Share

Kabanata 5

Penulis: Deigratiamimi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-13 15:14:46

Roxanne's POV

Pagkatapos ng ilang araw na walang tulog dahil sa sunod-sunod na hearings, niyaya ako ng mga kasamahan kong babae sa law firm na mag-unwind. “Roxanne, come on, kahit isang gabi lang. You deserve to relax,” pilit ni Atty. Bianca habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.

“Pass muna ako,” sagot ko, pinilit kong ngumiti habang tinatago ang pagod sa mukha ko. “May inaasikaso pa kasi ako.”

“Rox, ilang linggo ka nang hindi sumasama. Don’t tell me trabaho na naman?” singit ni Atty. Jane. “Ang boring mo na, promise.”

Napabuntong-hininga ako. “Fine. Sasama ako, pero juice lang iinumin ko. No alcohol.”

“Okay! Pero huwag kang mag-drama doon ha. I swear, kailangan mong i-loosen up.”

***

Pagdating namin sa bar, agad akong nabingi sa lakas ng tugtog at amoy ng alak. Hindi ako komportable, lalo na ngayon. Ramdam ko ang bigat ng tiyan ko kahit hindi pa halata. Napaupo ako sa isang sulok habang pinapanood silang sumasayaw at nagtatawanan.

“Roxanne! This one’s for you!” sigaw ni Bianca habang nilalagay sa harap ko ang isang basong puno ng matapang na cocktail.

“Bianca, huwag na siguro. Hindi ako puwedeng uminom.” Pinilit kong ngumiti.

“Oh come on! One sip won’t hurt!” sabay tawa ni Jane. “You’re too uptight. Wala namang makakaalam, ‘di ba?”

Bago ko pa man masagot, biglang may kamay na humablot sa baso ko. Nagulat ako nang makita kung sino—si Mateo.

Parang natigil ang lahat. Tahimik na tumingin sa kaniya ang mga kasama ko.

“Who’s that?” mahinang tanong ni Bianca, habang ang ngiti niya ay parang interesado.

“I’m Roxanne’s husband’s uncle,” seryosong sabi ni Mateo, at saka tiningnan ako. “Julian told me she’s not supposed to drink. Doctor’s orders.”

Napasinghap ako. Hindi ko alam kung anong mas nakakahiya—ang presensiya niya sa bar o ang paraan niyang sinabi ‘yon.

“Oh my God,” bulong ni Jane. “You didn’t tell us your uncle-in-law is this hot.”

“Hindi ko naman kailangan sabihin,” mabilis kong sagot, sabay iwas ng tingin.

Ngumiti si Mateo, pero halatang pilit. “Can I join you ladies? Mukhang lively ang grupo ninyo.”

“Of course!” sagot agad ni Bianca. “Please, have a seat.”

Umupo siya sa tabi ko. Halos hindi ako makagalaw. Ramdam kong kinakabahan ako. “Anong ginagawa mo rito?” pabulong kong tanong habang nagkukunwaring busy sa pag-scroll ng phone ko.

“Sinundan kita,” mahinang sagot niya. “Nabasa ko sa GC ninyo ‘yung plano n’yong lumabas. Gusto kong siguraduhin na hindi ka mapapasama.”

“Mateo, please,” sagot ko. “Hindi ito tamang lugar para sa atin.”

“Hindi rin tamang uminom ka,” sagot niya, sabay tingin sa mga kasamahan ko. “Baka kasi may makasama sa baby.”

Napakuyom ako ng kamao. “Keep your voice down,” pabulong kong sabi. “Hindi nila alam.”

Tumango siya. “Then all the more reason to stay close.”

Nagsimula siyang makipagkwentuhan sa mga kasama ko. Halatang aliw na aliw sila sa kanya.

“So, Mr. Mateo,” simula ni Bianca, “are you single?”

“Yes,” sagot niya agad. “But I’m not available.” Sabay tingin sa akin.

Napalunok ako. Halos mapansin ni Jane ang bigla kong pag-iwas.

“Wow, confident,” biro ni Jane. “Someone must be very special to you, huh?”

Ngumiti si Mateo. “She is. But she doesn’t want me to say her name.”

“Aw, secret lover!” tili ni Bianca. “You’re such a mystery, Mr. Ramirez.”

Umiling ako. “Bianca, tama na. Baka mainis na si Mateo.”

“Hindi naman,” sagot niya. “Pero I think she’s right—tama na. I just came here to make sure Roxanne’s safe.”

“Protective much,” bulong ni Jane, pero narinig ko rin ang mahinang buntong-hininga ni Mateo.

Ilang oras ang lumipas, at ramdam ko nang hindi ko kaya pang manatili. Lalo na nang magsimulang maging touchy sina Bianca at Jane kay Mateo.

“Mateo, dance with us!” anyaya ni Bianca habang hinahatak ang braso niya.

“Pass,” sagot niya, pero hindi pa rin tumigil ang mga ito.

“I’ll go ahead,” mahinang sabi ko, sabay tayo.

“Roxanne, wait—”

Hindi ko na siya pinansin. Kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa labas. Pagdating ko sa kotse, saka ko lang hinugot ang hinga ko.

Pero bago ko pa maisara ang pinto, biglang sumulpot si Mateo at hinawakan ang pintuan. “Ako na maghahatid sa ‘yo.”

“Mateo, hindi na kailangan. I can drive.”

“Hindi ako papayag. It’s late. Delikado na umuwi mag-isa.”

Napatingin ako sa kaniya, saka ako sumuko. “Fine. Pero straight home, okay?”

Tumango siya, pero imbes na dumiretso sa condo ko, nagulat ako nang bumaling siya sa direksyon ng bahay ng mga magulang ni Julian.

“Anong gagawin natin dito?” tanong ko agad.

“Anniversary ng mga magulang ni Julian ngayon, remember? Nag-text ang kapatid ko kanina, gusto raw kayong makita pareho.”

“Mateo!” halos pasigaw kong sabi. “Bakit hindi mo man lang sinabi?”

“Kung sinabi ko, hindi ka sasama.”

“Of course hindi!” sagot ko. “Ayokong makita si Julian—lalo na siya!”

Ngumiti siya ng mahina. “Then act natural. Hindi nila kailangang magduda.”

***

Pagpasok namin sa bahay, agad kaming sinalubong ng nanay ni Julian.

“Oh, Roxanne! Buti naman at dinala ka ni Mateo. I miss you, hija.”

Ngumiti ako kahit pilit. “Good evening po, Mommy Tess.”

“Halika, halika, kumain na kayo. Julian’s here too!”

Parang gusto kong bumalik sa kotse. At nang lumingon ako sa dining area, naroon nga si Julian kasama ang matandang lalaki. Magkatabi pa sila. Wala man lang hiya.

“Uncle!” bati ni Julian, sabay tayo. “Salamat sa pagsundo kay Rox. She’s been too busy lately.”

“Of course,” sagot niya sa wakas. “Ayokong mapagod ang asawa mo.”

Umupo kami, pero ramdam kong kumikirot ang sikmura ko.

“Anak,” sabi ni Mommy Tess, “gusto ko na ng apo. Hindi ba’t five years na kayong kasal? You’re not getting any younger.”

Napatingin ako kay Mateo. Nakakuyom ang kamao niya. Pulang-pula ang mukha, parang gusto niyang sumabog.

“Mom, please,” sabat ni Julian, pero may halong pag-aalangan. “We’re working on it.”

“Work harder,” sagot ng Mommy niya sabay tawa. “Gusto ko nang magkaapo bago ako mag-sixty!”

Napalunok ako, pilit ang ngiti. “We’ll try po,” mahina kong sabi.

Naramdaman ko ang siko ni Mateo sa ilalim ng mesa, parang sinasabing kalma lang. Pero nang makita ko siyang tinitigan ni Julian, parang may nagbabadyang pagsabog.

“Uncle, okay ka lang?” tanong ni Julian. “You look tense.”

Ngumiti si Mateo. “I’m fine. Just thinking about… family matters.”

Nagtagal pa kami roon ng ilang minuto. Bawat salita ay parang labanan ng titigan at kontrol ng emosyon. Nang sa wakas ay pinayagan akong umalis, halos huminga ako ng maluwag.

Pagkasakay namin sa kotse, siya agad ang nagsalita. “I’m sorry.”

“Para saan?” tanong ko.

“Sa pagdala sa ‘yo roon. Hindi ko inasahan na nandoon si Julian… at ‘yung kasama niya.”

“Mateo, kung nakita mo lang kung paano ako nandidiri sa kanila. Hindi ko alam kung paano pa ako makakaupo sa harap nila na parang walang nangyari.”

“Tama ka. Pero kailangan nating magpanggap. Para sa baby.”

“Para sa baby,” ulit ko. “Mateo… paano kung lumala pa ‘to? Paano kung malaman nila?”

Tiningnan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko. “Then we’ll face it together,” sagot niya. “But until then, I’ll protect you. I’ll protect both of you.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Christine joy
Next pls thanks but next please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 5

    Roxanne's POV Pagkatapos ng ilang araw na walang tulog dahil sa sunod-sunod na hearings, niyaya ako ng mga kasamahan kong babae sa law firm na mag-unwind. “Roxanne, come on, kahit isang gabi lang. You deserve to relax,” pilit ni Atty. Bianca habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.“Pass muna ako,” sagot ko, pinilit kong ngumiti habang tinatago ang pagod sa mukha ko. “May inaasikaso pa kasi ako.”“Rox, ilang linggo ka nang hindi sumasama. Don’t tell me trabaho na naman?” singit ni Atty. Jane. “Ang boring mo na, promise.”Napabuntong-hininga ako. “Fine. Sasama ako, pero juice lang iinumin ko. No alcohol.”“Okay! Pero huwag kang mag-drama doon ha. I swear, kailangan mong i-loosen up.”***Pagdating namin sa bar, agad akong nabingi sa lakas ng tugtog at amoy ng alak. Hindi ako komportable, lalo na ngayon. Ramdam ko ang bigat ng tiyan ko kahit hindi pa halata. Napaupo ako sa isang sulok habang pinapanood silang sumasayaw at nagtatawanan.“Roxanne! This one’s for you!” sigaw ni

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 4

    Roxanne's POVKatatapos ko lang ayusin ang mga dokumento ng bagong kaso ko nang mapansin kong tumatawag si Mateo sa cellphone ko. Para bang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, sa takot, o sa kakaibang saya na ayaw kong aminin. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.“Okay, Roxanne, calm down,” bulong ko habang nakatingin sa screen.Ilang segundo pa bago ko tuluyang sinagot ang tawag. “Hi,” mahinang bati ko.“Rox,” agad niyang tugon. “Pwede ba kitang makita ngayong gabi?”“Mateo, hindi puwede rito sa labas,” sagot ko agad. “Baka may makakita sa atin. Baka may makapag-picture. You know what people are like.”“Hindi ko rin gusto na may makakita,” sabi niya. “I just… need to make sure you’re okay. Hindi kita nakita kahapon, and you didn’t answer my messages.”Napahinga ako nang malalim. “I’m fine. Busy lang sa work. Sige, pero sa condo na lang. Huwag kang magmadali, may kailangan pa akong tapusin.”“Okay. I’ll be there in an hour,” sagot niya, tapos pinuto

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 3

    Roxanne's POV“Paninindigan kita kahit anong mangyari,” sabi ni Mateo. “File an annulment.”Napahawak ako sa ulo ko. “Mas lalung magiging komplikado kung magpa-file ako ng annulment laban kay Julian para lang mapakasalan mo ako. Hindi ito basta-bastang desisyon na pwedeng gawin sa isang iglap. Alam kong hindi lang reputasyon ko ang nakataya rito—pati buong pangalan ng pamilya Ramirez, pati karera kong pinaghirapan, pati dangal ng mga magulang ko.”Hinawakan niya ang kamay ko. “Fine. Please keep the baby. Aalagaan ko kayo.” Napabuntong-hininga ako nang umalis si Mateo, bumalik sa pamilya namin.Kahit anong pilit kong sabihin sa sarili kong kaya kong harapin ang lahat, alam kong hindi gano’n kadali. Sa mundong ginagalawan ko, sapat na ang isang maling hakbang para sirain ang lahat ng pinaghirapan mo.Mula nang aminin ko sa kaniya na buntis ako, araw-araw, pilit siyang nagpupunta sa condo ko nagdadala ng pagkain, gamot, at kung anu-ano pa.Kahit pinagsarhan ko siya ng pinto. Pero hind

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 2

    Roxanne's POVLumipas ang mga araw at linggo, pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang gabing pinagsaluhan namin ni Mateo.Lumipat na ako sa maliit kong condo sa Mandaluyong, malayo sa bahay na minsan naming pinagsaluhan ni Julian. Simula nang malaman kong hayagan na siyang nakatira sa piling ng kalaguyo niya, hindi ko na kinaya ang manatili ro’n. Sawa na ako sa sakit, sa mga bulong ng kasinungalingan, at sa mga titig ng mga taong nakakaalam ng totoo.Ginugol ko ang buong oras ko sa trabaho. Halos araw-araw, nasa korte ako o kaya’y nakatutok sa mga legal documents. Gusto kong ilibing ang sarili ko sa mga kaso kasi mas madali pa ‘yon kaysa harapin ang katotohanang wala na kaming pag-asa ni Julian.Habang nagpe-prepare ako papasok, bigla akong nahilo. Tinanggal ko ang heels ko at umupo sa gilid ng kama. Pinikit ko ang mga mata ko pero lalo lang akong tinamaan ng hilo.“Hindi puwedeng buntis ako,” mahina kong sabi sa sarili. “Imposible.”Sinubukan kong balewalain, pero nang ilang araw pa

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 1

    Roxanne's POVPagkatapos ng matagumpay na kaso na pinaghirapan ko sa loob ng ilang buwan, pakiramdam ko ay nakalutang ako sa tuwa. I was finally able to win against one of the toughest corporate cases handled by our firm. Pagkatapos ng hearing, niyaya ako ng mga kasamahan kong abogado na mag-celebrate. Pero tumanggi ako. Gusto ko lang umuwi agad. Gusto kong makita si Julian. Gusto kong maramdaman muli na may dahilan pa akong ngumiti pagkatapos ng lahat ng pagod.“Sigurado ka bang hindi ka sasama, Rox?” tanong ni Atty. Claire habang nag-aayos ng gamit.“Next time na lang. I really want to go home early. Gusto kong ibalita kay Julian,” sagot ko, habang ngiti pa ako nang ngiti sa tuwa.“Ikaw ang bahala. Basta text mo lang kami kapag nagbago ang isip mo. Sasamahan ka namin mag-celebrate,” bilin ni Claire bago ako naunang lumabas.Pagdating ko sa bahay, halos madurog ang dibdib ko sa saya habang nakatingin sa mga bulaklak na binili ko, pati ang maliit na cake. Sinadya kong maglakad nang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status