LOGIN
Malamig na sahig, iyon ang unang bagay na naramdaman ni Althea Villanueva nang unti-unti siyang magkamalay. Marahan niyang minulat ang mga mata, ngunit agad niya rin iyong pinikit. Tila umiikot ang buong paligid. Mabigat ang kanyang ulo, na para bang may bakal na nakapatong sa kanyang sentido.
Napahawak siya sa noo habang pilit na inalala ang huling nangyari.
Birthday party...
Champagne...
Mga kaibigan...
At ang step sister niyang si Celina, na paulit-ulit na nag-aalok sa kanya ng inumin.Biglang nanlaki ang kanyang mga mata.Hindi ito ang venue ng party niya.
Nakaupo siya sa makapal na carpet ng isang penthouse suite ng isang kilalang hotel. Ang mamahaling chandelier na nakasabit sa kisame ay bahagyang gumagalaw, habang ang mabangong halimuyak ng imported na pabango ay nakahalo sa amoy ng alak.
"Paano ako napunta rito?" pabulong niyang tanong sa sarili.
Bago pa siya tuluyang makatayo, may narinig siyang mga yabag sa labas ng p***o.Nanigas ang kanyang katawan, kasunod nito ay may narinig siyang boses. Isang boses na pamilyar sa kanyang pandinig.
"Sigurado ka bang hindi pa siya nagigising?"
Si Celina, hindi siya maaaring magkamali boses ito ng kanyang step sister. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.
"Huwag kang mag-alala," sagot ng isang lalaki. "Kapag tapos na ang lahat, wala nang maniniwala sa paliwanag niya."
Napahigpit ang pagkakahawak ni Althea sa carpet. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo niyang katawan. Napagtanto niya na planado ang lahat, hindi aksidente ang pagkawala niya sa isang party. Isa itong malaking bitag na ginawa mismo ni Celina.
Mukhang may naglagay ng kung ano sa kanyang inumin kagabi, at ang itinuturing niyang kapatid ang may pakana nito. Hindi na siya nag-aksaya ng kahit isang segunid.
Pasuray-suray siyang tumayo. Nanghina ang kanyang mga tuhod, ngunit pinilit niyang manatiling balanse.Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob.Sa kabutihang-palad, hindi ito naka-lock.
Tahimik niyang binuksan ang p***o at sumilip sa labas, walang tao. Marahil ay nasa dulo pa ng hallway ang dalawang nag-uusap. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas.
Isang hakbang.
Dalawa.
Tatlo.
Pagkatapos ay saka siya tumakbo, hindi niya inintindi ang hilo o ang pananakit ng kanyang ulo. Dahil isa lang ang nasa isip niya, kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon.
"Hoy!" agad siyang napatigil sa pagtakbo nang makarinig siya ng sigaw. Napalingon siya, nakitang niyang lumabas ang lalaking kausap ng kapatid niya at agad siyang nakita.
"Huminto ka!" sigaw nito
Mas lalo niyang binilisan ang takbo.Sunod-sunod ang pagtunog ng kanyang takong sa marmol na sahig ng hotel.Pakiramdam niya ay anumang sandali ay bibigay na ang kanyang mga binti.
"May tumatakas!" sigaw ng lalaki.
Napalingon ang ilang empleyado, ngunit bago pa sila makapag-react ay nakaliko na si Althea sa kabilang hallway.
Humahabol pa rin ang lalaki.Unti-unting lumalabo ang kanyang paningin.Ano ba ang ipinainom nila sa akin?Bumibigat ang kanyang paghinga.Parang may apoy na kumalat sa kanyang katawan.
Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa gamot o sa matinding takot.Nang marating niya ang pinakadulo ng corridor, halos mawalan na siya ng pag-asa.Sarado ang lahat ng p***o.Hanggang sa mapansin niyang may isang suite na bahagyang nakaawang.
Hindi na siya nag-isip pa, tinulak niya iyon at mabilis na pumasok. Tahimik niyang isinara ang p***o at hinihingal na sumandal. Nilibot ng mata niya ang paligid ng silid, madilim ang loob nito. Tanging manipis na sinag ng buwan lang ang pumapasok mula sa malawak na bintana.
Amoy kahoy, mamahaling whisky, at malamig na hangin mula sa air conditioner ang bumungad sa kanya.
"Kung sino ka man..."
Isang malalim at malamig na boses ang sumira sa katahimikan.
"...mali ang kwarto na pinasok mo."
Napatalon sa gulat si Althea, may tao pala. Hindi niya agad makita ang mukha nitp dahil nakatayo ito sa may bintana, nakatalikod, habang hawak ang isang baso.
"S-sir..." nanginginig niyang sabi. "Tulungan niyo po ako may humahabol po sa akin. Pakiusap... kahit ilang minuto lang. Pagkatapos, aalis na ako."
Walang sumagot, lalong bumigat ang katahimikan. Pakiramdam niya ay bawat segundo ay isang oras. maya-maya , dahan-dahang lumingon ang lalaki. Hindi niya makita nang malinaw ang mukha nito, ngunit sapat ang liwanag upang mapansin ang matangos nitong ilom at matalim na panga.
Malamig ang kanyang mga mata, parang walang emosyon.
"Sorry Miss ha, marami na kasing gumamit ng ganyang style eh."
"Hindi ako po nagsisinungaling, nagsasabi ako ng totoo."
"Hindi? Paano ako makakasiguro na totoo ang sinasabi mo?"
Bago pa siya makasagot, may malalakas na katok na umalingawngaw sa p***o.
"Hello po!" sigaw ng isang lalaki mula sa labas.
"May babaeng pumasok diyan! Isa siyang magnanakaw! Palabasin niyo yan"
Nanlaki ang mga mata ni Althea.
Magnanakaw?Iyon ang ibibintang nila sa kanya?Napaatras siya.Hindi niya namalayang napahawak siya sa manggas ng lalaki na nasa loob ng silid.
"Pakiusap..." halos pabulong niyang sabi. "Huwag ninyo akong ibigay."
Napatingin ang lalaki sa kamay niyang nanginginig, tahimik lang ito. Makalipas ang ilang segundo, marahas nitong inalis ang kanyang kamay. Tumalikod ito at naglakad patungo sa p***o. Parang biglang tumigil ang mundo ng babae, ito na. Malamang ay ibibigay siya ng lalaki sa taong humahabol sa kanya.
Ganito na lang ba matatapos ang lahat?Pumikit siya dahil hindi niya kayang makita ang susunod na mangyayari.Ngunit sa halip na buksan ang p***o, malamig na nagsalita ang lalaki.
"Walang pumasok rito."
"Pero sigurado kami—"
"Umalis na kayo,bago pa ko tumawag ng security."
Mahinahon ang tono nito.Ngunit sapat upang maramdaman ang awtoridad, tahimik ang kabilang panig.Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang narinig ang papalayong mga yabag.
Saka lamang nakahinga ng maluwag si Althea. Hindi niya namalayang may luha na palang tumutulo sa kanyang mata.
"Salamat..." mahina niyang bulong.
Hindi siya nilingon ng lalaki.
"Kapag ligtas ka na, umalis ka na." simpleng sagot ng lalaki pero direkta.
Walang kahit katiting na pag-aalala sa kanyang boses.Ngunit bago pa makapagsalita si Althea, muling umikot ang kanyang paningin.Nanghina ang kanyang mga tuhod.
Pakiramdam niya ay nawawala ang lahat ng lakas sa kanyang katawan.Sa huling pagkakataon, nakita niyang mabilis na lumingon ang misteryosong lalaki.
Bago pa tuluyang magdilim ang kanyang paningin, naramdaman niyang matutumba na siya kaya naman bigla siyang napahawak sa manggas ng lalaki. Sa hindi inaasahang pangyayari ay aksidente siyang natisod at bumagsak sa ibabaw ng lalaki.
Napatingin si Althea kay Xavier. Nagtama ang malinaw niyang mga mata at ang malalim na itim na mga mata nito na tila walang hanggan.Ilang segundo silang binalot ng katahimikan.Hanggang sa marinig ang mahinang pagtawa ni Xavier, na siyang pumutol sa tensiyon sa pagitan nila. Kaswal niyang pinaglaruan ang dart sa pagitan ng mahahaba niyang daliri bago tumingin kay Althea. Bakas sa mga mata niya ang kawalang-pakialam.“Ano naman ang dapat ikatakot ko? Babae lang naman siya. Wala namang dahilan para panghinayangan siya.”Mariing pinagdikit ni Althea ang mapupula niyang labi. Kahit pilit niyang pinananatili ang kalmado niyang anyo, hindi niya napigilang maging hindi pantay ang paghinga.Ayaw maniwala ng puso niyang talagang isasapalaran ni Xavier ang buhay niya, pero nang marinig niya ang mga salitang iyon mula mismo sa bibig nito, para pa rin siyang sinaksak nang malalim.Alam na alam niya kung gaano ka-possessive si Xavier sa kanya.Akala niya, kahit paano, may tunay na nararamdaman it
Hindi mabasa ni Althea kung ano ba ang iniisip ni Xavier, pero may kutob siyang may sarili iyong plano kaya siya nito pinasa kay Harry. Hindi lang niya alam kung ano ba ang balak nito. Kahit labis siyang nadismaya at nasaktan sa naging desisyon ng lalaki, pinili pa rin niyang sumunod at magtiwala rito. Kung sa huli ay talagang pipiliin nitong iwan siya, ituturing na lang niya iyon bilang pagkakataong makita ang tunay niyang pagkatao!Matapos yakapin ni Harry si Althea, palihim nitong sinulyapan ang ekspresyon ni Xavier.Nakaukit sa labi ni Xavier ang isang nakakarelaks na ngiti, na para bang wala siyang pakialam sa nangyayari.Kasama si Althea, umupo si Harry sa harap ng hapag-kainan. Pagkatapos, kinumpasan niya si Xavier bilang senyas na umupo rin ito.“Mr. Xavier, hindi na tayo magpaligoy-ligoy. Hindi sapat na ibigay mo sa akin ang magandang babaeng ito para makuha mo ang antidote. Paano kung mag pustahan tayo? Kapag nanalo ka, sa iyo na ang babae at ang antidote. Pero kapag natal
Nanlaki ang mga mata ni Althea sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa gustong gawin sa kanya ni Xavier. Ito ba ang dahilang kung bakit simpleng makeup at pinaayos upang mag mukhang inosente, para magustuhan siya ni Harry?Huminga nang malalim si Althea at pinigilan ang kakaibang bigat na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib. Namumula ang kanyang mga mata nang matalim siyang tumingin kay Xavier.“Hindi ba sinabi mong ako ang babae mo? Bakit mo ako ibubugaw sa ibang lalaki? Kaya mo bang ibahagi ang sarili mong babae sa ibang lalaki?”Bahagyang itinaas ni Xavier ang mahahaba at matatalim niyang kilay. Marahang hinaplos ng magaspang niyang daliri ang pisngi ni Althea.“Kung ayaw mo ng iligtas ang Kuya Xavy mo, pwede kitang iuwi ngayon mismo. Pagkatapos nito, magiging akin ka na lang.”Mariing ikinuyom ni Althea ang mga kamay sa kanyang tagiliran.“Xavier, sinabi mong kapag kusang-loob kitang hinahalikan at niyakap araw-araw, dadalhin mo ako para hanapin ang gamot.”Ngumiti si Xavier nan
Bahagyang hinawakan ng babae ang laylayan ng kanyang damit habang naglalakad palabas ng private room. Habang si Xavier naman ay abala sa pagbabasa ng magazine sa kanyang kamay, bahagya siyang nakayuko kaya mas lalong litaw ang pino at matitikas niyang mga katangian. Para siyang isang likhang-sining na maingat na ginawa ng isang pintor. Bahagyang nakatikom ang kanyang mga labi, na nagbibigay sa kanya ng mapang-akit na dating.Marahil ay narinig niya ang tunog ng matataas na takong sa sahig, kaya dahan-dahan niyang iniangat ang ulo. Dumiretso ang malalim at maiitim niyang mga mata kay Althea.Nakatayo ang babae sa di-kalayuan. Nang magtama ang kanilang mga tingin, biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.Hindi niya alam kung bakit, pero ngayong nag-ayos siya ng sarili, nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa tuwing kaharap niya si Xavier. Perpektong ipinakita ng puting mahabang damit ang balingkinitan at magandang hubog ng katawan ni Althea. Maputi at makinis ang bahaging nakala
Sandaling natigilan sa paghinga si Xavier, lalong dumilim ang tingin ng kanyang mga mata habang nakatitig sa babae. “Pwede na ba tayong pumunta para hanapin ang gamot?”Mariing pinagdikit ng lalaki ang manipis niyang mga labi, ngunit hindi siya sumagot. Nakapako lamang ang kanyang mga mata sa babaeng napakalapit sa kanya. Walang anumang makeup si Althea, maputi at makinis ang kanyang balat. Isama mo pa ang magandang kurba ng kanyang kilay at ang buhay na buhay na kanyang mga mata. Maging ang ilong nito ay maganda ang pagkaka-tangos, habang ang kanyang mga mapupulang labi ay tila hindi na nangangailangan ng kahit anong pampaganda. Taglay niya ang isang dalisay at maningning na kagandahan. Nang mapansin ni Althea na hindi pa rin nag sasalita si Xavier, bahagya niyang inangat ang kanyang tingin. Nang magtama ang kanilang mga mata, nasilayan niya ang nag-aalab na tingin ng lalaki. Biglang pumalya ang tibok ng kanyang puso.***Bukod sa pagpapagawa ni Xavier ng isang indoor playground
Talaga bang hahayaan niyang mamatay si Xavien nang wala man lang maayos na libingan? Ibig sabihin, pananakot lamang lahat ng masasakit na salitang binitawan niya kanina?Bahagyang lumingon ang babae at tumingin sa lalaking napakalapit as kanya. Agad din niyang iniwas ang mukha, ngunit sa sumunod na sandali mariing hinawakan ni Xavier ang kanyang babae. Wala siyang nagawa kundi salubungin ang malalim na mga mata nito na tila isang balon sa lalim. “Alam mo madali naman akong kausap eh, kaya ko siyang tulungan na mabuhay. Pero may kondisyon ka na dapat gawin.”Sandaling tumigil ang lalaki bago patuloy na nagsalita, “Mula ngayon, wala ka nang anuman na ugnayan sa kanya habambuhay!”Nangingibabaw ang gigil sa tono ng utos ng lalaki, bahagyang napigil ang paghinga ni Althea. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Sir Xavier, imposibleng pumayag ako sa gusto mo,” mahinahon at makatuwiran niyang sagot. Tinitigan siya ng lalaki, hanggang sa bigla nitong sinuntok ang pinto sa ibabaw







