Share

KABANATA 5

Author: Black_Angel20
last update Last Updated: 2022-05-11 18:31:18

"JUST ENSURE na hindi ka mabubuko ni Creed Ava. Problema na si Avery sa kanya at sure ako na kapag malaman niya itong pagpapanggap mo, he will not be broken twice, but thrice."

Ngunit umirap lang si Ava bilang tugon sabay ayos ng salawal na ibinigay ni Gulliver sa kanya upang hindi siya mahamugan.

"He beats up my sister. Avery was damn abused on his hands kaya'y pansamantalang lie-low muna si Ave ngayon dahil gusto ko na ako mismo ang maghiganti sa kapatid ko."

Mula sa diretsong tingin sa unahan, humarap si Gulliver sa kanya at hindi alam ni Ava kung bakit ganoon ang paraan ng paninitig ng kaibigan sa kanya.

Gulliver Hernandez was her friend at hindi niya inaasahan na dito pa talaga niya muling makikita ang kaibigan at ang mas lalong kagimbal-gimbal na katotohanan ay kaibigan rin pala ni Creed Morgan ang lalaki.

"Are you pretty sure that you really know your twin's persona? I-I mean, kapatid mo siya pero kilalang-kilala mo na nga bang talaga iyang kakambal mo Ava?"

"What do you mean, Liver?" Ngunit nag-iwas lang ito ng tingin at napabuntong hininga.

"Just be responsible with your actions, Ava. Creed Morgan is a saint, but he can be a demon either."

"Liver." Muli ay bumuntong-hininga ito.

"I'm just giving you a warning. Hindi ko rin gustong mapahamak ka as well as Creed. Pareho kayong importante sa akin kaya kung maaari ay pagsasabihan kita kung iyon ay marapat at pupwede."

"Liver anong pinagsasabi mo?" Bumaling na itong muli sa kanya at kapagkuwan ay inakbayan siya.

"Wala. I, Gulliver Hernandez as a chief of Police in the precinct will held responsible for my friends lifeline." Napangiti na rin siya at isinandal na rin ang ulo sa kanang balikat ni Gulliver.

Ganito sila ka-close na dalawa at kahit noon pa man na may nobya ito ay harap-harapang hinalikan siya ng lalaki sa pisngi dahilan kung bakit naghiwalay ang iyong huli.

Minsan na rin kasi niyang nasaksihan kung gaano ka-womanizer si Gulliver at ang mga babaeng nakalaguyo nito ay hanggang tulo ng luha nalang dahil isang salita lang mayroon ang binata.

Siya pa rin ang nagsilbing toygirl nito at ginawang instrumento upang pagselosin ang mga nakarelasyon dahil ang rason...wala na raw gana at nakaka-umay na ang mga mukha.

"Diretso sa kwarto dahil mag-aalas dyes na—"

"Oh my God! si Creed, Liver!" Natutop ni Ava ang bibig dahil noon lang niya naalala ang lalaki.

"Hey easy ka lang Ava. Magdahan-dahan ka dahil baka mapaano ka na naman. I know hindi ka pa tuluyang naka-recover mula sa pagkakalunod mo kanina."

Hinila siya ni Gulliver upang itapat sa ulo niya ang nalaglag na salawal bago tuluyang tinulak-tinulak na siya.

"Go. Make your husband—I mean, your pretend husband happy dahil pretending wife ka lang pala." Tumawa ito at siya naman ay sinamaan na lang ng mukha ang lalaki.

"Shut up will you? Tinagurian kang chief of police pero napakatsismoso mo."

Halakahak lang isinagot nito bago na ngang iminuwestra ni Gulliver ang kanang kamay bilang patunay na gusto nitong umakyat na siya sa itaas.

Hindi alam ni Ava kung tulog na ba si Creed dahil ng makapasok siya sa silid ay napakatahimik na ng kwarto kung kaya't nakahinga siya ng maluwag roon.

"Akala ko ba ay doon ka na sa kwarto ni Gulliver matutulog Avery."

"Ay kabayo!" Napatalon pa siya sa gulat ng hindi niya napansin na nasa gilid lang pala ng pintuan nakatayo si Creed.

Napahawak pa siya sa kanyang dibdib pagkapatos.

"Diyos ko naman C-Creed. Aatakihin pa yata ako sa puso dahil sa iyo e." Ngunit ng mahagip niya ang dalawang botilya ng beer ay nanlaki ang mga matang tiningnan niya si Creed.

"Uminom ka?"

Naipikit ni Ava ang mga mata dahil sa kawalang-kwenta ng tanong niya. Naamoy niya na nga ang alak sa silid na iyon kaya isang kahangalan na itanong pa iyon gayong ang ebidensya ng bote ng alak na nakapatong sa lamesa ay lantad na nga rin sa mga mata niya.

"Bakit pumanhik ka pa rito sa kwarto kung masaya ka namang nakipagkwentuhan sa ugok na Gulliver na iyon? At ano? Pagkatapos mong malunod kanina ay sa lalaking iyon ka lumapit upang kumuha ng simpatya? You really is an angel withouth wings Avery. Naririndi na ako sa sobrang galing mong umarte."

"C-Creed. Lasing ka lang. Halika na't alalayan na kita sa kama ng makatulog—"

"I regret marrying you. You are my dream girl back then pero lahat ng kagustuhan ko mula sa iyo noon ay unti-unti ng nalalagas dahil sa'yo rin mismo. Kung sana ay maibabalik ko lang ang panahon." Pagak na tumawa ito at humarap sa gawing kama bago pasura-suraray kung maglakad.

Kaagad niyang dinaluhan ang lalaki ng makitang kamuntikan na iyong mabuwal.

"H-huwag mo akong hawakan, shit!"

"Creed. You're drunk! B-bukas na tayo mag-usap ng hindi ka nakainom—"

"Wala na tayong pag-uusapan pa Avery. Doon ka na sa hayop na Gulliver na iyon kung gusto mo. Or kung gusto mo pa rin, lumipat ka roon sa silid niya ngayon din at maglampungan kayo buong magdamag ay wala na akong pakialam pa roon—"

Kaagad dumapo ang kanang palad niya sa pisngi nito dahilan kung bakit tumabingi ang ulo ng binata dahil sa malakas niyang pag-sampal.

"Sumusobra ka na Creed. Gulliver is just a friend na hindi ako binastos kahit na isang beses lang, but you, you just knew my name, but not the whole me."

Creed for a reason just smirked. "Yeah. I don't really know you deeper kaya nga ay hinahayaan na kitang makipagtalik sa ugok na iyon ngayon—" mabilis na tumaas ulit ang palad ni Ava upang sampalin sana muli ang binata ng mabilis nitong nahuli ang kamay niya.

"One slap is enough, Avery." Dumilim ang mukha ni Creed at mas lalong hinigpitan ang paghawak sa pulsohan niya kung kaya't napangiwi si Ava.

"C-Creed ano ba! Nasasaktan ako!!!"

"Masasaktan ka talaga dahil riyan sa pagkasuwail mo. Gusto mong makausap si Gulliver kaysa sa akin? Gusto mong isandal ang ulo sa balikat ng ugok na iyon habang inaakbayan ka? Bakit Avery? Noong nalaman ko ang ginawa mo ay nagreklamo ba ako? At ngayon, si Gulliver na naman na kaibigan ko ang susulutin mo? What kind of a woman are you?"

"C-Creed a-ano ba m-masakit—"

Natigilan si Ava ng hinatak siya ni Creed palapit at walang sabi-sabi ay siniil siya ng halik. Mapusok, mapang-hamon at higit sa lahat, punong-puno ng galit at puot ang paraan ng halik nito.

"C-Creed—b-bitiwan mo hmm..."

Itinulak ni Ava ng buong lakas ang binata subalit hindi ito nagpatinag. Mas bumaba pa nga ang halik nito sa leeg niya habang panay pa rin siya sa pagpupumiglas.

Ramdam niya ang pagka-agresibo nito na ngayon ay naging mapanghanap na ang mga kamay at ginagalugad na ang kanyang buong katawan.

"C-Creed—"

"Akin ka lang Avery! Akin lang. Walang sinumang lalaki ang mang-aakbay sa iyo kundi ako lang. Walang lalaki na dapat ay ngingitian mo ng ganoon dahil ako lang dapat. Ako! Naiintindihan mo? Ako lang Avery!"

Napatili si Ava ng marahas siyang itinulak ni Creed pahiga sa kama at mabilis na kinubabawan while he's already stripping her shirt dahilan na tumambad sa mga mata ng lalaki ang kanyang hinaharap.

"C-Creed please stop it!" She was pleading, but Creed just looked at her full of pain, anger and above all...desire and lust.

Nang magkaroon ng pagkakataong maitulak ang binata ay mabilis rin nitong nahuli ang mga kamay niya dahilan kung bakit ipininid iyon ni Creed sa magkabilang bahagi ng kama.

"Not too fast. Not again Avery. You really can feel how mad I am now."

Naipikit ni Ava ang mga mata kasabay niyon ang kanyang pag-iyak. But Creed was like an animal at hindi na nagawang dinggin siya. He was busy molesting her upper part, sucking and even licking her breast na parang uhaw na sanggol.

Lantad na lantad na ang malulusog niyang dibdib ngunit hindi niya magawang manlaban. Ang Creed Morgan na nakilala niya ay lumabas na ang totoong kaanyuan.

"Why are you crying? damn it!"

"C-Creed, p-please stop it. P-please! Please!" Ava even hear her voice with desperation. Hindi alam kung bakit gusto niyang patirin ang lalaki subalit wala siyang lakas upang gawin iyon.

Tuluyan ng napahagulhol siya at kalaunan ay nauwi sa paghikbi at pag-iyak.

"P-please s-stop it, please, j-just please Creed." Ramdam niya ang paninitig nito ngunit hindi pa rin umalis sa pagkukubabaw sa kanya.

Maya-maya pa ay umalis ito sa ibabaw niya and Aviona cried even more the moment Creed throw the empty bottle of beer on the wall. Hinila ni Ava ang kumot upang itakip sa nalantad niyang mga dibdib gawa ng nasira niyang damit.

She was like a puppy that was lost even after going together with her mommy. Pakiramdam niya ay ang rumi-rumi niya na. Creed Morgan is really a beast.

"Fuck it! Fuck this life." Sinuntok nito ang pader dahilan kung bakit napaigtad si Ava kasabay ng pagkagat niya sa labi upang mapigilan ang paghikbi.

Then Creed looked at her. Nagtatagis ang bagang at nakakuyom pa rin ang mga kamao. Napansin pa niya ang pagdugo niyon, but Creed doesn't mind.

"You should be thankful that I love you dearly. Okay lang sa akin ang ginawa mo noon pero ang kaibigan ko na naman sa puntong ito ay ibang usapan na Avery. If you want anybody by your side, please know your limits. I am your husband and I was really insulted."

Bumaba ang tingin nito sa nagusot na kumot bago na tuluyang nilisan ang kanilang silid. Aviona left in the room with the unshed tears.

Kulang ang salitang awa upang ihalintulad sa kinasadlakan niya ngayon.

Avery her twin still doesn't respond to her messages noong araw pa at ang huling beses na nakausap niya ito sa cellphone ay noong isang araw pa kung saan ay na-hold ito sa isang boutique dahil lang sa mga dresses na hindi nito nagawang bayaran. Pagkatapos noon at hanggang ngayon, wala na siyang balita sa kakambal.

KINAUMAGAHAN ay binulabog si Ava ng isang malakas na kalabog. Mugto ang mga mata niya kaya'y nanghilamos muna siya bago pinagbuksan ng pinto iyong kanina pa kumakatok.

"H-hey good morning beauty." It was Gulliver sabay ngiti sa kanya ngunit halatang pilit lang iyon dahil sa malaking pasa sa kanang pisngi nito paakyat na sa kaliwang mata.

"A-anong nangyari sa'yo Liver?"

"W-wala. May nakasalubong lang akong malaking lamok." Ngumiti ito ngunit kaagad nasundan ng pagngiwi.

Nandito sila ngayon sa silid at ang inaasahan niyang presensya ni Creed ay walang senyales kaya nakahinga ng maluwag si Ava. Takot na siya sa lalaki na baka maulit na naman iyong nangyari kagabi.

"Pinapasabi pala ni Creed na nauna na siyang umuwi. May emergency raw kasi sa opisina kaya sa akin ka niya hinabilin, gagong iyon." Ibinulong nito ang huling kataga ngunit narinig naman iyon ni Ava ng buo.

Mabilis na gumalaw ang oras at nang nalaman niyang silang dalawa nalang pala ni Gulliver ang natira sa housing ay bahagyang nagtaka si Ava.

Why would Acevel, Trunk and Kit left her too without a signal. Creed has his reason pero ano ang rason ng tatlong iyon?

"Sa kotse tayo. Si Scorpion kasi ang sinakyan ng magaling mong asawa pa—I mean, your acting husband pauwi. Iyon. Natuwid ko na rin. Kung bakit ba kasi napakahirap ng sitwasyon mo Ava?"

Nakapasok na siya sa sasakyan ngayon pagkatapos siyang pagbuksan ni Gulliver sa pintuan.

"I-I must. For my twin sister. For Avery."

"But you are not Avery. You did not deserved the hate."

Binalingan niya ang binata na ngayon ay nakatingin na sa unahan dahil ito ang nagmamaneho ng sasakyan.

Bakit pakiramdam ni Ava ay may alam itong si Gulliver. Well, is he?

"At nasaan na pala ang kakambal mong iyon kung ganoon? Ikaw ang napasok sa sitwasyon na dapat si Avery ang haharap. You aren't an expert dahil hindi ka naman asawa Ava. Your sister should hold you tenderly dahil ikaw nalang ang natira sa kanya. I don't like your twin sister. Mas gusto ko pang Ikaw ang makasama kong mahulog sa malalim na balon nunkang iyong kapatid mo."

Kagat niya ang labi dahil tinamaan siya roon. May punto naman kasi ang lalaki lalo pa at hanggang ngayon ay nanatiling missing in action ang kapatid gayong dapat ay sa mga lagay na ito, alam na ng kapatid niya kung ano ang nangyari.

Alas otso na ng makarating sila sa tapat ng bahay. Manang Lucy did to looked at her na parang tinatanong sa kanya kung sino iyong lalaki pero hindi niya na lang inukit pa. Gulliver is just a friend at hindi dapat na madawit ang kaibigan niya sa kung ano man ang may kinalaman ni Avery noon sa asawa nitong si Creed.

She needs to know at least a thing. She needs to know kung bakit ganoon nalang katindi ang galit ni Acevel sa kanya maging iyong iba pa. And the fact that Gulliver seems like having an idea. Mukhang mahihirapan pa talaga si Ava dahil hanggang ngayon, out of the coverage area pa rin ang kapatid.

"Oh My God, Ave. Where are you at this point?" Palakad-lakad si Ava habang kagat niya ang kuko sa silid nila ni Creed. Naroon pa rin ito sa opisina kaya'y may pagkakataon pa siyang hagilapin ang kapatid na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin talaga makontak.

Pabagsak siyang umupo sa dulo ng kama ng napagod na siyang i-dial ang numero ng kakambal. Nang biglang maalala niya ang numero ng teller roon sa binili niyang condominium para rito. May contact si Ava roon dahil close naman niya iyong dalaga sa lugar.

"Yes, Sunrise hub on call. How my I help you?"

"Cat. It's Ava. Itatanong ko lang sana kung nariyan ba si Ave? Hindi ko kasi siya makontak ngayon kaya nagbabakasakali lang ako na baka nandiyan siya."

"Hindi niya ba nabanggit Ava? Biglang umalis iyong kambal mo e dala ang iilang mga bagahe? Mukhang pupunta yata sa kung saan dahil heavy loaded iyong luggage."

Hindi pinahalata ni Ava na nagulat siya dahil hindi naman kasi siya ininform ng kambal kung saan ito pupunta.

Nang maibaba niya na ang tawag ay naroon na sa isip ng dalaga ang inis kay Avery. Papaanong umalis ito ng wala man lang pasabi?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
smiley
I like your story author, promised to read it, keep updating.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Pretending To Be His Wife    WAKAS

    AFTER 6 MONTHSMALAYO ang narating ni Aviona sa paglalakad. Taglay niya ang didikasyong maabot ang kinikilalang pinakatamataas na tuktok nang bundok. Pinalis niya ang pawis na namutlig sa kanyang noo. Napapagod na rin siya. Gusto ni Ava ang magpahinga. Umiling siya saglit nang marinig ang boses ni Creed mula sa tuktok—masyadong malayo na sa kanya. Iritasyon ang naramdanan ni Ava sa mga oras na iyon. Creed always doing like that. Like she's nothing to her. Wala namang nagbago sa pakikitungo ni Creed kay Ava ngunit nitong mga nakaraang buwan, nang ma-discharged siya sa ospital ay biglang may naging kakaiba."Hindi ka pwedeng mapagod, Ava. Bilisan mo riyan!" Saka nawala si Creed sa paningin niya. Napabuga si Ava nang malakas na hangin. Kailangan niya pang mag-ipon nang panibagong enerhiya upang marating ang tuktok na kinaroroonan ni Creed. Hinaplos ni Ava ang binti. Natutok ang tingin niya roon. Hanggang sa mga oras na iyon ay nakakaramdam pa rin si Ava nang self-consciousness. Hindi na

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 38

    "HINDI ka magtatagumpay sa binabalak mo!"Nahawakan ni Cathy ang buhok ni Aviona nang sinubukan niyang makatakbo. Alam niyang mali ngunit napuno pa rin si Ava nang pag-asang makaalis sa gubat na pinagdalhan sa kanya ni Cathy. May kalakasan at ma-pwersa ang paghila ni Cathy sa kanyang buhok kaya ay nawalan nang balanse si Ava at natumba sa mga dayami. Sinubukan niya na bumangon ngunit pinaundayan siya ni Cathy nang mag-asawang sampal sa magkabilang pisngi. Nakaupo ang ginang sa bahagi ng kanyang tiyan. Sikretong kumikilos ang kanang kamay ni Ava nang hindi man lang namamalayan ni Cathy. May kung ano siyang nahawakan na tila isang kahoy na may mga tinik ay diretso niya iyong inihampas sa mukha ni Cathy. Natamaan ang mata nito. Natigilan si Cathy sa ginagawa at nawala ang atensyon nito kay Ava. Daglian siyang nakabangon."At palaban ka talagang hipokrita ka!" Umambang dadakmain muli si Ava ni Cathy ay iniwas niya ang sarili kaya ay mabilis siyang kumaliwa. Namumula ang kanang pisngi nito

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 37

    MAAGA ang pagdating ni Ava sa ancestral house. Sa bahay nila Sheena ay inaanyayahan siya ni Cathy na mag-meryenda muna nang panandalian subalit naging buo na ang pasya ni Aviona na umuwi. Natunogan niya pa ang boses ni Cathy na nagtatampo ito subalit hindi na niya gustong bawiin pa ang naging desisyon.Sa patio ay natanaw ni Ava ang isa sa mga katulong. Kausap nito si Creed na nag-isang linya ang kilay. Naging mabilis ang kanyang paglalakad na nauwi sa pananakbo. Sa estado ni Creed ay tila may malaking problema ang nangyari."Pinasok ang kwarto natin, Ava. At ang katulong na ito ang siyang may gawa." Mahinahon ngunit may kaakibat na kahulugan ang tono ni Creed. "Mabait ako sa mabait sa akin, Betty. Kilala ko ang mga kapatid mo na nag-aaral pa lamang sa elementarya. Ang sahod mo rito ay ang naging suporta mo sa kanila. Paano mo nagawang looban kami? Kami na kung ituring ka ay parang pamilya na rin." Si Betty ay walang humpay sa pag-iyak at paghikbi. Tinapik ni Ava ang balikat ni Betty.

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 36

    SA lansangan nagkaroon nang panibagong buhay sina Aviona at Avery. Malayo kay Romano."Masamang tao si tiyo Romano, Ave. Pinatay niya sina lolo at lola." Nilingon si Aviona ni Ave na noon ay nakaupo sa lilim ng isang poste. Tumataas na ang sikat nang araw. Naroon sila sa lugar na iyon upang mamalimos. Dalawang araw na silang dayo sa lugar ng Cainta. Iyon ang nabasa ni Avery na nakapaskil sa isa sa mga mataong karinderya. "Mag-focus ka, Ava." Sa halip ay wika ni Avery sa matigas na tono.Hindi man gamay ni Ava at Ave ang ganoong lugar ay totoong hindi nila namamalayan ang presensya ni Romano ni minsan. Hindi naman nawawala ang takot dahil nga ay sa murang edad. Kailangang nilang harapin ang totoong reyalidad sa buhay. Naroon ang hindi pagkalagayan ng loob si Ava na baka may sindikatong dudukot sa kanila ni Avery at ipagpipilitang magbenta ng kung ano-anong illegal na produkto sa kalsada."Avery, gusto kong mag-aral. Mas marunong na akong magbasa ngayon at magsulat. Ito nga oh, gumagawa

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 35: Ang Nakaraan.

    NAKAYUKO ang ulo ni Ava habang papikit-pikit ang mga mata. "Pasensya na kayo at natagalan na naman sina mama at papa. Paparating na rin sila galing sa bayan." Pangangatwiran ni Sheena na inaalok sila ni Creed ng meryenda. Hapon na nang araw na iyon. Naisipan ni Creed na bumisita ulit sa pamamahay nina Sheena ngunit wala roon ang mga magulang nito. Ito ang tunay na sadya ni Ava upang mapagbigyan si Creed."Masyado yatang tutok sa trabaho si Tito Rome ah!""He's been busy lately. Oh, Ava. Kumain ka pa." Alok ni Sheena sa kanya. Ngumiti lamang si Ava bago nilantakan ang cookies. Patuloy sa pag-uusap sina Sheena at Creed. Nang makarinig sila nang papasok na sasakyan sa garahe. Iyon na marahil ang mga magulang ni Sheena."Oh, andito na sila!" Tuwang-tuwa na naisambit ni Sheena saka ito nagtatakbo palabas na parang bata. Hayun na naman ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ni Ava. Kinakabahan siya na ewan. Daig niya pa ang makipagkilala sa mga magulang ng nobyo niya kagaya ng mga kabataan

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 34

    USO ang pagpapatrolya. Kasama ni Creed si Kit habang sinusuri ang rancho at manggahan. Naiwan sa ancestral house si Aviona na kasama si Trunk at Gulliver. Sa hinayon ay napadaan si Rome—ang ama ni Sheena. Kinukumusta siya nito pati na rin si Aviona. Nagkaroon si Creed ng mahabang usapan kay Rome. Samantalang si Kit ay malayang pinasyal ang sarili sa malawak nilang pag-aari na sakahan."Narinig ko nga iyan noong nagdaang araw pa. Bakit naman may gustong pumatay sa asawa mo, Creed. Minsan ko nang nakita ang batang iyan sa bayan e. Mayumi naman at palakaibigan." Si Rome na ang tinutukoy ay si Aviona. "Nabanggit nga rin pala sa akin ng anak kong si Sheena na minsan na kayong pumasyal na dalawa sa bahay noong wala kami ni Cathy. Sayang at gusto sana naming makilala ni Cathay iyang si Aviona.""Sa susunod na araw po siguro. At siguraduhin 'ho ninyo na nasa bahay kayo ha?" Biro ni Creed na pinabulaanan ng halakhak ni Rome. "Ikaw talagang bata ka at wala ka pa ring pinagbago. Ganyan na ganyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status