Share

Chapter 01

"Jelai, gising na..." niyugyog ko ang balikat ng kapatid ko at nung nagmulat na siya ng mata ay sinabihan ko na siyang maligo, noong hindi pa siya tumatayo ay kaagad ko siyang sinipa ng mahina, I'm not that bully. Sapat lang iyon para magising siya bago ako tumayo para icheck ang niluluto.

Today is Sunday, and for some, including us, today's family day. Magsisimba kaming mag-anak mamayang alas-siete sa bayan kaya maaga pa lang ay gumigising na kami para simulan ang araw. Lagi namang ganito. Siguro ay nasanay na kami dahil early bird talaga ang mga tao sa lugar namin.

Lumapit sa akin si Jelai ng nakasimangot atsaka tinanong kung nasaan sina Mama at Papa, sinabi ko na namamasada ang mga ito. Nagpumilit kasi si Papa na mamasada ngayong madaling araw hanggang alas sais ng umaga, para dagdag kita at para daw mas mag enjoy kami ngayong araw kaya sinamahan muna siya ni mama.

Kung ako ang tatanungin, kahit na kumain lamang kami ulit ng street food ay masaya na ang araw ko basta magkakasama kami. 

Saktong pagkauwi nina mama ay tapos na kaming mag-ayos ni Jelai, nakahain na din sa hapag ang umagahan. Hindi kami mayaman pero nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. I'm also happy and contented with what we have. It's hard, of course. But having your family behind your back, it feels so nice.

"Kumusta naman po ang pamamasada?" Tanong ko kina mama, nasanay na kami na kapag kumakain ay nagkkwentuhan. Dahil madalas ay busy sila sa trabaho, si papa bilang jeepney driver at si mama bilang tindera sa palengke habang kami naman ni Jelai ay busy din sa pag-aaral.

Kaya tuwing sunday at tuwing kumakain na lamang kami nagkakaroon ng pagkakataon para kumustahin ang isa't-isa. They want us to grow up like this, close sa kanila at close sa isa't isa. Kaya nga parang si Jelai na ang naging bestfriend ko simula noong ipinanganak ito and I'm very blessed because of them. It's nice to have a family like this. Hindi man namin madalas mabili ang mga gusto namin, o hindi man mamahalin ang mga gamit namin our friends somehow envy us because of our bonding.

"Ayos naman. Medyo kakaunti ang pasahero kanina pero noong malapit ng mag alas sais ay dumadami na. Siguro dahil magsisimba din sa bayan ang iba." tumango tango ako atsaka nagpatuloy sa pagkain, maya maya ay si Jelai naman ang nagtanong. Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa matapos sa pagkain. Kami na ni Jelai ang nagligpit para makapag ayos na din sina mama.

Dalawa lang kaming magkapatid pero ayos na sa akin, masaya naman kami kahit papaano pero kung magkakaroon pa ayos lang din naman. Masaya din naman kapag madami. Pero ang alam ko ay gusto nina mama at papa na dalawa lang muna ang anak, gusto sana nila ng isa pa para magkaroon kami ng lalaki sa pamilya pero iniisip nila kung sapat pa ba ang kita para rito kaya napagdesisyonan nila na kami na lang muna. Nakakalungkot pero ganon talaga ang buhay e. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo.

Saktong alas siete na kami nakaalis ng bahay. Pagdating namin ay nag-uumpisa na ang misa pero sakto lang din kami kahit papaano, akala ko kasi ay malelate na kami. Siguro ay late na din silang nagsimula.

"Tara na, akala ko di tayo makakahabol." akala ko din Pa.

As usual, the church had been filled with people. Some were going to pray for real, and some for popularity because they're in politics. That's not good to know but that's a fact. People nowadays will do anything for their own ambitions. That's for rich people, well, sometimes for poor too. Pero bihira lang dahil kapag walang wala ka, ang iisipin mo na lang ay kung paano mo mairaraos ang isang araw.

Matapos ang misa ay nagdecide kami na magpunta sa park para bumili kay Manong Jose, siya yung madalas naming pagbilhan ng street food kada linggo. He was nice, as well as his family. Kada linggo kasi gaya namin ay nagsisimba ang kanilang pamilya. May dalawa itong kambal na anak, Andrei and Andrea. Maganda si Aling Maria, at di naman papatalo si Mang Jose syempre. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maganda at gwapo ang kambal.

"Magandang araw po!" sabay naming bati ni Jelai. They were like a friend to our family. Bumati naman sila pabalik, mukhang kagagaling lang din nila sa loob ng simbahan.

"Jeffrey, Laila!" bati ni aling Maria kina mama.

"Ang gaganda talaga ng mga batang ito," bati naman nito sa amin.

"Humble lang po dapat tayo, Aling Maria! Baka madiscover tayo kaagad kapag pinagkalat natin!" tumawa naman sila sa sinabi ko.

"Hay nako, e kanino pa ba naman magmamana ang mga bata kundi sa akin diba."

"Aba naman Mr. Castañedo! Baka nakakalimutan mong mas kamukha ko sila?" tumaas ang kilay ni mama.

"Ang sabi nila, kung sino ang mas nag enjoy, siya ang kamukha ng bunga. Ibig sabihin ba non ay mas nag enjoy ka sa atin?" tumaas baba pa ang kilay ni papa na ikinapula naman ng mukha ni mama.

Tumawa ang mag-asawa atsaka pinaghahampas ni mama si papa na tumatawa na din. Nagkatinginan kami ni Jelai atsaka nakangiting umiling atsaka lumapit sa kambal para takpan ang tenga ng mga ito.

"Bakit sila tumatawa ate?"

"At bakit niyo tinatakpan ang tenga namin, ate?"

Tumingin ako sa kambal, they really are adorable! Gusto ko ng anak na gaya nila!

"Maingay kasi ang tawa nila e."

Minsan talaga nandidiri na lang din kami sa landian ng mga magulang namin. Nagpaalam na muna kami na ipapasyal ang mga bata, dumadami na kasi ang bumibili ng paninda nila, dagdag sikip lamang kami doon. Habang tumulong naman sina papa sa kanila.

Isa ito sa ginagawa namin kada linggo. Matapos magsimba ay makikipagkwentuhan kanila Mang Jose at kakain ng street food hanggang alas onse. Pagkatapos non ay kakain ulit kami ng lunch, kapag may budget ay sa fast food pero kapag wala ay sa karinderya. Kung tutuusin mas gusto namin ni Jelai na magkarinderya dahil lutong bahay at masama ang puro fast food sa katawan. Pero ang dahilan nina mama ay minsan lang naman daw, para rin daw makatikim kami nito kaya hinahayaan na lang namin.

"Ate saan tayo pupunta?" tanong ni Andrei na hawak ang kamay ko, sa kabila ay hawak niya ang kambal niya at sa dulo ay si Jelai.

"Hmm, saan niyo ba gustong pumunta?"

"Gusto ni Andrei manood ng basketball nung isang araw ate, kaya lang ay hindi pwede dahil malayo ang court sa amin at wala daw kaming kasama." Sabi naman ni Andrea. Nagkatinginan kami ni Jelai.

"May court banda roon ate, tingnan natin kung may maglalaro." tumango naman ako. Excited na excited ang dalawa kaya habang naglalakad kami ay patalon talon pa ang mga ito. I am never a fan of basketball, I don't hate it too. I watch, yes, when I know someone who will play.

Papalapit na kami sa court at medyo madami dami nga ang tao. Mukhang may laro nga at hindi pa ito nagsisimula. Karamihan sa nandidito ay mukhang nakasabay namin kanina sa simbahan. It's a good thing to watch a game than do anything else after mass and it's also a good thing that they go to church first before here.

"Ate sa harap tayo!" I smiled at the kids. Sobrang natutuwa sila sa nangyayari.

Sinunod namin ang gusto ng mga bata. Mabuti na lang at may space pa roon. Nasa ikalawang palapag kami ng bleachers at magandang pwesto dahil hindi harap na harap, kita din ang mga naglalaro.

The court is not covered. Talagang panlaro lang ng mga teenagers or ng kung sinong mang may gustong maglaro na taga dito. May mga bleachers din at may nakapalibot na maliit na gate. Hindi ganoon kadami ang tao at hindi din ganoon kakonti.

"Jelai, hindi naman fiesta diba?"

"Hindi ate."

"E bakit andaming tao, at bakit may maglalaro?"

"Narinig ko kanina na bigatin daw ang mga maglalaro. Mukhang fangirls ang halos lahat ng nandito maliban sa mga matatandang curious lang din siguro." Napatango tango ako.

Inilibot ko ulit ang paningin ko, halos lahat mga ng nandidito ay babae. Para tuloy may liga dahil may dala pa silang mga banner. Natigil ang mata ko sa mga babaeng nasa harapan namin. Postura, balat at pananamit pa lang ay alam mo ng mayaman ang mga ito at mukhang hindi sila taga rito.

"I'm so excited to see them play! Hindi ko lang talaga alam bakit pa sila pumatol sa mga tagarito at kung bakit sila pumayag na dito maglaro!"

"I know. But of course, as their school mate we should support our varsity players!"

"Agree!"

"Go boys!"

Napakunot noo ako. Wala pa naman yung players pero grabe na sila makasigaw. Ang OA ah. Hmm, varsity players pala. Anong school kaya sila? At sinong mga taga dito ang makakalaban nila? Natigil ako sa pag iisip nung kinalabit ako ni Andrei.

"Ate, nauuhaw na kami. Naiwan namin yung tubig namin kina Nanay."

Tiningnan ko si Andrea, pawis na din ito gaya ni Andrei kaya napagkasunduan namin ni Jelai na ako na ang kukuha ng inumin at siya na ang magbabantay sa dalawa.

Palabas na ako noong nakasalubong ko ang ilan sa players. Maybe the rival team. They are wearing a blue jersey with a dragon as a design. Nakaheadband ang mga ito at masayang nag-uusap. Huminto pa sila sa may gate which is the only way to enter and exit. Hindi ako makakadaan dahil sa sobrang dami nila at may iilan ding babae at lalaki na nakasunod sa kanila. Maybe their friends??

Hindi ko tuloy alam ang gagawin.

"Kuya, mukhang may dadaan. Tumabi nga kayo. Harang harang tayo e hindi pa naman tayo taga rito." Or maybe sister and friends. Napatingin ako sa babaeng nagsalita at ngumiti siya sa akin so I did the same thing. "Sorry miss." she added.

Tumango ako. "Ayos lang, pasensya na din." nakatingin na silang lahat sa akin. As in all of the players pero ni isa ay walang gumalaw. Uh.

"Uhm, excuse me." I said. Tinulak naman sila nung mga kasama nila kaya nakadaan na ako. Diretso ang lakad ko dahil nakakahiya ang interaksyon na nangyari. Noong nakalayo na ako ay napatingin ulit ako sa likod at nakita kong naglalakad na sila papasok.

They are weird. Napailing na lang ako atsaka dumiretso na sa stall nina Aling Maria.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status