INICIAR SESIÓNNang makaalis si Sebastian, agad na napaupo si Althea sa isang bakanteng upuan. Pilit niyang tinatago ang magulong emosyon sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang gawin.Noon thirteen years old siya, nagkaroon siya ng sakit at kinailangan siyang operahan. Pagkatapos ng operasyon, kinailangan niyang uminom ng mga gamot at naapektuhan nito ang kanyang hormones. Dahil dito, medyo nanaba ang payat niyang mukha, naging parang tinapay ang hugis nito. Ang mahaba at tuwid niyang buhok ay naging dry at nag iba rin ang kulay, maging ang katawan niya ay nanaba. Dahil sa biglaan niyang pagbabago, madalas siyang pagtawanan at asarin ng kanyang mga classmate at ng mga batang kapitbahay. Alam ng kanyang ina na mataas ang kanyang pagpapahalaga sa sarili, kaya hinayaan muna siyang mag-leave sa pag-aaral ng kalahating taon. Dinala siya ng kanyang ina sa isang resort para makapag pahinga at gumaling. Ngunit imbes na gumaling siya ay doon sa siya nakidnap at muntik nang mamatay. Akal
FlashbackMatapos dalhin si Angelica sa presinto, agad naman siyang sinundan ng kanyang kuya. Kilala ang mga Dela Cruz dahil sa kanilang negosyo, kaya marami silang koneksyon. Taas noo na naglakad si Sebastian papasok ng presinto. “Nandito po ako para sa pyansahan po ang kapatid ko, si Angelica Dela Cruz.”Saglit na tiningnan ng police ang kanyang logbook, nang makita nito ang details ng babae ay agad nitong sinara ang libro. “Pasensya na po, pero hindi po kasi pwede na mapyansahan ang kapatid ninyo.”Agad na nagtaka si Sebastian, dahil noon sapat na ang pagbabayad niya ng piyansa para makalabas si Angelica. Pero ngayon, hindi niya alam kung ano ang problema. Sinubukan na rin niya doblehin ang kanyang ibabayad ngunit ayaw talaga pumayag ng police. Hinahanap niya ang namamahala sa detention center, pero noong una ay ayaw nitong sagutin ang kanyang tawag.Matapos ang ilang tawag, saka lamang ito sumagot. Nag-aalangan nitong sinabi na may utos mula sa nakakataas at pansamantalang hind
“S-sebastian?”Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang pulso at kinaladkad siya patungo sa isang sulok ng restaurant. Nang makarating sila doon, mabilis na kumawala si Althea. Tiningnan niya ang lalaki sa harap niya, seryoso itong nakatingin sa kanya. Isang tingin na punong-puno ng galit. Marahan niyang hinimas ang kanyang pulso at bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi bago malamig na nagsalita. “Sebastian, ano bang problema mo? Hindi ba’t may girlfriend ka na? Hindi ba’t masama naman tingnan kung may hinahatak kang ibang babae? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng kapatid ko kapag nalaman niyang kasama mo ako ngayon?”Mabilis na kumunot ang noo ng lalaki. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ng malapitan si Althea mula nang makabalik ito sa bansa. Kaya naman hindi niya maiwasang mapatitig dito, malaki ang pinagbago nito. Wala na ang dating mukhang mayabang at inosente. Simple lamang ang make-up nito, ngunit lalo nitong pinatingkad ang m
Napairap na lang sa inis si Althea at pinili na lang na hindi magsalita. Para talaga silang nag-uusap sa magkaibang language at hindi nagkakaintindihan. Hinayaan na lang niya ito, dahil hindi naman na nito binanggit ang gusto ng lalaki na maging babae siya nito. Kaya mas mabuting huwag na lang din niya itong ungkatin pa. Huminga ng malalim si Althea, nang makitang ipinarada ng lalaki ang kotse sa tapat ng isang restaurant. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. “Teka bakit tayo nandito? Nandito tayo para —”Agad na pinutol ng lalaki ang kanyang sinasabi. “Ibinigay sa iyo ni Michael ang isa sa napakagandang gawa niya, wala ka man lang ba balak na ilibre siya ng pagkain bilang pasasalamat?”Agad na ngumiti si Althea sa kanyang narinig, “Isang karangalan para sa akin ang maimbitahan ng isang Michael Cinco para kumain.” nakangiting sagot ng babae. Mabilis na kumunot ang kilay ni Xavier at biglang lumamig ang expression ng mukha nito. “Bumaba ka nga muna sa kotse.” malamig na sambit nito.
Nang marinig ni Xavier mula sa babae na may gusto na itong iba, bahagyang naningkit ang kanyang malalim at malamig na mata. Isang di-maipaliwanag na pagkainis at kaba ang biglang tumubo sa kanyang dibdib. Bihirang-bihira siyang makaramdam ng ganito dahil lang sa may gustong ibang lalaki ang isang babae. Walang babae ang may ayaw sa gwapo niyang mukha, ngunit paulit-ulit nitong ipinapamukha sa kanya na hindi siya gusto nito. Shit!Para namang gustong-gusto rin niya ito! Nang makita ni Althea na dahan-dahang nagiging madilim at matigas ang mukha ng lalaki. Naisip niyang galit na naman ito, ngunit tungkol kasi ito sa damdamin. Kapag hindi agad niya nilinaw ng mas maaga, mas lalo lamang sila hindi magkakaintindihan. “Xavier, pwede ba huwag ka na muna magalit? Pakinggan mo na muna ako.”Dahil nag-aral si Althea ng broadcasting at hosting, napaka-flexible at napakaganda ng tunog ng kanyang boses. Nang lumambot ang kanyang boses ngayon, naging malambing at napakasarap nitong pakinggan. P
Napakabilis ng pagkakahawak ng taong iyon sa kanyang daliri, kaya bago pa man siya makapagreact, isang matinding sakit na ang dumaloy sa kanyang daliri."Puta—" Napasigaw sa sakit ang lalaki, namumutla ang mukha at nakamangha sa matinding kirot.Dahil sa pilit na pagkabali ng kanyang daliri, napayuko ang lalaki. Nais sana niyang magmura nang husto, ngunit nang makita ang matangkad at nakakatakot na lalaking nakatayo sa kanyang harapan na tila isang demonyo, biglang napalitan ng takot ang kanyang puso.Dahan-dahan niyang inalis ang kanyang nasaktang daliri habang nanginginig ang kanyang mga labi.Tatlumpung taon na siyang nabubuhay at kilala bilang isang matapang at walang kinatatakutan, ngunit ang lalaking nasa harap niya ngayon ay may malamig at madilim na titig, matigas na mukha, at may dalang matinding bagsik at lamig na tunay na nagdulot sa kanya ng matinding takot mula sa kaibuturan ng kanyang puso."Ano uli ang itinawag mo sa kanya kanina?" Pinagpag ni Xavier ang kanyang kamay,







