FAZER LOGINNapatingin siya sa akin. "Hindi kita iniwan dahil ayaw na kita, Elyse. I left you because I thought it was the only way I could give you a better future." Wala akong naisagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga narinig ko. May bahagi sa akin na gustong magtanong, ngunit mayroon ding bahagi na gustong unawain ang lahat ng pinagdaanan niya. "After leaving you at the orphanage, I worked as hard as I could. Tinanggap ko ang kahit anong trabahong puwedeng pagkakitaan. I didn't care how difficult it was, as long as I could save enough money to come back for you." Bahagya siyang ngumiti habang nakatingin sa akin. "Then, after a year, things finally started to change." "Isang taon po?" mahinang tanong ko. Tumango siya. "Yes, dear. After a year, nakahanap ako ng mas magandang trabaho. Unti-unti akong nakapag-ipon at nagkaroon ng pagkakata
"You are the child that I've been looking for a very long time." Nanginginig ang boses ni Miss Stella habang sinasabi iyon sa akin. Hindi niya pa rin binibitawan ang mga kamay ko, at kitang-kita ko kung paano unti-unting namumuo ang mga luha sa kaniyang mga mata. Para bang matagal na niyang kinimkim ang lahat ng emosyon na iyon at ngayon lamang niya nailabas. Napakunot naman ang noo ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang mga sinasabi niya. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang mga iyon at kung bakit ganoon na lamang ang emosyon niya habang nakatingin sa akin. "P-po? Imposible po iyan, Miss Stella." Hindi makapaniwalang sagot ko.Paano naman nangyari iyon? Bakit niya sinasabi sa akin na matagal na niya akong hinahanap? At ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang ako ang batang matagal na niyang hinahanap? Ngunit tila hindi niya narinig ang pagtutol ko. Sa halip na sagutin ang sinabi ko ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit. "At last... Fina
"Nai-document na po ang lahat, Boss."Marahan kong sinabi kay Havok matapos kong matapos isulat at ayusin ang lahat ng mahahalagang impormasyong ipinag-utos niyang itala ko. Sinigurado kong kumpleto ang bawat detalye at walang anumang impormasyong nakaligtaan, lalo na't malaking halaga ang pinag-uusapan sa transaksiyong ito.Nang marinig niya ang sinabi ko ay bahagya siyang lumingon sa aking direksiyon. Saglit niyang sinuri ang mga dokumentong hawak ko bago bahagyang tumango."Okay."Maikli at kalmado niyang tugon bago muling ibinalik ang kaniyang atensiyon kay Miss Stella."So, Miss Stella, sisimulan ko na ang pag-iinspeksiyon sa buong lupain na ito. I want to personally see every part of the property before we proceed with the final agreement."Seryoso at diretso ang pagkakasabi ni Havok. Mula sa kaniyang pananalita hanggang sa paraan ng pagkakaupo niya ay halatang hindi niya basta-basta hinahayaan ang anumang bagay na hindi niya nasusuri nang maayos. Lalo na kung ganito kalaking ha
Ilang sandali pa ang lumipas ay tuluyan nang nabuksan ni Miss Stella ang envelope na nakapatong sa ibabaw ng center table. Maingat niyang inilabas ang mga dokumentong nasa loob nito at isa-isang inilapag sa harapan niya.Tahimik lamang akong nakamasid habang inaayos niya ang mga papel. Napansin kong may ilang larawan, mga kopya ng titulo ng lupa, at iba pang mahahalagang dokumentong nakalakip dito.Kinuha niya ang unang pahina at nagsimulang basahin ang mga impormasyong nakasulat doon.Samantala, nanatiling tahimik si Havok sa kaniyang kinauupuan. Nakapatong lamang ang isang braso niya sa sandalan ng sofa habang kalmadong nakamasid kay Miss Stella. Wala akong makitang anumang bakas ng pagkainip sa kaniyang mukha, tila ba sanay na sanay siyang humarap sa ganitong uri ng negosasyon.Ilang minuto rin ang lumipas bago tuluyang ibinaba ni Miss Stella ang hawak niyang dokumento."Everything is prepared, Mr. Montefalco. These are the complete details of the property, including the legal docu
Ilang saglit pa kaming nanatili sa harap ng mansiyon bago tuluyang kumilos si Havok. Marahan siyang humakbang palapit sa babaeng naghihintay sa amin, si Miss Stella. Nanatili ang kalmado at seryosong ekspresyon sa kaniyang mukha habang tuwid na nakatingin sa direksiyon nito.Nang mapansin kong nagsimula na siyang maglakad, agad din akong sumunod sa kaniya.Hindi naman ako masyadong lumalayo kay Havok. Sinigurado kong sapat lamang ang distansiya namin upang hindi ako magmukhang masyadong dikit sa kaniya, pero hindi rin naman ganoon kalayo para magmukha akong isang estrangherong basta na lamang sumama sa kaniya.Habang naglalakad kami, bahagya kong pinagmasdan ang babaeng nasa aming harapan. Kung pagbabasehan ang kaniyang pananamit at kilos, halatang sanay itong makihalubilo sa mga taong may mataas na katayuan sa buhay. Elegante ang suot niyang pulang bestida na bagay na bagay sa kaniyang edad at personalidad. Mayroon din siyang malaking sumbrerong nagbibigay sa kaniya ng mas pormal at
Habang nasa biyahe kami, gaya ng nakasanayan ay tahimik lamang akong nakaupo sa tabi ng bintana ng kotse. Paminsan-minsan ay sumisilip ako sa labas upang pagmasdan ang mga nadaraanan naming lugar.Samantala, si Havok naman ay nananatiling kalmado at seryoso sa kaniyang kinauupuan. Nakahilig ang kaniyang likod sa malawak na sandalan ng upuan habang nakatuon lamang ang kaniyang paningin sa kalsadang nasa harapan namin. Wala siyang imik at tila malalim ang iniisip.Hindi ko na rin siya kinakausap. Mas pinili ko na lamang na manahimik at hayaan siyang gawin ang gusto niya. Sanay na rin naman ako sa ganitong katahimikan sa tuwing magkasama kami sa loob ng kotse.Habang tumatagal ang biyahe, unti-unti nang nagbabago ang kapaligirang nadaraanan namin. Mula sa malawak at abalang kalsada ay napunta kami sa isang mas makitid at tahimik na daan. Pahapyaw na lamang ang mga sasakyang nakakasalubong namin, at iilan na lang din ang mga bahay na nadaraanan.Napatingin ako sa labas nang mapansin ang m







