LOGINKaramihan sa mga kaklaseng dumalo sa reunion ay kumampi kay Bella. Para sa kanila, masyadong nagpapanggap si Misty. Kung mahirap naman siya, bakit kailangan pa niyang mag kunwaring isang mayaman na dalaga?Tanging si Marco at ilan pang kaklase ang pumanig kay Misty.May isa o dalawang nakikisawsaw lang para manood ng gulo.“Huwag na kayong tumawa kay Misty. Sa dami ng taba niya sa katawan, talagang kailangan niya ng malaking puhunan para mapanatili ang ganyang pangangatawan!”Ngayong nagkakainitan na sila, hindi na nag-abala si Bella na ingatan ang damdamin ni Yanyan. Lalo pang naging masakit ang mga salitang binibitawan niya.Hindi na sumagot si Misty. Sa halip, inilabas niya ang cellphone at tinawagan ang bodyguard niya.Dalawang ring pa lang, may sumagot na. Isang malamig at malalim na boses ng lalaki ang narinig niya.“Miss.”Nang marinig ng babae ang boses ni Jasper, bahagyang nanginig ang mga daliri niya. Akala niya ay maling numero ang natawagan niya, kaya agad niyang sinilip a
Lumapit ang babae at palihim na sinipat si Misty mula ulo hanggang paa. Customized ang mga damit na suot ni Misty, pero hindi iyon madaling mapansin ng mga ordinaryong tao. Sa unang tingin, iisipin lang nilang pangkaraniwan ang mga damit niya.Gayunman, kamakailan lang ay nakahanap si Bella ng isang mayaman na lalaking sumusuporta sa kanya. Kaya naman lumawak na rin ang kanyang kaalaman tungkol sa mga luxury things. Nakikita niyang mukhang maganda rin ang kalagayan ng pamilya ni Misty.Pero gaano man kayaman ang pamilya nito, malamang na hindi pa rin iyon hihigit sa yaman ng lalaking kumakalinga sa kaniya.“Misty, marami na sa mga kaklase natin ang may mga boyfriend na. Ikaw naman, may nagugustuhan ka na ba?” kunwari'y nag-aalalang tanong ng babae.Umiling si Misty. Kakaumpisa pa lang sana niyang magsalita nang biglang tumawa ang isa sa mga kaklase nilang lalaki.“Bella ano ka ba, akala mo ba kasing patok mo sa mga lalaki si Misty? Totoong may mga lalaking gusto ang malaman ang pangan
Pagkatapos makatulog ni Jeff, kinuha ni Althea ang pantulog niya at naligo. Paglabas niya ng banyo, saktong tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya kung sino ito, mabilis na kumabog ang puso niya. Si Xavier.Bakit siya tumatawag?Inilagay ni Althea sa silent mode ang cellphone niya at hindi sinagot ang tawag.Samantalang ang lalaki ay nakatayo sa kwarto kung saan dati natutulog ang mag-ina, wala na sa cabinet ang mga gamot nila. Napakunot ang makapal niyang kilay, unti-unting lumitaw ang malamig at madilim na ekspresyon sa malalim niyang mga mata. Naglakad siya papunta sa bintana at saka tinawagan ang babae. Matagal nang tumutunog ang cellphone nito, pero wala pa ring sumasagot.Bahagyang sumingkit ang malalim niyang mga mata. Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone gamit ang malalaki at litaw na mga buko ng daliri, saka humakbang palayo at hinanap si Ivan.“Ano ba ang nangyari? Nagka lagnat lang ako at natulog pag gising ko wala na sila!”Nang makita ni Ivan ang malamig at ma
May makahulugang ngiti sa gwapong mukha ni Harry, pero walang kahit katiting na init sa mga mata niya. Hinawakan niya ang pulso ni Althea gamit ang mahahaba niyang daliri at hinila siya mula sa buhangin.“Sumabog ang speedboat ninyo kagabi, kaya mula noon ay hinahanap na kita.”Hinubad ni Harry ang kanyang suit jacket at isinampay iyon sa mga balikat ni Althea na halos hindi na makilala sa sobrang gusot at dumi.Napatingin si Althea sa punit-punit niyang evening gown. Hindi na niya tinanggihan ang jacket ni Harry.“Nakita ko sa pantalan na umalis na si Xavier kasama ang butler niya. Pero hindi kita nakita, kaya naisip kong hanapin ka na lang. Wala rin naman akong ibang gagawin,” nakangiting sabi ni Harry.Itinaas niya ang maliit na baba ni Althea gamit ang isang daliri.“Tsk, tsk. Kung ikukumpara sa itsura mo kagabi, napakalayo na ng hitsura mo ngayon. Talagang kahabag-habag ka!”Ilang hakbang na umatras si Althea upang iwasan ang paghawak nito. Bahagyang nagkunot ang manipis niyang k
Pinilit ni Althea na lunukin ang pait at pagkatarantang unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib bago siya bumangon mula sa lupa.Sa totoo lang, mas mabuti na rin siguro ang nangyari. Kahit papaano, nakita na niya ang realidad. Ayaw na niyang maulit ang pagkakamaling makalimutan ang sakit na dinanas niya dahil lamang nagsimula nang maghilom ang kanyang mga sugat.Matapos niyang isilang si Jeff, hindi na niya inisip na umasa sa isang lalaki.Si Xavier ang nagbigay sa kanya ng ilusyon na mayroon siyang masasandalan.Hindi niya kayang isipin na sa simpleng pagkarinig pa lamang sa pagtawag nito sa pangalang Alyssa, ganoon na kasakit at kapait ang nararamdaman niya sa dibdib. Paano pa kaya kung dumating ang araw na tuluyan na siyang mahulog ng walang pag-asang makawala sa pagmamahal dito? Kung muli itong gagawa ng isang bagay na makasasakit sa kanya, magiging isa na lang ba siyang buhay na bangkay, na kahit ang paghinga ay magdudulot na ng matinding paghihirap?Huminga nang malalim si Althe
Matagal nang iniiwasan ni Althea na isipin kung hanggang saan na ba ang nararamdaman niya para kay Xavier.Dahil ang totoo, takot na takot siyang masaktan.Ayaw na niyang maranasan ulit ang sakit na dulot ng pagkabigo at pagtataksil.Nang sabihin sa kanya ng matandang ginang na isa lamang siyang anino ng ibang babae, agad siyang naglagay ng pader sa kanyang puso.Pero si Xavier, sa kabila ng pagiging dominante at mapangahas nito, ay nagawang pasukin ang depensang iyon at unti-unting pabagsakin ang mga harang na itinayo niya.Kahit sa bingit ng kamatayan, hindi siya nito binitawan. Dahil doon, hindi niya napigilang mahulog ang loob niya rito. Kasabay ng paghanga, nakaramdam din siya ng matinding pasasalamat.Kahit gaano pa siya katatag, isa pa rin siyang babae.Hindi pa siya nakaranas ng isang dakilang pag-ibig na kayang yumanig sa buong mundo niya. At kahit paminsan-minsan ay masama ang ugali ni Xavier, mas madalas naman nitong ipinapakita sa kanya ang kabutihan nito.Kaya natural lan







