FAZER LOGIN
Xylophone Amaranth POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa opisina ng aking boyfriend na si Zilverius Montecillo mas kilala siya bilang Zilver sa mga kaibigan pero para sa akin siya lagi namang “V” dahil sabi niya yun daw ang tawag na pwede lang gamitin ng taong mahal niya. Tatlong taon na kami magkasama at hindi ako makapaniwala na napakaswerte ko. Isang linggo na akong delay sa regla at kanina lang natapos ang pregnancy test ko positibo. Ngayon dala ko yung resulta at isang maliit na cake na may sulat na 'WE’RE GOING TO BE PARENTS!' para sabihin ko sa kanya ang magandang balita. Ang opisina niya ay nasa pinakamataas na palapag ng Montecillo Tower sa Cagayan de Oro – isang gusali na talagang nakakapagpagulat dahil sobrang laki at sosyal. Habang umaakyat ako sa elevator, hindi ako mapakali sa kaba at saya. Inisip ko pa nga kung paano niya ako pag bubuksan ng pinto, kung mapapansin niya agad na may kakaiba sakin, kung magiging masaya ba siya o matatakot dahil mag kaka-anak na kami. Kinakabahan talaga ako sa magiging reaction niya kasi Bata pa kami ako ay dalawampu’t tatlo at siya ay dalawampu’t lima pero alam kong handa na kami. Tatlong taon na kaming magkasama at palagi niya akong sinasabing mahal niya ako ng totoo. Pagdating ko sa labas ng kanyang opisina, narinig ko agad ang boses niya na may kausap. Gusto ko sanang kumatok pero bigla akong natigilan dahil narinig ko ang pangalan ng nanay ko. “Did you really have to go that far, Zilver? The parents are dead already and their company is gone too,” sabi ng isa pang lalaki na hindi ko makilala ang boses. “I told you before Marcus, every single part of this was calculated. From the moment I met her three years ago, everything was planned,” sagot ni Zilver at naramdaman kong biglang tumigil ang mundo ko. Hindi ako makagalaw at nakatulala lang ako sa pintuan habang nakikinig. “Her mother was the reason my own mom lost her mind and ended up in that asylum. For five years my mother has been locked up, talking nonstop about how my father chose a mistress over his family. That mistress was Elara Villareal her mother,” dagdag niya at naramdaman kong tumulo ang luha ko mula sa mga mata. Elara Villareal talaga ang pangalan ng nanay ko namatay siya kasama ang tatay ko noong isang taon dahil sa aksidente ng sasakyan. Akala ko talaga aksidente yun pero ngayon… “But why involve the whole family business? You made sure their company went bankrupt first before the ‘accident’ happened,” sabi ni Marcus. “Because pain should be felt in every way possible. Her mother destroyed my family so I will destroy hers. I wanted her to feel what it’s like to lose everything the money, the comfort, the parents who loved her. And now that she’s completely broken and dependent on me, it’s even better,” tumawa pa si Zilver at parang kutsilyo yun na tumagos sa puso ko. “I even made sure she fell in love with me. Those sweet words, those dates, all the promises I made – none of it was real. I just needed her to trust me enough so that when the time comes, the betrayal will hurt even more,” dagdag niya at naramdaman kong nahihilo ako. Dala ko pa rin yung cake at yung test paper pero parang biglang bigat na ng husto ang mga hawak ko. “Is that all? Or do you have more planned for her?” tanong ni Marcus. “I haven’t decided yet. Maybe I’ll let her find out the truth herself, or maybe I’ll tell her when I’m done playing with her. Either way, she deserves all of this. She’s the daughter of the woman who ruined my mother’s life,” sagot ni Zilver at doon na ako hindi nakapigil. Binuksan ko ang pintuan ng malakas at nakita kong nakatayo silang dalawa sa harap ng mesa ni Zilver. Si Marcus ay isang matangkad na lalaki na may suot na itim na damit habang si Zilver ay nakatingin sa akin na parang hindi nagulat. Parang alam na niya na naririnig ko lahat. “What are you doing here, Xylophone Amaranth Villareal?” tanong niya sa akin pero hindi ko marinig ng maayos dahil tumutunog lang ang mga salitang binitawan niya kanina sa ulo ko. “Don’t you dare call me by my name! I heard everything Zilver everything you said about me, about my family!” sigaw ko at naramdaman kong nabasag na yung hawak kong cake dahil hindi ko napansin na unti-unting humihigpit ang aking pag kakahawak sa cake na aking dala. Ang cream at asukal ay kumalat sa sahig, ganun din ang puso ko basag at nagkalat. “Then you know the truth. There’s nothing left to say,” sabi niya ng walang emosyon sa mukha. Wala man lang kahit isang butil ng awa o kahihiyan sa mga mata niya. Yung lalaking minahal ko ng tatlong taon, yung lalaking akala ko ay handang ibigay ang lahat para sa akin, ay nakatingin sakin na para bang isa lang akong bagay na hindi importante. “Is it true that you were the one who made our company go bankrupt? That you planned my parents’ accident?” tanong ko at naramdaman kong nanginginig ang boses ko. Gusto kong paniwalaan ang sinasabi ng aking puso na hindi totoo ang lahat ng narinig ko, peru alam ko sa aking sareli na totoo ang lahat ng kaniyang sinabi “Yes. I made sure their contracts were canceled, their investors pulled out, and their assets were frozen. When they had nothing left, I arranged for the brakes of their car to fail. It was easy to make it look like an accident,” sabi niya ng diretso at hindi ako makapaniwala na ang taong akala kong pinakamabait na tao sa mundo ay kayang gumawa ng ganun kalupit na bagay. “But why? Why me? I didn’t do anything to you! I didn’t even know about my mother being a mistress to your father!” sigaw ko at tumulo ng mas madami ang luha ko. Ang tatay ko ay si Hector Villareal at palagi niyang sinasabi sakin na mahal na mahal niya ang nanay ko. Akala ko sila ay legal na mag-asawa pero ngayon nalaman ko na ang nanay ko pala ay kabit ng tatay ni Zilver. “Your mother knew what she was doing when she became my father’s mistress. She destroyed my family, she made my mother lose her mind, and she took away the happiness we had. You are her daughter – so you have to pay for her sins,” sagot niya at doon na ako napahawak sa mesa para hindi ako mahulog. Isang linggo pa lang akong buntis pero parang biglang sumakit ang tiyan ko. “Pay for her sins? I was just a child when all that happened! I didn’t even know who your family was until I met you three years ago!” sabi ko at tiningnan ko siya sa mga mata na puno ng sakit. “Did you even think about how I would feel? Did you ever care about me at all?” “I told you already everything was a lie. I never cared about you. I just needed you to trust me so that the pain would be worse when you found out the truth,” sabi niya at tumayo siya para lumapit sa akin. Pero ako naman ay tumalikod at umatras dahil hindi ko na kaya makita ang mukha niya. “Marcus, please leave us for a moment,” sabi ni Zilver at tumango lang si Marcus bago lumabas ng opisina. Naiwan kaming dalawa at tahimik lang ang buong silid maliban sa paghinga ko na hindi ko mapigilan na maging mabilis. “Why did you have to make me fall in love with you? Why did you have to pretend that you loved me too?” tanong ko at napahagulhol na ako. Habang umiiyak ako, hawak ko pa rin yung envelope na naglalaman ng pregnancy test result. Gusto kong itago yun pero biglang nahulog yun sa sahig. Nakita ni Zilver yun at na kinuha niya ito. Binuksan niya ang envelope at nakita ang resulta ng test. Tiningnan niya ako tapos tiningnan ulit yung papel. “You’re pregnant?” tanong niya at nakita ko na may kakaibang ekspresyon sa mukha niya pero hindi ko na alam kung ano yun. Baka galit lang yun o baka naman ayaw niyang may anak siya sa akin. “Yes. I came here today to tell you that we’re going to have a baby. I was so happy, I thought we would start a family together,” sabi ko at napahikbi na naman ako. “But now I know that everything was just a game to you. You destroyed my family, you lied to me, and now you have to know that you’re going to be a father.” “I don’t want a child with you. You’re the daughter of the woman who ruined my life,” sabi niya at binitawan niya yung papel na parang basura lang yun. Naramdaman kong mas lalong sumakit ang puso ko dahil kahit ang bata na pinagbubuntis ko ay tinanggihan niya rin. “Then what do you want me to do? Do you want me to get rid of it too? Is that part of your plan to hurt me more?” tanong ko at tiningnan ko siya sa mga mata na puno ng sama ng loob. Hindi ko alam kung paano niya kayang gawin ang lahat ng ito sa akin. Tatlong taon na kami magkasama nagkasama kami sa mga masasayang sandali, nagdamayan kami sa mga problema, at akala ko talaga na kami na ang tadhana. “I don’t care what you do with it. That’s your problem, not mine,” sagot niya at tumalikod siya at hindi na muli ako tiningnan sa aking mga mata “You should leave now. I don’t want to see you again. Everything between us is over.” Hindi ako makapagsalita pa dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Kinuha ko na lang yung papel na binagsak niya at tumalikod ako para umalis. Habang naglalakad ako palabas ng opisina niya, naramdaman kong parang nanlalabo ang aking paningin. Ang mundo na akala kong kay liwanag ay biglang naging madilim at walang pag-asa. Paglabas ko ng gusali, umupo ako sa isang upuan sa labas at doon na ako talagang napahagulhol. bakit ako? Bakit ako ang dapat magdusa para sa mga pagkakamali ng nanay ko? Hindi ko naman kasalanan yun, hindi ko naman alam yun. Bakit kailangan kong mawalan ng mga magulang, ng kompanya ng pamilya, ng taong minahal ko, at ngayon pa ay buntis pa ako sa kanya. Hawak ko yung tiyan ko habang umiiyak. Isang linggo pa lang ito pero naramdaman ko na ang pagmamahal ko sa bata na ito. Pero paano na ako ngayon? Wala na akong pera, wala na akong pamilya, at wala na rin akong taong maaasahan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o paano ako mabubuhay bakit kailangang mangyari lahat ng ito sakin. Ang nanay ko ay isang mabuting ina – palagi niya Sakin binibigyan ang lahat ng kailangan ko, palagi niya akong sinasamahan, at palagi niya akong sinasabihan na mahal niya ako. Paano niya nagawang maging kabit? Paano niya kayang saktan ang pamilya ni Zilver? Pero hindi ko rin naman masisisi ang nanay ko baka naman minahal niya talaga ang tatay ni Zilver, baka naman pinilit siya o baka naman hindi niya alam na may asawa na yun. Pero hindi na mahalaga yun ngayon. Ang mahalaga ay alam ko na ang totoo na ginamit ako ni Zilver, na siya ang dahilan ng lahat ng kasawian ko, na ako ay anak ng babae na naging kabit. Naramdaman kong parang hindi ko na makayanan ang lahat ng ito pero alam ko na kailangan kong lumaban. Hindi para sa akin kundi para sa bata na nasa loob ko. Kahit na anong mangyari, hindi ko hahayaan na masaktan pa siya tulad ng pagkakagawa sa akin ni Zilver. Tumayo ako at pinunasan ko ang mga luha ko. Kinuha ko ang aking bag at nagpasya akong umalis doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero alam ko na kailangan kong mahanap ang paraan para mabuhay at para palakihin ang bata na ito ng maayos. Hindi ako papayag na tularan ni Zilver ang mga ginawa niya hindi ako magiging tulad niya na masaya sa pagdurusa ng iba. Habang naglalakad ako patungo sa jeepney terminal, hindi ko maiwasang tingnan ang Montecillo Tower na nakatayo ng matayog sa gitna ng lungsod. Isang araw, sasabihin ko sa kanya na mali siya sa ginawa niya sa akin. Isang araw, ipapakita ko sa kanya na hindi ako basta basta matitinag ng mga problema. At isang araw, makikita niya na ang anak namin ay mas mahusay pa sa kanya na hindi ito magiging tulad niya na puno ng sama ng loob at galit. Pero ngayon, kailangan kong mag-isip ng paraan para mabuhay. Kailangan kong maging matapang para sa akin at para sa bata. Kahit na mahirap, kahit na maraming pagsubok, hindi ako susuko. Hindi na ako papayag na mawawala ang lahat muli sakin TO BE CONTINUEXylophone Amaranth POVNakatingin ako ngayon sa dalawang bata na naglalaro sa buhangin ng dagat. Si Aureus at si Lumina – ang aking mga kambal na lalaki at babae. Limang taon na sila ngayon at sila na ang buhay ko. Hindi ko akalain na makakaya kong palakihin sila mag isa pero dahil sa tulong ng mga tao dito sa Siargao, naging maayos naman ang lahat.Ang araw ay masyadong maaraw ngayon pero hindi sila napapagod. Nagtatabunan sila ng buhangin at gumagawa ng maliliit na kastilyo. Minsan ay nagtatawanan sila at minsan naman ay nag-aaway pero hindi naman sila nagtatagal dahil mahal na mahal nila ang isa’t isa.Bumaba ako mula sa aming maliit na kubo sa tabi ng dagat para dalhan sila ng malamig na tubig. Dala ko rin ang isang maliit na basket na may lamang prutas at sandwich. Alam kong pagod na sila sa paglalaro at kailangan na nilang kumain at uminom.“Mommy! Mommy! Tingnan mo yung kastilyo namin! Sobrang ganda diba?” sigaw ni Lumina habang tumatakbo papunta sa akin. Ang buhok niya ay kula
THIRD PERSON POVLimang taon na ang lumipas mula noong mawala si Xylophone Amaranth Villareal sa buhay ni Zilverius Montecillo. Hanggang ngayon hindi pa rin niya mahanap ang babae at ang anak nilang dapat na isinilang na.Walang bakas, walang pahayag, walang kahit anong impormasyon na makakatulong para mahanap siya. Lahat ng sinusundan nilang lead ay nauuwi lang sa wala.Ang opisina ni Zilver ay nasa ikadalawampu’t limang palapag ng Montecillo Tower. Ngayon naman ay puno ito ng basag na gamit – mga plato, mug, at kahit ang monitor ng kanyang computer ay basag na basag.“WHERE THE HELL IS SHE?! I TOLD YOU TO FIND HER NO MATTER WHAT IT TAKES!” sigaw niya sa kanyang mga tauhan na nakatayo sa harap ng kanyang mesa na natatakot na tumikhim. “FIVE YEARS! YOU’VE BEEN LOOKING FOR HER FOR FIVE YEARS AND YOU STILL HAVE NOTHING TO SHOW ME?!”Si Marcus ang pinakamalapit na kaibigan ni Zilver pero ngayon hindi na rin niya maipagtanggol ang mga tauhan. Nakita niya kung paano lumala ang ugali ng kai
Xylophone Amaranth POVUmalis ako ng Cagayan de Oro ng walang pinag sasabihin. Hindi ko sinabi kahit pa sa mga kaibigan ko dahil baka maibigay pa nila ako kay Zilver. Alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya ako mahanap pero may isang lugar na sigurado akong hindi niya kami makikita ng kaniyang anakAng probinsya ng Siargao doon ako lumaki hanggang sa ako ay labing walong taong gulang. Wala na doon ang mga kamag-anak ko pero may isang lumang bahay na pag-aari pa rin ng pamilya namin doon. Isang maliit na bahay sa tabi ng dagat na hindi na ginagamit mula noong lumipat kami sa lungsod. Alam kong makakapagtago ako doon dahil hindi alam ni Zilver na may ganitong lugar ang pamilya namin.Bumili ako ng tiket ng bus papunta sa Surigao City tapos sakay naman ako ng barko papunta sa Siargao. Habang nasa biyahe ako, hawak ko lagi ang aking tiyan. Isang linggo pa lang ito pero parang nararamdaman ko na ang bata na nasa loob ko. Lagi kong iniisip na kung paano ko ito palalakihin, k
Xylophone Amaranth POV Naglalakad ako ngayon papunta sa opisina ng aking boyfriend na si Zilverius Montecillo mas kilala siya bilang Zilver sa mga kaibigan pero para sa akin siya lagi namang “V” dahil sabi niya yun daw ang tawag na pwede lang gamitin ng taong mahal niya. Tatlong taon na kami magkasama at hindi ako makapaniwala na napakaswerte ko. Isang linggo na akong delay sa regla at kanina lang natapos ang pregnancy test ko positibo. Ngayon dala ko yung resulta at isang maliit na cake na may sulat na 'WE’RE GOING TO BE PARENTS!' para sabihin ko sa kanya ang magandang balita. Ang opisina niya ay nasa pinakamataas na palapag ng Montecillo Tower sa Cagayan de Oro – isang gusali na talagang nakakapagpagulat dahil sobrang laki at sosyal. Habang umaakyat ako sa elevator, hindi ako mapakali sa kaba at saya. Inisip ko pa nga kung paano niya ako pag bubuksan ng pinto, kung mapapansin niya agad na may kakaiba sakin, kung magiging masaya ba siya o matatakot dahil mag kaka-anak na kami.







