaiba sa naging tawa niya. Kinakabahan siya. Kinakabahan siya at alam kong may mali!

"Huwag mo akong binibilog, Davien! May kasama ka riyan! Katatapos niyo lang ba? Huh?! At may kasunod pa mamaya?!"

"B-Babe. Hey, listen. Calm down. Wala akong–"

Agresibo kong binaba ang tawag at binato ang aking telepono sa sahig. Naglikha ng malakas na tunog ang pagkakabasag niyon. Binaon ko ang mukha ko sa unan at doon binuhos ang lahat ng sama ng loob. I cried hard. Masakit at mabigat ang naging pag-iyak ko. Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog. Wala akong gana sa almusal. Ni hindi ko magawang batiin sina Manang. I just feel so tired right now. I feel so drained and helpless. Mabigat ang katawan ko at pagod. Napansin iyon nina Manang ngunit sinabi ko na lang na hindi maganda ang pakiramdam ko.

"Tatawagan ko ang doktor niyo. Bumalik ka na sa kwarto mo, Talianna. Hindi ka naman nilalagnat. Ano kayang nangyari sa'yong bata ka?" Manang Fely was worried as she gently comb my hair with her fingers.

I smiled weakly. "I'm fine, Manang. You don't need to call the doctor. I think I just need some rest. Puyat lang. Matutulog muna ulit ako." 

Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinabi niya at tumulak na patungo sa aking kwarto. 

Wasak ang screen ng cellphone ko nang makita ko kanina sa sahig. Kaya ginamit ko ang aking spare phone upang tawagan si Vicky. Hindi ko kayang itago ang bigat sa dibdib ko. Kailangan ko itong ilabas. Si Vicky lang ang mapagsasabihan ko. I have a lot of friends but Vicky is the only one that I can trust and share all my problems with. At ang mga payo niyang tumatatak talaga sa akin.

"You know what? Hindi na ako nagulat pa sa balita mong iyan. It's obvious! Malandi si Davien, Talianna. Maaaring ikaw lang ang niligawan niya ngunit marami siyang inano bago pa maging kayo! Alam mo iyan! At hindi ka niya makuha kaya sa iba umaano! Baka nga noon niya pa ginagawa iyan! Ngayon mo lang nahuli! Ano pang hinihintay mo, Talianna? Hiwalayan mo na!"

I just remained silent. Nakatitig lamang ako sakaniya sa screen. Tinanggal niya ang kaniyang salamin at hinilot ang noo na tila ba sumasakit iyon.

Humugot ako ng malalim na hininga. Option naman talaga ang hiwalayan si Davien. Ngunit may parte pa rin sa aking masakit sa tuwing iniisip kong maghihiwalay kami. Hahayaan ko bang mag-usap kaming dalawa? Hindi ko alam. Kung anuman ang mangyari, bahala na. Hindi rin maganda kung hindi kami sa personal mag-uusap. We need to talk personally as soon as possible. Dapat ay wala ng usapan pa dahil malinaw na sa akin ang lahat ngunit heto at handa akong makinig!

"I'll talk to him first, Vicky," tanging nasabi ko.

"What?" Umikot ang mga mata niya. "Anong talk, Talianna? Please, don't tell me makikinig ka sa explanation niya?"

"No. I just think that's what we should do before we end everything between us. Alam ko ang ginagawa ko, Vicky."

"I can't believe you! Bahala ka nga! Tanga ka talaga!"

Sa sobrang iritado ni Vicky, siya na mismo ang nagpatay ng tawag. Minsan lang magalit o mairita iyon sa akin at mukhang nasagad ko ang pasensiya niya. She didn't want me to talk to Davien. Tingin niya ay magpapaniwala lang ako sa sasabihin ng lalaking iyon which I highly doubt. 

Hindi ko alam kung namamalik-mata lamang ako nang makita si Davien nang madaling araw sa mansyon namin. Tanging itim na t-shirt at sweatpants lamang ang kaniyang suot. Kinatok ako ni Manang Fely upang gisingin at nagulat na lamang ako nang bumungad sa akin si Davien sa ibaba. 

He hugged me tightly. Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lamang siya. 

"God, I miss you," bulong niya habang nanatiling nakayakap sa akin. 

Hinintay ko siyang pakawalan ako. I didn't say anything. Nilunok ko ang malaking bukol na namuo sa aking lalamunan. Uminit ang sulok ng mga mata ko habang dinadamdam ang yakap niya. 

"Davien," mariin kong sinabi at doon lamang niya ako pinakawalan. Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata niya nang harapin ako. 

"Babe, I'm sorry. Let me explain. Pakinggan mo muna ako."

"What are you doing here?" Malamig kong sinabi at tinanggal ang kaniyang pagkakahawak sa aking balikat. 

Pumikit siya at umiling. "Please, babe..." Sinubukan niya akong abutin ngunit mabilis akong umiwas. 

"No, Davien. We're done. Please. Just leave." Pumikit ako nang mariin. 

"Talianna, please. Pakinggan mo muna ako. I'm begging you. Kahit sandali lang. Sandali lang 'to." Nanginig ang kaniyang boses at halos pumalakpak ako sa husay ng kaniyang pag-arte. 

Mas lalo lamang akong sumabog nang lumuhod siya sa aking harapan at niyakap ang baywang ko.

"Davien! Ano ba!" Pilit ko siyang pinatayo ngunit nagmatigas siya.

"No. Pakiusap naman, Talianna. Makinig ka. Huwag mo naman akong iwan. Hindi ko kaya. Mahal na mahal kita..."

He was already crying and I hate myself for being affected! Sunud-sunod ang pagbuhos ng luha niya habang tinitingala ako. Nag-iwas ako ng tingin.

"Davien, tumayo ka na."

"No. Talianna, please. I'm sorry. She was just a bitch that I met at the bar. I don't even know her name. Makinig ka naman, oh. I'm sorry. Nagsisisi ako. Please, listen to me..."

Pumikit ako at tumingala.

"Fine. Tumayo ka na, Davien. Mag-usap tayo nang maayos," bulong ko at doon lamang siya tumayo. Muli niya akong niyakap.

"Thank you. I love you so much." He kissed my hair. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status