Mag-log inRoxanne's POV
Katatapos ko lang ayusin ang mga dokumento ng bagong kaso ko nang mapansin kong tumatawag si Mateo sa cellphone ko. Para bang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, sa takot, o sa kakaibang saya na ayaw kong aminin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. “Okay, Roxanne, calm down,” bulong ko habang nakatingin sa screen. Ilang segundo pa bago ko tuluyang sinagot ang tawag. “Hi,” mahinang bati ko. “Rox,” agad niyang tugon. “Pwede ba kitang makita ngayong gabi?” “Mateo, hindi puwede rito sa labas,” sagot ko agad. “Baka may makakita sa atin. Baka may makapag-picture. You know what people are like.” “Hindi ko rin gusto na may makakita,” sabi niya. “I just… need to make sure you’re okay. Hindi kita nakita kahapon, and you didn’t answer my messages.” Napahinga ako nang malalim. “I’m fine. Busy lang sa work. Sige, pero sa condo na lang. Huwag kang magmadali, may kailangan pa akong tapusin.” “Okay. I’ll be there in an hour,” sagot niya, tapos pinutol ang tawag. *** Pag-uwi ko, umuulan na. Pagkapasok ko sa condo, inalis ko agad ang heels ko at tinanggal ang blazer. Nilapag ko sa mesa ang folder ng kaso ko nang biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako. “Mateo?” Basang-basa siya, may dalang grocery bags. “Sorry, hindi na ako nag-text. Nagmamadali ako kasi baka umulan nang mas malakas,” sabi niya habang tinatanggal ang jacket niya. “I bought you something. May tinola, may prutas, at vitamins.” “Mateo,” sabi ko, “hindi mo kailangang gawin ‘to.” Tumingin siya sa akin. “Hindi ko kailangan, pero gusto ko. Roxanne, buntis ka. Kailangan mong alagaan ang sarili mo.” “Hindi ako sanay na inaalagaan,” sagot ko. “Kaya ko naman ‘to mag-isa.” “I know you can,” sagot niya. “Pero ayokong magutom ka.” Umiling ako at naglakad papunta sa kusina, pilit na iniiwas ang tingin ko sa kaniya. “Hindi mo ba naiisip kung gaano kalaking kasalanan ‘to? Kung malaman ni Julian, kung malaman ng pamilya ninyo—” “Alam ko,” putol niya. “Pero hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa ‘yo o sa anak natin.” “Anak natin,” ulit ko. “Mateo, alam mo bang delikado ‘to sa atin pareho? Hindi lang ito tungkol sa reputasyon. Batas ang labag dito.” “Then we’ll face it when the time comes.” Napatigil ako sa paghuhugas ng kamay ko. “Ganoon lang ‘yun para sa ‘yo? We’ll face it?” “Hindi ko sinasabing madali, Rox,” sagot niya. “Pero hindi mo rin puwedeng takasan ang totoo. I made a mistake, but I’ll take responsibility.” “Mateo, this isn’t just a mistake,” sagot ko, medyo tumaas na ang tono ko. “Ito ang klase ng pagkakamaling puwedeng sirain ang buhay ng maraming tao. Pamilya mo, pamilya ko, karera ko.” “Alam ko ‘yan,” sabi niya, lumapit sa akin. “Pero ayokong isiping pagkakamali ‘to. Dahil ang bunga nito—ang anak natin—hindi kailanman pagkakamali.” Lumapit siya pa lalo, halos isang dangkal na lang ang pagitan namin. “Tingnan mo ako sa mata at sabihin mong ayaw mo ako rito,” dagdag niya. “Na ayaw mong kasama ako.” Napatitig ako sa kaniya, pero wala akong masabi. “See? Hindi mo kayang sabihin.” Bumuntong-hininga ako. “Hindi dahil gusto ko, Mateo. Kundi dahil alam kong mali.” “Rox, hindi lahat ng tama ay masaya. At hindi lahat ng mali ay dapat itapon,” sagot niya. “Ang alam ko lang, kailangan ka tayo ng anak natin.” “Mateo, please,” halos pakiusap ko na. “Let’s not make this harder than it already is.” “Okay,” mahina niyang sabi. “Pero huwag mong isipin na mawawala ako. Nandito lang ako.” Tahimik akong tumalikod at naupo sa sofa. Ilang sandali pa, sinimulan niyang ininit ang tinola. “Dapat kumain ka muna,” sabi niya nang ilapag ang mangkok sa harap ko. “Kahit kaunti lang.” Napatingin ako sa kaniya. “Ang hilig mong mag-utos ah.” “Hindi ako nag-uutos. Concerned lang.” “Lagi kang ganiyan,” sagot ko. “Mas mabait ka pa sa dapat.” Ngumiti siya nang mahina. “Hindi ako mabait. Natuto lang akong pahalagahan kung anong hindi ko dapat pinabayaan noon.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot, kaya kumain na lang ako. Tahimik siyang nakaupo sa tapat ko, pinapanood ako. “Mateo,” sabi ko sa gitna ng pagkain, “may mga araw na gusto ko na lang umalis. Magpunta sa ibang bansa. Itago ‘tong lahat. Tapos…” huminga ako nang malalim. “Tapos pagbalik ko, okay na lahat.” “Kung ‘yan ang gusto mo, pupunta ako ro’n,” sagot niya. “Kung gusto mong umalis, sasamahan kita.” “Hindi mo kailangang gawin ‘yon.” Palihim akong napangiti sa naging sagot niya. “Pero gusto ko,” sagot niya. “Rox, hindi mo ba naiintindihan? I want to be there. Hindi lang dahil may anak tayo, kundi dahil gusto kong makasama ka.” “Mateo, huwag mo nang sabihin ‘yan. Hindi magandang biro.” “Bakit?” tanong niya. “Bawal bang sabihin ang totoo?” “Totoo o hindi, walang patutunguhan ‘to.” “Hindi mo alam ‘yan,” sagot niya. Napailing ako. “Mateo, kung alam mo lang kung gaano kahirap ‘to sa akin. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ‘to sa sarili ko, sa magulang ko, sa Diyos.” “Roxanne, kung may kasalanan man tayo, hayaan mo akong akuin. Pero huwag mong iparamdam sa anak natin na may kasalanan siya.” Natigilan ako. Hindi ko akalain na masasabi niya ‘yon. Pagkatapos naming kumain, nag-ayos siya ng mga plato. Sinubukan kong pigilan siya pero pinilit niya. “Magpahinga ka na. Ako na rito.” “Mateo, umuwi ka na. Malakas pa rin ang ulan,” sabi ko. “Dito na muna ako,” sagot niya. “Sa sofa lang ako matutulog. Hindi ako aalis hangga’t hindi ako sigurado na okay ka.” “Mateo—” “Roxanne,” putol niya, “please. Pahintulutan mo na ako.” Wala na akong nasabi. Pumasok ako sa kwarto, pero hindi ako mapakali. Paulit-ulit kong naririnig ang boses niya mula sa sala, at pakiramdam ko humihigop ng lakas ‘yong presensiya niya sa buong paligid. Makalipas ang halos isang oras, bumangon ako. Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa sofa. Nakatulog pa ring nakapolo, may jacket na nakapatong sa tiyan. Tahimik akong lumapit, kinuha ang kumot at marahang ipinangtakip sa kaniya. Pagkaayos ko, bigla siyang nagmulat ng mata. “Anong oras na?” tanong niya, medyo garalgal pa ang boses. “Mga alas-dose na,” sagot ko. “Sorry, nagising kita.” Umupo siya, nagkamot ng batok. “Hindi, okay lang. Hindi ka pa tulog?” Umiling ako. “Hindi ako makatulog. Parang hindi mapakali ang baby. Pwede mo ba akong tabihan?” Napatingin siya sa akin, halatang nagulat. “Sure ka ba?” “Yeah. I just… need company,” pabulong kong sagot. Tumayo siya, lumapit sa akin. “Mukhang hinahanap ako ng anak natin,” biro niya habang hinahaplos nang marahan ang tiyan ko. Pinamulahan ako ng pisngi. Ngumiti siya nang bahagya bago ako binuhat papasok sa kwarto. “Then let’s make sure both of you get some rest,” bulong niya.Roxanne's POV Pagkatapos ng ilang araw na walang tulog dahil sa sunod-sunod na hearings, niyaya ako ng mga kasamahan kong babae sa law firm na mag-unwind. “Roxanne, come on, kahit isang gabi lang. You deserve to relax,” pilit ni Atty. Bianca habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.“Pass muna ako,” sagot ko, pinilit kong ngumiti habang tinatago ang pagod sa mukha ko. “May inaasikaso pa kasi ako.”“Rox, ilang linggo ka nang hindi sumasama. Don’t tell me trabaho na naman?” singit ni Atty. Jane. “Ang boring mo na, promise.”Napabuntong-hininga ako. “Fine. Sasama ako, pero juice lang iinumin ko. No alcohol.”“Okay! Pero huwag kang mag-drama doon ha. I swear, kailangan mong i-loosen up.”***Pagdating namin sa bar, agad akong nabingi sa lakas ng tugtog at amoy ng alak. Hindi ako komportable, lalo na ngayon. Ramdam ko ang bigat ng tiyan ko kahit hindi pa halata. Napaupo ako sa isang sulok habang pinapanood silang sumasayaw at nagtatawanan.“Roxanne! This one’s for you!” sigaw ni
Roxanne's POVKatatapos ko lang ayusin ang mga dokumento ng bagong kaso ko nang mapansin kong tumatawag si Mateo sa cellphone ko. Para bang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, sa takot, o sa kakaibang saya na ayaw kong aminin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.“Okay, Roxanne, calm down,” bulong ko habang nakatingin sa screen.Ilang segundo pa bago ko tuluyang sinagot ang tawag. “Hi,” mahinang bati ko.“Rox,” agad niyang tugon. “Pwede ba kitang makita ngayong gabi?”“Mateo, hindi puwede rito sa labas,” sagot ko agad. “Baka may makakita sa atin. Baka may makapag-picture. You know what people are like.”“Hindi ko rin gusto na may makakita,” sabi niya. “I just… need to make sure you’re okay. Hindi kita nakita kahapon, and you didn’t answer my messages.”Napahinga ako nang malalim. “I’m fine. Busy lang sa work. Sige, pero sa condo na lang. Huwag kang magmadali, may kailangan pa akong tapusin.”“Okay. I’ll be there in an hour,” sagot niya, tapos pinuto
Roxanne's POV“Paninindigan kita kahit anong mangyari,” sabi ni Mateo. “File an annulment.”Napahawak ako sa ulo ko. “Mas lalung magiging komplikado kung magpa-file ako ng annulment laban kay Julian para lang mapakasalan mo ako. Hindi ito basta-bastang desisyon na pwedeng gawin sa isang iglap. Alam kong hindi lang reputasyon ko ang nakataya rito—pati buong pangalan ng pamilya Ramirez, pati karera kong pinaghirapan, pati dangal ng mga magulang ko.”Hinawakan niya ang kamay ko. “Fine. Please keep the baby. Aalagaan ko kayo.” Napabuntong-hininga ako nang umalis si Mateo, bumalik sa pamilya namin.Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong kaya kong harapin ang lahat, alam kong hindi gano’n kadali. Sa mundong ginagalawan ko, sapat na ang isang maling hakbang para sirain ang lahat ng pinaghirapan mo.Mula nang aminin ko sa kaniya na buntis ako, araw-araw, pilit siyang nagpupunta sa condo ko nagdadala ng pagkain, gamot, at kung anu-ano pa.Kahit pinagsarhan ko siya ng pinto. Pero hind
Roxanne's POVLumipas ang mga araw at linggo, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang gabing pinagsaluhan namin ni Mateo.Lumipat na ako sa maliit kong condo sa Mandaluyong, malayo sa bahay na minsan naming pinagsaluhan ni Julian. Simula nang malaman kong hayagan na siyang nakatira sa piling ng kalaguyo niya, hindi ko na kinaya ang manatili ro’n. Sawa na ako sa sakit, sa mga bulong ng kasinungalingan, at sa mga titig ng mga taong nakakaalam ng totoo.Ginugol ko ang buong oras ko sa trabaho. Halos araw-araw, nasa korte ako o kaya’y nakatutok sa mga legal documents. Gusto kong ilibing ang sarili ko sa mga kaso kasi mas madali pa ‘yon kaysa harapin ang katotohanang wala na kaming pag-asa ni Julian.Habang nagpe-prepare ako papasok, bigla akong nahilo. Tinanggal ko ang heels ko at umupo sa gilid ng kama. Pinikit ko ang mga mata ko pero lalo lang akong tinamaan ng hilo.“Hindi puwedeng buntis ako,” mahina kong sabi sa sarili. “Imposible.”Sinubukan kong balewalain, pero nang ilang araw pa
Roxanne's POVPagkatapos ng matagumpay na kaso na pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan, pakiramdam ko ay nakalutang ako sa tuwa. I was finally able to win against one of the toughest corporate cases handled by our firm. Pagkatapos ng hearing, niyaya ako ng mga kasamahan kong abogado na mag-celebrate. Pero tumanggi ako. Gusto ko lang umuwi agad. Gusto kong makita si Julian. Gusto kong maramdaman muli na may dahilan pa akong ngumiti pagkatapos ng lahat ng pagod.“Sigurado ka bang hindi ka sasama, Rox?” tanong ni Atty. Claire habang nag-aayos ng gamit.“Next time na lang. I really want to go home early. Gusto kong ibalita kay Julian,” sagot ko, habang ngiti pa ako nang ngiti sa tuwa.“Ikaw ang bahala. Basta text mo lang kami kapag nagbago ang isip mo. Sasamahan ka namin mag-celebrate,” bilin ni Claire bago ako naunang lumabas.Pagdating ko sa bahay, halos madurog ang dibdib ko sa saya habang nakatingin sa mga bulaklak na binili ko, pati ang maliit na cake. Sinadya kong maglakad nang







