Share

Pretty You
Pretty You
Author: Iya Perez

Chapter 1

“Anak pakigising mo na nga yung kambal at tanghali na. Male-late na ang mga iyon sa eskuwelahan.” bungad sa akin ni Mama na kalalabas lang ng kanilang kuwarto. Nakasunod sa kaniyang likuran si Papa na napipikit-pikit pa at panay ang hikab.

Umangat ang sulok ng labi ko sabay turo sa ginagawa ko. Nagluluto kasi ako ng itlog at tocino para agahan namin. Ako ang nagluluto tuwing umaga dahil ako naman ang pinakamaagang nagigising sa pamilyang ito.

“Ikaw nalang ‘Ma, kita mo namang nagluluto ako eh.” reklamo ko sa kaniya. Pero imbes na pakinggan ang sinasabi ko ay agad niyang kinuha sa kamay ko ang siyansi at tinulak ako papalabas ng kusina.

“Kita mo namang ikaw lang ang pinakikinggan ng kambal na iyon. Sige na, gisingin mo na. Paniguradong babangon ang mga iyon kapag ikaw ang gumising sa kanila.”

Napabuntong-hininga ako saka bumaling kay Papa para humingi ng tulong. Pero isang marahang tango lang ang ibinigay niya sa akin bago ito naglakad malapit kay Mama para magtimpla ng kaniyang kape.

Inis na nagmartsa ako palabas ng kusina at padabog na binuksan ang pinto ng kuwarto ng kambal.

“Mga senorito, bangon na ho. Mag-aalas siete na ng umaga.” saad ko habang parehong naka-ekis ang aking magkabilang braso sa harapan ng aking dibdib.

Double deck ang kama na hinihigaan ng mga kapatid ko. Nasa itaas si Kier, na naunang lumabas sa sinapupunan ng aming ina, samantalang sa ibabang bahagi naman ng double deck nakahiga ang kambal nitong si Kyle. Sabay na nag-inat ang dalawa at halos sabay din ang mga ito na nagtalukbong ng kumot.

“Ang aga pa, Ate.” reklamo ni Kier.

Inalis ko sa pagkaka-ekis ang aking braso.

“Okay, wala kayong matatanggap na baon sa akin ngayong araw ha.” sabi ko saka naglakad palabas ng kanilang kuwarto.

At gaya ng nakasanayan, dinig ko ang kanilang pagkukumahog para lang makababa sa kama. Muntik pa akong ma-outbalance nang dumaan sila sa harapan ko para mag-unahan sa banyo.

“Kapag ako talaga natumba rito!” sigaw ko sa kanila.

Huminto naman sila at humarap sa akin.

“Sorry ate.” alanganin nilang sambit.

“Ikaw kasi eh!”

“Ikaw kaya!”

Mataman lang akong nakatingin sa kanila habang pinagmamasdan ang kanilang pag-aaway. Humugot ako ng malalim na hininga para kontrolin ang aking emosyon.

Kalma ka lang, Leah. Hindi nakakabuti ang pagiging badtrip sa umaga. Baka layuan ka ng suwerte. Kailangan mo pa namang kumita ng malaki ngayong buwan dahil napakaraming bayarin na naghihintay sa’yo. Kalma lang.

“Bilisan niyong maligo.” sabi ko nalang saka naglakad patungo sa aking kuwarto.

Pagpasok ko roon ay agad kong kinuha ang backpack ko na ginagamit sa trabaho. Dalawa ang trabaho ko sa umaga. Part time janitress sa isang kumapanya mula alas otso hanggang alas alas onse. Barista naman sa isang sikat na coffee shop pagpatak ng ala una hanggang alas siete ng gabi. Hindi lang iyon. Pag sumapit naman ang gabi ay umeextra rin ako bilang isang bar waitress sa isang high end bar para sa mga mayayaman.

Inayos ko ang pagkakasalansan ng aking mga gamit sa bag para masigurong hindi magugusot ang mga uniporme ko na inilagay roon. Lumabas akong muli sa aking kuwarto para bumalik sa kusina. Dahil nakaayos na ang lamesa, umupo na ako roon at nagsimulang sumandok ng makakain.

Napahinto naman ako sa aking ginagawa nang makita ang aking mga magulang na nakatitig sa akin.

“Bakit po?” tanong ko dahil sa kursiyusidad.

Humugot ng malalim na hininga si Mama bago ito nagsalita.

“Anak, bakit kaya hindi ka nalang bumalik sa trabaho mo sa kumapanya?”

Nabitawan ko ang aking hawak na kutsara at tumingin sa kanilang dalawa.

“Gustuhin ko man, pero alam nating hindi puwede. Ang dami nating ginagastusan buwan-buwan, ‘Ma. Hindi naman sasapat yung sahod ko sa pagpasok sa opisina para doon. Sa tuition palang ng kambal, ubos na ang sahod ko eh. Tapos ang mga gastusin pa rito sa bahay.”

Napatingin ako kay Papa nang hawakan niya ang kamay ko.

“Kaya nga ‘di ba, ilang ulit na namin sinasabi ng Mama mo na tutulong kami sa gastos. Pero lagi ka namang tumatanggi sa amin.”

Tumingin ako kay Papa at tipid na ngumiti.

“Hindi naman na ho kailangan. Yung kinikita niyo sa pagtitinda ng isda sa palengke, ipambili niyo nalang ho ng gamot niyo, Pa. Mas kailangan niyo iyon. Kaya ko pa naman po ang trabaho ko. Malakas kaya ako. Manang-mana sa inyong dalawa.” saad ko saka ngumisi.

Sabay silang bumuntong-hininga. Nagkunwari na lamang akong hindi iyon narinig. Ipinagpatuloy ko na ang aking pagkain. Kailangan ko ring magmadali, dahil pagkatapos ng kambal, ako naman ang susunod na maliligo.

Ikalawang linggo ko palang sa pagtatrabaho sa kumpanya bilang janitress kaya hindi ako puwedeng ma-late. Mahirap na baka matanggal pa ako roon. Ang laki pa naman ng pasahod doon.

Pagkapasok ng kambal sa kusina ay agad akong lumabas para magtungo na sa banyo. I took a quick bath at saka nagmadali na rin sa pagbibihis. Simpleng t-shirt, pantalon, rubber shoes at sumbrerong kulay itim lang ang usual outfit ko. Para sa akin kasi, mas madali akong makakakilos kapag kumportable ako sa suot ko.

“Baon niyo.” saad ko sa kambal sabay lapag ng pera sa lamesa.

“Ate ah, pumunta ka sa school mamayang 3 pm.”

Tumango na lamang ako sa mga kapatid ko kahit ang totoo ay hindi ko pa iyon sigurado. Kailangan ko pa kasing magpaalam sa Chief namin sa coffee shop. Nakadepende pa rin dito kung makakapunta ako o hindi. Inayos ko pa ang pagkakatali ng sintas ng sapatos ko bago muling bumaling sa mga magulang ko.

“Alis na ako ‘Ma, ‘Pa.”

Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sasabihin dahil tumutunog na ang cellphone ko. Habang tumatakbo ako palabas ng bahay ay sinagot ko na ito.

“Felize!” bungad ko sa kausap.

“Ano na ‘te? Kanina pa ako nabubulok kahihintay sa’yo rito sa kanto. Bilisan mo naman, baka mahuli tayo niyan.” reklamo nito sa kabilang linya.

“Sorry na, ito na nga oh, tumatakbo na ako. Wait mo ako ha.”

Pinatay ko agad ang tawag at mabilis na inilagay sa bulsa ng aking pantalon ang phone ko. Hinigpitan ko rin ang strap ng suot kong backpack bago tumakbo nang mabilis. Pagdating ko sa kanto ay nakasimangot na ang kaibigan ko na kasa-kasama ko sa mga raket ko. Kasama nito ang kapatid nitong nagtatrabaho rin sa kumpanyang pinasapukan namin bilang isang professional employee.

“Felize, William, good morning.” bati ko sa kanila.

Napakapit pa ako sa aking tuhod dahil sa labis na pagkahingal.

“Ikaw ha, kapag tayo na-late sa trabaho natin, sasamain ka sa akin.”

Napanguso naman ako sa kaniya.

“Minsan lang eh.”

Pinagtaasan niya ako ng kilay saka nauna nang naglakad. Sumabay naman sa akin ang kaniyang nakatatandang kapatid na si William. Naging kaklase ko iyon sa isa sa mga subjects noong college pa kami sa UP. Akala ko ay kaedad ko lang ito, pero mas matanda pala siya sa amin ng isang taon. Kung si Felize ay labis ang pagiging masungit, ito namang kapatid niya ay ubod ng bait. Pati yata mga aso sa mga kalye ay binibigyan nito ng pagkain sa sobrang bait nito.

“Pagpasensiyahan mo na iyang kapatid ko ha. May dalaw yata kaya mainit ang ulo.”

Tumawa ako sa sinabi ni William.

“Araw-araw namang mainit ang ulo ng babaeng iyan. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, kilalang-kilala ko na ‘yan.” saad ko saka tinapik siya sa balikat.

Mabilis akong naglakad para habulin si Felize. Ilang beses ko pa itong kinulit sa biyahe para lang pansinin ako nito. Pagbaba namin sa jeep ay muli ko siyang hinabol. Nang maalalang may chocolate bar ako sa bag ay agad ko itong kinuha. Kinalabit ko naman siya dahilan para huminto siya sa paglalakad at kunot-noong bumaling sa kaniya.

“Psst, ganda. Bati na tayo please.” pagkasabi ko noon ay agad kong inilahad sa kaniya nag chocolate bar at matamis na ngumiti.

Humugot siya ng malalim na hininga at saka kinuha ang chocolate sa kamay ko.

“Huwag mo nang uulitin. Naku sinasabi ko sa’yo, kapag tayo napatalsik sa trabahong ito, matitiris kita.”

“Yes, Ma’am.” sabi ko sa umayos nang tayo at sumaludo pa sa kaniya.

Naiiling na muli siyang humarap sa daan. Nakita ko si William sa isang tabi na nakangiti. Nagkibit-balikat ako sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa. Patakbo akong sumunod kay Felize para mahabol ito.

Pagkarating namin sa quarter ng mga janitress ay agad kaming nagpalit ng uniporme. Habang nag-aayos kami ng aming mga sarili ay biglang pumasok ang dalawang janitress na naka-assign sa fourth at fifth floor.

“Grabe, totoo pala yung sabi-sabi na ang guwapo ng anak ng may-ari nitong kumpanyang pinapasukan natin.”

Tahimik kong inayos ang pagkakasuot ng ID ko para mapakinggan ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Kinalabit ko pa si Felize at sinenyasang tumahimik ito. Nang lumapit sa amin ang dalawang janitress ay agad nitong tinapik ang balikat ko.

“Leah, ikaw diba ang naka-assign sa sixth floor? Ikaw rin ang naglilinis ng opisina ni Boss diba?”

Ngumiti ako sa mga ito at marahang tumango.

“Bakit, Ate Jill?” tanong ko sa babaeng kumakausap sa akin.

“Naku ang suwerte mo. Bali-balita pa noong nakaraang linggo ang pagdating ng kaniyang anak na lalaki. Iyong panganay ni Boss na nag-aral ng master’s degree nito sa London. Naku, nakita ko kanina kaso side view lang. Pero grabe, side profile palang, ang guwapo na, paano pa kaya kung kabuuang mukha na.”

Napangiwi ako nang makita ang ekspresyon nito na para bang labis na kinikilig.

“Oh ate, tubig oh. Mukhang uhaw lang ‘yang nararamdaman mo.” saad ni Felize.

Mahina akong natawa.

“Huwag kayong nagkukuwento kay Leah ng ganiyan, alam niyo namang kahit gaano pa kaguwapo ang isang lalaki, hindi bumibigay itong best friend ko. Manhid na ‘to.”

Inis na pinalo ko si Felize sa braso dahil sa sinabi niya.

“Malay mo diba, si Sir Leander na iyong makakapagpabago sa kaniya.”

Mas lalo akong napangiwi sa sinabi ni Ate Jill. Naiiling na lang na lumabas ako ng quarter habang bitbit ang mop at timba na lalagyan ng tubig.

“Bakit ba naman kasi ang hilig ng mga tao sa pogi?” walang ganang tanong ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa elevator.

“Ewan ko ba, bakit nga kaya?”

Awtomatikong kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na tumapat sa tabi ko. Nakasuot ito ng sunglasses na kulay itim at may bitbit na kape sa kaliwang kamay nito. Base sa hitsura ng suot nito ay mayaman ito.

Nang alisin nito ang salamin na suot nito ay pakiramdam ko huminto sandali ang pagtibok ng puso ko.

“Hi, I’m Levi. Levi Estrada.”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Yugen Gimao Israel
weiii dako imo
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahahah ...... tumigil Mundo mo hahaha Ayan pogi yan si levy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status