Share

Kabanata 7

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-12-02 09:38:18

Roxanne POV

Madaling araw na pero gising pa rin ako. Nakahiga ako pero hindi nagpapahinga ang utak ko. Kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na dapat tapos na ang pag-iisip ko tungkol kay Julian, bumabalik pa rin ang tanong na hindi ko masagot.

Bakit hindi sapat ang lahat ng ginawa ko para mahalin niya ako?

Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya. Noong nawala sina Mama at Papa, sila ang tumanggap sa akin. Si Mommy Tess ang nagpatuloy sa pag-aaral ko. Si Daddy Roberto ang tumulong sa internship ko. Si Julian ang itinulak nila sa akin at pinili ko rin naman dahil naniwala akong pwede kaming maging masaya. Maayos na kasi ang lahat tungkol sa kasal bago pa sila nawala.

Ilang taon akong kumapit. Kahit malamig siya. Kahit halos hindi niya ako kinakausap. Kahit halos hindi niya ako tinitingnan. Umaasa ako na balang araw, may mararamdaman siya para sa akin.

Pero mali pala. At ngayon, buntis ako — at ang ama ng dinadala ko ay ang tiyuhin niya.

Bumangon ako at binuksan ang laptop. Kesa malunod sa sariling iniisip, mas mabuti nang magtrabaho. May hearing ako bukas, kaya binuksan ko ang case file at nagsimulang magbasa.

Hindi ko namalayan kung ilang minuto o oras ang lumipas. Nalulunod ako sa pagbabasa nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Napalingon ako agad nang nakita si Mateo.

Akala ko umuwi na siya.

May dala siyang tubig at nakasandal ang balikat niya sa door frame.

“Uncle Mateo, what are you doing inside my room?” agad kong tanong.

Lumapit siya ng ilang hakbang. “Anong oras na? Kailangan mong matulog. You’re pregnant, Roxanne.”

“May kailangan lang akong tapusin,” sagot ko, hindi ko siya tinitingnan. “Nag-aaral lang ako para bukas.”

Umupo siya sa gilid ng kama ko na para bang sariling kwarto niya. “Hindi ka ba makatulog?”

Hindi ako sumagot.

Tumingin siya nang diretso. “Roxanne.”

Umabante ang bibig ko para sumagot pero walang lumabas.

Pinilit kong umatras. “Hindi pa naman ako inaantok.”

Tumayo siya at nilapitan ang desk ko. “You’ve been awake since yesterday. Halata sa mukha mo. At kung hindi pa ako pumasok dito, baka hindi ka pa hihinto.”

“Mateo, please. Huwag ngayon,” sagot ko, halatang iritado. “Ang dami kong kailangan isipin. Ang dami kong dapat i-manage. Hindi ko kayang patigilin ang sarili ko kahit gusto ko—”

“Then tell me,” putol niya. “What’s keeping you awake? Is it the work? Or… him?”

Kumirot ang dibdib ko.

“I’m not thinking about Julian,” sagot ko agad, parang defense mechanism.

“Really?” nakataas ang kilay niya. “Kasi kapag tinitingnan kita, parang pinipilit mong kumbinsihin ang sarili mo.”

Napairap ako. “Mateo, hindi ako nag-aaral ng law para magpaliwanag ng feelings ko sa iyo.”

“Hindi rin ako pumupunta rito para maging kalaban mo,” sagot niya, mas malumanay. “I’m here because you’re not okay.”

“Hindi mo ako kailangan kaawaan.”

“Hindi kita kinaaawaan.” Tumayo siya sa harap ko, malapit. “I’m telling you what I see. You’re exhausted. You’re stressed. You barely eat unless I bring you food. You can’t sleep. That’s not okay.”

Hindi ako makapagsalita. Totoo naman ang lahat ng sinabi niya.

“Uncle Mateo, please… Just let me work. ‘Yan lang ang bagay na kaya kong kontrolin.”

“Hormones again?” tanong niya, hindi ako tinigilan.

Napahinga ako nang malalim. “Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Minsan gutom ako, minsan hindi. Minsan gusto kong umiyak kahit hindi ko alam bakit. Minsan naman…”

“Anong minsan?”

Nag-iwas ako ng tingin. “Minsan parang may hinahanap ang katawan ko at hindi ko alam kung paano ko haharapin ‘yon.”

Hindi siya gumalaw. Para bang hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.

“Mateo, please… don’t make me say it.”

Umupo siya ulit sa gilid ng kama ko. “Roxanne, hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung ano talaga ang problema.”

“Hindi ko alam kung paano harapin ang pagbubuntis na ‘to,” bigla kong ibinuga. “Hindi ko alam kung paano ko ipapanganak ‘yung batang walang kasalanan pero bubuhatin ang bigat ng ginawa natin. Hindi ko alam kung hanggang saan ako tatagal. Hindi ko alam kung kaya ko pa.”

Marahan niyang isinandal ang likod niya sa headboard at tumingin sa akin. “Roxanne, hindi mo ‘yan kakaharapin mag-isa. Hindi na. I’m here. I’m not going anywhere.”

“Tama ba ‘to, Mateo?” halos hindi lumabas ang boses ko. “Tama ba na pinapasok kita sa buhay ko kahit alam kong mali ‘to? Kahit alam kong ako ang magiging dahilan ng gulo sa pamilya mo? Sa pamilya ninyo?”

“Hindi ikaw ang problema,” mabilis niyang sagot. “Si Julian ang unang nang-iwan. Si Julian ang unang nagsinungaling. Si Julian ang unang lumihis sa kasal n’yo. Huwag mong akuin lahat ng kasalanan.”

Umiling ako. “Pero ako ang nagpabuntis sa—”

“Ako ang may kasalanan din,” putol niya. “Pareho tayong nagkamali. Pero ako ang mas matanda. Ako ang dapat naging responsable. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ‘yon noong gabing durog na durog.” Tumingin siya sa tiyan ko. “Pero andito na siya. Buhay siya. At gusto kong maging parte ng buhay niya.”

Hindi ko alam kung paano ako hihinga nang maayos sa sandaling iyon. Para akong nabibiyak sa gitna.

“Mateo, hindi puwede,” bulong ko. “Hindi puwedeng malaman ng kahit sino na nabuntis mo ako. Hindi pwede dahil parehong masisira ang reputasyon natin. Baka isipin ng lahat, kabit kita at sinabay ko kayong mag-tiyuhin..”

“Alam ko,” sagot niya. “I’ll protect you. At kahit sampung beses mo pa akong itaboy, babalik at babalik ako. Dahil kailangan mo ng kasama. At ayokong mag-isa ka sa bawat araw na dumadaan.”

Natahimik ako.

Ang sarap sigurong pakinggan kung si Julian ang nagsasabi sa akin nang ganoon.

Umupo siya sa tabi ko, hindi ako hinawakan pero sapat na ang presensya niya para maramdaman kong hindi ako nag-iisa.

“Roxanne, matulog ka muna,” sabi niya. “I’ll stay here. Hindi ako aalis.”

“Mateo…”

“Hindi kita hihipuin,” agad niyang dagdag. “Hindi ako lalapit kung ayaw mo. I’ll just stay.”

Huminga ako nang malalim at marahan kong isinara ang laptop.

“Just… stay,” bulong ko.

“Good night, Roxanne,” sabi niya.

Hindi ako sumagot. Ni hindi ko man lang namalayan na nakatulog ako habang hinahaplos niya ang tiyan ko.

***

Kinabukasan pagmulat ko, napaatras agad ako nang makita kong mahigpit ang yakap ko kay Mateo. Napalayo ako sa kanya na parang napaso.

“God…” bulong ko habang umuupo. “This is so awkward. Hugging my husband's uncle? Damn.”

Dumilat si Mateo, mukhang gising na pero nakahiga pa. “Good morning.”

“Good morning? Mateo, bakit… bakit nandito ka? Bakit magkatabi tayo?” Halos hindi lumabas ang boses ko.

Umupo rin siya. “You couldn’t sleep, Rox. Kanina ka pa balisa. Sabi mo gusto mong may katabi, tapos bigla kang nakatulog. Hindi ko alam kung paano ako aalis nang hindi ka nagigising.”

“Sorry,” sagot ko agad. “Ayokong isipin mo na… na inaabuso ko ‘yong kabaitan mo.”

Tumayo siya at inayos ang kumot. “Hindi ko iniisip ‘yon. Stop overthinking.”

Nag-init ang pisngi ko sa hiya. Hindi dahil sa kung ano, pero dahil hindi ko alam na ganito pala kalala ang pag-iral ng hormones ko.

“Mateo, kasi… awkward. Hindi ko alam kung tama ba na ganiyan ang… arrangement natin.”

“Arrangement?” Napataas kilay niya. “Wala tayong arrangement, Roxanne. I’m just helping you.”

Bumuntong-hininga ako. “'Yun nga. Baka iniisip mo na… baka umaasa ako.”

Tumingin siya sa akin nang diretso. “Ikaw ba, umaasa ka?”

Nalaglag ang tingin ko sa sahig. “Hindi ko alam.”

Hindi siya sumagot. Pero narinig ko ang paghinga niya na parang nagpipigil ng salita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kaya tumayo na lang ako at dumiretso sa kusina.

Pagdating ko sa kusina, napansin kong nilabas na ni Mateo ang mga binili niyang groceries kahapon.

“Uupo ka lang,” sabi niya, sumusunod sa akin. “Ako na magluluto.”

“Huwag na, Mateo. Kaya ko naman mag-init ng—”

“Hindi mo lang iniinit ang kinakain mo. Puro fast food at instant noodles ang nakita ko kahapon,” putol niya. “That’s not healthy, lalo na ngayon.”

“Ayoko namang istorbohin ka araw-araw,” sagot ko.

“Wala pa akong sinasabing araw-araw ako rito,” sagot niya. “Pero ngayon, magluluto ako.”

Napairap ako pero umupo rin. “Fine. Pero huwag kang magsabi na wala akong ambag. Maghihiwa ako ng sibuyas.”

“Hindi rin puwede. Ayokong maamoy mo ‘yon. Last time sumuka ka,” sagot niya. “Just sit down. Please.”

Hindi ako kumibo. Pero hindi ko rin maitago ang ngiti ko. “Buti inamin mong nangyari ‘yon.”

“Hindi ko makakalimutan ‘yon,” sagot niya habang binubuksan ang stove. “Nakahawak ka sa lababo tapos sinigawan mo ako ng ‘Mateo this is your fault!’ kahit wala naman akong ginagawa.”

Napapikit ako. “Kalilimutan ko na sana ‘yon.”

Tumawa siya. “Too late.”

Habang nagluluto siya, hindi ako mapakali. Hindi ko maipaliwanag pero iba ang presensya niya. Hindi ako natatakot. Hindi ako kinakabahan. Pero may kaba na hindi ko mabigyan ng pangalan.

Pagkatapos niyang magluto, inilapag niya ang mainit na pagkain sa harap ko. “Eat. I checked with your OB, okay ito.”

Tumaas ang kilay ko. “Mateo, you called my OB?”

“Yes.” Hindi siya nagpakita ng hiya. “Hindi mo rin naman ako tinawagan kahapon kahit sumuka ka ng tatlong beses.”

“Three times lang ‘yon!” protesta ko.

“Hindi normal ‘yon kung wala kang kinakain.”

Napabuntong-hininga ako.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano haharapin ang ganitong klaseng Mateo. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiiyak kahit wala namang dapat ikaiyak.

Pagkatapos naming kumain, nagmadali na akong mag-ayos. May hearing ako. Malapit na rin akong ma-late.

“Mateo, ako na. Magta-taxi ako.”

“No,” sagot niya agad. “I’ll drive you.”

“Mateo naman,” reklamo ko. “Hindi na kailangan—”

“It’s not up for debate.” Kinuha niya ang blazer ko. “Sumama ka na.”

“Grabe ka naman,” sabi ko habang inaayos ang buhok ko.

“Ako na ang grabe? Roxanne, buntis ka. You fainted yesterday.”

“Hindi ako nahimatay. Umupo lang ako nang mabilis.”

“Umupo?” Umikot ang mata niya. “You literally grabbed the counter para hindi ka mahulog.”

Napangiwi ako. “Fine. Pero last ko na ‘to, Mateo. Hindi puwedeng araw-araw mo akong ihahatid or susunduin. Baka mahalata tayo ng mga kasamahan ko sa firm.”

***

Pagdating namin sa korte, bumaba ako agad at inayos ang suot kong blazer. Nakita ko ang mga kasama kong abogado na naghihintay sa labas.

“Atty. Gomez! Finally,” sabi ni Atty. Jane. “Akala namin male-late ka.”

“Traffic,” sagot ko.

Naglakad ako papasok pero narinig ko ang boses ni Mateo.

“Roxanne.”

Paglingon ko, hawak niya ang isang paper bag.

“Your vitamins. Naiwan mo.”

Halos sabay-sabay tumingin ang mga kasama ko kay Mateo.

“Oh my god,” bulong ni Bianca. “Si Mateo Ramirez ‘yon, 'di ba? Tito ng husband mo?”

“Ano ginagawa niya rito?” tanong ng isa.

Napatingin ako kay Mateo na parang wala lang sa kanya ang mga mata ng lahat.

Humakbang ako palapit sa kaniya.

“Text me if you feel dizzy,” sabi niya. “I’ll pick you up later,” he whispered.

“Mateo…” nagbabala ang tono ko.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi mo sinasabi kung anong oras ka lalabas,” sagot niya.

“Fine. After lunch.”

Tumango siya at umalis.

Pagharap ko sa mga kasama kong abogado, nakanganga silang lahat.

“Girl…” sabi ni Bianca. “Explain.”

“Wala akong dapat ipaliwanag,” sagot ko agad. “Hinatid lang ako ng tiyuhin ng asawa ko dahil busy si Julian.”

Naglakad na ako papunta sa courtroom bago pa sila makapagtanong ulit.

Deigratiamimi

Stay tuned for more updates. Huwag kalimutang mag-iwan ng mga komento at i-rate ang libro. Maraming salamat po!

| 7
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
salamat po :))
goodnovel comment avatar
Mary Paz Sadia
binabasa na po next na add ko na sa library yong iba mong books next ko basahin mga yon
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 30

    Roxanne’s POV Pagmulat ko ng mata, naroon pa rin siya. Akala ko umalis na siya, pero nanatili siya. Nakahiga sa tabi ko, mahigpit pa ring nakayakap, para bang sinisiguradong hindi ako mawawala paggising niya. Payapa akong nakatulog sa tabi ni Mateo. Matagal na rin mula nang huli akong nakatulog nang walang kaba sa dibdib, walang iniisip na galit ni Julian, walang takot na baka magkamali ako ng kilos. Kagabi, unang beses kong naramdaman na hindi ko kailangang magpanggap. Hindi ko kailangang mag-ingat sa bawat hinga ko. Pagmulat ko ng mga mata, una kong nakita ang mukha ni Mateo. Nasa tabi ko pa rin siya. Nakahiga nang bahagyang nakatagilid, ang isang braso ay nakapulupot sa baywang ko, ang kamay niya ay nasa tiyan ko. Hindi siya umalis. Akala ko gigising ako na mag-isa, na baka bumalik siya sa kwarto niya bago pa magising ang buong bahay. Pero nanatili siya. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing ang tulog. Payapa ang mukha niya—walang bakas ng pagiging CEO, walang bakas ng pagiging

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 29

    Roxanne’s POV Malakas ang ulan sa labas. Ramdam ko ang lamig kahit nasa loob kami ng bahay ni Mateo. Kaya nagpasya sina Mommy Tess at Daddy Roberto na rito muna kami magpalipas ng gabi. Wala ring tutol si Mateo. Tahimik lang siyang nakinig habang nagpapasya ang mga magulang ni Julian. Nakahinga ako nang maluwag nang magpaalam si Julian na kailangan niyang dumaan sa shop ng kotse niya. Hindi raw niya ako mahahatid pauwi. Hindi rin siya makakatulog dito. “Okay lang,” sabi ko sa kaniya kahit alam kong mas okay sa akin na hindi ko siya makakasama. Lalung-lalo na sa iisang kama. Hindi alam ng mga magulang niya na matagal na kaming hindi nagsasama sa iisang bubong. Para sa kanila, maayos pa rin ang pagsasama namin. Para sa kanila, mag-asawa pa rin kami na may problema lang sa pagkakaroon ng anak. Pagkatapos ng hapunan, napansin ni Mommy Tess na wala akong dalang damit. “Wala ka bang pamalit, hija?” tanong niya. “Wala po,” sagot ko. “Hindi ko po kasi inaasahang matutulog dito.” Tuming

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 28

    Roxanne’s POV Natigil kami ni Mateo sa paghahalikan nang may malakas na kumatok sa pintuan ng guest room. Pareho kaming napalingon sa pinto at agad na nagkibit-balikat sa gulat. Bigla kaming nagkahiwalay, kapwa hingalin, kapwa tahimik. “Shit,” mahinang mura ni Mateo. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Mabilis siyang tumingin sa paligid, binuksan ang cabinet, at pumasok doon. “Stay calm,” bulong niya bago tuluyang magsara ang pinto ng cabinet. Tumango ako kahit hindi niya na ako nakikita. Pinunasan ko ang labi ko gamit ang likod ng kamay ko. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Ayokong mahalata ang kaba sa boses ko. Muling may kumatok. “Roxanne?” boses ni Mommy Tess. “Po?” sagot ko agad. Binuksan niya ang pinto at pumasok. “Hija, ikaw pala. Naghahanap ako kay Mateo. Nakita mo ba siya?” Saglit akong natigilan. Tumama ang tingin ko sa cabinet. Ramdam kong naroon siya, tahimik, nakikinig. “Hindi ko po nakita,” sagot ko at umiling. “Baka nasa kabilang sili

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 27

    Roxanne’s POV Pagkatapos namin sa ampunan, dumiretso kami sa bahay ni Mateo kasama sina Mommy Tess at Daddy Roberto. Tahimik ang loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung anong mas mabigat—ang bigat ng sikreto ko o ang presensiya ni Mateo sa tabi ko. Sobrang awkward ng lahat. Parang mali ang posisyon naming dalawa. Para bang si Mateo ang asawa ko, hindi si Julian. Lalo na si Mommy Tess, panay ang tawag sa anak niya habang hawak ang cellphone. “Julian, answer your phone,” iritang sabi niya habang paulit-ulit na pinipindot ang call button. “Ano bang klaseng asawa ‘yan?” Hindi sumasagot ang kabilang linya. “That bastard,” singit ni Daddy Roberto habang inilalabas ang sigarilyo niya. “Inuna pa talaga ang trabaho kaysa sa pamilya niya.” Huminto si Mateo at tumingin sa kaniya. “Kuya Roberto, baka pwedeng mamaya na lang kayo magsigarilyo pagdating sa bahay. May asthma si Roxanne.” Napatingin silang dalawa sa akin. “Ay, oo nga,” agad na sabi ni Mommy Tess. “Pasensiya na, hija.” Inabot ni

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 26

    Roxanne’s POV Maaga akong gumising dahil sinabi ni Julian na susunduin niya ako. Sabay daw kaming pupunta sa Bahay Ampunan na gusto ng mga magulang niya. Hindi ako halos nakatulog. Paulit-ulit sa isip ko ang mga kasinungalingang binitawan niya. Infertile daw ako. Hindi raw ako pwedeng magkaanak. Isang kasinungalingang kayang sirain ang pagkatao ko kapag lumabas ang totoo. Paglabas ko ng apartment, handa na sana akong makita ang mukha ni Julian, pero ibang kotse ang bumungad sa akin. At sa tabi nito, si Mateo. “Nasiraan ng kotse ang asawa mo,” malamig niyang sabi. Napakunot ang noo ko. “Talaga?” Tumango siya. “Tinawagan niya ako kanina. Nagmamadali raw kayo kaya ako na ang pinakisuyuan.” May kakaiba sa tono niya. Ilang araw siyang hindi nagparamdam, tapos bigla siyang ganito ngayon. Sobrang lamig ng pakikitungo niya. Napansin ko ang kamay niya. Nakabenda ang kamao. “Anong nangyari sa kamay mo?” hindi ko napigilang itanong. “Wala,” sagot niya agad. “Minor injury.” “Hindi mukhan

  • Pregnant With My Husband's Uncle's Baby (SPG)   Kabanata 25

    Roxanne’s POV “Roxanne, nasa labas ang asawa mo. Hinihintay ka yata,” sabi ni Jane na halatang kinikilig pa habang nakasandal sa pinto ng opisina ko. “At hindi siya mag-isa.” Napamura ako sa ilalim ng hininga ko. “Anong ibig mong sabihin na hindi siya mag-isa?” “Kasama niya ang parents niya,” dagdag ni Jane. “Mukhang seryoso. May dala pa ngang bulaklak.” Napapikit ako sandali. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi ito magandang timing. Lalo na’t hindi pa ako handang humarap sa kahit na sinong Ramirez ngayon. “Sabihin mo busy ako,” mabilis kong sabi. “Late na,” sagot ni Jane. “Nandito na sila sa receiving area. Nakita ka na yata.” Wala na akong nagawa kundi tumayo at ayusin ang blazer ko. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng opisina. Sa bawat hakbang ko palabas, pakiramdam ko mas bumibigat ang paa ko. Pagdating ko sa receiving area, agad kong nakita si Julian. Nasa harapan siya, may hawak na bouquet ng bulaklak. Sa gilid niya, nakatayo sina Mommy Tess at Daddy Roberto. Nak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status