Home / Romance / Price of Desire / Ang hindi inaasahang pana-uhin

Share

Ang hindi inaasahang pana-uhin

Author: Osh shinkai
last update Last Updated: 2025-08-18 14:20:50

“Business trip tayo. Abroad. Hong Kong,” casual na sambit ni Celestine habang nag-aayos siya ng mga papeles sa mesa. Para lang siyang nag-request ng kape—pero ang sinabi niya, ibang level.

Napakunot ang noo ko.

“Wala pa akong passport,” sagot ko diretso, parang binuhusan ng malamig na tubig ang plano niya.

Sandaling natahimik si Celestine, pero agad ding bumawi. Tumawa siya nang mahina, halos pabulong, na parang nakahanap ng laruan.

“No problem. Marco, samahan mo si Dante kumuha ng passport.”

Mula sa gilid, naramdaman ko ang matalim na tingin ni Marco Cinco Reyes, ang assistant na parang laging bantay-sarado kay Celestine. Wala siyang reklamo, pero ramdam kong pinipigilan niyang mag-react. Hindi halata, pero parang may selos sa mga mata niya.

Hindi madali ang proseso. Ang daming papeles, pila, at requirements. Ramdam ko ang inis ni Marco habang sinasamahan ako. Parang ayaw niyang kasama ko siya, parang mas gusto niyang wala ako sa paligid ni Celestine.

“Dapat kasi prepared ka. Ang daming hassle tuloy,” singhal niya habang naglalakad kami papunta sa opisina ng DFA.

Hindi ako kumibo. Hindi ako sanay makipagsagutan lalo na sa taong alam kong mas mataas ang tingin sa sarili. Delivery man lang ako noon. Hindi ko na kailangan ng paligsahan ng ego.

Pero dumating ang solusyon—at gaya ng inaasahan, pera.

“Ayaw kong maghintay,” sabi ni Celestine nang marinig niya ang tungkol sa processing time.

“Marco, bayaran mo na lang. Gusto ko bukas, hawak na ni Dante ‘yan.”

Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—yung bilis ng utos niya, o yung laki ng halagang nilabas ni Marco para bilhin ang proseso. Sa isang kisapmata, parang wala nang imposible.

Ganito pala ang mundo kapag may pera. Ang lahat, kayang madaliin. Ang lahat, kayang bilhin.

Napailing ako nang palihim. Pero sa loob-loob ko, may parte ring humanga.

Ilang araw bago ang alis, nasa opisina kami ni Celestine. Laging ganoon—siya, laging dikit, laging hanap ng pagkakataong lumapit. Para siyang linta. Magaan ang kilos, mapang-akit ang bawat galaw.

“Dante…” malambing ang boses niya, halos dumudulas sa pandinig.

Kumapit siya sa braso ko, halos idikit ang katawan niya. Ang halimuyak ng mamahaling pabango niya, ramdam ko sa balat ko.

Pero nanatili akong matigas. Wala akong ibang inisip kundi ang tungkulin ko. Bodyguard ako. Hindi ako dapat madala.

Napatingin ako sa salamin ng opisina. Nakita ko ang sarili kong parang bato—walang emosyon. Samantalang si Celestine, parang apoy na gustong sumunog sa paligid.

“Bakit parang deadma ka?” nakangiting tanong niya.

“Trabaho lang, ma’am,” malamig kong tugon.

At doon siya muling tumawa. Isang tawa na may halong inis at pananabik. Para bang lalong ginaganahan siyang akitin ako dahil nakikita niyang hindi ako basta-basta nadadala.

Bago pa niya muling masabi ang anuman, biglang bumukas ang pintuan. Malakas. Halos mabasag ang hawakan.

Pareho kaming napalingon.

Isang babae ang pumasok.

Tumigil ang oras sa loob ng opisina.

Hawak ko agad ang baril sa tagiliran ko, handang mag-react kung kinakailangan.

Pero hindi armas ang dala ng babaeng ito—kundi presensiya. Mabigat. Malamig. Para siyang anino na galing sa nakaraan.

Nanlaki ang mata ko. Hindi ko siya kilala, pero ang itsura niya… halos kopya ni Celestine. Magkatulad ang hugis ng mukha, ang tikas ng tindig, ang matalim na mga mata. Pero kung si Celestine ay apoy na nakakaakit, ang babaeng ito ay parang yelo na mangangain ng buhay.

“Celestine…” malamig na sambit ng babae, mababa ang tono.

Napalunok ako. Kahit hindi ko sila kilala nang buo, ramdam kong hindi ito ordinaryong bisita.

Nawala ang ngiti ni Celestine. Ang babaeng laging nakangisi, laging may hawak na kumpiyansa, ngayon ay natigilan.

“A—Ate?” mahina niyang sabi, halos hindi marinig.

At doon ko unang nakita ang kakaibang takot sa mga mata ni Celestine. Hindi takot sa mga assassin, hindi takot sa mga banta sa negosyo… kundi takot sa taong nasa harap niya.

Ako? Tahimik lang akong nakatingin. Pero ang isang bagay lang ang tumatak sa isip ko:

Kung si Celestine ang apoy, itong bagong dumating—siya ang bagyo.

At pakiramdam ko, ako ang nasa gitna ng kanilang dalawang mundo.

Tahimik lang akong naka tayo sa tabi ni celestine ginagampanan ang aking trabaho, hindi maalis yung mata ko sa babae. Mabigat ang presensya niya, oo, pero hindi ako natitinag. Sanay na ‘ko sa tensyon,

Si Marco, halata kong hindi mapakali. Nakakunot ang noo, parang may kinikimkim na inis o takot. Si Celestine naman… kakaiba. Hindi siya galit, hindi rin masaya—pero ramdam ko na parang nabigla siya sa pag dating ng babae.,.

Kallmado lang akong naka tayo. Tahimik, pero alerto.

Kung sino man ang babae, hindi ko siya kilala. Pero malinaw ang naramdaman ko: sa eksenang ito, na may na mumyong tensyon

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Price of Desire    Kabanata 22

    The moment they mentioned the word meeting, alam ko na. Trap ito. Classic Brohilda move. Ang madrasta kong walang ginawa kundi gawing telenovela ang buhay ko.Kinabukasan, pinapunta ako sa main boardroom ng hotel. Isa ito sa pinaka-malaki at pinaka-maayos na conference halls sa buong building—mahahabang mesa, leather swivel chairs, at floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng buong city. Dapat professional at classy ang vibe, pero ngayon? Ang atmosphere? Parang arena.Naroon na lahat. Mga board members, investors, advisers—lahat nakaporma, lahat nakatingin sa akin. And of course, front row seat sa drama: si Brohilda, kasama ang dalawang stepsisters kong si Clarisse at Margaux.They looked too pleased. Alam kong may balak.Pumasok ako, chin up, shoulders back. Pinili kong maging graceful. Hindi ko ibibigay sa kanila ang kasiyahan na makita akong kinakabahan.Sumunod si Dante, syempre. Tahimik lang, nakatayo sa gilid, parang bantay na handang sumalo kung sakali. Nasa kabilang side nama

  • Price of Desire    Kabanata 21

    Celestine's POV. The night before had been chaos, pero ngayong umaga, I decided to act like nothing happened. Chill lang, Celestine style. Naka-upo ako sa swivel chair sa opisina ko, nasa pinakamataas na floor ng hotel. Ang sarap ng view—city skyline, malayo sa lahat ng ingay at reklamo sa baba. Habang ang buong mundo abala sa drama, ako naman naka-cross legs, naka-recline, at may hawak na wine glass. Yes, wine sa umaga. Judge me all you want, pero kapag ikaw ang Celestine Navaros, you drink whenever you want. Si Dante? Of course, nandoon lang siya sa gilid ng pinto, parang poste na hindi napapagod. Tahimik. Palaging alerto. Minsan naiisip ko, baka robot siya. Bihira lang magsalita, pero kapag nagsalita, laging diretso sa punto. Hindi katulad ni Marco—oh my God, si Marco. Kasalukuyan siyang parang ipis na paikot-ikot sa hallway, abala sa pakikipag-meeting sa board members and investors. Ako? Ayoko talagang sumali sa gulo nila. Ano ako, babysitter? Hindi ko trabaho makipagbardagula

  • Price of Desire    Kabanata 20

    Celestine’s POV The press conference room smelled like coffee, sweat, and desperation. Hindi ko alam kung alin sa tatlo ang mas matapang, pero sigurado akong ako yung dahilan kung bakit lahat sila nakatitig ngayon, hawak ang kani-kanilang camera, mic, at recorder na parang mga espada na nakatutok sa leeg ko. Ako si Celestine Navarro, the so-called “Heiress of Chaos,” kung pagbabasehan ang mga headline kagabi. Kung sino man ang nag-coin ng nickname na ‘yon, sana masagasaan ng service van ng hotel ko. Pero here I am—naka power suit, naka heels, at nakaupo sa gitna ng mesa na may nakapatong na mic. Sa gilid ko si Marco, halatang pawis na pawis kahit naka-aircon, hawak ang papel na punong-puno ng notes na wala namang sense kasi alam kong hindi ko rin susundin. Sa kabilang gilid, si Dante—nakaupo lang, tahimik, parang pader. Walang reaction, walang salita, pero ramdam kong andiyan siya. “Miss Navarro,” unang tanong ng reporter sa unahan. “How do you respond to the allegations that you

  • Price of Desire    Kabanata 19

    POV: Dante Tahimik ang suite. Tanging boses lang ni ma’am Celestine ang pumupunit sa hangin. Ramdam ko yung tensyon sa balikat niya, parang bawat hinga niya puno ng galit at kaba. “DO SOMETHING!” halos pasigaw ulit niyang saad. Nagkatinginan kami ni Marco. Ako, steady lang, hawak pa yung tasa ng kape. Si Marco, nanginginig yung kamay habang hawak yung phone niya, parang anytime malalaglag. “Ma’am,” maingat kong sabi, “we need to calm down first. Kung totoo lahat ‘to, hindi natin ‘to maaayos sa sigaw. Kailangan ng plano.” “PLAN?!” halos manginig yung boses niya. “Wala na tayong oras para sa plano, Dante! My name is being dragged into the mud right now!” Marco, na kanina pa tahimik, biglang sumabat. “Well, technically, hindi pangalan mo ang nasa headlines kundi yung Navaros Hotel. Pero… since ikaw yung nagma-manage, yes, affected ka rin—” Hindi na niya natapos. Tinapon ni ma’am yung unan ulit sa mukha niya. PLOK! “Ako ba tinuturo mo?!” gigil niyang tanong. “A-ayos lang, ma’am

  • Price of Desire    kabanata 18

    POV: Dante Maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat ng husto ang araw pero ramdam ko na yung lamig na pumapasok mula sa aircon ng hotel suite. Tahimik ang paligid—’yung klase ng katahimikan na parang ayaw mong sirain. Kaya imbes na bumalik sa higaan, naglakad ako papunta sa maliit na pantry ng suite para magtimpla ng kape. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa. Kahit off-duty dapat, parang may built-in alarm sa katawan ko na nagsasabing “gumalaw ka, magbantay ka.” Binuksan ko yung coffee maker, nilagyan ng tubig, tapos sinaksak. Habang hinihintay kong kumulo, sumandal ako sa counter at humigop muna ng hangin. Tahimik. Peaceful. Hanggang biglang— TRRRIIINGGGG! Napapitlag ako. Napatingin agad ako sa paligid. Yung cellphone ni ma’am Celestine pala, nakapatong lang sa mesa sa tabi ng kama niya. Bago pa ako makalapit, tumahimik. Pero ilang segundo lang, sumunod naman yung phone ni Marco. Ang ingay. Paulit-ulit. Parang may tugtugan silang dalawa, salitan ng ringtone. Napailing a

  • Price of Desire    Kabanata 17

    POV: DanteHindi ako makatulog.Nakatalikod ako sa kanila habang nakahiga sa sofa, gamit lang ang coat ko bilang kumot. Ramdam ko pa rin sa balat ko yung init ng kamay ni Celestine nang hilahin niya ako kanina, pati yung bigat ng katawan niya nang natumba kami sa kama.“Put—” Napahawak ako sa sentido ko. Ano ba ‘tong pinapasok ko?Bodyguard ako. BODYGUARD.Hindi boyfriend, hindi manliligaw, hindi kahit sino na pwedeng basta na lang patulan si ma’am. Pero siya? Parang wala lang, parang trip lang sa kanya na gawing biro yung ganong klaseng sitwasyon.Virgin pa raw ako? Napapikit ako ng mariin. Bakit ba kasi kailangan niya pang itanong ‘yon?Naririnig ko ang mahinang paghilik ni Marco sa kabilang kama. Kung alam lang ng mokong na halos mamatay na ako sa kaba kanina nang umungol siya. Akala ko gigising siya, tapos mahuhuli niya kaming—Napahilot ako sa batok ko. Hindi ko na tinuloy ang isipin.“Kalma lang, Dante. Kalma lang.” Bulong ko sa sarili.Pero bawat pag-ikot ko dito sa sofa, mukha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status