Share

Chapter 38

After ng limang ring ay sinagot na niya ang tawag ko. “Hello, Ali. Napatawag ka ulit, masyado mo na ba akong na miss?” tumawa siya sa kabilang linya kaya napailing ako rito.

“Loka.”

“Grabe, naloka pa nga!”

“Sorry.” natatawa kong wika. “Anyway, bati na kami.”

“The heck? Bati na kayo agad? Kuwento ka naman, dali!”

“'Yon nga ang gagawin ko.” kaya ko siya tinawagan.

Gusto kong ilabas ang kilig na nararamdaman sa kanya. Umupo ako sa sofa at sumandal do’n, nagsimula na akong magkuwento sa kanya ng nangyari kanina.

Impit siyang tumili pagkatapos kong magkuwento. Napamura pa siya kaya napatawa ako nang malakas.

“Effort kung effort!” sumang-ayon ako nang tahimik sa sinabi niya. “Sinong hindi ang mahuhulog do’n? Grabe pala si Sir Ken manuyo!”

“Kaya nga naipairal ko ang aking puso kanina.”

“Depende sa sitwasyon naman kasi kung ano ang paiiralin mo. Gaya ngayon, puso ang napairal mo. Kung ‘di ‘yon ginawa ni Sir Ken kanina, ang maipapairal mo pa rin ay ‘yong utak mo. Masaya ako kasi ayos na kayo.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status