Mag-log in
Roxanne's POV
Pagkatapos ng matagumpay na kaso na pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan, pakiramdam ko ay nakalutang ako sa tuwa. I was finally able to win against one of the toughest corporate cases handled by our firm. Pagkatapos ng hearing, niyaya ako ng mga kasamahan kong abogado na mag-celebrate. Pero tumanggi ako. Gusto ko lang umuwi agad. Gusto kong makita si Julian. Gusto kong maramdaman muli na may dahilan pa akong ngumiti pagkatapos ng lahat ng pagod. “Sigurado ka bang hindi ka sasama, Rox?” tanong ni Atty. Claire habang nag-aayos ng gamit. “Next time na lang. I really want to go home early. Gusto kong ibalita kay Julian,” sagot ko, habang ngiti pa ako nang ngiti sa tuwa. “Ikaw ang bahala. Basta text mo lang kami kapag nagbago ang isip mo. Sasamahan ka namin mag-celebrate,” bilin ni Claire bago ako naunang lumabas. Pagdating ko sa bahay, halos madurog ang dibdib ko sa saya habang nakatingin sa mga bulaklak na binili ko, pati ang maliit na cake. Sinadya kong maglakad nang tahimik papunta sa kuwarto, plano kong sorpresahin ang asawa ko. Paglapit ko sa pinto ng kuwarto namin, nakabukas ito ng bahagya. Akala ko ay nanonood lang siya ng TV, pero nang buksan ko nang mas malaki, bigla akong natigilan. “J-Julian…” Nakita ko mismo sa harap ko ang asawa kong si Julian na nakikipagtalik sa isang matandang lalaki—si Mr. Benedicto Santos, kaibigan ng pamilya nila. Hindi ako agad nakakilos. Nanatili lang akong nakatayo, nanginginig, hawak pa rin ang cake na kanina ko lang pinangarap na pagsaluhan namin. “Roxanne!” sigaw ni Julian nang mapansin ako. Agad niyang tinabig ang lalaki at nagmamadaling nagtakip ng kumot. “What the hell are you doing here?” Hindi ako makasagot. Nanghina ang mga tuhod ko, kaya napaupo ako sa sahig. “A-Ano ‘to, Julian? Anong ibig sabihin nito?” Lumapit siya sa akin, halatang galit. “Wala kang karapatang basta-basta pumasok dito nang walang paalam!” Napalunok ako, halos hindi makapaniwala sa naririnig ko. “Walang paalam? Asawa mo ako! Kuwarto natin ‘to!” “Don’t raise your voice!” sigaw niya. “Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo, Roxanne!” Tumayo ako, nanginginig sa galit. “So this is the reason kung bakit hindi mo ako mahawakan? Kung bakit sa loob ng limang taon, halos hindi mo ako tinitingnan?” Itinuro ko ang kama. “Ito ba ang gusto mo? Ito pala ang dahilan kung bakit ako nagmumukhang hangal!” Humakbang siya palapit, puno ng inis ang mukha. “You wouldn’t understand, Roxanne! You never did! Hindi mo alam kung gaano kahirap itago ‘to!” “Bakit kailangan mong gamitin ako?” halos pasigaw kong tanong. “Ginawa mo akong laruan para lang maitago mo ang totoo mong pagkatao?” “Tigilan mo nga ‘yang pagdadrama mo! Hindi ko ginusto ang kasal na ‘to! It was our parents’ idea! At sa totoo lang, kung hindi nila ako pinilit, never kita pakakasalan!” Tumigil ang mundo ko. “Julian…” “You’re a cold woman, Roxanne. You always pretend to be perfect—successful lawyer, ideal wife, but to be honest? You’re boring. Kahit kailan, hindi mo ako napaligaya!” Namilog ang mga mata ko, namuo ang luha. “Ganoon na lang? Lahat ng taon, lahat ng sakripisyo ko, basura lang para sa ‘yo?” Tumawa siya ng mapait. “Don’t act like a victim! You knew this marriage was built on convenience. Pareho nating alam kung bakit tayo nagpakasal—para sa negosyo, para sa imahe. You’re not innocent, Roxanne!” “Hindi ko alam na ganito ka!” sagot ko, umiiyak na. “Naniwala ako na kahit paano, may pagmamahal pa rin sa pagitan natin! Na darating ang araw na matutunan mo rin akong mahalin at tanggapin!” Naglakad siya palayo, kinuha ang mga damit niya at mabilis na nagbihis. “Love? You don’t even know what that word means. Hindi ako kailanman nagmahal sa ‘yo. At kung umaasa kang mababago ‘to, wake up! I’ve been like this all my life! Hindi kita kayang mahalin, Roxanne!” “Julian, please…” Tinangka kong lapitan siya, pero tinabig niya lang ako. “Don’t touch me,” malamig niyang sabi. “You disgust me, Roxanne. Wala kang alam sa tunay na kaligayahan ko bilang asawa mo.” “Kaligayahan?” Napasigaw ako. “Ito ba ang kaligayahan mo—ang pagtatraydor? Ang pagsira sa dangal ko bilang asawa mo?” “Stop pretending you’re the victim here! You’re just like everyone else. Wala kang karapatang humusga sa akin dahil hindi mo alam ang pinagdadaanan ko.” Humigpit ang pagkakahawak ko sa cake na hawak ko pa rin. Sa sobrang galit, ibinato ko iyon sa sahig. “I gave you everything! Sinubukan kong maging mabuting asawa! Naghintay ako! Pero anong ginawa mo? Niloko mo ako sa bahay natin mismo! You're disgusting, Julian! Mas pipiliin mo pa talagang magloko sa akin kesa sabihin kung ano ang mali sa relasyon natin!” Malamig niya akong tinitigan. “Tapos na ‘to, Roxanne. Wala nang dapat pag-usapan. You can go back to your perfect lawyer life. Leave me out of it.” “Julian…” “Please, just go.” Nakatitig ako sa kaniya, pilit iniintindi kung paano naging ganito ang lalaking dati kong pinagkatiwalaan ng buong puso. Sa sobrang sakit, tumalikod ako, at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Naririnig ko pa ang sigaw ng matandang lalaking kasama niya kanina. Hindi ko na pinansin. Sa sasakyan, hindi ko na napigilang humikbi nang malakas. Hindi ko alam kung saan pupunta. Hindi ko alam kung anong mali ko. Lahat ng alaala namin, lahat ng sakripisyong ginawa ko, biglang nagmistulang wala lang. *** Pagdating ko sa isang bar malapit sa opisina, umorder ako ng alak. “Isa pa,” sabi ko sa bartender, halos walang emosyon. Paulit-ulit lang akong uminom hanggang sa hindi ko na alam kung ilang baso na. Habang pinakikinggan ko ang maingay na tugtog, bumalik-balik sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Julian. “You disgust me.” Pinikit ko ang mga mata ko, at doon na ako tuluyang naiyak. “Miss, okay ka lang?” tanong ng bartender. Tumango ako, pero halatang lasing na ako. “Hindi ko alam kung may mali ba sa akin… o sobra lang akong tanga.” Hindi ko na alam kung anong oras na nang lumabas ako ng bar. Malakas na ang ulan. Halos hindi ko na makita ang daan. Sa gitna ng paglalakad ko, naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko. “Miss, sandali lang, baka matumba ka.” “Bitawan mo ako!” sigaw ko, pero nang tumingin ako, nakita ang lalaki ang nakayuko, nakapayong, nakasuot ng itim na coat. “Roxanne?” mahina niyang sabi, parang nagulat din siya. “What the hell are you doing out here?” Sobrang labo ng paningin ko. Hindi ko halos maaninag ang itsura ng lalaki. “Julian?” halos bulong ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Mahal na mahal kita. Ako na lang, please. Kakalimutan ko ang nangyari sa bahay.” Hindi siya sumagot. Tumingkayad ako upang halikan ang labi niya. Hindi ko alam kung paano niya ako nakita. Pero ang huli kong naalala ay ang boses niya habang sinasabing, “You’re freezing. Come with me. I’ll take you home.” *** Pagkagising ko kinaumagahan, nasa loob na ako ng isang malaking kuwarto. Doon ko lang napagtantong wala ako sa bahay ko. Nang bumaba ako, namilog ang mga mata ko nang nakita si Mateo, ang tiyuhin ni Julian. Nakaupo siya sa sofa, tahimik na nagbabasa ng dokumento. Nang mapansin niyang gising ako, agad siyang lumapit. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Napakagat-labi ako nang mapagtantong si Mateo ang hinalikan ko! “You were completely drunk last night. Good thing I found you before something worse happened.” “Bakit mo ako dinala rito?” tanong ko, pilit tinago ang kabang nararamdaman. “You couldn’t even stand on your own. I couldn’t just leave you there.” Napakamot siya sa leeg niya. Mas lalo akong kinabahan nang napansin ang kiss mark sa leeg niya. “You're sore from last night. Binilhan kita ng gamot. You can drink it,” sabi ni Mateo, Napasinghap ako, nanlamig ang buong katawan ko nang tuluyang pumasok sa isip ko ang ibig sabihin niya. My jaw dropped as realization hit me—may nangyari sa amin kagabi.Roxanne’s POVTumunog ang cellphone ko. Pagkakita ko sa pangalan ni Julian sa screen, automatic na kumunot ang noo ko. Hindi ko sana sasagutin, pero naunahan ako ni Mateo.“Sagutin mo,” mahinang sabi niya. “Baka hinahanap ka na naman niya.”Nakasandal siya sa headboard. Kita ko pa rin ang pilit niyang pagtitiis habang nakahawak sa tiyan niyang may benda. Kahit masakit, pilit pa rin siyang kumikilos na parang ayos lang siya.Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag.“Roxanne, where are you?” bungad ni Julian. “Sabi ni Daddy, magkasama raw kayo ni Uncle Mateo sa birthday party ni Congressman.”“Umuwi na ako,” sagot ko, pilit pinapantay ang tono ng boses ko. “Nasiraan ako ng kotse kanina sa daan. Sinama na lang niya ako pauwi. Bakit? May kailangan ka ba?”“Napansin kayo ni Daddy,” dugtong niya, “na parang may kakaiba raw sa inyo. Hindi raw kayo nag-uusap na parang magtiyuhin lang.”Napatingin ako kay Mateo. Nakatingin din siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero malinaw ang sina
Roxanne’s POVMagdamag akong hindi nakatulog.Kahit ilang beses nang sinabi ng doktor na stable na si Mateo, na wala na raw panganib at maayos ang pagkakagawa ng pagtahi sa sugat niya sa tiyan, hindi pa rin ako mapakali. Para akong hinihila pabalik sa bawat segundo ng gabing halos mawala siya sa akin.Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Mainit pa rin naman siya. Buhay na buhay. Humihinga pa siya. Pero hindi sapat iyon para kumalma ako.“Binaril ka nila,” pabulong kong sabi kahit alam kong wala siyang sagot. “At hindi mo man lang napansin.”Tahimik pa rin siya. Mahimbing ang tulog, pero may kunot ang noo. Parang kahit sa panaginip, may laban pa rin siyang hinaharap.Umupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko binitiwan ang kamay niya kahit sumakit na ang pulso ko.“Sabi mo hindi mo nakita kung sino,” mahina kong dagdag. “Pero alam mo, hindi ako naniniwala na basta lang ‘yon. Ikaw ang target nila kaya ka pinanunta ni Daddy Roberto sa birthday ni Congressman.”Huminga ako nang malalim at
Roxanne’s POVHabang abala si Mateo sa pakikipag-usap sa mga bisita, ako naman ay hindi mapakali. Hindi ko kayang magpanggap na normal lang ang lahat. Hindi sa ganitong lugar. Hindi sa ganitong mga tao. Kaya habang siya ay ngumingiti, nakipagkamay, at nakipagpalitan ng mga salitang puno ng pakinabang, ako ay tahimik na nagbabantay.Paulit-ulit bumabalik ang tingin ko sa lalaking naka-polo, nasa bandang gilid ng venue. Hindi siya masyadong halata, pero hindi rin siya nagtatago. May tattoo siya sa kamay. Isang disenyo na matagal ko nang alam kahit ipikit ko pa ang mga mata ko.Parehong-pareho.Hindi ko kailangang mag-isip pa. Ilang taon ko nang dala ang imaheng iyon sa isip ko. Pareho sila ng tattoo ni Daddy Roberto, sampung taon na ang nakalipas. Bago siya mamatay. Bago kami mawala.Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko, kunwari ay nagte-text, pero ang totoo ay binuksan ko ang camera. Kailangan kong maging maingat. Isang maling galaw, isang malin
Mateo’s POVPagdating namin ni Roxanne sa abandonadong law firm kung saan nagtatrabaho ang tatay niya noon, agad kong nakita ang isa sa mga assistant ko na nakaabang sa ‘di kalayuan. Hindi siya lumapit agad. Sa halip, lumingon muna siya sa paligid bago nagbigay ng senyas na lumapit kami nang dahan-dahan.“Sir,” mahina niyang sabi nang makalapit kami, “may problema.”“Ano?” tanong ko agad.“Nakita namin ang kotse ni Sir Roberto sa likod ng building,” sagot niya. “May mga kasama siya.”Nanigas ang katawan ni Roxanne sa tabi ko. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa manggas ng polo ko.“Sigurado ka?” tanong ko.“Opo,” sagot ng assistant ko. “Itim na SUV. Plate number confirmed.”Hindi ako nag-aksaya ng oras. Lumapit ako kay Roxanne at hinawakan ang balikat niya.“Huwag kang magsasalita,” bulong ko. “Sundin mo lang ako.”“Bakit nandito si Daddy Roberto?” mahina niyang tanong. “Akala ko sarado na ‘to.”“Dahil may tinatago talaga siya,” sagot ko nang diretso. “At ayokong makita niya tayo
Mateo’s POV Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko agad siya hinarap. Parang kailangan ko munang siguraduhin kung tama ang narinig ko. Hindi ko alam kung galit ba ang una kong naramdaman o takot. Siguro pareho. “Ano’ng sinabi mo?” tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko. Umupo pa rin siya sa sofa, diretso ang likod, pero ramdam ko ang tensyon sa balikat niya. Hindi siya umiwas ng tingin. “Nakita ko ang mga dating larawan ni Daddy Roberto,” ulit niya. “Mga lumang larawan. Bago pa kayo yumaman. Bago pa kayo magkaroon ng kompanya.” Nilunok ko ang laway ko. “Saan mo nakita?” tanong ko. “Sa lumang storage room sa bahay ni Mommy Tess,” sagot niya. “Naghahanap ako ng mga dokumento para sa annulment. May isang kahon doon. May mga album.” Natahimik ako. Hindi ko pa rin siya nililingon. “Mateo,” tawag niya. “Sagutin mo muna ako bago ka mag-isip ng kahit ano.” Huminga ako nang malalim saka ako tuluyang humarap sa kaniya. “Anong tattoo?” tanong ko. Tumayo siya at lumapit sa akin.
Mateo’s POV Nakaupo ako sa loob ng pribadong opisina ng imbestigador na kilala sa ilalim ng mesa at sa labas ng batas. Kaibigan siya ni Atty. Tuazon—iyon ang sabi niya sa akin nang ipakilala ko ang sarili ko. Tatlo silang nandoon. May isang babae na tahimik lang, may hawak na tablet, at dalawang lalaking halatang sanay sa ganitong klase ng trabaho. “In short,” sabi ng imbestigador habang nakasandal sa upuan niya, “gusto mong hanapin ang pumatay sa mga magulang ng asawa ng pamangkin mo. Ten years ago. Walang malinaw na lead maliban sa tattoo.” “Hindi lang tattoo,” sagot ko, diretso ang tingin sa kaniya. “May CCTV. May timeline. May huling kasong hinawakan ang tatay niya bago siya pinatay.” Tumango siya. “Alam ko. N-ireview na namin bago ka dumating. Pero kailangan kong linawin sa iyo, Mateo. Mahirap ‘to. Sampung taon na ang lumipas. Pwedeng patay na ang gunman. Pwedeng binura na ang tattoo. Pwedeng may mas malaking taong sangkot na hindi basta-basta gagalawin.” Pinatong ko ang pala







