Share

Chapter 53

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-08-17 21:24:07

Tahimik lang si Althea, alam niya kung ano ang balak sa kanya ni Sebastian. At hinding-hindi niya ito pagbibigyan, sinubukan ni Althea ang pagbintangan at ipahamak siya. Kung hindi niya agad natuklasan ang plano nito, siya na sana ang nakakulong ngayon.

Kapag siya ang nakulong, walang sinuman ang magpi-piyansa para sa kanya. Sa halip, lalo pa siyang tatapakan ng mga taong iyon at sisiguraduhing hindi na siya makakabangon pa. Ngunit hindi naman siya santo, hindi na niya kinontra si Xavier nang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 55

    Sa isang iglap, naintindihan na ni Althea kung saan nanggagaling ang galit ng cashier sa kanya. Kilala pala nito sina Sebastian at Celina, hindi na siya nagtaka. Malamang, madalas sigurong dinadala rito ng lalaki si Celina. “Huwag mong isipin na dahil maganda ka, kaya mo ng akitin si Sir Sebastian. Marami na akong nakitang babaeng gawa mo, mapagpanggap pero pera lang naman ang habol. Mga babaeng ginagamit ang katawan nila para lang makaangat, maganda lang sa panlabas na anyo pero bulok naman sa loob!”Saglit na huminto ang babae at biglang natawa. “Alam ko na! Siguro hindi mo naakit si Sir Sebastian, kaya pati iyong dalawang lalaking kasama mo sa loob ng private room ay gusto mo ring akitin ano? Tsk, isang hapunan lang ang kinain nila kasama ka, pero hindi man lang sila pumayag na sila ang magbayad. Kawawa ka naman pala. Sa totoo lang, alam mo ba sa tagal ko ng nagta-trabaho rito ngayon lang ako nakakita ng babae ang manlilibre sa lalaki.”Lalong lumakas ang boses ng cashier, kaya m

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 54

    Halos hindi makakain si Althea, dahil para na siyang kumakain ng ginto. Kahit dati ay naranasan niya rin naman na mabuhay ng marangya, iba na ang sitwasyon niya ngayon. Ang lahat ng naipon niya ay sapat lang para sa pagpapagamot sa anak niya.Hanggang sa napatingin siya sa damit na suot niya, noong ipasuot iyon sa kanya ni Michael sa TV station ilang beses nitong sinabi na kanya na ang damit at hindi na babawiin. Kung sakaling mabawasan ng malaki ang ipon niya, pwede kaya niyang ibenta ang damit?Nang maisip niya iyon bahagyang kumalma ang kanina’y magulong isip ni Althea, dahil sa takot na baka tuluyan siyang maghirap at wala nang maipambuhay sa kanyang anak. Habang kumakain, tanging sina Michael at Althea lang ang nag-uusap. Habang ang lalaki ay prenteng nakaupo at nakapatong ang isang kamay sa sandalan ng kanyang upuan. Habang hawak naman ng isang kamay niya ang kanyang sigarilyo, bukod sa paminsan-minsang pag buga ng usok hindi man lang niya ginalaw ang kanyang mga pagkain. Binuk

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 53

    Tahimik lang si Althea, alam niya kung ano ang balak sa kanya ni Sebastian. At hinding-hindi niya ito pagbibigyan, sinubukan ni Althea ang pagbintangan at ipahamak siya. Kung hindi niya agad natuklasan ang plano nito, siya na sana ang nakakulong ngayon. Kapag siya ang nakulong, walang sinuman ang magpi-piyansa para sa kanya. Sa halip, lalo pa siyang tatapakan ng mga taong iyon at sisiguraduhing hindi na siya makakabangon pa. Ngunit hindi naman siya santo, hindi na niya kinontra si Xavier nang gamitin nito ang kanyang koneksyon para hindi muna makalabas si Angelica.Tungkol naman sa pagpunta niya o hindi sa Okada ngayong gabi, may sarili nang plano si Althea. Tinitigan niya ang madilim at nakakatakot na mga mata ni Xavier na para bang kaya siyang lamunin ng mga iyon. “Wala naman na akong ibang sasabihin.” umiiling niyang sagot sa lalaki.Nang marinig ng lalaki ang kanyang sagot, agad na lumitaw ang galit sa mga mata nito. Nanigas ang panga nito at halos mangigil na sa galit. “Althea

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 52

    Nang makaalis si Sebastian, agad na napaupo si Althea sa isang bakanteng upuan. Pilit niyang tinatago ang magulong emosyon sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang gawin.Noon thirteen years old siya, nagkaroon siya ng sakit at kinailangan siyang operahan. Pagkatapos ng operasyon, kinailangan niyang uminom ng mga gamot at naapektuhan nito ang kanyang hormones. Dahil dito, medyo nanaba ang payat niyang mukha, naging parang tinapay ang hugis nito. Ang mahaba at tuwid niyang buhok ay naging dry at nag iba rin ang kulay, maging ang katawan niya ay nanaba. Dahil sa biglaan niyang pagbabago, madalas siyang pagtawanan at asarin ng kanyang mga classmate at ng mga batang kapitbahay. Alam ng kanyang ina na mataas ang kanyang pagpapahalaga sa sarili, kaya hinayaan muna siyang mag-leave sa pag-aaral ng kalahating taon. Dinala siya ng kanyang ina sa isang resort para makapag pahinga at gumaling. Ngunit imbes na gumaling siya ay doon sa siya nakidnap at muntik nang mamatay. Akal

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 51

    FlashbackMatapos dalhin si Angelica sa presinto, agad naman siyang sinundan ng kanyang kuya. Kilala ang mga Dela Cruz dahil sa kanilang negosyo, kaya marami silang koneksyon. Taas noo na naglakad si Sebastian papasok ng presinto. “Nandito po ako para sa pyansahan po ang kapatid ko, si Angelica Dela Cruz.”Saglit na tiningnan ng police ang kanyang logbook, nang makita nito ang details ng babae ay agad nitong sinara ang libro. “Pasensya na po, pero hindi po kasi pwede na mapyansahan ang kapatid ninyo.”Agad na nagtaka si Sebastian, dahil noon sapat na ang pagbabayad niya ng piyansa para makalabas si Angelica. Pero ngayon, hindi niya alam kung ano ang problema. Sinubukan na rin niya doblehin ang kanyang ibabayad ngunit ayaw talaga pumayag ng police. Hinahanap niya ang namamahala sa detention center, pero noong una ay ayaw nitong sagutin ang kanyang tawag.Matapos ang ilang tawag, saka lamang ito sumagot. Nag-aalangan nitong sinabi na may utos mula sa nakakataas at pansamantalang hind

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 50

    “S-sebastian?”Hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang pulso at kinaladkad siya patungo sa isang sulok ng restaurant. Nang makarating sila doon, mabilis na kumawala si Althea. Tiningnan niya ang lalaki sa harap niya, seryoso itong nakatingin sa kanya. Isang tingin na punong-puno ng galit. Marahan niyang hinimas ang kanyang pulso at bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi bago malamig na nagsalita. “Sebastian, ano bang problema mo? Hindi ba’t may girlfriend ka na? Hindi ba’t masama naman tingnan kung may hinahatak kang ibang babae? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng kapatid ko kapag nalaman niyang kasama mo ako ngayon?”Mabilis na kumunot ang noo ng lalaki. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ng malapitan si Althea mula nang makabalik ito sa bansa. Kaya naman hindi niya maiwasang mapatitig dito, malaki ang pinagbago nito. Wala na ang dating mukhang mayabang at inosente. Simple lamang ang make-up nito, ngunit lalo nitong pinatingkad ang m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status