LOGINGRAPESNang makarating kami sa Mansyon ng mga Paloma ay napakalaki nito. Napukaw ng atensyon ko ang isang malaking vineyard. Hitik na hitik ang mga iyon sa bunga at talagang may mga trabahador na pumipitas ng mga fresh grapes. “Now I know why your name is Grapes…” sabi sa akin ni Neil na nakatingin din pala sa vineyard. “Wag mo nga akong asarin…” sabi ko sa kanya. “Hindi kita inaasar, siguro… kaya Grapes ang pangalan mo kasi may vineyard pala ang pamilya niyo.” sabi ni Neil. “Pinaglihi ako ng nanay ko sa ubas kaya Grapes ang pangalan ko. Nung buntis siya sa akin, palagi raw nakain ng ubas ang nanay ko.” “See? Kaya Grapes ang pangalan mo and this vineyard. They’re going to be yours, baby…” nakangiting sabi niya sa akin habang nagmamaneho. Dapat masaya ako. Nahanap ko na ang tunay kong tatay pero hindi ko magawang maging masaya. Naiisip ko si nanay. Naiisip ko kung paano siya nagdusa sa kamay ng tatay ko. Ang nanay ko na piniling umalis kasama ako at iwan ang lahat ng ito kesa mag
GRAPES“Mabuti pa siguro umalis na kayo dito, Mr. Paloma. Hindi ho kayo welcome sa pamamahay namin ni Grapes.” ang mga salita ni Neil ay puno ng paninibugho. Namumuhi siya sa tatay ko. “Sandali, nandito ako para kausapin ang anak ko at para bumawi sa kanya.” “Bumawi? paanong bumawi?”“May sakit ako at… may taning na ang buhay ko. Gusto kong makasama ang anak ko kahit sandaling panahon lang at isa pa… inaayos ko ang last will and testament ko kaya kailangan kong makausap ang anak ko.” “Okay lang, Neil… pakinggan natin siya.” sabi ko kay Neil. Bagama’t ayaw niya ay sumunod siya sa akin at pinatuloy ang tatay ko. Ako mismo ang nag-asikaso sa tatay ko. Umupo kami sa sala nang magkaharap. “Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo, Anak… at hindi ko hinihiling na patawarin mo ako, walang kapatawaran ang ginawa ko.” “Pinagbintangan nila akong pumatay sa kapatid kong si Lianna, nakulong ako, nakalaya ngunit pinagtangkaan akong patayin ng sarili kong tatay at namatay din ang unang anak k
GRAPES Nang gabing iyon ay sumama na ako kay Neil at umuwi kami sa Villa. Ipinagluto niya ako. Hindi ko akalain na ang isang CEO ay kayang matutunang magluto at magsilbi sa isang babaeng katulad ko na mababaw ang lipad. “Kumain ka ng madami para malusog ang baby natin sa loob ng tiyan mo,” sabi niya na ngumiti habang inihahain ang mga pagkain sa lamesa. Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita. Sinimulan kong kumain. “Siya nga pala… anong balak mo ngayon?” “Sa tingin ko, mukhang hindi naman niya ako sasaktan… humihingi siya ng tawad sa akin, diba?” sabi ko kay Neil na tinutukoy ang tunay kong ama na si Conrad. “Hindi mo kilala ang tatay mo, Grapes, tuso si Mr. Paloma at ngayong alam niyang buhay ka sigurado akong hindi siya titigil hanggat hindi ka niya nakakausap at nakakasama.” “Ibigay natin ang gusto niya.” “Ano?” “May mga bagay din akong kailangang klaruhin kay Mr. Paloma.” “Sigurado ka ba dyan?” “Oo, wag kang mag-alala, Neil… mag-iingat naman ako eh.” “Hindi
GRAPES Inilayo ako ni Neil sa nakakatensyon na pangyayaring iyon na para bang iniligtas niya ako. Inalalayan niya akong sumakay sa kotse niya. Inilagay sa akin ang seatbelt at nagsimulang magmaneho. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. “Salamat…” sabi ko sa kanya. “Yung sinabi mo kanina… totoo ba iyon? handa ka ng makipag-usap sa akin at ayusin ang lahat?” “Oo.” “Bakit? bakit biglang nagbago ang isip mo? dahil ba mayaman ako? at na-realize mo na may mahihita ka sa akin?” pilosopong tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin. “Napaka-hambog mo talaga. Gagawin mo na naman ba ulit yung ginagawa mong panghahamak sa akin noon? na para bang isa akong maduming bagay na pinulot mo lang sa putikan?” “Naalala mo na?” “Oo, pero mukhang ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon kaya kakapit ako sayo kahit pa gaano ako ka-galit sayo!” “Gaano na karami ang naaalala mo?” “Si Conrad Paloma, siya, siya ang… nagpapatay sa akin.” “Tama nga ang hinala ko. Masyadong malinis ang
GRAPESSa loob ng sasakyan ay malungkot akong napatingin kay Neil sa may side mirror. Para siyang na-estatwa at hindi makapaniwala habang nakatayo doon. “Mahal mo pa, ano? Yang mga tingin na ganyan… talagang dapat nag-uusap kayo eh…” sabi ni Mr. Velasco na kanina pa pala ako pinagmamasdan. “Pero Grapes, bakit naman ngayon mo lang sinabi sa akin na anak pala ni Neil Alcantara ang batang dinadala mo? Hindi mo ba alam na ang batang yan ay magiging tagapagmana ng milyon-milyong ari-arian ng mga Alcantara?” “Wala po akong pakialam sa yaman ng mga Alcantara, Mr. Velasco.”“Pero isipin mo munang mabuti, Grapes, mas magandang buhay ang maibibigay mo sa anak mo kung magkakabalikan kayo ni Neil at siguradong matutuwa nito si Don Rodolfo kapag nalaman niyang may bago siyang apo.” “Don Rodolfo?”“Si Don Rodolfo ang lolo ni Neil, nag-iisang tagapagmana si Neil, kaya atat na atat ang lolo niya na magkaroon siya ng asawa at mga anak. Naikasal siya noon sa pamilya Paloma, sa unica hija ni Conrad
NEILTWO WEEKS LATER…Sinubukan kong hanapin si Grapes sa kung saan-saan ngunit hindi ko siya mahanap. Doon nagsimulang gumuho ang buhay ko. Nagtanong-tanong na ako. Pinuntahan ko na rin siya sa dati nilang bahay ngunit wala siya doon. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Pinahanap ko siya ulit sa mga tao ko ngunit wala rin silang mahanap. Hanggang sa isang araw– habang tamad na tamad ako na makipag business meeting ay bigla na lang siyang sumulpot. Dalawang linggo ko lang siyang hindi nakita ngunit nag-iba na siya. Hindi ko na siya makilala ngayon. Naka business suit, naka heels at nakapuyod ng maayos ang kanyang buhok. Mukhang ka-galang-galang at… malayong malayo sa Grapes na kilala ko. Nagsimula ang meeting ngunit sa buong panahon ay nakatingin lang ako sa kanya. Napag-alaman ko na isa pala siya sa mga empleyado ni Mr. Velasco. Paano nangyari iyon? Paano siya nakapagtrabaho kay Mr. Velasco? Metikuloso at talagang salang sala ang pagpili ni Mr. Velasco sa kanyang mga employ







