MasukShe needs his money. He needs her. One million pesos. Isang kontrata. Isang tagapagmana. At isang pusong hindi dapat masangkot. Upang mailigtas ang buhay ng kanyang ama, pumayag si Cara Valderama na dalhin ang anak ng bilyonaryong si Tristan Peralta—sa kondisyon na pagkatapos niyang manganak, wala na siyang karapatan sa bata… at sa ama nito. Ngunit habang lumalalim ang kanilang kasunduan, mas marami ring lihim ang nabubunyag. Paano kung ang lalaking nagbayad para sa kanyang sinapupunan… ang siya ring lalaking handa niyang isugal ang lahat?
Lihat lebih banyakCara
“Hindi na ito madadala ng medesina na lang, Miss Valderama. “ Nakataas ang kilay na sinabi ng nurse sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nanliit ako. Binalingan niya ako ng tingin. “At kung hindi agad mapaopera ang tatay mo, maaaring may masamang mangyari sa kanya.” Dagdag pa nito na tuluyan ng nagpaguho ng mundo ko. Hindi ko kayang mawala si tatay, hindi ko kaya lalo at siya na lang ang nag-iisang kasama ko sa buhay. “N-nurse gawin niyo po ang lahat upang magamot ang tatay ko.” “Magagawa lang namin ‘yan kung may pera kang idedeposit para sa operasyon niya.” Napalunok ako. Pera? Wala ako no’n. Anong gagawin ko? Pikit-mata akong nagtanong. “Magkano po?” “Kalahating milyon hija at sususmatutal na isang milyon dahil kailangan niya ng medisina pagkatapos ng opera.” Ang doktor na nagcheck kay tatay ang sumagot. Pinagmasdan niya akong mabuti, napalunok ako sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin pero tinatagan ko ang aking loob. Ngunit nanlamig ang buong katawan ko nang maalala kung anong sinabi niya. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera? “And we need to do the operation as possible, because your father’s condition is critical.” Mabigat na sinabi ng doktor bago nila ako iniwan. Imbes na magmukmok na lang ako doon at magtanong kung saan ako kukuha ng pera ay minabuti kong lumabas upang humingi ng tulong sa mga kakilala ko. “Naku Cara, hindi kita mapapahiram ng ganyang kalaking pera.” Mabilis na sagot ng manager ko sa isang fast food kung saan ako nagtatrabaho. “P-pero ma’am kailangan ko—“ napailing siya. “Masyadong mataas ang isang milyon, isang libo lang ang kaya ko.” Nanlumo ako. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Paano na ang tatay ko? “Pero gusto mo ba talagang kumita ng ganyan kalaking pera?” Tumango ako, desperada. Tinapik niya ang balikat ko, pinagmasdan ang aking mukha at katawan. “May alam akong mabilis na pagkakakitaan…kaso nga lang ay hindi ako sigurado kung papayag ka.” “Ano po ‘yon? Kahit ano basta para sa tatay ko.” Nagkibitbalikat siya at tumalikod. “Si Mr. Peralta, mahal magbayad sa kanyang katulong.” Kumunot ang noo ko. Katulong? Mr. Peralta? Sino naman iyon? Nang makita ang paglukot ng aking mukha, lumapit siya sa akin para bumulong. “Si Mr. Peralta ay matagal ng naghahanap ng personal maid kaya kailangan mabait ka sa kanya para tumagal ka.” “B-bakit?” “Hindi ko alam, pero milyones siya kung magbayad sa kanyang katulong kapag tumagal ng isang buwan.” Napalunok ako, ilang beses. “Pero ang balita ko’y walang tumatagal sa kanya,” huminto siya saglit tapos ay tumitig sa akin. “Pero wala naman akong nababalitaan na may masamang nangyayari.” Ngumiti siya, hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Basta, kakaiba si Mr. Peralta kaya kailangan good girl ka lang.” Nagsitaasan ang aking mga balahibo habang iniisip pa lang kung ano ba talaga ang kayang gawin ni Mr. Peralta. Lunukin ko na lang muna ang pride ko dahil hindi naman ako ipinanganak na mayaman. Dahil mahirap lang ako, bawal magreklamo. Hindi ako nagsalita tapos ay may ibinigay na damit, sandal at make up ang manager sa akin. Hindi ko mapigilang makunot ang aking noo. "Suotin mo ‘to para maging presentable ka naman tingnan.” Sambit niya kaya napatingin ako sa aking kasuotan. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Mukhang basahan ang aking damit. Bumaling ang tingin ko sa kanya. Dinala niya ako sa may upuan tapos ay pinaalalahanan. "Basta tandaan mo na mahigpit si Mr. Peralta. Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang mga patakaran niya at wala kang magiging problema.” Sinabi niya, akala ko ay iyon na pero may pahabol pa siya. “Siya nga pala, malamig at hindi nakikipag-usap kahit kanino ang lalaking iyon kaya huwag kang maging kuryuso sa buhay niya." Ayaw ko man, wala akong nagawa kundi ang tumango na lang. Huminga ako ng malalim at agad na nagtungo sa lugar na sinabi niya. Nang makarating ako, ilang beses akong sumubok na pindutin ang doorbell pero umuurong ang aking kamay. Kaya ko ba talaga? Kayanin mo Cara, para kay tatay. Bulong ko sa aking isipan. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pinindot ang doorbell. Umihip ang malamig na hangin habang nakatayo ako sa may pintuan, hinihintay ang pagbukas ng gate. “Ikaw na ba si Miss Cara Valderama?” Isang babaeng nasa mid 40’s ang bumukas ng gate. Wala siyang kahit anong emosyon na ipinapakita at malamig ang kanyang boses na parang yelo. “Opo,” magalang kong sagot. Kailangan kong maging mabait. Nauna siyang naglakad, sumunod naman ako. “Gusto kong malaman mo na bawal mong sabihin sa labas kung anong nasaksihan o narinig mo sa loob. At higit sa lahat, sundin mo ang utos ni Mr. Peralta at magtatagal ka dito.” Tumango lang ako kahit hindi naman niya nakikita. Malawak ang area bago makarating sa mismong mansyon na tila nababalot ng kadiliman. Gusto kong humakbang paatras pero kailangan kong magpakatatag. Hindi ako puwedeng magpakita ng kahinaan. Ang kailangan ko lang gawin ay maging good girl at may milyones na ako. Iyon lang. Tahimik ang buong mansyon. Walang maririnig kundi ang tunog ng aking sapatos sa marmol na sahig. Para bang kahit ang hangin ay natatakot gumawa ng ingay. Nakapagtatakang wala akong nakikita kahit ni isang larawan sa lawak ng mansion na ito, at ang mga katulong ay nakayuko lang palagi na tila ba natatakot na may makita o masabi. Hindi ko na lang iyon pinansin at nakinig na lang ako sa babae habang sinasabi niya ang sandamakmak na mga utos na alam kong hindi ko naman kayang sauluhin. “Bawal kang umakyat sa floorth floor, maglilinis ka lang sa labas at higit sa lahat bawal kang makipag-usap sa kahit kanino maliban kung inuutusan ka.” Nilingon niya ako, nakataas ang kanyang kilay. “maliwanag ba?” “O-opo,” mabilis kong tugon sa kabila ng panginginig ng aking labi. Nasa sahig lamang ang aking tingin, hindi kayang tingnan ang babae dahil sa takot. Mahigpit ang paghawak ko sa aking palda. “Magsimula ka ng maglinis,” matigas niyang utos na parang bato. Sinunod ko ang sinabi niya ngunit bago man ako makapaglinis ay isang malamig, at matigas na boses ang aking narinig. At tila ba ang buong paligid ay tumigil nang magsalita siya, na maging paghinga ko ay pinigilan ko. “Is that the new maid?” Nag-angat ako ng tingin. At doon ay nakita ko ang lalaking sinasabi ni manager na handang magbayad ng milyones para lang sa isang maid. Si Mr. Peralta.CaraIlang beses akong napakurap. Hindi lang...Isa.Dalawa.Tatlo. Maraming beses na. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko. Parang hindi nag-sync sa utak ko ang nalaman ko. Si Tyler? Si Tyler ang tumulong sa akin sa buong buhay ko. Si Tyler na halos protektahan ako sa lahat, pati na maging sa kanyang sariling lolo. Siya pala talaga ang mastermind ng lahat? Tumigil ang aking mundo at halos wala nang marinig. Did I hear it right? Talaga bang si Tyler… ang mastermind ng lahat? Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. Halos matumba ako sa aking kinatatayuan; mabuti na lang at nakaabang si Ana upang hawakan ang kamay ko at mabalanse ako, kaya hindi ako tuluyang natumba. I was shaking. I didn't know if it was because I was angry or because I had discovered that Tyler was the real culprit. Pero paano? Anong ginawa ni Tristan para umabot si Tyler sa ganito?Naglakad si Ana patungo sa bench. Sumunod ako sa kanya. "Tyler was jealous of Tristan." Panimula niya, napalu
Third Person's Pov Bumalik si Cara sa mansyon ni Tyler. Umaasa siyang babalikan siya ni Tristan doon… She even tried to call the man, but he didn't answer. Mas lalo siyang nabahala. She paced back and forth outside the house, biting her lip and thinking about what she might do. Alam niyang manganganib ang buhay nila kung bigla na lamang siyang susulpot sa bahay ng matandang Peralta. And if that happens...it will be their end. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang cellphone at halos ayaw na niyang bitawan ito. Muntik pang mabasag dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Nagsimula na siyang makaramdam ng kakaiba—tila ba hindi siya mapakali habang iniisip kung nasaan ngayon at kung ano na ang nangyayari kina Tristan at Ethan. Lingid sa kaalaman ni Cara, nagsimula na ang pagputukan ng baril ng bawat panig nina Tyler at Tristan sa warehouse. "Duwag ka!" sigaw ni Tristan habang nakatago sa May poste. "Palagi ka na lang nakatago sa likod ng mga tauhan mo."Malakas na humalak
Third Person's Pov "Tyler?" Bulong ni Tristan sa hangin habang nakatingin kay Tyler nang diretso na ngayon ay mala-demonyong ngumisi. Ilang beses siyang napakurap, hindi makapaniwala. Hindi inakalang ang lalaking minsan niyang pinagkatiwalaan ay siya pala ang tatraydor sa kanya. Tapos nag-flashback sa kanya ang lahat. Mula noong una kung kailan ay nagdududa siya sa lalaki pero benalewala niya ang lahat dahil sigurado siyang hindi magagawa ni Tyler na traydurin kahit pa iniisip niya noong una na trinaydor siya nito. Dahil nalaman ng matandang Peralta kung nasaan siya. Hindi pa rin niya inisip na… siya pala ang may kagagawan ng lahat ng ito. Simula noong una pa lang. Simula pa noong mga panahong akala ng lahat na ang matandang Peralta ang may kagagawan ng lahat. Kaya pala… kaya pala halos kampihan siya ng mga lalaki dahil ito pala ang plano niya. Ang alisin sa isipan ni Tristan na siya ang kalaban. Malaki ang ngisi nito. May hawak na baril. Ang kanyang mga tauhan ay nakapal
Tristan She let us go. She... really did let us go. I sarcastically laughed. Hindi ako makapaniwala.Pabalik-balik sa isipan ko ang sinabi niya sa akin noon. "I let you and Ethan go," she said it casually. Like she didn't care about us, though I know she cared. I could still see how her lips quivered, how she couldn't meet my eyes, even if she were trying her best to act tough. Alam kong ayaw niyang sabihin ang bagay na iyon, pero wala siyang magawa. Pero bakit hindi niya kami ilaban? Kami nang anak niya? As much as I wanted to hate her, I couldn't. I couldn't blame her. After all, she would choose us to be safe rather than us...being dead. Well, tama naman siya. Wala naman talaga kaming laban sa matandang Peralta. He was powerful. A lot of connections.Marami siyang tauhan.Mayaman. Isang pitik niya lang, tapos na kami. Of course, I understand, Cara. Kahit ako, kung hindi lang ako nakahanda sa maaaring mangyari—I would back out of this situation. Alam kong wala kam





![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak