Share

Chapter 11

Kaagad kong pinalis ang luha ko noong nilingon ako ng mga kaibigan, nung napagtanto nilang malayo ako sa kanila ay huminto sila para antayin ako. Ngumiti ako nung nakalapit atsaka kami patuloy na naglakad papunta sa sasakyan.

Pagdating kina Ailee ay kaagad kaming kumain ng lunch. Puno ng kwentuhan, asaran at tawanan ang table. Natatawa na din nga sa amin ang mga kasama sa bahay nina Ailee.

"Manang pagpasensyahan niyo na po ah? Di ko din alam bakit ganito mga kaibigan ko eh." ngisi ni Ailee kina manang.

"Syempre tropa ka namin, nahawa kami sayo so..." nagkibit balikat si Yves.

Tahimik namang nakangiti sina manang habang pinapanood kami. Naiiling na din minsan sa sobrang kakulitan. Matapos kumain ay tumulong kami ni Barbs sa pag-aayos ng kusina, samantalang umakyat naman sina Yves sa taas para ihanda ang theater room nina Ailee while Ailee helped their househelp to prepare our food. Noong natapos sa paghuhugas at pag aayos ay tumulong naman ako kina Ailee while Barbs went upstairs to help Yves and Kisses.

"Akyatin mo na Barbs, baka mamaya kung ano ano na ang ginagawa nung dalawa." nagtawanan kami sa usaping yon. Sumunod din naman kami nung natapos. Bitbit ang mga pagkain ay pinagbuksan kami ng pinto ni Ailee.

"Manang dito na lang po. Salamat!"

Nagwrewrestling na iyong tatlo kaya napailing na lamang kami ni Ailee. Para kaming magkakapatid kung magturingan, well, may kapatid iyong tatlo samantalang si Ailee ay only child naman. Kaya madalas ay inaaya kami nito na sa kanila magpunta. Tatlong bahay lang naman ang madalas na pinupuntahan namin noon, ang sa amin, dahil gustong gusto nila ang luto nina mama at papa. Ang kina Yves para mag-aral at ang kina Ailee para sa bonding.

"Tama na yan oy, manood na tayo ng movie!" natatawang saway ni Ailee noong nakita ang kinahihinatnan nila. Hawak ni Yves sa leeg si Barbs habang ang paa niya ay nakadagan naman kay Kisses. Humagalpak kami ng tawa noong tumili ng pagkatinis tinis si Kisses at sinabing "White flag. Up."

Dinungaw ko ang cellphone ko atsaka nakita ang texts ni Zac. Hindi ko na nalingon ang cellphone ko simula nung binaba ko ang tawag niya. Pero nagupdate ako kanina noong nakarating na kami rito sa bahay from grocery store. Siya kasi ay palaging naguupdate sa akin kaya naisipan ko na wala namang mawawala if ganoon din ako sa kanya.

Zac:

We're going to a Bar somewhere here in the subic. Don't worry, I won't drink that much.

Napangisi ako.

Me:

We're watching a movie now. And I don't mind. You need to unwind too, malapit na din ang start ng internship.

Binaba ko amg cellphone ko atsaka tumutok sa pinapanood. Naramdaman ko ulit ang pagvibrate nito mula sa legs ko kaya kinuha ko ito para basahin.

Zac:

Damn, mas gusto ko yata dyan kaysa dito...

Nagtipa ako ng reply.

Me:

Why? Isn't parties your thing?

Nang nasend ko yon ay tsaka ko lamang napagtanto na parang mali ang naging reply ko. Mali nga ba yon? I mean, I don't mean that as an insult, it's natural to the rich kids to get used or to love parties. Si mama nga ay nagkkwento noon ng ganoon. Si Ailee din pati ang iba pa naming mga kaibigan.

Napatingin kaagad ako sa cellphone ko ng nagvibrate yon.

Zac:

I love parties but I think I found a new hobby.

Napakurap ako. What is he saying? Biglang uminit ang pisngi ko kaya imbes na makapagreply ay binitawan ko na lamang ito atsaka nagfocus sa pinapanood namin. Natapos kami ng bandang alas dose na, tulog na din ang mga kasama ko at kami na lamang ni Yves ang gising.

"Should we just sleep here?" tumango ako atsaka kumuha ng malaking comforter at ilang kumot. Dahil magkakatabi naman kaming lima rito sa carpet ay madali na lang ang pagsheshare ng kumot. Nagkwentuhan pa kami ilang sandali ni Yves about the movie. Kaming dalawa lang kasi ang tumapos dahil kalagitnaan pa lang ng movie ay tulog na ang mga kasama namin.

"Do you like Zac?" napatingin ako kay Yves noong tinanong niya yon. Kunot ang noo. "Mali, gusto ka ba niya?" hindi ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang usasagot ko. Ngumisi ito.

"He's a good guy. He's my friend." nanlaki ang mata ko. Seryoso ba siya? Natawa siya bago muling nagsalita.

"Mahabang kwento pero magkaibigan kami. Along with his cousins at masasabi kong mababait talaga sila. But both of you are my friends, so whatever that thing between you two. I'll support you."

Napangiti ako. He's not sweet and talkative towards the others. Pero pagdating sa amin, ganito siya. Madami pa akong gustong itanong pero hinayaan ko na lamang. I want to know how they became friends. Kasi noong sa burol ni papa ay hindi ko sila nakitang mag-usap or maybe I was just too preoccupied that I didn't notice?

"Thank you. Let's tslk about that next time, I really don't know the answer for now.." tinawanan niya ako atsaka pabirong inasar.

"Sus, wag na mahiya, gwapo yon. Hsbulin din kaya I understand if you'll fall for him."

"Excuse me?"

Tumawa ito kaya nangingiti akong napairap.

"Good night Sci. Goodluck sa internship natin, hanap moko ng babae ha?" pabiro ko siyang inirapan ulit atsaka na din nag good night.

Kinabukasan ay late na kaming nagising dahil sa puyat. Well, hindi naman ito ang pinakamatagal na oras ng tulog namin dahil mas puyat kami kapag may inaaral and for sure kapag duty na.

"Hey we going home. We need to pack our things too." Yves come near Ailee and hug her while patting her head. Bahagyang umirap si Aileen pero alam kong malungkot ito dahil bukod sa mawawalay kami sa pamilya ay magkakahiwalay din kaming magkkaibigan.

And then he came to me and also hug me while caressing my back. I hug him back and patted his back. Ganoon din ang ginawa niya kay Barbs at Kisses. Pinakamatagal ang kay Barbs dahil sa paghikbi nito. Kaagad namin silang nilapitan kaya nauwi sa group hug ang lahat.

"Please chat me if you guys have free time, don't forget me..."

"Kahit na may iba pang gwapong bakla doon, hindi ka namin ipagpapalit." sabi ko kaya siniko niya ako. Aray ha.

Matapos ang madrama naming pagpapaalam sa isa't isa ay nagsiuwian na sila. Ipinagpatuloy naman namin ang pag-aayos ng gamit ni Ailee dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ito tapos.

Hapon na ng makaalis kami, ihahatid kami ng parents ni Ailee, they're so sweet because they file a leave para lang maihatid si Ailee sa dorm niya. Nagdadaldalan kami sa back seat while her parents are busy answering some business calls. Ang hirap din pala magkaroon ng mayamang mga magulang. They are always busy, kaya siguro naiinggit sa bonding naming pamilya ang mga kaibigan ko.

"I'm planning to get my hair done. Lile the old times." Sabi ni Ailee atsaka pinaglaruan ang buhok. Tintingnan kung bagay pa din ba ang short hair sa kanya gaya noon. Maganda ito, bagay ang kahit anong hair stule sa maputi, makinis at maliit nitong mukha.

"Bagay mo pa din. Samahan kita. Kailan mo ba gusto?"

"Before the start of our duty sana." Three days from now.

"We can have it tomorrow. Mag-aayos lang naman tayo ng gamit ngayon. Tapos pwede na tayong matulog kaagad. Bukas wala naman tayong ibang gagawin kundi ang bumili ng pagkain at hygiene na isstock natin." Tumango tango ito, sang ayon sa sinabi ko.

Nakatulog kami sa kahabaan ng byahe. Nauna akong nagising at chineck ang cellphone ko. Isang oras na kaming bumabyahe. Mayroong iilang mensahe doon. Galing sa mga kaibigan, updating their whereabouts, ag ilan galing kina mama, asking how are we. At mayroon ding galing kay Zac. Hindi na pala ako nakapagreply sa kanya matapos ang sinabi niya, napakapafall naman kasi!

11:00pm

Zac:

You fell asleep?

Good night, Sci.

1:00am

Zac:

Pauwi na kami, kasama ang mga pinsan kong babae at Anton. Nagpaiwan pa sina Matt dahil nag-eenjoy pa.

Napangiti ako. Kahit di nako nagreply ay naguupdate pa din ito.

1:20am

Zac:

Nasa hotel room na. Hope you are sleeping well. Good night Scianna. Have a safe trip later. :)

10:27am

Zac:

Good morning, still asleep?

Kaagad akong nagtipa mg irereply.

4:08pm

Me:

Hello! Sorry, alas dose na kami nakatulog kagabi. Hindi ko na natingnan ulit cellphone ko kaya hindi na ako nakapagtext. Naging busy naman kanina kaya ngayon lang ako nakapagtext ulit. Malapit na kami siguro sa dorm :)

Napapikit ako matapos pindutin iyong send button. Kahit sinong makakabasa ng thread ng messages namin ay hindi maiisip na friendship lamang ang mayroon kami.

Kaagad namang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko na ito bago pa makaabala sa mga kasama.

"Hello?" pabulong kong sagot matapos ang ilang segundong katahimikan.

"I'm sorry, did I disturb you?"

"Uh, hindi naman. Nasa byahe pa din kami."

"Uwi na din kami. Nag-aaya lang magpicture ang mga pinsan kong babae," huminga siya ng malalim na para bang inip na inip na siya, bahagya akong natawa.

"Bakit kung makabuntong hininga ka dyan ay parang ang laki ng problema mo," pabiro kong sinabi.

"Bakit ba ang hilig niyong magselfieng mga babae? Nakakapagod yon ah!"

Napairap ako.

"Bakit mahilig kayong mga lalaking manghingi ng pictures kung ayaw niyo naman palang panay ang selfie namin?"

Tumawa siya. "Joke lang! Di mabiro! Ito na nga oh, papayag na magpapicture." tumawa kaagad ako. Kaya napatingin sa akin si Ailee na ngayon ay gising na at nakatingin pa ng nakakaloko sa akin. Inirapan ko nga.

"We're here!" Ibinaba ko ang cellphone ko at tiningnan ang isang magandang dormitory na nasa harap namin. Kulay abo ito at napaliligiran ng halaman ang paligid. Hindi ganoon kalaki pero hindi din maliit. Nagdoor bell si Ailee habang hila-hila ako. Bumungad sa amin ang isang ginang na mukhang nasa mid 40's kasama ang isa pang ginang na mukhang mas matanda sa kanya ng ilang taon. They welcomed us with a smile kahit na mukha silang matataray. Don't judge the book by its cover.

"Can we go to our room?" Ailee asked while they were talking about the dorm.

"Sure." Kaagad naman nilang iniabot sa amin ang susi kaya tumatawa kaming dumiretso na sa kabilang pinto kung saan may hagdan papunta sa second floor, kung nasaan ang kwarto namin.

Room 14. Wooden door ito at kulay beige ang pader. Ipinasok ni Ailee ang susi sa keyhole atsaka tuluyan itong binuksan. Namangha ako sa itsura sa loob. There's a long wooden chair at tje hallway tapos ay sa dulo may paliko papunta sa common kitchen and before the common kitchen there's a small tv for all the boarders.

We entered into our room. Pagpasok mo pa lang ay kita na kaagad ang double deck na kama, Cabinet, isang mesa at isang plastic chair. Airconditioned din ang kwarto. Maliit pero sakto lang sa amin. Isa pa, dormitory naman kaya ayos lang. Malaki na nga ito kumpara sa kwarto sa bahay pero mas gusto ko pa rin doon syempre. Nandoon si mama at Jelai, even my papa's memories.

"Okay na din, diba? Sana lang ay mababait talaga yung mga land lady natin."

"Paano pag hindi?" I opened the cabinet and see how's inside.

"Ipapagiba ko tong buong dormitory nila." Nagtawanan kami but we both know that it can be happen. Her family is rich. They can do that.

Nagpaalam din kaagad ang mga magulang ni Ailee dahil may hinahabol pa raw silang business meeting. Hinayaan na din naman kami noong may ari ng dorm para makapagpahinga at makapag ayos na ng gamit. Malaki ang buong lugar dahil sa kabilang side ay abg bahay ng may-ari tapos ang sa taas daw ayon sa pakikinig ko kanina ay isang malaking kwarto kung san nagdadaos sila ng mga events.

Inubos namin ang natitirang oras sa pag-aayos. Inabot din kami ng apat na oras, sobrang dami naman kasing gamit ni Ailee. Akala mo isang taong titira rito!

Maaga kaming nakatulog, dala na din siguro ng pagod. Kaagad kong chineck ang cellphone ko dahil alam kong nakatulugan ko si Zac. Binati ko siya ng good morning pati na din ang mga kaibigan at sina mama bago tuluyang tumayo para mag-ayos. Tulog pa si Ailee that's why I decided to cook for our breakfast first.

Kumuha ako ng delata na iniayos namin sa mesa kagabi. Share kami sa groceries. I prepared Tuna with egg atsaka nagsaing na din. Pagkabalik ko sa kwarto ay gising na si Ailee kaya inaya ko na siyang kumain. Habang kumakain ay pinag-uusapan na din namin ang itinerary namin for the day.

"Puro puregold iyong nadaanan natin kanina, Mcdo lang at building ang nakita ko kanina." sagot ko sa tanong ni Ailee.

Nagtatanong kasi ito kung may nakita ba akong mall kanina. Simula noong nakalabas kami sa express way at nakapasok sa bulacan, puro puregold na lang ang nakita ko. Pakiramdam ko mababaliw ang isang to dito.

Siya na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin dahil ako naman daw ang nagluto. Hinayaan ko na siya at pinunasan na lamang ang mesa.

Pumasok ako ng kwarto at kinuha iyong cellphone ko. Madaming texts na panigurado ay replies ng mga binati ko kanina. Madami ang kay Zac kaya yun muna ang binuksan ko.

6:30am

Zac:

Hey, they are going to announce our assigned center within this week. Sana ay sa bulacan din ako.

7:03 am

Zac:

Where's your dorm in malolos?

8:10am

Zac:

I'm at your dormitory's gate.

Nanlaki ang mata ko atsaka tiningnan ulit yung oras. It's already 8:26! Andito siya!?


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status