INICIAR SESIÓNTristan Habang hindi pa naman ako pinapakilala ng gobernador, nagsindi muna ako ng sigarilyo. Kasi lang, may narinig akong tumatalbog na bola. Nang hinahanap ko kung nasaan iyon, may nakita akong maliit na bata. What is he doing here? And where are his parents? Napakapabaya naman nila. Paano kung anong mangyari sa batang 'to? Naglakad ako palapit sa kanya. Hindi naman ako fond ng mga bata, pero parang may nagtulak sa akin na lapitan siya. Ewan ko ba pero bahala na nga. Wala namang mawawala kung sakali. Umupo ako sa tabi niya. Sinulyapan niya ako, pero agad ding ibinaling ang tingin niya sa bola niya. Tsk. Mas importante pa ba ang bola kaysa sa akin?
Cara Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Parang ang bilis lang ng mga pangyayari. Gumising ako isang umaga tapos biglang wala na si Papa… Inatake siya ng kanyang sakit. Hindi niya sinabi sa akin na bumabalik pala ang karamdaman niya dahil ayaw na niyang maging pabigat. Isipin mo 'yon, hinihintay na lang pala niya kung kailan siya mawawala sa mundong ito lalo na at nasa maayos na ang kalagay ko at ng apo niya. Ang naalala ko pa ay nagtatawanan pa kami—kulitan, habulan —tapos ngayon… ililibing na siya. Tuluyan na naming hindi na siya makikita. Mabuti na lang at may kaibigan ako katulad nina Ana, Yna, at Alisha, kaya sila ang nag-asikaso sa pagkain para sa mga bisita habang kami naman ni Ethan ay nakatingin lang
Cara Mahal kong Anak, Cara, kapag nabasa mo ang sulat na ito, sigurado akong nasa kabaong na ako, kung sakaling kaya ko man. Alam ko, iniisip mo na pinalitan ko na ang mama mo ng tiya mo. Pero kahit kailan, hindi ko magagawa iyon sa mama mo. Siya lang ang bukod-tanging babaeng iniirog ko. At nang dumating ka, ikaw na ang naging pangalawa. Nang magkasakit ang nanay mo, ginawa ko ang lahat upang magkaroon ng perang pambayad sa kanyang mga gamot at mga bill. Ni hindi namin sinabi iyon sa'yo dahil alam namin ni Mama mo na baka tumigil ka sa pag-aaral at magtrabaho na lang. Gusto namin na mas maging masagana ang buhay mo. Gusto kong makapagtapos ka ng pag-aaral, anak, kasi iyan ang pangarap ko at ng mama mo. Na maging isa kang engineer. Pero talagang mapait ang kapalaran dahil kinuha na ang mama mo at iniwan tayo. Nakalabas ng ospital ang mama mo dahil sa pera ng tiya mo at ang kapalit no'n ay ako. Walang alam
Cara Dinala ko si Tristan sa isang pribadong lugar sa coffee shop. Ayoko lang na may makakita sa amin na ibang tao, tapos lalagyan nila ng ibig sabihin. Nang masiguro kong wala nang tao, pinaupo ko siya sa upuan. Tapos may maliit na lamesa sa gitna. Umupo ako sa harapan niya, tapos huminga nang malalim. I put my hands above the table. I could feel his gaze at it, but I was giving him a sharp look, so when he looked at me, bahagya siyang natawa ng kunti. "C-Cara," medyo kabado niyang tawag sa pangalan ko. "I wasn't nice, Tristan, so I am giving you a choice to stay away from my son and to stay away from me." Diniinan ko ang bawat letrang sinasabi ko habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. "Pero hindi ko magagawa 'yan,Cara."
Cara"So the malandi is finally back to open her shop after being with the business partner of my husband, huh?" Kanina lang, nagtatawanan kami habang wala pang customer dahil sa kuwentuhan namin. Nang tumunog ang bell sa entrance, buong akala namin ay may customer kaming dumating, pero demonyo pala ang bumungad sa amin. Si Mrs. Enriquez ay naka-bodycon na damit na hapit na hapit sa kanyang katawan. Kung titingnan mong mabuti, parang bata pa siya. Sa postura, mukha, at kilos niya, maarte siya at higit sa lahat, mayaman. Kahit magkaroon ka ng problema sa buhay mo, ipaalis mo na lang iyan gamit ang pera mo. Napakadali lang no'n. "Ayoko po ng gulo, Mrs. Enriquez." Tatalikod na sana ako dahil gusto ko nang bumalik sa aming ginagawa nang bigla siyang nagsalita. "Anong ginawa mo kay Mr. Peralta? Ginayuma mo ba siya? Nagmakaawa ka ba na iahon ka sa kahirapan at makapunta man lang sa Manila ha?" Sunod-sunod niyang tanong n
Cara "Bakit? May problema ba sa pangalan ko?" Mataray kong itinanong at tumabi kay Tatay na nakaupo sa harap ni Tristan. Habang ang anak ko naman ay hindi na mahiwalay kay Tristan. Kung titingnan silang maigi, para silang pinagbiyak na bunga. Mabuti na lamang at hindi iyon mahalata ni Tristan, kaya hindi siya nagtanong tungkol sa anak ko. "Wala naman, narinig ko lang kay Tyler ang pangalang 'yan." Nakangiti niyang sambit. Kay Tyler? Bakit naman niya babanggitin ang pangalan ko sa harap ni Tristan, gayong alam ko naman na ayaw na ayaw niyang magkaroon pa kami ng koneksyon sa lalaki.







