Share

7

Author: Bratinela17
last update Huling Na-update: 2025-10-24 20:54:48

Mabuti na lang naka alis pa ako ng bayan ng ligtas napadpad ako sa isang beach resort somewhere in Batangas. Agad akong naghanap ng resort na tutuluyan ko at magpapalipas ako ng ilang araw.. Gusto ko munang makapag isa at makapag-isip isip pa. Medyo stressful ang lahat ng nangyari sa akin this past few weeks. Hindi ko rin matanggap kung bakit nagkaganito ang tahimik kong buhay ng isang iglap lang.

Pagkatapos kong maghanap ng resort pinasok ko ang sasakyan ko. Naghanap rin ako ng parking na maayos na hindi ako makakaabala sa ibang sasakyan. Nang maisaayos ko ang aking sasakyan bumaba na ako at naglakad papasok ng resort.. Agad naman akong sinalubong ng staff at na welcome.

"Welcome to Casa El Fuego." bati nila sa akin. Ngumiti lang ako at sinundan sila kung saan nila ako dadalhin.

Nakarating kami ng front desk at doon naman ako inasikaso ng isang babae. Tinanong niya ako kung anong suite room ang gusto kong kunin. Binigay nila sa akin ang pagpipilian bago ako pumili ng suite room na gusto ko. Nang matapos akong pumili at makapagbayad binigay na nila sa akin ang key.

"Thank you." nakangiting sagot ko.

"Samahan ko na ho kayo ma'am." alok ng mabait na staff. Nginitian ko lang siya at tumango ako. Hindi ko alam kung saan ito. Basta sumunod lang ako rito hanggang sa tumigil kami sa isang kwarto.

"Dito na po tayo ma'am. Mag enjoy ho sana kayo sa Casa El Fuego." saad nito.

"Thanks po." sagot ko kasabay ng aking pag ngiti.

Ginamit ko ang key para mabuksan ang doorknob hanggang sa makapasok ako at makita ko kung gaano kalinis, kaaliwalas at kabango ang kwarto ko. Isinara ko na ang pintuan at nilock. Wala akong dalang gamit kundi sarili ko lamang. Nahiga ako sa malambot na kama at ipinikit na ang aking mga mata. Hindi ko namalayan ang aking sarili na nakatulog na rin pala ako sa matinding pagod at antok.

Kinaumagahan pasado alas dyes na ako ng umaga nagising. Medyo nakakaramdam na ako ng pagkalam ng aking sikmura kaya naman bumangon na ako at naupo sandali. Hindi kasi pwedeng biglang bangon at tayo dahil nakakahilo. Ilang minuto akong nakaupo bago ako tumayo at nag stretching. Nakakapanibago dahil wala akong kasama sa kwarto tanging ang anak ko lamang na nasa sinapupunan ko ang kasama ko.

Lumabas ako ng kwarto dahil maghahanap ako ng mabibilhan ng pagkain. Maswerte naman na may pagkain na makakainan sa labas. Mga lutong bahay sa Casa El Fuego. Namili agad ako ng nilagang baka at masarap kasi ito kapag mainit init pa. Nag order rin ako ng dalawang cups na kanin. Ewan ko ba napapalakas ang pagkain marahil dahil dalawa na kami ng anak ko. Nang matapos akong makapag bayad ng aking order naghanap ako ng table. Nakakita naman agad ako at naupo.

In a few minutes nabigay naman na ang order ko kaya naka kain na rin ako ng pagkain. Sobrang napagana ang pagkain sa sarap ng nilagang baka di ko nga namamalayan na naubos ko na ang dalawang kanin. Gusto ko pa sanang kumain kaso nag aalangan na ako baka masuka lang ako. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ako tumayo. Hindi muna ako bumalik ng room ko at naisipan ko na munang maglakad lakad kahit saglit lang ng bumaba ang kinain ko.

Sinimulan ko ng maglakad sa may buhanginan. Napakaraming tao sa beach gusto ko man sanang maligo wala akong suot kaya nag lakad lakad na lang ako. Nang medyo uminit na at masakit na sa balat bumalik na ako ng kwarto. Nagpahinga ulit ako at nag alarm ng alas kwatro dahil magpupunta ako ng Mall para makapamili ng aking mga gamit.

Nahiga ako sa kama at nagsimula ng matulog.

Inayos ko ang pagkakahiga ko at naglagay ako ng unan palibot sa akin.

Nagising ako ng marinig ang pag alarm ng aking cellphone kaya bumangon na ako.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad patungo sa parking lot kung nasaan ang aking sasakyan. Mabilis kong pinasibat ang sasakyan palabas ng resort. Hindi ako familiar sa lugar kaya balak kong magtanong tanong na lang sa labas.

Nang makarating ako ng bayan ng Batangas. Nagsimula akong magtanong kung saan nga ba ang Mall at nang naituro naman sa akin tamang lokasyon at natunton ko. Nagpark lang ako ng sasakyan at lumabas na.

Naglakad lang ako papasok ng entrance ng Mall. Pagpasok ko sa loob ng Mall agad ko namang hinanap ang women sections para makapamili ako ng damit ko at undergarments. Hindi muna ako bumili ng maternity dress dahil hindi pa naman masyadong halata dahil sobrang flat ng tummy ko noong di pa ako buntis.

Nang matapos akong makapamili naghanap naman ako sa sandals sections at under garments. Medyo ilang pack nang pitong piraso ang nabili ko. May mga terno at ang iba ay wala. Nang matapos akong makapamili ay nagbayad na ako sa cashier. Ginamit ko ang black card ko. Napatingin nga ang babae sa akin pero di ko na lang siya pinansin. Hindi naman sa akin iyon. He gave it to me after he bailed.

Nang matapos mag panch ang babae binalik na niya sa akin ang aking card at agad ko nang itinago sa aking small bag. Umabot ng mahigit 30,000 ang napamili kong gamit. Isa-isa nang nilalagay sa paper bag aking mga napamili ng bagger.

Nang matapos lahat ito isa-isa naman nilipat sa pushcart para iisang tulak na lang ako. Hindi naman na ako nag ikot ng Mall. At dinalaw na ako ng antok at pagod kaya babalik na agad ako sa resort.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Pregnant With My Ex-Uncle   31

    Hindi ko namalayang nakabalik na ang asawa ko mula sa labas.. Amoy mabango pa rin ito ng lumapit sa akin kahit na tagaktak ang pawis nito sa mukha at dibdib ng maghubad ng polo shirt sa harapan ko. Napatakip tuloy ako ng aking mukha. Ang kisig kasi niya hindi halatang may edad na siya sa ganda ng pangangatawan niya. "Hon, nandyan ka na pala." wika ko para madivert ang utak ko sa ibang bagay. Baka kasi kung hindi makalimutan ko na buntis ako at mahila ko asawa ko ng wala sa oras. "Oo, hon. Nakakatuwa ang daming napakain na stray dogs at cats. Wait hwag ka munang lumapit amoy pawis ako." sita niya sa akin. Natawa na lang ako at nakakahiya naman sa kanya.. Partida pawisan na siya niyan pero mabango pa rin talaga ang asawa ko. "Ok, sige. Hintayin na lang kita dito hon." sagot ko. Nang naka alis na ito sa aking harapan. Naupo ako at kinuha ang aking cellphone. Nagbrowse na lang ulit ako ng social media account ko.. At proud akong nagpalit ng profile namin ng aking asawa. Wala

  • Pregnant With My Ex-Uncle   30

    Nagising na lang ako na parang may humahaplos na sa ulo ko. Alam ko naman na siya iyon kaya hindi ko siya pinapasin man lang. Ayoko na rin naman makipagtalo pa at pagod na rin ako. Kinabukasan nagising na lang ako sa bango ng aroma ng pagkain. Ayoko pang bumangon at inis na inis talaga ako sa kanya pero hindi ko rin mapigilan ang gutom ko lalo na't may baby sa loob ng sinapupunan ko. Ayokong maging selfish man lang kaya kahit masama ang loob ko sa asawa ko wala akong nagawa kundi bumangon. Nakita ko ang ngiti sa mukha nito. As if wala siyang ginawa kagabi sa akin na ikina badtrip ko. "Good Morning, hon breakfast is ready." yakag niya pero di ko siya pinansin at dumiretso ako sa comfort room. Bahala siya mag-isip dyan ng kung ano-ano kasalanan naman kasi niya iyon kung bakit ako nagalit sa kanya. Pero hinintay talaga niya ako lumabas at kahit anong suhol ang ginagawa. "You want a bread?" tanong niya pero dedma pa din ako sa kanya. Hinawakan ko ang akala ko di mainit pero n

  • Pregnant With My Ex-Uncle   29

    CAROLINA WASHINGTON- TAYLOR Kanina hindi ako mapakali dahil panay suka na naman ako. Kaunti lang naman ang kinain ko pero parang mauubos ang lahat dahil sa kakasuka ko. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko sobra na akong mastress bagamat nar'yan siya para alalayan ako kaya wala na akong dapat ipangamba pa. Matutulog sana ako kaso hindi naman ako madalaw dalaw ng antok kaya nagpasya na lang akong mag ayos ng mga gamit namin. Until now hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ako at may asawa na. Wala siya dito at nagpapahangin pa. Hinatid niya lang ako dahil baka mahilo na naman ako. Maya maya lang rin pumasok na ito. "Hon, oh bakit di ka pa natutulog? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin ng makitang nagliligpit ako ng gamit imbes na matulog. "Hindi naman ako dinadalaw ng antok hon. Hindi rin kasi ako sanay na ganito at walang ginagawa man lang." sagot niya. "Anyway, iwan mo na lang muna yan. At mamasyal na lang tayo? Hindi ka na ba nahihilo?" tanong nito

  • Pregnant With My Ex-Uncle   28

    Nang matapos kaming kumain.. Inaya ko na siya na maglakad lakad sa dalampasigan para naman hindi siya mabored masyado. Hawak ko pa rin ang kanyang kamay at di ko binibitawan. Napansin ko kasi na may mga matang nakatingin sa asawa ko. Ayoko lang na may umaligid pa sa kanya. "Doon tayo hon?" tanong ko muna rito at baka may iba siyang gustong puntahan kasi. "Sige, saan ba tayo pupunta?" tanong nito sa akin. "Ikaw, saan mo ba gustong pumunta?" balik na tanong ko sa kanya. "Ikaw kung saan mo ko gustong dalhin. Wala naman problema sa akin hon. Hindi naman ako pamilyar sa lugar kaya ikaw na lang ang bahala." sagot nito sabay tingin sa akin. Hawak ko pa rin ang kamay niya at sabay kaming naglalakad na dalawa. "Hon, alam mo bang maganda naman ang Balesin. Pero alam mo mas gumanda ito." banat ko rito. Ewan ko kung tatalab sa kanya. "Bakit naman hon? Saang bahagi naman ito gumanda pa lalo." seryosong tanong nito. "Syempre I love the view because maganda ka hon." sagot ko.

  • Pregnant With My Ex-Uncle   27

    KENJIE TAYLOR Nagising ako na nahihimbing pang natutulog ang asawa ko. It's feel like my heart at piece. Ngayon ko lang naramdaman ito sa ilang taon kong nabubuhay sa mundong ibabaw. Masarap pala talaga kapag may asawa ka na makakasama mo sa araw-araw na gigising at matutulog ka na may katabi ka. Bumangon na ako para paghandaan ang aking asawa. Gusto kong pagsilbihan siya at hindi niya maisip na nagkamali siya sa pagpayag sa akin na mapangasawa. Naghanap ako ng mailuluto sana sa kitchen kaso naalala ko wala pala kaming stocks rito. Kaya naman bumalik ako sa kama para hintayin na magising ito at makakain kaming dalawa sa labas. Naglakad lakad muna ako habang hinihintay ko siyang magising. Nag stretching rin ako at nang makatapos ako sa aking ginagawa. Mga ilang saglit pa nagising na rin ang asawa ko. Agad akong lumapit rito. "Good Morning, hon. How's your sleep?" lambing na tanong ko rito. Naupo ako sa gilid ng kama habang hinahaplos ko ang braso nito. Her shoulders keep me t

  • Pregnant With My Ex-Uncle   26

    Hindi kami nakapag honeymoon dahil buntis ako at natatakot kami parehas lalo na't nasa early stages pa ako ng pregnancy journey ko. Umalis kami ng simbahan at dinala niya ako sa building ng TGE. Hindi ko alam na may surpresa pala siya sa akin. Pagdating namin roon naglakad kami papasok ng elevator at pinindot nito ang pinaka taas na floor. Hindi ko alam kung anong gagawin namin at kung saan kami pupunta. Basta nagpatianod na lang ako sa kanya kung saan nga ba niya ako dadalhin. Nang makarating kami sa last floor. At nang bumukas ito hinawakan niya ang kamay ko. Nagtungo na kami sa labas ng floor at may hagdanan roon. Inalalayan niya ako sa pag akyat hanggang sa makarating kami ng roof top. Halos liparin na nga ang buhok ko sa lakas ng hangin. Nakita ko rin ang chopper ng mga Taylor. "S-Sasakay tayo dyan?" tanong ko at sa wakas nakapag salita na rin ako. Kanina kasi dedma lang ako. "Yes! Hindi ka naman siguro takot sumakay dyan?" Napalunok ako ng aking laway ng ilang ulit. "A

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status