LOGINCHRISTINA CHAVEZ’s
I was lost for words. I can feel the warmth of his against my cold ones. Wala sa sarili kong hinila ang aking kamay at kusang humakbang paatras ang aking mga paa. Gulat akong nakatingin sa kanya na para bang nakakita ako ng isang multo.
And no matter how much I try, I couldn’t look away.
Kung hindi siguro ako hinawakan ni Mommy sa braso, hindi ako magigising sa aking pagkagulat. “Are you okay, anak?” Bakas ang pag-aalala sa tinig nito.
“Yes,” mabilis akong tugon at saka ko pa lang napilit ang sariling ibaling ang tingin sa aking ina. “I’m good, mom. I’m good.”
A low chuckle resonates from the man named Liam. “Mukhang nagulat yata natin ang anak mo, love.”
Kumunot ang aking noo .Yung gulat na alam kong bakas sa mukha ko kanina ay agad na nawala at napalitan ito ng pagkakakunot ng noo. I turned to my mother with a questioning look. “Love? Mommy, anong ibig sabihin nito? Bakit ka may boyfriend? At ngayon pa talaga sa victory party ni Daddy?”
Halo-halo na ang aking nararamdaman. Nagsisimula na rin akong makaramdam ng galit.
Mataas ang tingin ko kay mommy, and I’m not expecting her to do something this outrageous! Hindi lang ito kawalan ng respeto kay daddy, nagloloko ito at gusto nitong masira ang pamilya namin.
Hinawakan ni mommy ang aking mga kamay. “Calm down, anak. Hayaan mo akong mag-explain.”
Parang gusto ko na yatang maiyak. Ang daming pangyayari ngayong gabi at hindi ko alam kung ano ang dapat kong unahin. Nanginginig pa rin ang katawan ko dahil sa nalaman kong pagbubuntis ko ngayong gabi, tapos ito na naman?
“Alam ko namang wala ng time sa ‘yo si Daddy dahil sa politics, pero bakit niyo po siya niloloko?” mahina kong tanong.
Kahit na gusto kong magwala, hindi ko pwedeng sirain ang big event ng daddy ko. Maraming importanteng tao ang nandito ngayon, mayroon ding mga media. Kaya as much as possible, hinihinaan ko ang boses ko.
Tila’y napansin din ni mommy ang panginginig ng kamay ko dahil nakita ko ang pagdaan ng pag-aalala sa mukha nito. Focus na focus ang tingin ko sa kanya dahil hindi ko magawang tignan ang lalaking pinapakilala nito.
“How about we talk somewhere quiet? H’wag ito. At kailangan mo ring kumalma,” wika ni mommy at hinawakan nang mahigpit ang aking kamay. “Let’s go.”
Hindi na ako umimik at nagpatangay na lang sa kanya.
I’m holding on to that tiny string of respect I have because she’s my mother and I looked up on her. Sobrang maintindihin ni mommy sa ‘kin kaya naman pipilitin ko ang sariling intindihin siya.
Sana lang talaga ay may logic ang panloloko niya kay daddy. Dahil ewan ko na lang talaga.
Dinala ako ni mama sa hardin kung saan kitang-kita ang malawak na kalangitan at humahalo din sa hangin ang amoy ng mga bulaklak. Pinaupo niya ako sa isang bench at nang umihip ang hangin, naamoy ko ang isang pamilyar na pabango.
So he was following us.
“Anak, Christina, I’m sorry for keeping this from you for so long,” panimula niya.
“So long?” Kulang na lang talaga ay magdugtong ang aking mga kilay. “What do you mean so long? Ilang taon na? You cheated on my father?”
Ayan na. Hindi ko na mapigilan ang magtaas ng boses at mas lalong nanginig ang aking buong katawan. This time, it’s not because of fear, but because of anger.
“I’m sorry,” sambit nito. “Alam kong walang rason ang kayang mag-justify sa katotohanang niloko ko ang daddy mo. Ngunit hindi ko talaga mapigilan ang puso ko, anak. Wala nang oras sa akin ang daddy mo. Ikaw naman, focus ang atensyon mo sa studies mo na kahit na sa iisang bahay lang tayo, isang beses sa isang linggo ko lamang kayo makita.”
I bit my lower lip.
She does have a point. But still, it’s not right! “You’re right, walang rason ang makaka-justify sa ginawa mo. Pero bakit mo pa siya dinala rito, mom?”
Kung makapagsalita ako ay parang wala ang lalaking tukoy ko rito. But I don’t care. I’m mad. Kahit pa siya ang lalaking ama ng dinadala ko, wala akong pakialam!
“Because your daddy wanted to meet him.”
Doon na ako tuluyang natigilan. “Dad wants to meet him? What do you mean? Alam ni daddy na nanloloko ka.”
Humugot muna siyha ng malalim na hininga bago tumango. “Lately ko lang din nasabi sa kanya. It was when I mentioned I wanted a divorce. I don’t want to be tied in a marriage where warmth has already left. Ayaw niyang pumayag noong una, ngunit nang banggitin ko sa kanyang may iba ako, he asked me to introduce my new man. Kaya ngayon ko siya dinala.”
I think I’m lost for words. Nangangapa ako sa kung ano ang dapat kong sabihin.
“So…are you and dad…” Hindi ko na magawang dugtungan ang tanong na ‘yon.
Ayokong sambitin.
Natatakot ako.
“Yes, anak.” She nodded without even waiting for me to finish my question. “Your dad and I decided to have a divorce.”
“No.” Agad akong napatayo at muntikan pa ngang matumba, ngunit mabilis ko lang din namang naibalanse ang aking katawan. “I don’t want to hear any more of this.”
Anger.
Pure anger.
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang galit na nararamdaman ko ngayon at feeling ko ay ano mang oras, sasabog na ako. Nang tumalikod ako sa kanya ay bumungad naman sa ‘kin ang gwapong mukha ng lalaking naging dahilan kung bakit nagkanda-leche-leche ang buhay ko ngayon.
I bit my lower lip hard. Mariin kong kinuyom ang aking mga kamay at agad na naglakad para lampasan siya. Rinig na rinig ko ang pagtawag sa akin ni mommy, ngunit wala na akong ganang lumingon pa.
Pagkapasok ko muli sa hotel, agad akong sinalubong ni Nicole. This time, she’s not wearing any perfume. Nakabihis na rin ito kahit na pinaghandaan nito nang mabuti ang party na ito ngayon.
“What happened?” bungad nitong tanong. “What’s wrong? Why are you crying? Nasabi mo na ba kay Tita?”
Gamit ang nanginginig na mga kamay, hinawakan ko ang kanyang braso. “Take me away from here…please…”
She probably sensed the desperation in my voice. Walang pagdadalawang-isip itong tumango at hinawakan ako sa kamay.
“Don’t worry. I always got your back.”
CHRISTINA CHAVEZ’sTahimik akong nakaupo sa waiting shed, naghihintay kung kailan ang labasan ng mga bata. May mga mommies din akong kasama rito, ngunit tila ayaw nila akong kausapin. Hindi rin naman ako umaasa na may kumausap sa ‘kin dito.“Hi!”Wala sa sarili akong napatingin sa babaeng biglang tumabi sa ‘kin ng upo. I pointed myself, asking kung ako ba. Nang tumango siya, hilaw akong ngumiti. “Hello!”I was actually busy reading some law book I bought online, soft copy. Ito ang ginagawa kong pamatay oras lalo na kapag bored na bored ako, katulad na lang ngayon.Pero ngayong mayroon nang lumapit sa ‘king para makipag-usap, agad ko nang ini-off ang aking hawak na gadget. It would look very disrespectful. At isa pa, I am planning to build connections here. Para kahit sungitan ng anak ko ang mga anak nila, they would still think na mabait ang ina ni Leandro.“Ngayon lang kita nakita rito. Galing ka bang abroad?”“I’m sorry?” wala sa sarili kong sambit. “Ah, yes. Galing ako sa ibang ban
CHRISTINA CHAVEZ’s“Nagkausap ba kayo?”Mahina akong umiling. “I ran away like an idiot.”Oo nga pala. Hindi alam ni Tita kung sino ang totoong ama ni Drei. Kahit sa loob ng apat na taon nitong pag-aalaga sa anak ko, hindi niya alam ang kahit ganoong klaseng impormasyon. Wala rin akong sapat na lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo.I get it. She won’t judge me; that’s a given fact. Pero meron sa dibdib ko ang nagdadalawang-isip na sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na ‘yon. So I kept delaying it as much as I can.“You must muster up the courage to face her soon,” wika niya. “Hindi pwedeng habangbuhay mong kamuhian ang mommy mo.”“Why not?” Tila otomatikong lumabas ‘yon sa ‘king bibig. “Kahit saang anggulo ko tignan, siya ang nakikita kong rason bakit nauwi sa ganito ang lahat. Kung hindi niya iniwan si dad, hindi sana mapapabayaan ang sakit niya. Sana nalunasan pa ‘yon bago tuluyang lumala.”Nanubig ang aking mga mata habang nagsasalita. It just…it just breaks my heart of
CHRISTINA CHAVEZ’sParang nanigas ang buo kong katawan nang makita ang babae sa labas ng silid. Wala sa sarili akong napalunok at mariing kinagat ang aking ibabang labi. Bahagyang tumuwid ang aking likod habang nakatitig sa taong kaharap ko ngayon.Hindi lang ako ang nagulat. Kahit siya rin ay nagulat sa aming pagtatagpo. And then her eyes turned to my son. Kitang-kita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata. Unlike Daddy na alam pa rin ang nangyayari sa buhay ko, si mommy ay walang kaalam-alam. Seeing me carrying a child must be the least thing she expected to see after meeting me.“What…” Kumunot ang kanyang noo. “Is that you, Yna?”Wala siyang suot na facemask, hindi tulad sa ‘min ng anak ko. Kung makilala niya man ako, then she has some good instinct. Ngunit wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya. Not after something happened between me and her lover.“Excuse me,” mahinang sambit ko at walang lingon likod na nagtungo sa elevator.Narinig ko pa siyang tinawag ulit ang pangalan ko p
CHRISTINA CHAVEZ’s“You’re leaving?” tanong ni Daddy.“Yes,” mahina kong sagot. “But please, avoid entertaining business while you’re in this kind of condition, Dad. It’s not good for your health.”Mahina siyang natawa na para bang isang nakakatawang impormasyon ang narinig niya galing sa ‘kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ako sa anak ko na ngayon ay busy sa phone. He’s busy calling for his mommy. Siguro dahil na rin sa closeness nila ni Tita, kahit na kasama niya ako, hinahanap niya pa rin si Tita.“Kung hindi ko sila i-entertain ngayon, kailan?”Agad akong natigilan sa kanyang ibig sabihin. Hindi naman ako tanga. Sa simpleng tanong na ‘yon, agad ko nang na-gets kung ano ang nais niyang sabihin. And just like that, it felt like someone just pinched my chest.Para akong nasampal bigla ng reyalidad na pilit kong kinakalimutan.Inangat niya ang kanyang kamay. Mabilis ko itong kinuha para hawakan. He smiled and gently squeezed my hand. “Please don’t worry about me, hija. Ang alala
LIAM DEL FIERRO’s“It really does mean a lot to me,” nakangiting wika ni Mr. Flores. “I almost thought you didn’t want to continue our partnership anymore, especially with your upcoming project that gained a lot of investors.”Tipid akong ngumiti. “We’ve been partners since then. Masyado lang naging hectic ang schedule ko.”It was true na maraming investors ang nakahatak sa plano ko kahit na isang beses ko pa lang ito na-present. It was actually a good deal, ngunit pinipili ko ang lahat ng pinapapasok ko sa ‘king proyekto. Not everyone is worth making a deal with.But that this man in front of me. Siya ang pinakaunang businessman dito sa Cebu na naniwala sa kakayahan ko. Even without my family’s influence backing me, he still believed in me. Kaya guilty ako na palaging reschedule ang mga meeting namin.“I heard you will be personally attending the charity ball,” anito habang naglalakad kami ng restaurant. “It’s a news to me.”“Yeah.” Bahagya akong tumango. “My mother asked me to come.
CHRISTINA CHAVEZ’s“Dad,” I called out.Agad siyang ngumiti sa ‘min at tinuro ang pwestong inupuan ng kanyang sekretarya kanina. Wala akong naging imik at lumapit sa pwestong ‘yon. Naka-recline ang kanyang kama habang ang kanyang mukha ay mayroong malambot na ngiting pinapakita.“I’m happy to see you finally here, coming to visit me,” aniya at bahagyang umubo. Nakita ko ang pagdapo ng kanyang tingin sa batang na sa aking kandungan. “Is this…him?”Nagkatinginan kami ng aking anak at mahina akong tumango. “Yes, Dad. It’s him.”Mas lalong lumambot ang ngiti sa kanyang labi. “Can I…can I touch him?”Bahagya akong tumango sa ‘king anak at nakuha naman niya ang nais kong sabihin. Maingat ko siyang nilapag sa kama at agad naman siyang humawak sa kamay ni Daddy, sa parteng walang nakaturok na karayom.Drei’s innocent hazel-green eyes stared at my father, like he was trying to memorize all the parts of my father’s face. Inangat naman ni Daddy ang kanyang kamay at hinaplos ang mukha ng anak ko







