Share

KABANATA 36

Penulis: Black_Angel20
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-11 21:52:38

SA lansangan nagkaroon nang panibagong buhay sina Aviona at Avery. Malayo kay Romano.

"Masamang tao si tiyo Romano, Ave. Pinatay niya sina lolo at lola." Nilingon si Aviona ni Ave na noon ay nakaupo sa lilim ng isang poste. Tumataas na ang sikat nang araw. Naroon sila sa lugar na iyon upang mamalimos. Dalawang araw na silang dayo sa lugar ng Cainta. Iyon ang nabasa ni Avery na nakapaskil sa isa sa mga mataong karinderya. "Mag-focus ka, Ava." Sa halip ay wika ni Avery sa matigas na tono.

Hindi man gamay ni Ava at Ave ang ganoong lugar ay totoong hindi nila namamalayan ang presensya ni Romano ni minsan. Hindi naman nawawala ang takot dahil nga ay sa murang edad. Kailangang nilang harapin ang totoong reyalidad sa buhay. Naroon ang hindi pagkalagayan ng loob si Ava na baka may sindikatong dudukot sa kanila ni Avery at ipagpipilitang magbenta ng kung ano-anong illegal na produkto sa kalsada.

"Avery, gusto kong mag-aral. Mas marunong na akong magbasa ngayon at magsulat. Ito nga oh, gumagawa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 37

    MAAGA ang pagdating ni Ava sa ancestral house. Sa bahay nila Sheena ay inaanyayahan siya ni Cathy na mag-meryenda muna nang panandalian subalit naging buo na ang pasya ni Aviona na umuwi. Natunogan niya pa ang boses ni Cathy na nagtatampo ito subalit hindi na niya gustong bawiin pa ang naging desisyon.Sa patio ay natanaw ni Ava ang isa sa mga katulong. Kausap nito si Creed na nag-isang linya ang kilay. Naging mabilis ang kanyang paglalakad na nauwi sa pananakbo. Sa estado ni Creed ay tila may malaking problema ang nangyari."Pinasok ang kwarto natin, Ava. At ang katulong na ito ang siyang may gawa." Mahinahon ngunit may kaakibat na kahulugan ang tono ni Creed. "Mabait ako sa mabait sa akin, Betty. Kilala ko ang mga kapatid mo na nag-aaral pa lamang sa elementarya. Ang sahod mo rito ay ang naging suporta mo sa kanila. Paano mo nagawang looban kami? Kami na kung ituring ka ay parang pamilya na rin." Si Betty ay walang humpay sa pag-iyak at paghikbi. Tinapik ni Ava ang balikat ni Betty.

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 36

    SA lansangan nagkaroon nang panibagong buhay sina Aviona at Avery. Malayo kay Romano."Masamang tao si tiyo Romano, Ave. Pinatay niya sina lolo at lola." Nilingon si Aviona ni Ave na noon ay nakaupo sa lilim ng isang poste. Tumataas na ang sikat nang araw. Naroon sila sa lugar na iyon upang mamalimos. Dalawang araw na silang dayo sa lugar ng Cainta. Iyon ang nabasa ni Avery na nakapaskil sa isa sa mga mataong karinderya. "Mag-focus ka, Ava." Sa halip ay wika ni Avery sa matigas na tono.Hindi man gamay ni Ava at Ave ang ganoong lugar ay totoong hindi nila namamalayan ang presensya ni Romano ni minsan. Hindi naman nawawala ang takot dahil nga ay sa murang edad. Kailangang nilang harapin ang totoong reyalidad sa buhay. Naroon ang hindi pagkalagayan ng loob si Ava na baka may sindikatong dudukot sa kanila ni Avery at ipagpipilitang magbenta ng kung ano-anong illegal na produkto sa kalsada."Avery, gusto kong mag-aral. Mas marunong na akong magbasa ngayon at magsulat. Ito nga oh, gumagawa

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 35: Ang Nakaraan.

    NAKAYUKO ang ulo ni Ava habang papikit-pikit ang mga mata. "Pasensya na kayo at natagalan na naman sina mama at papa. Paparating na rin sila galing sa bayan." Pangangatwiran ni Sheena na inaalok sila ni Creed ng meryenda. Hapon na nang araw na iyon. Naisipan ni Creed na bumisita ulit sa pamamahay nina Sheena ngunit wala roon ang mga magulang nito. Ito ang tunay na sadya ni Ava upang mapagbigyan si Creed."Masyado yatang tutok sa trabaho si Tito Rome ah!""He's been busy lately. Oh, Ava. Kumain ka pa." Alok ni Sheena sa kanya. Ngumiti lamang si Ava bago nilantakan ang cookies. Patuloy sa pag-uusap sina Sheena at Creed. Nang makarinig sila nang papasok na sasakyan sa garahe. Iyon na marahil ang mga magulang ni Sheena."Oh, andito na sila!" Tuwang-tuwa na naisambit ni Sheena saka ito nagtatakbo palabas na parang bata. Hayun na naman ang hindi maipaliwanag na nararamdaman ni Ava. Kinakabahan siya na ewan. Daig niya pa ang makipagkilala sa mga magulang ng nobyo niya kagaya ng mga kabataan

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 34

    USO ang pagpapatrolya. Kasama ni Creed si Kit habang sinusuri ang rancho at manggahan. Naiwan sa ancestral house si Aviona na kasama si Trunk at Gulliver. Sa hinayon ay napadaan si Rome—ang ama ni Sheena. Kinukumusta siya nito pati na rin si Aviona. Nagkaroon si Creed ng mahabang usapan kay Rome. Samantalang si Kit ay malayang pinasyal ang sarili sa malawak nilang pag-aari na sakahan."Narinig ko nga iyan noong nagdaang araw pa. Bakit naman may gustong pumatay sa asawa mo, Creed. Minsan ko nang nakita ang batang iyan sa bayan e. Mayumi naman at palakaibigan." Si Rome na ang tinutukoy ay si Aviona. "Nabanggit nga rin pala sa akin ng anak kong si Sheena na minsan na kayong pumasyal na dalawa sa bahay noong wala kami ni Cathy. Sayang at gusto sana naming makilala ni Cathay iyang si Aviona.""Sa susunod na araw po siguro. At siguraduhin 'ho ninyo na nasa bahay kayo ha?" Biro ni Creed na pinabulaanan ng halakhak ni Rome. "Ikaw talagang bata ka at wala ka pa ring pinagbago. Ganyan na ganyan

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 33

    HALAKHAK ang umalingawngaw sa kabilang linya ng telepono ni Aviona. Nang malaman niya na intensyonal ang pagputol sa kable ng kanyang sasakyan ay si Avery agad ang nag-iisang suspetsa na kanyang naaanalisa. Bantay-sarado si Aviona sa ancestral house. Natatakot rin siyang lumabas kaya'y pinirmi ni Aviona ang sarili sa silid kung saan ay alam niyang ligtas siya. Hinahatiran siya ng mga pagkain ng katulong kung sakaling makakalimutan niyang bumaba. Dalawang araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang aksidenteng iyon. Naayos na rin ang sasakyan ni Aviona sa talyer. Ngunit may palagay siya na nakakatrauma ang naranasan niya sa mismo niyang sasakyan. Magpasa-hanggang ngayon ay walang nababanggit na pangalan si Creed kung sino nga ba ang person of interest. Naging busy rin ito sa kung anong proseso. Panandalian lang ang pagtira sa bahay at pagkatapos niyon, aalis na naman.Ni minsan rin ay walang naaalala si Aviona na nagkaroon siya ng interaksyon sa kahit na sinong tao sa nayon. Bukod rin

  • Pretending To Be His Wife    KABANATA 32

    MALAWAK ang tahanan nina Sheena. Sa kanunug-nugan ng pamamahay nito ay naroon si Aviona at Creed. Sa may entrada makikita ang nanghahalinang hardin. Mayroon itong sari-saring bulaklak na nakatanim. Sa kaliwang parte ay nakadestino naman roon ang isang maliit na modernong kubo. Doon nakalagay ang maliliit na buto ng mga gulay at prutas. Sagana rin ang hangin. Mayroon rin itong nakakonekta sa faucet ng likurang bahagi ng kabahayan bilang water supply. Mula naman sa pasimano ay naroon ang munting palaruan. Kapansin-pansin na kahit wala nang gumagamit sa paglipas ng mga panahon ay napanatili pa rin ang kahalagahan niyon. Maganda ang ambiance. Ngunit bakit parang hindi sang-ayon ang kabuuan ni Aviona?"Alam ko na nagustuhan mo rin." Boses ni Creed. Nilingon ni Ava ang lalaki. "Pero hindi ako komportable" Gusto niyang isatinig subalit tila ay naumid ang dila ni Ava. May kung anong enerhiya ang humahatak kay Ava pailalim dahilan kung bakit tila ay nawawalan siya ng gana sa kahit ganoong sand

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status