Celestine POV: Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Hindi ko alam kung anong oras na, pero tahimik ang buong silid maliban sa mahinang tunog ng aircon. Dumeretso ang paningin ko sa kabilang kama—doon si Marco, naka-lupaypay, halos nakabuka pa ang bibig sa sobrang pagod. Halos mahulog na nga siya sa gilid ng kama kung hindi lang sa kumot na nakabalot sa kanya.At least tahimik siya ngayon, bulong ko sa sarili. Kung gising si Marco, siguradong may kung anu-ano na naman siyang report o katanungan.Pero isang bagay ang nakatawag ng pansin ko—ang pinto ng veranda, bahagyang nakabukas. Pumapasok ang malamig na hangin, sinasayaw ang kurtina. Sa sahig, anino ng isang matipunong lalaki ang bumabakat, kita mula sa ilaw ng buwan na tumatama sa glass door.Napakunot-noo ako.Hinawi ko ang kumot, tumayo ng dahan-dahan para hindi magising si Marco, at naglakad papunta sa veranda. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng malamig na hangin, at doon ko nakita si Dante—nakatalikod, nakatayo sa g
The airport was buzzing with people—luggages rolling, kids crying, flight announcements echoing. In the middle of it all, Celestine walked like a queen. Shades on, high heels clicking against the marble floor, blazer perfectly pressed. Sa likod niya, dalawang lalaki: si Dante, naka-black suit na parang walking wall, at si Marco, hawak lahat ng dokumento at dalawang luggage na obvious na hindi kanya.“Marco, bakit ang bagal mo?” Celestine snapped, hindi man lang lumilingon.“Ma’am, dalawa po ‘to! Mabibigat pa!” hingal na reklamo ni Marco.Celestine stopped walking, turned slightly, and raised a brow. “Did I hire you to complain or to follow?”Marco straightened up agad, pilit na ngumiti. “To follow po, ma’am!”“Good. Then follow.”Dante just smirked quietly sa gilid. Kahit hindi siya nagsasalita, halata sa mga mata niya na natatawa siya sa alagain nilang si Marco.Inside the plane, Celestine made sure na siya lang ang nasa window seat. Of course, katabi niya si Dante. Marco? Nasa kabil
Sa mga susunod na araw, hindi ako mapalagay. Hindi ko rin alam kung bakit. Parang may mabigat na laging nakadikit sa dibdib ko tuwing nakikita ko si Dante. He’s always there — tahimik, nakabantay, tapat sa tungkulin niya bilang bodyguard ko. Pero ang problema, ako mismo ang hindi na tumatahimik sa loob.Bakit ba kasi ganito? Dapat malinaw. Dapat simple lang. Ako si Celestine — may pangalan, may posisyon, may mundong hindi basta-basta puwedeng lapitan ng kahit sino. Siya naman, isang bodyguard lang. Pero tuwing napapansin ko yung mga simpleng kilos niya — kung paano niya binubuksan ang pinto bago pa ako makalapit, kung paano niya tinitiyak na maayos ang mesa bago ako umupo, o kung paano niya tinatakpan ang gilid ko kapag maraming tao — parang… parang hindi na lang basta trabaho iyon para sa akin.At iyon ang kinatatakutan ko.Minsan, kapag hindi siya nakatingin, I allow myself to stare. Habang nakatalikod siya, habang nag-aayos ng kotse, habang nagsasalita sa cellphone. Hindi siya mala
Mabilis akong naglalakad sa hallway ng hotel. Galing ako sa linen room dala-dala ang listahan ng kulang na bed sheet at pillowcases na kailangan kong i-check bago dumating ang mga bagong guest. Normal lang ang araw, trabaho lang, routine lang. Pero sa hindi inaasahan, bigla kong nakasalubong si Ma’am Celestine.Para akong nabigla at natigilan. Kahit simpleng sulyap niya, ramdam ko agad ang presensya niya. Nakasuot siya ng eleganteng silk robe na parang ang dali niyang lapitan pero sabay nakakatakot din. May aura siyang parang lahat ng tao sa paligid ay dapat sumunod sa kung ano ang gusto niya.“Liza,” tawag niya agad, may lambing pero may diin, habang nakatitig sa akin.“Kamusta ka? Kamusta ang trabaho mo dito?”Bahagya akong ngumiti kahit ramdam ko ang kaba. “Okay lang naman po, Ma’am. Medyo busy lang kasi kailangan na yung linens bago dumating ang guests mamaya.”Tumango siya, pero halata ko sa mata niya na hindi iyon lang ang gusto niyang itanong. Kaya minabuti kong magpatuloy ng l
Liza’s POVMabilis ang bawat hakbang ko palabas ng bahay nila Dante. Para bang bawat yapak, may kasamang bigat na humihila pababa sa puso ko. Hindi ko na napigilang umiyak—sa tagal ng pinipigilan ko ang damdamin kong ito, ngayon lang siya sumabog.Kaibigan lang.Paulit-ulit yung salitang iyon na parang martilyong dumadagundong sa utak ko. Dalawampung taon… dalawang dekada akong nasa tabi niya. Bata pa lang kami, ako na yung sandalan niya. Ako yung unang tinatakbuhan niya kapag may problema. Ako yung nag-aalaga sa Mama niya kapag wala siya.At ngayon? Kaibigan lang.Napahinto ako sa madilim na kalsada, pinunasan ang luha ko pero lalo lang silang dumami. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko, kailangan kong lumayo. Dahil kung mananatili ako roon, baka masabi ko ang mga salitang ikasisira naming dalawa.NarrationNatanaw ni Dante mula sa pintuan ang mabilis na paglayo ni Liza. Gusto niyang habulin ito, pero tila may humaharang sa kanyang mga paa. Parang ang bigat ng bawa
“Ma, nandito na po ako,” bungad ko habang nakatanaw sa kama kung saan nakahiga si Mama. Ngunit umiling lang siya, mahina at tila pagod. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama, marahan kong hinawakan ang kamay niya. “Ma, pasensiya ka na ha… hindi kita nabisita tulad ng ipinangako ko sayo. Pero may sorpresa ako.” Ngumiti ako, at masaya kong ipinakita sa kanya ang hawak kong kwintas. “Charan! Ayan na, Ma. Pinaayos ko na yung naputol mong kwintas, tulad ng sinabi ko noon. Ito yung kwintas na bigay ni Papa bago siya… bago siya sumakabilang-buhay.” Marahan kong inilagay sa palad niya ang kwintas. Napansin ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Mama—luha ng saya. “Pero anak… hindi ko na ‘to kailangan.” Marahan niyang iniabot ang kamay ko at ipinatong ang kwintas pabalik sa palad ko. “Gamitin mo na lang ‘yan. I-regalo mo sa babaeng papakasalan mo.” Nakangiting wika ni Mama, bakas ang tuwa sa kanyang labi. “Pero, Ma…” Umiling ako. “Wala pa sa isip ko ang mag-asawa. Sapat na sa