CHRISTINA CHAVEZ’s Kahit na mabigat sa aking loob, wala akong ibang choice kundi harapin ang aking mabuting ina. At ngayon, tatlo kaming magkaharap. Wala rito ang lalaki ni mommy, he was patiently waiting outside, refusing to leave unless this whole thing is settled.I mean, what is there to settle? Sobrang gulo na nga ng lahat, e. May pa-settle-settle pa siyang nalalaman. Sa dami ba naman ng lalaking manggagago sa ‘kin nang ganito, parehong lalaki pa talaga na magiging dahilan kung bakit masisira ang pamilya namin?“Yna…” biglang pagbasag ni mommy sa katahimikan. “I’m so sorry, anak.”Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at pinilit na ngumiti, habang si daddy naman ay sobrang seryoso lang na nakikinig sa aming magiging usapan. “If not too much, Mom, can you elaborate the reasons why you wanted to divorce dad? Dahil po ba matanda na siya at hindi na siya ‘yung tipo ng lalaking gusto niyo?”Mabilis itong umiling. “No. It’s not that, anak. Please don’t take it the wrong way.”“Ho
Terakhir Diperbarui : 2026-08-23 Baca selengkapnya