Home / Romance / Price of Desire / Ang pagnanasang muntik ng matuloy

Share

Ang pagnanasang muntik ng matuloy

Author: Osh shinkai
last update Last Updated: 2025-08-23 15:11:35

“Magpapakalasing ako ngayong gabi,” sabi niya habang nakahilata sa kama, naka-dapa, nakataas ang isang binti, nakasuot pa ng pulang high heels.

Bitbit ko pa ang mabibigat na paper bags na puno ng alak, kaya napailing ako. “Mauubos mo ba lahat ’to, ma’am?” tanong ko, medyo nagtataka.

“Syempre naman,” sagot niya na may kumpiyansa, halos mayabang pa. “Ano ako, weak?”

Isa-isa kong inilapag ang mga bote sa center table ng kwarto niya. Sinalinan ko agad ang wine glass niya, at tinanaw ko siyang nakahiga roon, para bang walang pakialam sa mundo.

Dahan-dahan siyang tumayo, naglakad papalapit sa likuran ko. Ramdam ko ang malambot niyang palad nang dumapo iyon sa balikat ko. “How about you come with me? Let’s enjoy this, Dante. Let’s get drunk together.”

Umiling ako, mabilis na tumanggi. “Hindi puwede, ma’am. Oras pa ng trabaho ko. Bantay mo ako, hindi inom-buddy.”

Ngumisi siya, pero hindi na ako pinilit. Habang lumilipas ang mga oras, nakita kong unti-unti siyang nalulunod sa alak. Ang strap ng silk dress niya nakalaylay na sa balikat, halos lumalabas na ang bra. Gulo-gulo ang buhok, pulang-pula ang pisngi.

Habang pinagmamasdan ko siya, may kung anong biglang pumasok sa isip ko: Ganito pala siya. Si Celestine. Babae na may lahat—pera, ganda, kapangyarihan—pero bakas sa mata niya ang lungkot. Parang may nawawalang piraso. Parang puzzle na hindi pa buo.

“Dante…” Mahina niyang sambit, nakadapa na siya ngayon sa mesa, nakayuko, hawak pa ang baso. “Pa… salin pa…”

“Pero ma’am… hindi na yata kaya ng katawan mo.” Malumanay kong tugon.

“I want more, Dante. Please…” pagpupumilit niya, halos nagmamakaawa.

Hinayaan ko siyang magpumilit pero hindi ko siya sinunod. “Hindi na puwede. Sobra na.”

Bigla siyang bumangon, galit na galit. “Dante! Hindi mo ba naririnig? Sabi ko bigyan mo ako!”

Tahimik lang ako, nakatayo, kunwari walang narinig. Pero siya, pasuray-suray na lumapit, kinuha ang isa pang bote sa mesa, inangat iyon, at diretsong naglakad papunta sa akin. Natumba siya bigla, bumagsak sa dibdib ko.

Tumapon ang alak sa white long sleeves ko, tumagos pa hanggang sa Americana.

“I said you’re not following me,” bulong niya, nanginginig ang tinig. “I said I want more…” At sabay tungga ng bote, halos mabuhos na sa katawan niya ang alak.

Mabilis kong inagaw ang bote. Pero nagpumilit siyang agawin ulit. Nagkapuwersahan kami, hanggang sa parehong natumba sa couch.

Ako’y nakahiga, siya’y nakapatong sa dibdib ko. Ramdam ko ang bigat at init ng katawan niya sa ibabaw ko.

Hindi ako lasing, pero bakit ganito? Bakit parang biglang uminit ang buong katawan ko?

“Dante…” bulong niya, nanginginig, parang malapit nang umiyak.

Hinayaan ko lang siya roon, nakapatong sa akin.

“Dante… bakit ganun? Ginagawa ko naman lahat para mapasaya sila. Pero bakit… bakit kulang pa rin?” Ang boses niya’y basag, puno ng sakit.

Para bang kusang gumalaw ang kamay ko, marahan kong tinapik-tapik ang likod niya. Parang sinasabi ng haplos ko, Sige lang, ilabas mo. Nandito ako.

Hanggang sa mapansin kong hindi na siya gumagalaw. Tulog na siya.

Maingat kong iniangat ang katawan niya mula sa ibabaw ko, inakay siya, buhat-buhat, papunta sa kama. Inilagay ko ang braso niya sa leeg ko, saka ko siya inihiga nang dahan-dahan.

Pero bago ko pa siya mailapag, bigla niyang hinila ang leeg ko. Bumagsak ako sa ibabaw niya, nagkatama ang mga mata namin.

Namumula ang mga mata niya, may bakas ng luha. Pero iba ang apoy na nasa loob. Mga matang malungkot pero sabik.

“Dante… stay. Please… I need you tonight. Please…”

Napatitig ako sa kanya. Sa lambing ng tinig niya, sa higpit ng hawak niya sa leeg ko, sa init ng hininga niya.

“Sige…” bulong ko.

Inayos ko ang higa niya. Inalis ko ang red heels sa paa niya. Tapos umikot ako, humiga sa kabilang side ng kama.

Pero nang tumagilid ako, nakita ko ang liwanag ng lampshade na kumikislap sa maputi niyang balat. Yung mapupulang labi niya. Ang kurba ng katawan niyang nakahiga sa tabi ko.

Hindi mapakali ang katawan ko. Para bang may humahaplos sa utak ko, nagtutulak sa akin. Tumitigas na ang dapat tumigas, at pilit kong nilalabanan.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, bumaba ang tingin ko sa dibdib niya, sa legs na nakalantad dahil nakalaylay ang laylayan ng silk dress niya. Perpekto.

Napapailing ako. Nasa’yo na ang lahat, pero bakit parang may kulang pa rin?

“Dante…” ungol niya, pabulong. “Dito ka lang…”

Parang nanunukso ang boses niya. Napalunok ako. Mabilis kong kinuha ang kumot, itinakip sa katawan niya. Inayos ko pa ang gulo ng buhok niya, saka humiga, nakatalikod, para hindi na ako matukso.

Alam kong mali. Lasing siya. Hindi puwedeng samantalahin.

Pero sa gitna ng mahimbing na tulog, naalimpungatan ako. May mga malalakas na katok sa pinto. Sunod-sunod, halos mabasag na ang kahoy.

Agad akong bumangon. Napansin kong wala akong suot na pang-itaas. Nasa sahig ang long sleeves ko. May suot pa akong pantalon, salamat sa Diyos.

Dinampot ko ang damit, mabilis na sinuot, at binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin si Marco—galit na galit. “Bakit ang tagal mong magbukas? At anong ginagawa mo sa kwarto ni Celestine?!”

Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Pumasok agad, sinadya pa akong banggain. “Celes! Celestine!” tawag niya, nambubulabog.

Si Celestine naman, bagong gising, humihikab, nag-uunat. “Hi Marco. Good morning…”

“Celes! May breakfast kayo ng ate mo. Late ka na!” galit na saad ni Marco.

“Hayaan mo siya…” sagot ni Celestine, tamad ang tono.

“Ano ’to?!” sigaw ni Marco. “Wag mong sabihing nag-inuman kayo at natulog kayo dito?!”

Napatigil ako. Hindi ako makasagot. Pero totoo naman.

“Sumagot ka!” sigaw ni Marco sa akin.

Bigla si Celestine, malumanay pero may diin: “Oo. Tabi kaming natulog. May problema ba?”

Napatigil si Marco, hindi alam ang isasagot. “A… aantayin kita sa baba,” saka galit na bumaling sa akin, bumulong: “Hindi pa tayo tapos.” At binangga ulit ang balikat ko.

Pagkaalis niya, napabuntong-hininga si Celestine. “Ano bang problema ng taong ’yon? Ang init ng ulo.”

Lumingon siya sa akin, nakatitig. “Dante…”

Tumayo ako, inayos ang sarili. “Sige, ma’am. Aalis na po ako.”

“Ha? Saan ka pupunta?” tanong niya, halatang nagtataka. Bigla siyang lumapit, hinawakan ang kamay ko. “Aalis ka na ba? Wag, please… Dante, please.”

“Day off ko po ngayon. Bibisitahin ko nanay ko. Dalawang linggo na mula nang huli kaming magkita.” Paliwanag ko habang sinusuot ang sapatos.

“Ah…” bulong niya, at marahang binitiwan ang kamay ko.

Bago pa maging awkward ang eksena, biglang tumunog ang cellphone niya. Sagot agad siya.

“Hoy! Ang lakas ng loob mong paghintayin kami dito!” malakas na boses ng isang babae sa kabilang linya.

Agad akong napahinto. Kilala ko ang tinig na iyon. Boses ng babaeng pumunta kahapon sa opisina ni Celestine.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Price of Desire    Kabanata 22

    The moment they mentioned the word meeting, alam ko na. Trap ito. Classic Brohilda move. Ang madrasta kong walang ginawa kundi gawing telenovela ang buhay ko.Kinabukasan, pinapunta ako sa main boardroom ng hotel. Isa ito sa pinaka-malaki at pinaka-maayos na conference halls sa buong building—mahahabang mesa, leather swivel chairs, at floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng buong city. Dapat professional at classy ang vibe, pero ngayon? Ang atmosphere? Parang arena.Naroon na lahat. Mga board members, investors, advisers—lahat nakaporma, lahat nakatingin sa akin. And of course, front row seat sa drama: si Brohilda, kasama ang dalawang stepsisters kong si Clarisse at Margaux.They looked too pleased. Alam kong may balak.Pumasok ako, chin up, shoulders back. Pinili kong maging graceful. Hindi ko ibibigay sa kanila ang kasiyahan na makita akong kinakabahan.Sumunod si Dante, syempre. Tahimik lang, nakatayo sa gilid, parang bantay na handang sumalo kung sakali. Nasa kabilang side nama

  • Price of Desire    Kabanata 21

    Celestine's POV. The night before had been chaos, pero ngayong umaga, I decided to act like nothing happened. Chill lang, Celestine style. Naka-upo ako sa swivel chair sa opisina ko, nasa pinakamataas na floor ng hotel. Ang sarap ng view—city skyline, malayo sa lahat ng ingay at reklamo sa baba. Habang ang buong mundo abala sa drama, ako naman naka-cross legs, naka-recline, at may hawak na wine glass. Yes, wine sa umaga. Judge me all you want, pero kapag ikaw ang Celestine Navaros, you drink whenever you want. Si Dante? Of course, nandoon lang siya sa gilid ng pinto, parang poste na hindi napapagod. Tahimik. Palaging alerto. Minsan naiisip ko, baka robot siya. Bihira lang magsalita, pero kapag nagsalita, laging diretso sa punto. Hindi katulad ni Marco—oh my God, si Marco. Kasalukuyan siyang parang ipis na paikot-ikot sa hallway, abala sa pakikipag-meeting sa board members and investors. Ako? Ayoko talagang sumali sa gulo nila. Ano ako, babysitter? Hindi ko trabaho makipagbardagula

  • Price of Desire    Kabanata 20

    Celestine’s POV The press conference room smelled like coffee, sweat, and desperation. Hindi ko alam kung alin sa tatlo ang mas matapang, pero sigurado akong ako yung dahilan kung bakit lahat sila nakatitig ngayon, hawak ang kani-kanilang camera, mic, at recorder na parang mga espada na nakatutok sa leeg ko. Ako si Celestine Navarro, the so-called “Heiress of Chaos,” kung pagbabasehan ang mga headline kagabi. Kung sino man ang nag-coin ng nickname na ‘yon, sana masagasaan ng service van ng hotel ko. Pero here I am—naka power suit, naka heels, at nakaupo sa gitna ng mesa na may nakapatong na mic. Sa gilid ko si Marco, halatang pawis na pawis kahit naka-aircon, hawak ang papel na punong-puno ng notes na wala namang sense kasi alam kong hindi ko rin susundin. Sa kabilang gilid, si Dante—nakaupo lang, tahimik, parang pader. Walang reaction, walang salita, pero ramdam kong andiyan siya. “Miss Navarro,” unang tanong ng reporter sa unahan. “How do you respond to the allegations that you

  • Price of Desire    Kabanata 19

    POV: Dante Tahimik ang suite. Tanging boses lang ni ma’am Celestine ang pumupunit sa hangin. Ramdam ko yung tensyon sa balikat niya, parang bawat hinga niya puno ng galit at kaba. “DO SOMETHING!” halos pasigaw ulit niyang saad. Nagkatinginan kami ni Marco. Ako, steady lang, hawak pa yung tasa ng kape. Si Marco, nanginginig yung kamay habang hawak yung phone niya, parang anytime malalaglag. “Ma’am,” maingat kong sabi, “we need to calm down first. Kung totoo lahat ‘to, hindi natin ‘to maaayos sa sigaw. Kailangan ng plano.” “PLAN?!” halos manginig yung boses niya. “Wala na tayong oras para sa plano, Dante! My name is being dragged into the mud right now!” Marco, na kanina pa tahimik, biglang sumabat. “Well, technically, hindi pangalan mo ang nasa headlines kundi yung Navaros Hotel. Pero… since ikaw yung nagma-manage, yes, affected ka rin—” Hindi na niya natapos. Tinapon ni ma’am yung unan ulit sa mukha niya. PLOK! “Ako ba tinuturo mo?!” gigil niyang tanong. “A-ayos lang, ma’am

  • Price of Desire    kabanata 18

    POV: Dante Maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat ng husto ang araw pero ramdam ko na yung lamig na pumapasok mula sa aircon ng hotel suite. Tahimik ang paligid—’yung klase ng katahimikan na parang ayaw mong sirain. Kaya imbes na bumalik sa higaan, naglakad ako papunta sa maliit na pantry ng suite para magtimpla ng kape. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa. Kahit off-duty dapat, parang may built-in alarm sa katawan ko na nagsasabing “gumalaw ka, magbantay ka.” Binuksan ko yung coffee maker, nilagyan ng tubig, tapos sinaksak. Habang hinihintay kong kumulo, sumandal ako sa counter at humigop muna ng hangin. Tahimik. Peaceful. Hanggang biglang— TRRRIIINGGGG! Napapitlag ako. Napatingin agad ako sa paligid. Yung cellphone ni ma’am Celestine pala, nakapatong lang sa mesa sa tabi ng kama niya. Bago pa ako makalapit, tumahimik. Pero ilang segundo lang, sumunod naman yung phone ni Marco. Ang ingay. Paulit-ulit. Parang may tugtugan silang dalawa, salitan ng ringtone. Napailing a

  • Price of Desire    Kabanata 17

    POV: DanteHindi ako makatulog.Nakatalikod ako sa kanila habang nakahiga sa sofa, gamit lang ang coat ko bilang kumot. Ramdam ko pa rin sa balat ko yung init ng kamay ni Celestine nang hilahin niya ako kanina, pati yung bigat ng katawan niya nang natumba kami sa kama.“Put—” Napahawak ako sa sentido ko. Ano ba ‘tong pinapasok ko?Bodyguard ako. BODYGUARD.Hindi boyfriend, hindi manliligaw, hindi kahit sino na pwedeng basta na lang patulan si ma’am. Pero siya? Parang wala lang, parang trip lang sa kanya na gawing biro yung ganong klaseng sitwasyon.Virgin pa raw ako? Napapikit ako ng mariin. Bakit ba kasi kailangan niya pang itanong ‘yon?Naririnig ko ang mahinang paghilik ni Marco sa kabilang kama. Kung alam lang ng mokong na halos mamatay na ako sa kaba kanina nang umungol siya. Akala ko gigising siya, tapos mahuhuli niya kaming—Napahilot ako sa batok ko. Hindi ko na tinuloy ang isipin.“Kalma lang, Dante. Kalma lang.” Bulong ko sa sarili.Pero bawat pag-ikot ko dito sa sofa, mukha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status