AFTER 6 MONTHSMALAYO ang narating ni Aviona sa paglalakad. Taglay niya ang didikasyong maabot ang kinikilalang pinakatamataas na tuktok nang bundok. Pinalis niya ang pawis na namutlig sa kanyang noo. Napapagod na rin siya. Gusto ni Ava ang magpahinga. Umiling siya saglit nang marinig ang boses ni Creed mula sa tuktok—masyadong malayo na sa kanya. Iritasyon ang naramdanan ni Ava sa mga oras na iyon. Creed always doing like that. Like she's nothing to her. Wala namang nagbago sa pakikitungo ni Creed kay Ava ngunit nitong mga nakaraang buwan, nang ma-discharged siya sa ospital ay biglang may naging kakaiba."Hindi ka pwedeng mapagod, Ava. Bilisan mo riyan!" Saka nawala si Creed sa paningin niya. Napabuga si Ava nang malakas na hangin. Kailangan niya pang mag-ipon nang panibagong enerhiya upang marating ang tuktok na kinaroroonan ni Creed. Hinaplos ni Ava ang binti. Natutok ang tingin niya roon. Hanggang sa mga oras na iyon ay nakakaramdam pa rin si Ava nang self-consciousness. Hindi na
"HINDI ka magtatagumpay sa binabalak mo!"Nahawakan ni Cathy ang buhok ni Aviona nang sinubukan niyang makatakbo. Alam niyang mali ngunit napuno pa rin si Ava nang pag-asang makaalis sa gubat na pinagdalhan sa kanya ni Cathy. May kalakasan at ma-pwersa ang paghila ni Cathy sa kanyang buhok kaya ay nawalan nang balanse si Ava at natumba sa mga dayami. Sinubukan niya na bumangon ngunit pinaundayan siya ni Cathy nang mag-asawang sampal sa magkabilang pisngi. Nakaupo ang ginang sa bahagi ng kanyang tiyan. Sikretong kumikilos ang kanang kamay ni Ava nang hindi man lang namamalayan ni Cathy. May kung ano siyang nahawakan na tila isang kahoy na may mga tinik ay diretso niya iyong inihampas sa mukha ni Cathy. Natamaan ang mata nito. Natigilan si Cathy sa ginagawa at nawala ang atensyon nito kay Ava. Daglian siyang nakabangon."At palaban ka talagang hipokrita ka!" Umambang dadakmain muli si Ava ni Cathy ay iniwas niya ang sarili kaya ay mabilis siyang kumaliwa. Namumula ang kanang pisngi nito
MAAGA ang pagdating ni Ava sa ancestral house. Sa bahay nila Sheena ay inaanyayahan siya ni Cathy na mag-meryenda muna nang panandalian subalit naging buo na ang pasya ni Aviona na umuwi. Natunogan niya pa ang boses ni Cathy na nagtatampo ito subalit hindi na niya gustong bawiin pa ang naging desisyon.Sa patio ay natanaw ni Ava ang isa sa mga katulong. Kausap nito si Creed na nag-isang linya ang kilay. Naging mabilis ang kanyang paglalakad na nauwi sa pananakbo. Sa estado ni Creed ay tila may malaking problema ang nangyari."Pinasok ang kwarto natin, Ava. At ang katulong na ito ang siyang may gawa." Mahinahon ngunit may kaakibat na kahulugan ang tono ni Creed. "Mabait ako sa mabait sa akin, Betty. Kilala ko ang mga kapatid mo na nag-aaral pa lamang sa elementarya. Ang sahod mo rito ay ang naging suporta mo sa kanila. Paano mo nagawang looban kami? Kami na kung ituring ka ay parang pamilya na rin." Si Betty ay walang humpay sa pag-iyak at paghikbi. Tinapik ni Ava ang balikat ni Betty.
SA lansangan nagkaroon nang panibagong buhay sina Aviona at Avery. Malayo kay Romano."Masamang tao si tiyo Romano, Ave. Pinatay niya sina lolo at lola." Nilingon si Aviona ni Ave na noon ay nakaupo sa lilim ng isang poste. Tumataas na ang sikat nang araw. Naroon sila sa lugar na iyon upang mamalimos. Dalawang araw na silang dayo sa lugar ng Cainta. Iyon ang nabasa ni Avery na nakapaskil sa isa sa mga mataong karinderya. "Mag-focus ka, Ava." Sa halip ay wika ni Avery sa matigas na tono.Hindi man gamay ni Ava at Ave ang ganoong lugar ay totoong hindi nila namamalayan ang presensya ni Romano ni minsan. Hindi naman nawawala ang takot dahil nga ay sa murang edad. Kailangang nilang harapin ang totoong reyalidad sa buhay. Naroon ang hindi pagkalagayan ng loob si Ava na baka may sindikatong dudukot sa kanila ni Avery at ipagpipilitang magbenta ng kung ano-anong illegal na produkto sa kalsada."Avery, gusto kong mag-aral. Mas marunong na akong magbasa ngayon at magsulat. Ito nga oh, gumagawa
NAKAYUKO ang ulo ni Ava habang papikit-pikit ang mga mata. "Pasensya na kayo at natagalan na naman sina mama at papa. Paparating na rin sila galing sa bayan." Pangangatwiran ni Sheena na inaalok sila ni Creed ng meryenda. Hapon na nang araw na iyon. Naisipan ni Creed na bumisita ulit sa pamamahay nina Sheena ngunit wala roon ang mga magulang nito. Ito ang tunay na sadya ni Ava upang mapagbigyan si Creed."Masyado yatang tutok sa trabaho si Tito Rome ah!""He's been busy lately. Oh, Ava. Kumain ka pa." Alok ni Sheena sa kanya. Ngumiti lamang si Ava bago nilantakan ang cookies. Patuloy sa pag-uusap sina Sheena at Creed. Nang makarinig sila nang papasok na sasakyan sa garahe. Iyon na marahil ang mga magulang ni Sheena."Oh, andito na sila!" Tuwang-tuwa na naisambit ni Sheena saka ito nagtatakbo palabas na parang bata. Hayun na naman ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ni Ava. Kinakabahan siya na ewan. Daig niya pa ang makipagkilala sa mga magulang ng nobyo niya kagaya ng mga kabataan
USO ang pagpapatrolya. Kasama ni Creed si Kit habang sinusuri ang rancho at manggahan. Naiwan sa ancestral house si Aviona na kasama si Trunk at Gulliver. Sa hinayon ay napadaan si Rome—ang ama ni Sheena. Kinukumusta siya nito pati na rin si Aviona. Nagkaroon si Creed ng mahabang usapan kay Rome. Samantalang si Kit ay malayang pinasyal ang sarili sa malawak nilang pag-aari na sakahan."Narinig ko nga iyan noong nagdaang araw pa. Bakit naman may gustong pumatay sa asawa mo, Creed. Minsan ko nang nakita ang batang iyan sa bayan e. Mayumi naman at palakaibigan." Si Rome na ang tinutukoy ay si Aviona. "Nabanggit nga rin pala sa akin ng anak kong si Sheena na minsan na kayong pumasyal na dalawa sa bahay noong wala kami ni Cathy. Sayang at gusto sana naming makilala ni Cathay iyang si Aviona.""Sa susunod na araw po siguro. At siguraduhin 'ho ninyo na nasa bahay kayo ha?" Biro ni Creed na pinabulaanan ng halakhak ni Rome. "Ikaw talagang bata ka at wala ka pa ring pinagbago. Ganyan na ganyan