Share

Chapter 1

Chapter 1

Nagising ako dahil sa may mabigat na bagay ang nakadagan sa ‘king ulo at dibdib. Inis kong inalis ang bagay na ‘yon at nayayamot akong napabangon sa higaan. Napahawak pa ako sa ‘king ulo bago dumilat, nagtaka pa ako ng makitang hindi ako nasa kuwarto ko.

Nag-isip ako nang mabuti. Nang magflashback sa ‘kin ang nangyari kagabi ay kaagad akong tumingin sa katabi ko, nanlaki ang aking mga mata habang nakanganga pa. Is this for real? Napalip-bite ako ng wala sa oras habang dahan-dahan akong umalis sa higaan. Kahit masakit ang aking pagkababae ay kinaya

kong maglakad para pulutin ang aking mga damit na nahulog. Nagbihis kaagad ako at dali-dali na akong lumabas sa kuwartong ‘to, paglabas ko ay bumungad sa ‘kin ang itsura ng bar kagabi. Kung gano’n, nag-VIP room ang Boss ko.

Paika-ika akong lumabas ng bar na ‘yon at nagpara agad ako ng taxi. Habang nasa byahe ay hindi pa rin magsink-in sa ‘kin ang ginawa ko kagabi. Malandi pala ako pag nakakainom ng alak! Sa susunod ay hindi na ako iinom ng kahit na anong uri ng alak! Ayaw ko nang maulitan pa!

Sa tingin ko naman hindi lasing ‘yong Boss ko pero bakit hindi niya ako pinigilan? Bakit niya ginusto na may mangyari sa ‘min? Bigo na nga ako sa pag-ibig, na devirginized pa ako ng wala sa oras! Saklap!

Kasalanan lahat ‘to ni Dave, eh! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako nagpakalasing! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako naging malandi ng mga oras na ‘yon! Isa pa ‘tong Boss ko, kasalanan niya kung bakit hindi na ako virgin ngayon!

“Miss? Miss, okay lang po ba kayo?” napabalik na lamang ako sa sarili ko nang marinig kong nagsalita ‘yong Driver.

“P–Po?” pagtatanong ko rito.

“Umiiyak ka kasi. Okay ka lang ba?” sa tanong ni Manong ay napaiyak ako lalo. Ang sakit! Ang sakit ng puso at ng pagkababae ko! Hindi ako okay!

“Miss?”

“Manong, magdrive lang po kayo. Sa Kalayaan po ang baba ko, h’wag niyo na lang po akong pansinin.”

Bakit kasi isang malanding espiritu ang sumanib sa ‘kin kagabi, eh? Hindi pa nga ako makarecover sa ginawa ni Dave kagabi tapos may ginawa pa akong katangahan o pagkakamali.

Ugh, kill me!

Paano kung mabuntis ako, anong gagawin ko? Magpalaglag ng bata? No, kasalanan ‘yon. Magresign tapos sabihin sa Boss ko na sawa na ako sa trabaho ko?

Pero baka ibuklat niya ang kahapon. Ang kahapon, I mean, ang gabi na siyang pinagsaluhan namin? No! Siguro, sabihin ko na lang sa kanya kung sakaling mabuntis ako. Hindi ko naman pwedeng itago ang katangahang nagawa ko, eh. Lalo na kapag may resultang lumabas sa ginawa namin kagabi.

“Diyan na lang po ako sa tabi.” wika ko nang matanaw ko na ang aking bahay. Naglabas agad ako pera at iniabot ‘yon sa Driver nang maitabi na niya ang sasakyan.

“Ito na ang sukli.”

“Salamat, Manong.”

Lumabas na ako at naglakad nang paika-ika papunta sa bahay na inuupahan ko lamang. Ilang taon na pala ako rito, ilang taon na rin akong hindi binibisita ng mga magulang ko na nasa La Union. Siguro ay busy ang mga ‘yon do’n. Hindi pa ako nakakapag-open ng account kaya hindi ko pa sila nakakamusta, siguro next

time na lang.

I stopped walking when I remembered something. ‘Yong mga report ko nga pala! Bukas na lang ako magpapasa niyon kaso paniguradong hahanapin ako ngayon ng aking Boss. Paano ko ‘yon mahaharap matapos may mangyari sa ‘ming dalawa kagabi? Paniguradong awkward ‘yon.

Nagpatuloy muli ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa bahay. Pagkabukas ko ng aking pinto ay pumasok na agad ako ro’n. Naupo kaagad ako sa sofa dahil sa masakit pa rin ang ulo ko. Lalo 'tong sumasakit kaya naman napagdesisyunan ko na lang na mahiga sa sofa. Kulang ata ako sa tulog, itutulog ko muna ‘to.

Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Half-awakened kong sinagot ang tawag ng kung sino mang 'to. “Hello, Ali Hidalgo’s speaking. Ano'ng kailangan niyo po?” that someone didn’t speak. Napakamot ako sa ‘king ulo.

“Hello po—” someone’s cut me off.

“Ali.”

Isang baritonong boses ang aking narinig mula sa kabilang linya na siyang nakapagpagising sa aking diwa. Napalunok ako ng ilang beses, nanlamig bigla ang aking mga kamay. Dapat pala tinignan ko ang screen ng phone kung sino ang tumawag bago ko sagutin. Nagsisi ako ngayon kung bakit ko sinagot ang tawag.

How stupid, self.

“Sir Ken? Ah, bye!” ‘yan agad ang sinabi ko kasabay nang pagbaba ng aking cellphone. Inihagis ko ‘to sa sala at nang mawarak ‘to ay nagsitalsikan na ang battery at ang memory card? Nando’n pa rin. Pinulot ko ang battery at ang cell phone ay basag-basag na at tinapon ko ‘to sa trash can na nasa kusina at ang sim naman at ang memory card ay inilagay ko sa ‘king bulsa. Napapailing ako habang napapaupo muli sa sofa, sa sobrang takot kong makausap si Sir Ken ay sinira ko pa ang aking cellphone.

I am stupid, am I?

Paano kapag ang mga report ko ang dahilan ng pagtawag niya? Patay na ako! Pero paano kung maalala niya ang nangyari sa ‘min kagabi at ‘yon ang dahilan ng pagtawag niya? Eh, ‘di mas patay ako? Gusto kong magwala dahil sa naiinis ako sa ‘king sarili pero hindi ‘to ang sagot sa problema ko. Kailangan kong harapin siya na parang walang nangyari sa 'min kagabi. Kailangan kong umakting na okay lang ako at hindi masakit ang aking pagkababae. Kailangan ko siyang harapin bilang aking Boss at ako naman bilang employee niya.

Kaya naman nag-ayos muna ako ng sarili ko, naligo, nagbihis at nagtoothbrush muna ako bago umalis ng bahay. Alam ko na ang aking dapat gawin, kakayanin ko ‘to.

Pagkarating ko sa kumpanya ay nag-inhale at exhale muna ako. Okay na sana ang aking posture nang biglang kumulo ang tiyan ko, panira ng moment!

Kahit kumukulo ang tiyan ay naglakad na ako papasok sa kumpanya.

“Oh, ba’t alas onse ka na pumasok, Ali?” pagtatanong sa ‘kin ng Guard, si Kuya Lionel. Siya ang nakatoka ngayong umaga hanggang alas tres ng hapon at sa gabi ay ‘yong Manong na ‘di ko pa alam ang pangalan.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Alas onse na? Kaya naman pala ako nagugutom, eh! Hindi pa ako nakakapag-almusal at tanghalian na pala!

“Ah, masakit po kasi ang ulo ko kanina.” patawad sa kasinungalingan.

“Dapat po hindi ako papasok kaya lang pasahan po ng mga report ko ngayon, eh.” dugtong ko pa.

“Ah, oh sige. Kanina ka pa nga hinihintay ni Sir Ken at ng isang lalaki.”

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. “May naghihintay po sa ‘kin

bukod kay Sir Ken?”

“Oo, eh.”

“Sino, Kuya Lionel?”

“Dave Marasigan daw ang pangalan niyon.”

Napasimangot ako nang marinig ko ang pangalan ng lalaking ‘yon. I cannot believe that he is here at hinihintay ako. After that night? Huh! Ano'ng gagawin niya? Makikipagbalikan sa ‘kin? No way! Hindi ako makikipagbalikan sa kanya ulit!

I hate a guy like him! I hate a cheater!

“But I don’t even know him, Kuya Lionel.”

“Yon lang. ‘Di ko alam kung bakit ka hinihintay niyon, eh.”

“Sa’n po ba ‘yong...” napahinto ako. “Dave Marasigan? Sa’n po siya naghihintay?” tapos kunwari, ‘di ko kilala ang lalaking ‘yon.

“Hindi ko lang alam. Kanina eh nandyan lang sa may tabi ng elevator.”

“Oh sige, Kuya. Pupunta muna ako sa office ni Sir Ken.” pagpapaalam ko.

“Sige.” and he smiled so I smiled, too.

Dire-diretso lang ang lakad ko papunta sa opisina nang makita ko si Hailey na nasa labas at mukhang may hinihintay. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa ‘kin.

“Ali, pinapatawag ka ni Sir Ken sa akin kanina pa kaso hindi kita ma-contact.” pagsisimula niya.

“Hindi mo talaga ako makocontact dahil sinira ko ang aking phone.”

“Huh? Bakit?” gulat na gulat niyang pagtatanong.

“Nalasing kasi ako kagabi dahil do’n ay nagkahang-over ako tapos aksidente kong nasira ‘yong phone.” patawad ulit sa aking kasinungalingan.

“Kagabi? Bakit ka nagpakalasing?”

Kilala niya kasi ako, hindi ako palainom na babae.

I smiled bitterly at her. Then, those flashbacks came to my mind again.

“Break na kami.” naiiyak kong sabi sa kanya. “Break na kami ni Dave pero okay lang kasi hindi naman siya kawalan.”

“That’s sad. Do not worry, marami ka pang makikilala dyan sa tabi-tabi.” dagdag pa niya. “Anyway, pinapapunta ka pala ni Sir Ken sa office niya.”

“Kahit ‘di niya ako papuntahin, dyan talaga ang punta ko.”

“Nasa loob din pala ang boyfriend, I mean, ex-boyfriend mo. Kanina ka pa

rin niya hinahanap.”

I nodded my head, and I became serious. “Sige. Papasok na ako.” pagpapaalam ko sa kanya. Nang nasa tapat na ako ng pinto ay bumuntong-hininga muna ako bago kumatok.

“Come in.” Sir Ken’s voice is so husky, so sexy. I gulp after hearing his voice.

Pumasok na ako at bumungad sa ‘kin agad si Dave na nakatayo sa harap ni Sir Ken at seryoso ang mukha. When he looked at me, his serious face was gone.

“Ali...” at humakbang siya palapit sa ‘kin.

“Stop!” I glared at him. “Stop right there!”

“Pero-” I cut him off.

“Ano’ng ginagawa mo rito, huh? If you’re thinking na makukuha mo ulit ako, well, you are wrong! I’m not going to come back to you!” He didn’t speak, he just stared at me. I hate those eyes... Yes, he had a beautiful eye and I hate him for having that. I saw melancholy in his eyes, but I do not care anymore.

After a minutes of being in silence, he spoke. “I understand that. I know that you hate me but give me a chance to prove myself that I’m not a cheater.”

Umiling ako. “I’m sorry... I cannot, sorry.” hindi ko na kayang magbigay ng trust sa kanya. He sighed and then, he leaves this room.

Nang mawala siya ay napaiyak ako. Kahit anong gawin kong pagtataray at kahit maging matapang pa ako ay hindi ko itatanggi na masakit pa rin ang ginawa niya sa ‘kin. Kagabi lang ‘yon nangyari pero sariwa pa rin ‘yon sa ‘king ala-ala.

Narinig kong nag-tsk ang aking Boss. Nang tumahan na ako ay hinarap ko na siya. “Bakit niyo po ako pinapapunta rito? Ba’t ka tumawag kanina? Bakit mo ako hinihintay?” sunod-sunod kong pagtatanong sa kanya.

Nakita ko naman kung paano magsalubong ang makapal niyang kilay. Sabi ni Hailey sa ‘kin dati pag makapal daw ang kilay ng isang lalaki ay lalaking-lalaki daw ‘to. Bumagay kay Sir Ken ang makapal niyang kilay. Yes, he’s handsome, tall and a moreno plus the fact that he is rich and a single. Kaso eh malabong makuha ko ang kagaya niyang lalaki.

I’m quite sure he may do sex in different girls, in a different places. Gano’n naman sadya kapag magandang lalaki at mayaman pa. Kaya wala lang sa kanya panigurado ang nangyari sa ‘min kagabi.

“Hinanap kita.” he breathed. “No’ng magising ako, nang makitang wala ka sa tabi ko, naalarma agad ako.”

“Sir...” I also breathed.

“Kaya tinatawagan kita. Pinapunta kita rito dahil gusto kong makita kung okay lang and I think... you’re not. You feel sore and broken. I’m sorry for taking your virginity away, Ali.”

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang din ako sa kanya. I never thought that he could say those words to me. Nagsorry siya sa ‘kin, I can’t believe this.

“It’s okay...” dahan-dahan kong wika.

“No, it’s not. For a thirty years old woman like you, mahalaga ‘yon sa ‘yo.

I’m sorry again.”

“Alam kong sanay ka sa one-night stand.”

Nangunot ang kanyang noo at maya-maya, tumawa siya ng mahina.

“Sanay ako sa one-night stand? Who told you that?”

“Huh?”

“I’m not, Ali.” and he became serious. “Remember this, you’re the first girl that I’m having sex with. I’m not like others who are having sex with women they met in a bar. Sa ‘yo ko pa lang ‘yon nagawa. Kumbaga, you devirginized me, too.”

“Well,” hindi ko na alam pa ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na virgin din siya gaya ko! Malay ko ba na kapwa kami na devirginized ng gabing ‘yon! Binasa ko ang aking labi at umiwas na ng tingin. His stare is just too hot to fight with. “naka-save sa computer ‘yong mga report ko.” ‘yan na lamang ang aking nasabi. “I have to go.” at tumalikod na ako.

He did not respond kaya naglakad na ako papuntang pinto. When I was about to grab the doorknob, there’s something came to my mind.

“Nga pala,” tumingin muli ako sa kanya. “magreresign na ako.”

“What?” he said, incredulously.

“Sabi ko, magreresign na ako.”

“Why?”

“Magpapahinga.” simple kong sabi.

“Nakakapagpahinga ka naman na rito, ‘di ba?”

Tinagilid ko ang aking ulo, “Ah, ayoko munang magtrabaho hangga't brokenhearted ako.” pero ang totoo, nahihiya ako sa kanya bigla. Na judge ko siya agad not knowing that he is not like the others... Nakakapagtaka lang kasi, ako ang unang babae na nakasex niya. Ako pa ang nakakuha ng virginity niya. Well, somehow, we are quits. Kaso, nakakapagtaka talaga, eh.

“I respect your decision, Ali.” and he breathed.

“Hindi ko na kailangan pang magpasa ng resignation letter?”

“Hindi na.”

Tumango na lamang ako sabay pihit sa doorknob, tuluyan na akong lumabas

ng office niya.

One month and one week later....

Napabangon ako bigla sa higaan nang maramdaman kong bumabaliktad na naman ang aking sikmura. Dali-dali akong nagtungo sa lababo at do’n ako sumuka. Ang suka ko ay may kaunting kanin pero halos puro tubig.

Naninibago ako.

Hindi ako ganito rati. Simula nang magresign ako sa kumpanya at no'ng tumahimik na ‘yong buhay ko ay madalas akong mahilo, inaantok lagi, lagi akong tinatamad, minsa’y naiinis ako na ewan tapos lagi pa akong nagsusuka tuwing umaga.

Sa loob ng isang buwan at isang linggo ay hindi pa ako dinadatnan. Nang tumigil na ako sa pagsuka ay napagdesisyunan ko nang maligo agad at pagkatapos ay nagbihis na ako. Nagtungo ako sa kusina matapos niyon, medyo nandidiri na ako ngayon sa ketchup at gustong-gusto ko na ng suka na may

manggang kasama. Matapos kong kunin ang manggang hilaw sa basket at matapos ‘tong balatan ay naghanda na agad ako ng suka. Ito lagi ang almusal ko, eh.

Ewan ko ba, baka buntis na ako eh hindi ko lang alam. Magpapatingin na pala ako sa Doctor. Baka mamaya, buntis nga ako. Dali-dali na akong kumain at nag-ayos and then, umalis na ako ng bahay. Good thing na nakapagpara agad ako ng taxi kaya nakasakay agad ako.

“Sa’n po tayo?”

“St. Luke.” I simply replied.

Tumango ang Driver at pinaandar na niya ang sasakyan. Minutes had passed when we reached our destination. Isang malaking hospital ang St. Luke. Mula sa binabaan ko, marami agad akong natanaw na tao na tumatawid sa pedestrian lines. Bumuga ako ng hangin bago pumasok sa loob. “Hello,” I greeted the Nurse girl and smiled, “can I ask something?”

“Yes po. Ano po ‘yon?”

“Sino’ng Doctor dito ang tumitingin sa babae kung buntis siya o hindi?”

“Ah, si Doktora Mendoza po.” anito. “If you are looking for her, nasa second floor po siya, sa dulo po. Nando’n po ang kanyang office.”

“Okay, thank you.”

She just smiled at me sweetly. Naglakad na ako papuntang second floor, sa dulo. Nang marating ko ‘yon ay nag-aalangan pa akong kumatok sa pinto pero kumatok pa rin ako sa huli sabay sulyap sa glass ng pinto.

“Come in.” her voice is a fragment of beauteous, walang-wala ‘yong boses ko sa boses niya.

Pinihit ko na ang doorknob at pumasok sa loob. “Good morning po, Doktora.” wika ko sa magalang na boses.

She had a face na heart-shaped and a slim body. Her nose is hooked, and her hair is fair and hanggang balikat lamang ang haba. Her eyes are round and hazel tapos... maputi siya.

Napapag-iwanan ang aking ganda.

My beauty is not angelic as hers. I have a round face, and a slim body too. My eyes are also round and bright habang ‘yong buhok ay mahaba na kulot at kulay itim pa. I used eyeglasses sometimes kasi malabo pa ang mga mata ko. Ngayon lang ako hindi nagsalamin dahil tinamad na ako, ipagpapatuloy ko na ang

‘di ko pagsuot ng salamin. My height is not tall, about medium height lamang. Compared to her lips na thin lamang, my lips looked full.

“Good morning too. Have a sit, Ma'am.”

Naupo naman ako habang titig na titig sa ganda niya. Babae ako, oo, at nagagandahan talaga ako sa kanya.

“Doktora...”

“Yes?”

“Ano'ng symptoms po ng buntis?” iyan ang naitanong ko pero balak ko talagang itanong sa kanya kung may boyfriend na siya o wala pa.

“Mostly is ‘yong pagsusuka po.”

“And then?”

“Not feeling well, ofcourse. Tamad at nagiging antukin na. ‘Yon ang common signs sa buntis. Ang rare ay 'yong may nararamdaman kang sakit sa katawan mo like sa tagiliran mo, sa binti, etc.”

“Ah,” and I nod my head. “kukunan mo na ako ng PT?”

“Yes po.”

“I'm not ready pa.” bigla akong kinabahan, nginitian niya lang ako.

“Don’t be. You just must take a pee and put the liquid into this thing. Kapag double ‘yong guhit, it means you’re pregnant and if it isn’t, well, it means that you aren’t pregnant.”

“Okay.” sabay kuha ko sa hawak niyang bagay. Nagtungo ako sa cr at nagsimula nang umihi, kahit hindi ako naiihi ay pinilit ko. Nang may pumatak na ay tinapat ko ang bagay na ‘yon sa ‘king baba at nang may liquid na ro’n ay tinignan ko nang maiigi ang bagay na ‘to.

Dalawang guhit ang aking nakita. “Positive.” I murmured. “No way...” I bit my lower lip and I want to cry right now. It is freaking positive! Nabuntis ako ng Boss ko!

Tulala akong nag-ayos at lumabas ng cr. The Doctor asked me kung ano'ng result. I just did not answer, I gave her the thing at siya ang tumingin.

“Oh, congratulations! You are pregnant!”

“Congrats?” wala sa sarili kong naiwika. “Sana all masaya.” ‘Yon ang nakita ko sa kanyang mukha nang makita niya ang result.

“Why?” I saw in her eyes a glimpse of sadness. “You’re not happy, why?”

“Nothing.”

“Blessing ‘yan.” anito. “Kung ano man ang nasa isip mo ngayon, isipin mo

na blessing ‘yan sa ‘yo.”

I touched my tummy. I wanted to speak but I could not, may bumara sa 'king lalamunan.

Blessing? Siguro? Ah, I do not know!

Paano ko sasabihin kay Sir Ken na buntis ako at siya ang Ama?

“Aalis na ako, Doktora. Thank you.” Finally, I spoke. I gave her my money na at dali-dali na akong umalis sa kanyang office at ‘di na siya pinagsalita pa.

I felt a tear flowing down to my left cheek as I walked fast through the hallway. I used my palm to dry my left cheek. Sari-saring problema na ang dumating sa ‘kin. First, I am pregnant, and I did not even know how to be a mother! Second, ang aking Boss ang ama ng batang dinadala ko. Third, sa’n ako kukuha ng pera sa oras na manganak na ako? Eh, wala naman akong trabaho!

Ah, I hate my life now!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status