LOGINRoxanne's POV
“Paninindigan kita kahit anong mangyari,” sabi ni Mateo. “File an annulment.” Napahawak ako sa ulo ko. “Mas lalung magiging komplikado kung magpa-file ako ng annulment laban kay Julian para lang mapakasalan mo ako. Hindi ito basta-bastang desisyon na pwedeng gawin sa isang iglap. Alam kong hindi lang reputasyon ko ang nakataya rito—pati buong pangalan ng pamilya Ramirez, pati karera kong pinaghirapan, pati dangal ng mga magulang ko.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Fine. Please keep the baby. Aalagaan ko kayo.” Napabuntong-hininga ako nang umalis si Mateo, bumalik sa pamilya namin. Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong kaya kong harapin ang lahat, alam kong hindi gano’n kadali. Sa mundong ginagalawan ko, sapat na ang isang maling hakbang para sirain ang lahat ng pinaghirapan mo. Mula nang aminin ko sa kaniya na buntis ako, araw-araw, pilit siyang nagpupunta sa condo ko nagdadala ng pagkain, gamot, at kung anu-ano pa. Kahit pinagsarhan ko siya ng pinto. Pero hindi siya tumigil. *** Napabalikwas ako ng bangon nang mapansing may kumakatok sa pinto. Pagbukas ko, nakita ko si Mateo na may dalang grocery bags. “You skipped dinner again,” agad niyang sabi. “I called your secretary. She said you’ve been working straight for hours.” Napailing ako. “Mateo, hindi mo kailangang gawin ‘to.” “Hindi ko kailangan, pero gusto ko,” sagot niya. Pumasok siya kahit hindi ko pa siya pinapapasok. “You need to eat.” “Mateo,” sabi ko nang mariin, “huwag ka namang basta-basta pumapasok dito. May mga kapitbahay ako.” “Then let them talk,” sagot niya habang inaayos ang mga pagkain sa mesa. “I don’t care what they think.” “Pero ako, nagmamalasakit ako sa mga iniisip ng iba,” sagot ko, medyo mataas na ang tono. “Hindi mo naiintindihan, Mateo. Ako ang babae rito. Ako ang mapupuna.” Tumigil siya sa ginagawa niya. “So, gusto mong itago ‘to habang buhay? Gusto mong itago ako? Itago ang anak natin?” Napatingin ako sa kaniya, napahawak ako sa tiyan ko nang hindi ko namamalayan. “Mateo, hindi mo alam kung gaano kabigat ‘to. I could lose my license. I could lose everything I worked for. Kasal pa rin kami ni Julian.” Lumapit siya. “Roxanne, I know you’re scared.” “Hindi ko kailangan ng tulong mo,” sagot ko. “Pero kailangan mo,” aniya. “You may not admit it, pero alam kong kailangan mo ako ngayon.” Tumingin ako sa kaniya. “Mateo, huwag mo namang gawing mas mahirap pa ‘to. Hindi ko kayang makita kang araw-araw dito.” Napahinga siya nang malalim. “So what do you want me to do? Just walk away like nothing happened? Pretend this child doesn’t exist?” “Hindi ko sinabing gano’n,” sagot ko. “Pero may tamang oras at paraan.” “Anong oras pa ba ang hinihintay mo?” Tumaas na rin ang tono niya. “Roxanne, bawat araw na lumilipas, lumalaki ‘yang tiyan mo. Do you think Julian won’t notice eventually?” Napalunok ako. “Wala na kaming koneksyon ni Julian. Hindi na niya ako pinapansin.” “Pero asawa ka pa rin niya,” sagot ni Mateo. “And people will talk. Do you want him to be the first to hear it from others?” Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong isasagot. Lumapit siya sa akin. “Let me help you. Please. I can handle the rest. I can talk to your parents if you want.” Napailing ako, halos mangiyak-ngiyak. “No. Hindi mo sila pwedeng kausapin. Hindi mo alam kung anong puwedeng mangyari kapag nalaman nila. Baka itakwil nila ako.” “Then we’ll deal with it together,” sagot niya. “I’ll be there.” “Mateo,” mahina kong sabi, “hindi mo ako pwedeng ipaglaban sa ganitong paraan. Hindi mo ako puwedeng ilaban habang nakatali pa ako sa pamangkin mo.” “Then file the annulment.” Napaikot ko ang mga mata ko, napailing nang marahan. “Paulit-ulit ka na lang. Hindi gano’n kasimple.” “Hindi mo pa sinubukan,” sagot niya. “Let me handle the paperwork kung gusto mo. I’ll find a way.” “Mateo, may mga bagay na hindi mo basta puwedeng ayusin sa pamamagitan ng pera o koneksyon. Hindi mo pwedeng diktahan ang korte.” “Then we’ll do it properly,” aniya. “Pero Roxanne, I won’t let our child grow up in secret. Hindi ko kayang isipin na itatago mo siya.” “Hindi ko siya itatago,” sagot ko. “Pero hindi rin ako handa na sirain ang buhay ng lahat.” Napatitig siya sa akin, halatang hirap na pigilan ang emosyon. “So, gusto mong ako na lang ang sisihin? Ako ang gumawa ng mali? Kasi kung ‘yan ang gusto mo, Roxanne, kaya ko.” “Mateo, hindi ko sinasabi ‘yon.” “Pero ‘yan ang mangyayari,” aniya. “Kasi sa dulo, ako ang magiging masama. Ako ang tiyuhin. Ikaw ang asawa ng pamangkin ko. Lahat ng sisi, sa akin mapupunta. And you’ll still be the victim.” “Hindi mo alam kung gaano kasakit ‘to sa akin,” sagot ko, halos mapaiyak. “Hindi ko ginusto ‘to.” “Alam ko,” marahan niyang sagot. “Pero nangyari na. Kaya sana, huwag mo akong itulak palayo.” Pareho kaming natahimik Ilang segundo lang pero parang ang tagal. Pagkatapos, siya na rin ang unang nagsalita. “Kakain ka muna bago ako umalis,” sabi niya. “Ayoko ng nagtatrabaho ka nang walang laman ang tiyan mo.” Napabuntong-hininga ako. “Mateo…” “Tama na muna ‘yong usapan natin. Kumain ka lang,” sagot niya. “We’ll talk again when you’re ready.” Tumalikod siya at lumapit sa mesa, nilapag ang mga niluto niyang ulam. “Chicken tinola. Niluto ko ‘yan. Wala akong choice, wala kang tinitirang maayos na pagkain dito.” Napatawa ako ng mahina. “You cook now?” “Wala akong choice,” sagot niya, nakangiti ng kaunti. “Hindi ko hahayaang kumain ka ng instant noodles habang buntis.” Napaupo ako, naglabas siya ng plato, at sa kabila ng lahat, may kung anong ginhawang bumabalot sa paligid. *** Kinabukasan, habang nasa opisina ako, bigla akong nakatanggap ng tawag mula sa sekretarya ko. “Ma’am, may bisita po kayo sa lobby. Si Sir Julian.” Parang biglang huminto ang mundo ko. Agad kong kinuha ang bag ko at lumabas ng opisina. Pagdating ko sa lobby, agad kong nakita si Julian. “Sino ‘yong madalas dumadalaw sa condo mo?” diretsong tanong niya. Napalunok ako. “What are you talking about?” “May nakakita. A guy keeps visiting you. Uncle Mateo?” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. “Julian, please don’t make a scene.” “So, it’s true?” Tumaas ang boses niya. “You’re seeing my uncle now?” “Stop it,” sagot ko. “You have no right to question me.” “I’m still your husband,” sagot niya. “At kahit anong gawin mo, habang hindi pa tapos ‘tong kasal natin, may karapatan pa rin akong magtanong.” “Really?” Tumaas na rin ang tono ko. “After everything you did? After cheating on me?” “Roxanne, you could’ve told me if you wanted to move on.” “Move on?” sagot ko. “I’ve been trying to move on for months, Julian. Pero palaging may taong bumabalik sa buhay ko na pinapaalala sa akin lahat ng sakit.” “Then tell me the truth,” sabi niya. “Are you and Uncle Mateo—” “Stop,” putol ko. “Hindi mo kailangang malaman.” “Bakit hindi? Dahil may tinatago ka?” Naramdaman kong nanginig ang kamay ko. “Julian, umalis ka na. Wala kaming relasyon.” “Fine,” aniya. “Pero tandaan mo, Roxanne. Hindi mo puwedeng lokohin ang lahat. Lalabas din ang totoo.” Umalis siya at naiwa akong nakatayo sa gitna ng lobby habang nakatingin sa likod niyang papalayo.Roxanne's POV Pagkatapos ng ilang araw na walang tulog dahil sa sunod-sunod na hearings, niyaya ako ng mga kasamahan kong babae sa law firm na mag-unwind. “Roxanne, come on, kahit isang gabi lang. You deserve to relax,” pilit ni Atty. Bianca habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.“Pass muna ako,” sagot ko, pinilit kong ngumiti habang tinatago ang pagod sa mukha ko. “May inaasikaso pa kasi ako.”“Rox, ilang linggo ka nang hindi sumasama. Don’t tell me trabaho na naman?” singit ni Atty. Jane. “Ang boring mo na, promise.”Napabuntong-hininga ako. “Fine. Sasama ako, pero juice lang iinumin ko. No alcohol.”“Okay! Pero huwag kang mag-drama doon ha. I swear, kailangan mong i-loosen up.”***Pagdating namin sa bar, agad akong nabingi sa lakas ng tugtog at amoy ng alak. Hindi ako komportable, lalo na ngayon. Ramdam ko ang bigat ng tiyan ko kahit hindi pa halata. Napaupo ako sa isang sulok habang pinapanood silang sumasayaw at nagtatawanan.“Roxanne! This one’s for you!” sigaw ni
Roxanne's POVKatatapos ko lang ayusin ang mga dokumento ng bagong kaso ko nang mapansin kong tumatawag si Mateo sa cellphone ko. Para bang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, sa takot, o sa kakaibang saya na ayaw kong aminin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.“Okay, Roxanne, calm down,” bulong ko habang nakatingin sa screen.Ilang segundo pa bago ko tuluyang sinagot ang tawag. “Hi,” mahinang bati ko.“Rox,” agad niyang tugon. “Pwede ba kitang makita ngayong gabi?”“Mateo, hindi puwede rito sa labas,” sagot ko agad. “Baka may makakita sa atin. Baka may makapag-picture. You know what people are like.”“Hindi ko rin gusto na may makakita,” sabi niya. “I just… need to make sure you’re okay. Hindi kita nakita kahapon, and you didn’t answer my messages.”Napahinga ako nang malalim. “I’m fine. Busy lang sa work. Sige, pero sa condo na lang. Huwag kang magmadali, may kailangan pa akong tapusin.”“Okay. I’ll be there in an hour,” sagot niya, tapos pinuto
Roxanne's POV“Paninindigan kita kahit anong mangyari,” sabi ni Mateo. “File an annulment.”Napahawak ako sa ulo ko. “Mas lalung magiging komplikado kung magpa-file ako ng annulment laban kay Julian para lang mapakasalan mo ako. Hindi ito basta-bastang desisyon na pwedeng gawin sa isang iglap. Alam kong hindi lang reputasyon ko ang nakataya rito—pati buong pangalan ng pamilya Ramirez, pati karera kong pinaghirapan, pati dangal ng mga magulang ko.”Hinawakan niya ang kamay ko. “Fine. Please keep the baby. Aalagaan ko kayo.” Napabuntong-hininga ako nang umalis si Mateo, bumalik sa pamilya namin.Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong kaya kong harapin ang lahat, alam kong hindi gano’n kadali. Sa mundong ginagalawan ko, sapat na ang isang maling hakbang para sirain ang lahat ng pinaghirapan mo.Mula nang aminin ko sa kaniya na buntis ako, araw-araw, pilit siyang nagpupunta sa condo ko nagdadala ng pagkain, gamot, at kung anu-ano pa.Kahit pinagsarhan ko siya ng pinto. Pero hind
Roxanne's POVLumipas ang mga araw at linggo, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang gabing pinagsaluhan namin ni Mateo.Lumipat na ako sa maliit kong condo sa Mandaluyong, malayo sa bahay na minsan naming pinagsaluhan ni Julian. Simula nang malaman kong hayagan na siyang nakatira sa piling ng kalaguyo niya, hindi ko na kinaya ang manatili ro’n. Sawa na ako sa sakit, sa mga bulong ng kasinungalingan, at sa mga titig ng mga taong nakakaalam ng totoo.Ginugol ko ang buong oras ko sa trabaho. Halos araw-araw, nasa korte ako o kaya’y nakatutok sa mga legal documents. Gusto kong ilibing ang sarili ko sa mga kaso kasi mas madali pa ‘yon kaysa harapin ang katotohanang wala na kaming pag-asa ni Julian.Habang nagpe-prepare ako papasok, bigla akong nahilo. Tinanggal ko ang heels ko at umupo sa gilid ng kama. Pinikit ko ang mga mata ko pero lalo lang akong tinamaan ng hilo.“Hindi puwedeng buntis ako,” mahina kong sabi sa sarili. “Imposible.”Sinubukan kong balewalain, pero nang ilang araw pa
Roxanne's POVPagkatapos ng matagumpay na kaso na pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan, pakiramdam ko ay nakalutang ako sa tuwa. I was finally able to win against one of the toughest corporate cases handled by our firm. Pagkatapos ng hearing, niyaya ako ng mga kasamahan kong abogado na mag-celebrate. Pero tumanggi ako. Gusto ko lang umuwi agad. Gusto kong makita si Julian. Gusto kong maramdaman muli na may dahilan pa akong ngumiti pagkatapos ng lahat ng pagod.“Sigurado ka bang hindi ka sasama, Rox?” tanong ni Atty. Claire habang nag-aayos ng gamit.“Next time na lang. I really want to go home early. Gusto kong ibalita kay Julian,” sagot ko, habang ngiti pa ako nang ngiti sa tuwa.“Ikaw ang bahala. Basta text mo lang kami kapag nagbago ang isip mo. Sasamahan ka namin mag-celebrate,” bilin ni Claire bago ako naunang lumabas.Pagdating ko sa bahay, halos madurog ang dibdib ko sa saya habang nakatingin sa mga bulaklak na binili ko, pati ang maliit na cake. Sinadya kong maglakad nang







