Share

Kabanata 2

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-11-12 20:37:08

Roxanne's POV

Lumipas ang mga araw at linggo, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang gabing pinagsaluhan namin ni Mateo.

Lumipat na ako sa maliit kong condo sa Mandaluyong, malayo sa bahay na minsan naming pinagsaluhan ni Julian. Simula nang malaman kong hayagan na siyang nakatira sa piling ng kalaguyo niya, hindi ko na kinaya ang manatili ro’n. Sawa na ako sa sakit, sa mga bulong ng kasinungalingan, at sa mga titig ng mga taong nakakaalam ng totoo.

Ginugol ko ang buong oras ko sa trabaho. Halos araw-araw, nasa korte ako o kaya’y nakatutok sa mga legal documents. Gusto kong ilibing ang sarili ko sa mga kaso kasi mas madali pa ‘yon kaysa harapin ang katotohanang wala na kaming pag-asa ni Julian.

Habang nagpe-prepare ako papasok, bigla akong nahilo. Tinanggal ko ang heels ko at umupo sa gilid ng kama. Pinikit ko ang mga mata ko pero lalo lang akong tinamaan ng hilo.

“Hindi puwedeng buntis ako,” mahina kong sabi sa sarili. “Imposible.”

Sinubukan kong balewalain, pero nang ilang araw pa akong nagsusuka, napilitan na akong magpa-checkup.

Paglabas ko ng clinic, nanginginig ang kamay kong may hawak ng brown envelope. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kotse. Nang buksan ko, nakita ko ang resulta—positive.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Tiyuhin ng asawa ko ang nakabuntis sa akin.

“Paano kung malaman nila?” paulit-ulit kong tanong sa isip ko. “Paano kung malaman ni Julian? Paano kung malaman ng pamilya niya?”

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag na ang tiyuhin ng asawa ko ang ama ng batang dinadala ko.

***

Kinabukasan, pagpasok ko sa law firm, napahinto ako sa pintuan nang nakita si Julian. Nakaupo siya sa lounge area, may dalang bouquet ng white roses.

Napatingin sa amin ang mga kasamahan ko. Pilit kong tinago ang pagkairita.

“Julian, anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong habang naglalakad papunta sa kaniya.

Tumayo siya. Nakangiting lumapit sa akin. “I came to see you. I miss you, Roxanne.”

Napakunot ang noo ko. “Miss me? Seriously? After everything you did?” bulong ko.

“Rox, please, huwag tayo rito magtalo,” mahina niyang sabi. “Let’s talk somewhere private.”

Tiningnan ko ang paligid. Lahat ay nakatingin na pala sa amin. Ayokong maging usapan na naman ng buong opisina.

“Fine. Make it quick,” sagot ko.

Lumapit siya sa akin, inabot ang bulaklak. “Mom’s birthday is tomorrow. She wants you to come. She’s been asking about you.”

Napahinga ako nang malalim. “Hindi na siguro kailangan. Alam kong hindi niya gusto ang ginawa kong pag-alis. Bakit hindi mo dalhin ang lalaki mo?”

“She still loves you. Besides, she doesn’t know everything that happened. Please, Roxanne… kahit sa kaniya man lang, huwag mong iparamdam na wala na tayo.”

Napayuko ako. Gusto kong sabihin na wala na nga kami, matagal nang wala. Pero sa tono ng boses niya, parang may bahid ng guilt.

“Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong ko. “May iba ka na, Julian. Alam ‘yon ng lahat.”

“Because I still care,” sagot niya. “Hindi gano’n kadali para sa akin ‘to. Please, just come. It’s just one night.”

Napatingin ako sa mga kasamahan kong nakamasid. Hindi ko kayang magdulot ng eksena.

“Fine,” sabi ko sa huli. “Pero ‘wag mong isipin na para sa ‘yo ‘yon. Para lang kay Mom.”

Tumango siya, may maliit na ngiti. “Thank you, Rox.”

Pag-alis niya, napaupo ako sa upuan ko. Hindi ko mapigilang ilagay ang kamay ko sa tiyan ko. Wala pa man, ramdam ko na ang bigat ng sikreto kong dala.

***

Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa bahay ng mga Ramirez. Nando’n si Julian, ang mga kapatid niya, at si Mateo—ang lalaking pinakaayaw kong makita sa lahat.

Tahimik lang akong pumasok, dala ang maliit na regalo. Pero nang magtama ang mga mata namin ni Mateo, parang huminto ang paligid. Nakita ko kung paano siya napatigil, kung paano nanigas ang mga kamay niya habang nakatingin sa akin.

Lumapit siya sa akin pagkatapos ng ilang minuto.

“Attorney, can we talk?” mahinahon niyang sabi.

Umiling ako. “Hindi rito.”

“Then after this,” aniya. “Hindi ako aalis hangga’t hindi tayo nag-uusap.”

Hindi ko na siya sinagot.

Matapos ang kainan, umalis agad ako papunta sa garden. Do’n niya ako sinundan.

“Roxanne,” tawag niya. “You’ve been avoiding me.”

“Huwag kang maingay, Mateo,” pabulong kong sagot. “Walang dapat makaalam.”

“Bakit? May dapat ba silang malaman?”

“Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo,” sabi ko, nanginginig ang boses. “This is already too much. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Humarap ako sa kanya, nangingilid ang luha ko. “I’m pregnant, Mateo.”

Nanahimik siya. Ilang segundo bago siya nakapagsalita. “What?”

“I’m pregnant,” ulit ko. “And it’s yours.”

Humakbang siya palapit, halatang hindi makapaniwala. “Roxanne, are you sure?”

“Yes. I had it confirmed. Two weeks ago.”

Napakamot siya sa sentido niya, halatang gulong-gulo. “I thought… I thought you’re on pills.”

“I was,” sagot ko. “Pero minsan lang akong nakalimot. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari.”

“Does Julian know?”

“Of course not. And he can’t. Ever. Kahit pa niloko niya ako. Hindi niya pwedeng malaman na buntis ako at ikaw ang ama.”

“Roxanne…” Napabuntong-hininga siya. “What are you planning to do?”

“I don’t know,” sagot ko, halos maiyak. “Hindi ko kayang itago ‘to nang matagal. Eventually, someone will notice.”

Lumapit siya sa akin. “I’ll take responsibility. Secretly, if that’s what you want.”

“Secretly?” Tumaas ang boses ko. “Mateo, this is not something you can hide forever.”

“Then tell me what you want me to do!” halos desperado na siya. “If you want me to marry you, I will. Just… just don’t push me away.”

Napatingin ako sa kaniya. “Mateo, do you even realize what you’re saying? Kapag nalaman ni Julian, he’ll destroy both of us.”

“I don’t care,” mariin niyang sagot. “Let him. He already lost you the moment he betrayed you.”

Napayuko ako. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa sa mga salitang ‘yon.

“Mateo, this is not love. This is a mistake,” mahina kong sabi.

“No, Roxanne,” sagot niya. “It wasn’t a mistake. Hindi ko pagsisisihan ang gabing ‘yon.”

Napahinga ako nang malalim, pinipigilang umiyak. “Please, Mateo. Huwag mo na lang palalain. Sinabi ko lang sa ‘yo habang maaga pa.”

Hinawakan niya ang kamay ko. “File for annulment. Please. Let me fix this for both of us.”

“Annulment?” bulong ko. “Mateo, hindi gano’n kadali ‘yon.”

“I know, but I can help. We’ll do it quietly. I’ll talk to someone I know sa legal department. Just… let me take care of you.”

Umiling ako. “Hindi mo ako kailangang alagaan. Kaya kong mag-isa.”

“Hindi mo kailangang magpaka-martyr, Roxanne,” mariin niyang sabi. “You’ve suffered enough. Let me do this right.”

Tumingin ako sa kaniya. “At pagkatapos? Ano? Pakakasalan mo ako habang galit sa atin ang buong pamilya mo? Habang alam mong ako pa rin ang asawa ng pamangkin mo?”

“Then let them hate me,” aniya. “Hindi ko kayang pabayaan ka. Lalo na ngayon. You're pregnant.”

Napayuko ako, tinakpan ang mukha ko ng mga palad ko. “Mateo, please… I just need time.”

“I’ll give you time. Pero tandaan mo, Roxanne—this child is mine too. And I’m not going anywhere. Paninindigan kita kahit pa kailangan kong kalabanin ang asawa mo at ang sarili kong pamilya.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 39

    Roxanne’s POVNakaupo kami sa veranda habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Sobrang peaceful ng paligid. Nakasandal ako sa balikat ni Mateo, habang nakayakap naman siya sa akin at ang isang kamay niya ay nakahawak sa tiyan ko. Ramdam ko ang init ng palad niya, steady, parang sinasabi sa akin na kasama ko lang siya palagi. Nakapatay lahat ng mga cellphone namin kaya wala talagang isturbo. Para raw masolo namin ang isa't isa. Ayaw niya rin kasing may isturbo.“Pagod ka ba?” tanong niya matapos ang ilang minutong katahimikan.“Hindi,” sagot ko. “Okay lang ako. Bakit naman ako mapapagod? Maghapon tayong magkasama.”“Sigurado?”Tumango ako. “Mas okay ako ngayon kaysa kanina.”Ngumiti siya. “Good.”“Anong iniisip mo?” tanong ko sa kaniya nang biglang sumeryoso ang mukha niya.“Iniisip ko kung gaano ka kalakas,” sagot niya. “At kung gaano ka ka-brave sa lahat ng pinagdadaanan mo.”***Pagtungtong ng alas siyete ng gabi, tumayo si Mateo at inalalayan ako. “Tara na,” sabi niya.“Saan?” t

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 38

    Roxanne’s POVNagising ako dahil sa malakas na pagtunog ng cellphone ko. Napaigtad ako at agad inabot ang cellphone sa bedside table bago pa magising si Mateo. Nang makita ko ang pangalan ni Mommy Tess sa screen, parang biglang nawala ang antok ko.Sinagot ko ang tawag at ibinaba ang boses ko. “Good morning po, Mommy Tess.”“Good morning, hija,” sagot niya. “Julian told me, hindi ka raw natulog sa bahay ninyo ilang araw na ang nakalipas.”Napatingin ako kay Mateo. Mahimbing pa rin siyang natutulog, pero mahigpit ang yakap niya sa akin, parang natatakot siyang mawala ako. Napalunok ako bago sumagot.“May konting aberya lang po,” sabi ko. “Nagkaroon po kami ng hindi pagkakaintindihan.”“Ganoon ba,” sabi niya. “Nag-away na naman ba kayong dalawa?”“Hindi naman po malala,” sagot ko kahit hindi totoo. “May pinag-awayan lang po.”“Roxanne,” mas seryoso ang tono niya, “alam mo naman na ayokong nakikitang nahihirapan ka. Kung anuman ang problema ninyo ni Julian, sana ay magkabati na kayo. Lal

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 37

    Roxanne’s POVTumunog ang cellphone ko. Pagkakita ko sa pangalan ni Julian sa screen, automatic na kumunot ang noo ko. Hindi ko sana sasagutin, pero naunahan ako ni Mateo.“Sagutin mo,” mahinang sabi niya. “Baka hinahanap ka na naman niya.”Nakasandal siya sa headboard. Kita ko pa rin ang pilit niyang pagtitiis habang nakahawak sa tiyan niyang may benda. Kahit masakit, pilit pa rin siyang kumikilos na parang ayos lang siya.Huminga ako nang malalim bago sinagot ang tawag.“Roxanne, where are you?” bungad ni Julian. “Sabi ni Daddy, magkasama raw kayo ni Uncle Mateo sa birthday party ni Congressman.”“Umuwi na ako,” sagot ko, pilit pinapantay ang tono ng boses ko. “Nasiraan ako ng kotse kanina sa daan. Sinama na lang niya ako pauwi. Bakit? May kailangan ka ba?”“Napansin kayo ni Daddy,” dugtong niya, “na parang may kakaiba raw sa inyo. Hindi raw kayo nag-uusap na parang magtiyuhin lang.”Napatingin ako kay Mateo. Nakatingin din siya sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero malinaw ang sina

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 36

    Roxanne’s POVMagdamag akong hindi nakatulog.Kahit ilang beses nang sinabi ng doktor na stable na si Mateo, na wala na raw panganib at maayos ang pagkakagawa ng pagtahi sa sugat niya sa tiyan, hindi pa rin ako mapakali. Para akong hinihila pabalik sa bawat segundo ng gabing halos mawala siya sa akin.Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. Mainit pa rin naman siya. Buhay na buhay. Humihinga pa siya. Pero hindi sapat iyon para kumalma ako.“Binaril ka nila,” pabulong kong sabi kahit alam kong wala siyang sagot. “At hindi mo man lang napansin.”Tahimik pa rin siya. Mahimbing ang tulog, pero may kunot ang noo. Parang kahit sa panaginip, may laban pa rin siyang hinaharap.Umupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko binitiwan ang kamay niya kahit sumakit na ang pulso ko.“Sabi mo hindi mo nakita kung sino,” mahina kong dagdag. “Pero alam mo, hindi ako naniniwala na basta lang ‘yon. Ikaw ang target nila kaya ka pinanunta ni Daddy Roberto sa birthday ni Congressman.”Huminga ako nang malalim at

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 35

    Roxanne’s POVHabang abala si Mateo sa pakikipag-usap sa mga bisita, ako naman ay hindi mapakali. Hindi ko kayang magpanggap na normal lang ang lahat. Hindi sa ganitong lugar. Hindi sa ganitong mga tao. Kaya habang siya ay ngumingiti, nakipagkamay, at nakipagpalitan ng mga salitang puno ng pakinabang, ako ay tahimik na nagbabantay.Paulit-ulit bumabalik ang tingin ko sa lalaking naka-polo, nasa bandang gilid ng venue. Hindi siya masyadong halata, pero hindi rin siya nagtatago. May tattoo siya sa kamay. Isang disenyo na matagal ko nang alam kahit ipikit ko pa ang mga mata ko.Parehong-pareho.Hindi ko kailangang mag-isip pa. Ilang taon ko nang dala ang imaheng iyon sa isip ko. Pareho sila ng tattoo ni Daddy Roberto, sampung taon na ang nakalipas. Bago siya mamatay. Bago kami mawala.Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko, kunwari ay nagte-text, pero ang totoo ay binuksan ko ang camera. Kailangan kong maging maingat. Isang maling galaw, isang malin

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 34

    Mateo’s POVPagdating namin ni Roxanne sa abandonadong law firm kung saan nagtatrabaho ang tatay niya noon, agad kong nakita ang isa sa mga assistant ko na nakaabang sa ‘di kalayuan. Hindi siya lumapit agad. Sa halip, lumingon muna siya sa paligid bago nagbigay ng senyas na lumapit kami nang dahan-dahan.“Sir,” mahina niyang sabi nang makalapit kami, “may problema.”“Ano?” tanong ko agad.“Nakita namin ang kotse ni Sir Roberto sa likod ng building,” sagot niya. “May mga kasama siya.”Nanigas ang katawan ni Roxanne sa tabi ko. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa manggas ng polo ko.“Sigurado ka?” tanong ko.“Opo,” sagot ng assistant ko. “Itim na SUV. Plate number confirmed.”Hindi ako nag-aksaya ng oras. Lumapit ako kay Roxanne at hinawakan ang balikat niya.“Huwag kang magsasalita,” bulong ko. “Sundin mo lang ako.”“Bakit nandito si Daddy Roberto?” mahina niyang tanong. “Akala ko sarado na ‘to.”“Dahil may tinatago talaga siya,” sagot ko nang diretso. “At ayokong makita niya tayo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status