Compartilhar

Chapter 3 The Price of his Choice

Autor: Darkvain
last update Última atualização: 2026-02-08 09:47:24

THIRD PERSON POV

 

Limang taon na ang lumipas mula noong mawala si Xylophone Amaranth Villareal sa buhay ni Zilverius Montecillo. Hanggang ngayon hindi pa rin niya mahanap ang babae at ang anak nilang dapat na isinilang na.

Walang bakas, walang pahayag, walang kahit anong impormasyon na makakatulong para mahanap siya. Lahat ng sinusundan nilang lead ay nauuwi lang sa wala.

Ang opisina ni Zilver ay nasa ikadalawampu’t limang palapag ng Montecillo Tower. Ngayon naman ay puno ito ng basag na gamit – mga plato, mug, at kahit ang monitor ng kanyang computer ay basag na basag.

“WHERE THE HELL IS SHE?! I TOLD YOU TO FIND HER NO MATTER WHAT IT TAKES!” sigaw niya sa kanyang mga tauhan na nakatayo sa harap ng kanyang mesa na natatakot na tumikhim. “FIVE YEARS! YOU’VE BEEN LOOKING FOR HER FOR FIVE YEARS AND YOU STILL HAVE NOTHING TO SHOW ME?!”

Si Marcus ang pinakamalapit na kaibigan ni Zilver pero ngayon hindi na rin niya maipagtanggol ang mga tauhan. Nakita niya kung paano lumala ang ugali ng kaibigan mula noong mawala si Xylophone.

“Sir, we’ve checked every possible place she could go. Her old friends don’t know where she is, her relatives are all gone, and even the places she used to visit are all empty,” sabi ng isa sa mga tauhang si Agent Reyes. “We even checked all hospitals in the country but there’s no record of her giving birth under her name.”

“THEN CHECK UNDER OTHER NAMES! SHE COULD HAVE CHANGED IT! I DON’T CARE HOW MUCH MONEY YOU SPEND OR HOW MANY PEOPLE YOU HIRE – JUST FIND HER!” sigaw ni Zilver at kinuha niya ang isang libro sa mesa para ibato ito sa dingding. Ang libro ay pumutok ng malakas at ang mga pahina nito ay kumalat sa sahig.

Lumapit si Marcus sa kanya para kausapin siya ng mahinahon. “Zilver, maybe you should take a break. You haven’t slept properly in days and you’re not thinking straight anymore.”

“Take a break? HOW CAN I TAKE A BREAK WHEN I DON’T KNOW WHERE MY OWN CHILD IS?! WHEN I LET THE WOMAN I LOVE WALK AWAY BECAUSE OF MY STUPID REVENGE PLAN?!” sigaw niya kay Marcus at napahawak siya sa ulo dahil bigla siyang sumakit ng ulo.

Hindi alam ni Marcus kung paano sasabihin sa kaibigan na huli na ang lahat. Mula noong mawala si Xylophone, naging masama ang ugali ni Zilver sa lahat ng tao. Minsan ay binabatikos niya ang mga empleyado kahit maliit na pagkakamali lang.

Isang empleyadong babae na bagong pasok lang ay napaiyak dahil sinigawan siya ni Zilver kanina. Nakalimutan lang niya lagyan ng asukal ang kanyang kape pero parang nagkasala siya ng malaking kasalanan.

“YOU CAN’T EVEN DO ONE SIMPLE THING RIGHT?! GET OUT OF MY OFFICE AND NEVER COME BACK! I DON’T NEED STUPID PEOPLE WORKING FOR ME!” sigaw ni Zilver sa babae at agad itong umiyak at tumakbo palabas ng opisina.

Nakita ito ng lahat ng empleyado sa labas at lahat sila ay natatakot. Halos araw araw na lang may inaalis na empleyado dahil sa maliit na pagkakamali. Marami na ring mga empleyado ang umalis dahil hindi na nila kayang tiisin ang ugali ni Zilver.

“Sir, the board of directors called again. They’re not happy with how you’re running the company. They said if you don’t change your ways soon, they might have to consider replacing you as CEO,” sabi ng kanyang secretary na si Ms. Santos. Matagal na siyang nagtatrabaho kay Zilver at nakikita niya kung paano ito nagbago.

“LET THEM REPLACE ME! I DON’T CARE ABOUT THIS STUPID COMPANY ANYMORE! ALL I CARE ABOUT IS FINDING XYLO AND OUR CHILD!” sigaw ni Zilver at tinanggal niya ang lahat ng papeles sa kanyang mesa. Ang mga papeles ay kumalat sa buong silid at kailangang itong ayusin ulit ni Ms. Santos.

Pagkatapos ng lahat ng sigawan at galit, naiwan si Zilver na mag isa sa kanyang opisina. Upo siya sa kanyang upuan at hinawakan niya ang litrato ni Xylophone na nakadikit sa kanyang mesa. Ito na lang ang natitira mula sa mga bagay na may kinalaman sa babae.

“I’m sorry Xylo… I’m so sorry for everything I did to you. I thought I was doing the right thing by getting revenge but I was wrong. I destroyed the only good thing in my life,” bulong niya at unti unti nang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mga mata.

Hindi niya alam na mahal na pala niya si Xylophone noong una pa lang. Basta na lang siyang nagpadala sa galit at sama ng loob dahil sa nangyari sa kanyang ina. Hindi niya naisip na masasaktan niya ang taong pinakamamahal niya.

Noong una, naging masaya siya dahil nakapaghiganti na siya. Pero nang mawala si Xylophone, doon niya napagtanto na wala pala siyang nakuha kundi sakit at lungkot. Hindi na niya alam kung paano ibabalik ang lahat.

Binuksan niya ang drawer ng kanyang mesa at kinuha niya ang resulta ng pregnancy test na ibinigay ni Xylophone noon. Itinatago niya ito mula noong araw na yun at palagi niya itong binabasa.

“MY CHILD… I NEVER EVEN GOT TO HOLD YOU OR SEE YOUR FACE. I DON’T EVEN KNOW IF YOU’RE A BOY OR A GIRL. I DON’T KNOW ANYTHING ABOUT YOU,” sabi niya habang hawak ang papel. “I WAS SO STUPID TO REJECT YOU BOTH. I DESERVE TO SUFFER LIKE THIS.”

Lumipas ang mga oras at hindi pa rin gumagalaw si Zilver sa kanyang upuan. Nakatingin lang siya sa litrato ni Xylophone at iniisip niya kung nasaan ito ngayon. Baka masaya na ito sa ibang lugar, baka may ibang lalaki nang nag-aalaga sa kanya at sa bata.

Iniisip niya rin kung paano niya mapapatawad ang sarili para sa mga ginawa niya. Sinaktan niya ang babae na mahal niya, sinira niya ang buhay nito, at tinanggihan pa niya ang sarili niyang anak. Wala na siyang karapatang humiling ng tawad pero sana naman ay mabigyan siya ng pagkakataong makita sila muli.

Biglang pumasok si Marcus sa opisina niya at may dalang isang folder. Mukhang seryoso ang mukha ng kaibigan at alam ni Zilver na may bagong balita.

“Zilver, we found something. It’s not much but it’s a lead. There was a woman who used the name ‘Xylo Amaranth’ who bought a bus ticket to Surigao City five years ago. From there, she took a boat to an island,” sabi ni Marcus at inabot niya ang folder kay Zilver.

Agad itong kinuha ni Zilver at binuksan ang folder. May larawan ng tiket at may impormasyon tungkol sa barkong sinakyan ni Xylophone. Nakasulat doon na pumunta siya sa Siargao Island.

“Siargao… why didn’t we think of that before?” tanong ni Zilver at biglang nagbuhos ng lakas siya. Kinuha niya ang kanyang jacket at sinimulang ayusin ang kanyang gamit.

“Where are you going?” tanong ni Marcus.

“I’M GOING TO SIARGAO! I’M GOING TO FIND HER AND MY CHILD! I DON’T CARE IF IT TAKES ME FOREVER – I WILL FIND THEM!” sigaw ni Zilver at tumakbo palabas ng opisina. Hindi na niya iniisip pa ang kompanya o ang ibang bagay. Ang tanging nasa isip niya na lang ay makita muli si Xylophone at ang anak nilang hindi pa niya nakikita.

Paglabas niya ng opisina, nakita niya ang mga empleyado na natatakot sa kanya. Pero hindi na niya ito pinansin. Bumaba siya ng elevator at agad na pumunta sa parking lot para kunin ang kanyang sasakyan.

Habang nagmamaneho siya papunta sa airport, iniisip niya kung paano siya makikipag-usap kay Xylophone. Baka hindi siya mapatawad ng babae, baka itaboy siya nito, pero handa na siya sa lahat ng posibleng mangyari. Kailangan niya lang makita sila at sabihin sa kanila ang totoo – na mahal niya sila at sorry na siya sa lahat ng ginawa niya.

“Hindi kita bibitawan muli Xylo. Hindi kita pababayaan ulit. Hahanapin kita kahit saan pa man kayo naroroon,” bulong niya sa sarili habang binibilisan ang pagmamaneho. Alam niya na mahaba pa ang daan papunta sa Siargao pero handa na siya para sa lahat ng ito.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Pregnant with the Billionaire who Destroyed Me   Chapter 4: HER LITTLE PARADISE

    Xylophone Amaranth POVNakatingin ako ngayon sa dalawang bata na naglalaro sa buhangin ng dagat. Si Aureus at si Lumina – ang aking mga kambal na lalaki at babae. Limang taon na sila ngayon at sila na ang buhay ko. Hindi ko akalain na makakaya kong palakihin sila mag isa pero dahil sa tulong ng mga tao dito sa Siargao, naging maayos naman ang lahat.Ang araw ay masyadong maaraw ngayon pero hindi sila napapagod. Nagtatabunan sila ng buhangin at gumagawa ng maliliit na kastilyo. Minsan ay nagtatawanan sila at minsan naman ay nag-aaway pero hindi naman sila nagtatagal dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa.Bumaba ako mula sa aming maliit na kubo sa tabi ng dagat para dalhan sila ng malamig na tubig. Dala ko rin ang isang maliit na basket na may lamang prutas at sandwich. Alam kong pagod na sila sa paglalaro at kailangan na nilang kumain at uminom.“Mommy! Mommy! Tingnan mo yung kastilyo namin! Sobrang ganda diba?” sigaw ni Lumina habang tumatakbo papunta sa akin. Ang buhok niya ay kula

  • Pregnant with the Billionaire who Destroyed Me   Chapter 3 The Price of his Choice

    THIRD PERSON POVLimang taon na ang lumipas mula noong mawala si Xylophone Amaranth Villareal sa buhay ni Zilverius Montecillo. Hanggang ngayon hindi pa rin niya mahanap ang babae at ang anak nilang dapat na isinilang na.Walang bakas, walang pahayag, walang kahit anong impormasyon na makakatulong para mahanap siya. Lahat ng sinusundan nilang lead ay nauuwi lang sa wala.Ang opisina ni Zilver ay nasa ikadalawampu’t limang palapag ng Montecillo Tower. Ngayon naman ay puno ito ng basag na gamit – mga plato, mug, at kahit ang monitor ng kanyang computer ay basag na basag.“WHERE THE HELL IS SHE?! I TOLD YOU TO FIND HER NO MATTER WHAT IT TAKES!” sigaw niya sa kanyang mga tauhan na nakatayo sa harap ng kanyang mesa na natatakot na tumikhim. “FIVE YEARS! YOU’VE BEEN LOOKING FOR HER FOR FIVE YEARS AND YOU STILL HAVE NOTHING TO SHOW ME?!”Si Marcus ang pinakamalapit na kaibigan ni Zilver pero ngayon hindi na rin niya maipagtanggol ang mga tauhan. Nakita niya kung paano lumala ang ugali ng kai

  • Pregnant with the Billionaire who Destroyed Me   Chapter 2 : Leaving without a Trace

    Xylophone Amaranth POVUmalis ako ng Cagayan de Oro ng walang pinag sasabihin. Hindi ko sinabi kahit pa sa mga kaibigan ko dahil baka maibigay pa nila ako kay Zilver. Alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako mahanap pero may isang lugar na sigurado akong hindi niya kami makikita ng kaniyang anakAng probinsya ng Siargao doon ako lumaki hanggang sa ako ay labing walong taong gulang. Wala na doon ang mga kamag-anak ko pero may isang lumang bahay na pag-aari pa rin ng pamilya namin doon. Isang maliit na bahay sa tabi ng dagat na hindi na ginagamit mula noong lumipat kami sa lungsod. Alam kong makakapagtago ako doon dahil hindi alam ni Zilver na may ganitong lugar ang pamilya namin.Bumili ako ng tiket ng bus papunta sa Surigao City tapos sakay naman ako ng barko papunta sa Siargao. Habang nasa biyahe ako, hawak ko lagi ang aking tiyan. Isang linggo pa lang ito pero parang nararamdaman ko na ang bata na nasa loob ko. Lagi kong iniisip na kung paano ko ito palalakihin, k

  • Pregnant with the Billionaire who Destroyed Me   Chapter 1: Bpoetrayed by Him

    Xylophone Amaranth POV Naglalakad ako ngayon papunta sa opisina ng aking boyfriend na si Zilverius Montecillo mas kilala siya bilang Zilver sa mga kaibigan pero para sa akin siya lagi namang “V” dahil sabi niya yun daw ang tawag na pwede lang gamitin ng taong mahal niya. Tatlong taon na kami magkasama at hindi ako makapaniwala na napakaswerte ko. Isang linggo na akong delay sa regla at kanina lang natapos ang pregnancy test ko positibo. Ngayon dala ko yung resulta at isang maliit na cake na may sulat na 'WE’RE GOING TO BE PARENTS!' para sabihin ko sa kanya ang magandang balita. Ang opisina niya ay nasa pinakamataas na palapag ng Montecillo Tower sa Cagayan de Oro – isang gusali na talagang nakakapagpagulat dahil sobrang laki at sosyal. Habang umaakyat ako sa elevator, hindi ako mapakali sa kaba at saya. Inisip ko pa nga kung paano niya ako pag bubuksan ng pinto, kung mapapansin niya agad na may kakaiba sakin, kung magiging masaya ba siya o matatakot dahil mag kaka-anak na kami.

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status