FAZER LOGINCeline's Pov Tahimik lamang ang buong coffee shop. Iyong bagong customer lang ang hindi, dahil panay ang pakikipag-usap niya sa akin kahit na may ginagawa pa ako. Pero dahil magiging bastos ako kung hindi ako magsasalita, sumagot na rin ako sa lahat ng tanong niya sa akin. "Pasensya ka na, dayo kasi ako dito kaya medyo marami akong tanong sa'yo." Tumango ako, nakangiti. "Ayos lang." Ilang beses na niyang sinabi ang bagay na iyon at palaging iyon ang sagot ko. Pero mukhang wala naman siyang pakialam kung naistorbo niya ako dahil panay pa rin ang pagtatanong niya sa akin kahit sa walang kabuluhang bagay. "Matagal ka na dito?" "Oo, ilang taon na rin." "Kung ganoon, hindi ka taga dito talaga?" "Hindi po, galing po ako sa Manila at namasukan bilang katulong hanggang sa napadpad ako dito." "Bakit ka napadpad dito?" Saglit akong natigilan sa tanong niyang iyon. Napalunok ako. Nilingon ko si Timothy. Hindi naman siya nakatingin sa gawi ko, pero pakiramdam
ANG buong akala ni Celine ay isang katanungan lamang; iyon ang hindi niya akalain ay pupunta nga talaga si Timothy sa tamang oras kung kailan magbubukas ang coffee shop ni Celine. Sina Belinda at Aurora ay parehong nakatingin sa pinto kung saan papasok na si Timothy sa loob. Halos lahat ng paghinga nila ay kanilang pigilan dahil imposible naman na si Timothy ay nandito nang ganito kaaga. Alas otso. "Good morning, Celine," namamaos na bati ni Timothy. "Good morning to you two," bati niya sa dalawang nakatunganga lamang habang nakatingin sa kanya na puno ng pagtataka."I just came by because I need coffee to start working and be productive." He explained, even though no one had asked him. Binaling na niya ang tingin niya kay Celine na kabado nang nakaharap ang lalaki sa simula pa lang ng araw niya.Hindi dapat ganito. Ayaw niya ng ganito ang lalaki sa kanya dahil para na lang din niyang ginugulo ang buong pagkatao ni
BELINDA shrieked and immediately went upstairs, where the bodega was, because of how embarrassed she was. Sinundan siya ni Aurora. And Celine was forced to face Timothy, who was smirking at her. "Ahh," tumingin siya kung nasaan sina Aurora nagtungo tapos balik kay Timothy sabay kamot sa batok. "Pasensya ka na sa kanila kasi ano, si Belinda gusto ng mga lalaking inosente, kaya niya nasabi iyon." Timothy nodded, but his eyes never left her. "Si Belinda lang naman ang ganoon, di ba?" Napakurap si Celine. "Ha?" Ngumuso siya. "Sabi ko, si Belinda lang naman siguro ang gusto ng inosente ang datingan, di ba?" She swallowed hard. Anong sasabihin niya? Magsasalita na sana siya. "Ahh—" Mabuti na lamang at agad na tumunog ang bell—hudyat na may pumasok sa coffee shop, kaya doon natuon ni Celine ang kanyang atensyon. "I'm sorry, Sir, but I have another customer." Hindi na umimik ang lalaki at agad na tumango bilang pagsang-ayon na kailangan ng babae na unahin ang kanya
SINA Belinda at Aurora ang naghatid ng meryenda para sa mga construction worker at kay Timothy. Samantalang naiwan naman si Celine sa kanyang coffee shop. "Tawagin niyo na si Sir, nandito na ang meryenda natin." Utos ng foreman sa isang batang construction worker. Agad naman itong sumunod. "Oh, pila lang ha," utos ni Belinda sa mga lalaking nagtutulakan kung sino ang mauuna. Busangot tuloy ang mukha ni Belinda habang pinagmamasdan niya ang mga construction workers na pumipila. Mabuti na lamang at lumapit ang foreman sa kanya kaya bahagyang napalitan ang inis niya ng kaunting kilig. Si Philip, ang kanang kamay ni Timothy na may maganda ring pangagatawan at maamong mukha, kaya hindi na nakakapagtatakang nahulog si Belinda sa kanya. Si Philip kasi iyong tipo ng lalaki na parang anghel at tila walang gagawing masama sa'yo, kaya mabilis talaga mahulog ang mga babae sa kanya. "Ayos lang ba kayo?" Philip asked Belinda because Aurora was busy giving the cookies they baked
CHESCA went to the tiny coffee shop. Celine tried her best to calm down, even though she was still mad at what Chesca did to her last time. Ngunit hindi niya hinayaan na lamunin siya ng galit na iyon dahil naniniwala pa rin siya na may magandang dahilan ang lahat. Kahit pa kasi batuhin siya ng libo-libong negatibo sa kanyang paligid, naroon pa rin ang pagiging positibo ng kanyang pagkatao. Hindi nakita nina Belinda at Aurora ang parating na si Celine dahil abala sila sa pagkain at kape na ihahatid nila sa site mamayang alas tres ng hapon, kaya patuloy lang na naglalakad si Chesca. Nilingon ni Celine ang paligid. Wala masyadong customer, kaya kung gustong mag-eskandalo ng babae ay magagawa niya. Tumunog ang entrance. Nakatitig pa rin si Celine kay Chesca na ngayon ay matamis na ngumiti sa babae na tila ba matagal na silang magkakilalang dalawa. "Good morning, Celine." Bati ni Chesca. Narinig ni Aurora iyon at sinilip niya. Gusto niyang ambaan ang babae ngunit hindi
SI Chesca ang babaeng gagawin ang lahat para mapalayo lamang sina Celine at Timothy, kahit anong mangyari. Hindi iyon alam ni Timothy. Wala siyang alam na si Chesca ang nais na umalis si Celine sa buhay niya. Kaya ngayong nagbalik ito galing sa Spain. Hindi alam ni Timothy kung matutuwa ba siya sa pagkakita sa babae dahil minsan na silang nag-away tungkol sa kanilang kasal na ayaw naman ni Timothy. Paano kasi pinilit ng pamilya ni Chesca ang kasal nilang dalawa? "Chesca, alam mo naman na kapatid lang ang turing ko sa'yo, di ba?" Seryosong tanong ni Timothy kay Chesca na ngayon ay halos maiyak na sa sobrang inis. "Kapatid?" naiinis na tawa ni Chesca habang nakatingin kay Timothy na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya pabalik. "Alam mo rin kung ano ang tunay na nararamdaman ko." Napailing siya. "No, I can't, Chesca," Timothy replied. "Besides, I have a child with another woman, so how can you marry me?" Chesca walked near him; he immediately stepped back. C







