Share

Chapter 09

"Pasensya na po talaga tita!" panay ang paghingi ng tawad nina Dawn sa amin dahil sa nangyari kanina. Nandito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa school nila. Kasama namin ang mga pinsan nila. Gulat na gulat kami dahil ang sabi nina Zac ay walang dadalo sa pinning nila, maski sila daw ay nagulat dahil ang alam nila busy ang mga ito dahil graduating, at ang iba ay nag-aasikaso ng business nila.

"Okay lang yon, Dawn. Bilib nga ako sa ginawa ninyo." ngiti ang isinukli ni mama. Nagkagulo kasi kanina sa pinning nila. May mga issues kasi silang gustong ilabas dahil sobrang dami daw ang iniyak nila doon. Hindi ko masyadong nasundan dahil ang bilis ng pangyayari. Nakita ko na lamang na halos lahat kami ay umiiyak na sa speech nila.

"Anyway. You guys tricked us. You told us that no one's coming into your pinning?" sabi ni Jelai, napatingin tuloy sa kanya ang lahat. Nakakahiya talaga ang babaeng ito! Susuwayin ko na sana pero nauna na si mama.

We're with Zac's cousins. Hindi ko matandaan ang mga pangalan nila dahil medyo marami din sila. Alam naman niyang hindi ako magaling pagdating sa pagkakabisado ng pangalan.

"Yeah, we didn't know too. They are actually busy with their studies and the business that's why we thought they'll not make it." Paliwanag naman ni Zac.

"Okay lang 'yon, pagpasensyahan niyo na itong anak ko. Hasang hasa iyong dila eh." nanlaki ang mga mata ni Jelai atsaka gulat na tumingin kay mama.

"Ma naman!"

"Oh bakit? Tulis eh. Minsan nakakasugat."

We all laughed. Hindi naman nagpapigil si Jelai at dinepensahan pa ang sarili. Natigil na lamang noong manghang mangha siya sa pagdating ng mga pagkain. Maging ako ay hindi napigilan ang pagkamangha. Sunod sunod na dinala sa amin ang order nina Zac.

Seafood boil lang ang kilala ko. Shit! Nakakagutom.

"Kumain po kayo ng madami, pasasalamat po namin ito sa pagpunta ninyo at pagtanggap sa kapatid at pinsan namin." Nakalimutan ko ang pangalan niya, pero kapatid siya ni Matt kung hindi ako nagkakamali.

"We're really glad po that you came to their pinning. Kahit kasi nandidito kami ay iba pa din kung may magulang, and you stand as their mother today. Thank you so much po." The other girl said.

"Nako! Wala iyon! Zac helped us with our hospital bills and the burial of my husband, walang wala iyong pagpunta namin ngayon. Kung tutuusin ay may utang pa nga kami eh." Mama said. Napalingon ako kay Zac, focus lamang siya sa mga pagkain at nilalagyan niya ang plato ko.

Lumingon siya sa akin at ngumisi. Napailing na lamang ako at nagpasalamat.

Nagpatuloy ang kwentuhan habang kumakain, nagtataka tuloy ako kung bakit noon sa bahay ay tahimik sina Zac. Siguro dahil nahihiya pa.

"Busog na busog ako! Thank you po!" yumuko pa ang kapatid ko ng tatlong beses kay Zac at sa mga pinsan nito. Kanina ay pinaulit ko kay Zac ang mga pangalan nila dahil nakakahiya naman kung di ko yon alam. Si ate Kath, ang kapatid ni Zac. Kapatid naman daw ni Matt si Ate Juls at kay Anton naman si Zyrah. Well, nakakalito kung kaninong kapatid ang bawat isa dahil magkakahawig silang magpipinsan. Samantalang ang may pinakamaraming kapatid ay si Dawn, may tatlomg lalaking kapatid kasi ito.

"Next time bisita naman kayo sa bahay!" Maligayang sabi ni Zyrah. Well, magkamukhang magkamukha sila ni Anton. Siguro dahil kambal nga. Pero may hawig din siya sa ibang pinsan. Maybe their genes.

Hinatid kami ni Zac sa bahay. Sumama si Zyrah dahil medyo nakasundo niya ang kapatid ko. Pareho kasi silang kikay.

"Talaga ate? Grabe! Nakakainggit nga ang puti mo!" manghang mangha na sabi ni Jelai. Maputi si mama, namana ko ang kulay ko sa kanya, samantalang moreno si papa at sa kanya naman nagmana si Jelai.

"But morena is gorgeous too! And you are really gorgeous, magkamukha kayo ng ate mo, maliban lang sa kulay. But both of you is really beautiful!" tumawa ang kapatid ko.

"Mas maganda ako kay Ate Sci, Ate. Maputi lang siya no." tumawa si Zac at Zyrah habang napairap na lang ako.

"Shh Jelai, tulog na si mama, ang lakas pa naman ng boses mo."

Alas nueve na kami nakauwi. Nagpasalamat kami sa paghatid nilang magpinsan atsaka nagpaalam na papasok na sa loob.

Sa nakalipas na bakasyon ay ganoon lang ang gawain ko. Gigising ng maaga para makapag-ayos, didiretso sa palengke, at uuwi na ng hapon. Nag-uusap din kami paminsan minsan ni Zac sa telepono, kapag ganitong may mga gawain ay sa text lang, busy din kasi siya sa pamilya niya at sa mga lakad nila. Kapag gabi naman at pareho kaming pwede ay sa tawag. Ang dami niya nga atang load. Well, rich kid. What do I expect.

Zeus Andrew:

Do you have a lot of costumers like yesterday?

Napataas ang kilay ko. Kahapon ay hindi kami gaanong nakapag-text dahil sobrang dami bg mga namimili. Buti na nga lang at andyan si Jelai kahapon dahil kung hindi baka di na namin alam ni mama ang uunahin.

Zeus Andrew:

I'm sorry, Am I being too clingy?

Me:

Hindi gaano. Pero di ako makahawak masyado ng cellphone dahil marumi ang kamay ko, tinutulungan ko kasi sina Robert ngayon dahil wala si Aling Cecil.

Dahil lamang dagat ang tinda nina Aling Cecil, hindi ko gaanong narereplyan si Zac. Hindi naman pwedeng panay ang hugas ko para makapagreply, atsaka nahihiya din ako dahil baka isipin nila ay panay ako hawak ng cellphone. Nandito rin si Jelai ngayon, maaga kasi silang natapos sa mga gawain sa paaralan kaya dito na siya dumiretso which is a relief para makatulong naman kami kina Aling Cecil.

May sakit kasi ang asawa nito at walang mag-aalaga kaya iniasa niya muna sa dalawang anak ang pwesto.

"Okay lang kami rito, Sci. Kaya na namin ni Albert to..." ngumiti ito atsaka kinuha ang naikilo kong tilapia. Kumuha siya ng plastic na nasa likod ka lamang kaya bahagya siyang lumapit sa akin para maabot yon. Gumilid naman ako para maayos niyang makuha yon, ngumiti siya pagkatapos atsaka isinupot ang isda.

"180 po..." ngumiti ang matanda sa amin atsaka umalis na.

"Ano ka ba Robe, okay lang. Noong kami ay tinulungan niyo din naman."

"Oo nga kuya. Tsaka nandito naman ako kaya may katulong si mama sa tindahan." singit ni Jelai na mulhang kanina pa nakikinig sa usapan.

"Ang chismosa..." paratang ni Albert sa di kalayuan. Sinamaan naman siya ng tingin ng kapatid ko atsaka inirapan.

"Kayong dalawa hindi ko kayo maintindihan, minsan ay ayos naman kayo. Madalas naman nag-aaway. Ano ba ang problema ninyo?" nakakunot noong sabi ni mama. Natahimik tuloy yung dalawa. Nagkatinginan kami ni Robert atsaka tahimik na natawa.

"Kailan pala ang start ng internship ninyo?" tanong nito habang naghuhugas ng kamay.

"2 weeks from now pa. Baka nga sa susunod na linggo ay maghanap na kami ng mga kasamahan ko ng matutuluyan."

"Talaga? Mabuti naman. Paniguradong kaya niyo yon. Good luck!"

"Salamat! Kakayanin!" itinaas ko pa ang kamao ko sa ere habang sinasabi iyon para may conviction. Nagtawanan ulit kami atsaka nagpatuloy sa gawain.

Kinagabihan ay bagsak kaagad sina mama at Jalyn, mukhang napagod sila ng sobra dahil simula pa kahapon ay hindi na kami maayos na nakakapagpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko na may apat na mensahe na. Isa galing kay Barbs na nagdadrama dahil malapit na raw siyang maisolate sa amin, isa kay Ailee na naguupdate about internship dorm at dalawa kay Zac.

Una kong nireplyan ang sa mga kaibigan.

Barbs:

Hoy! Huwag ninyo akong kakalimutan! Kahit isolated ako sa tropa, huwag ninyo akong papalitan! sasakalin ko talaga kayo!

Me:

We won't for sure. Hanap ka ng papable na doctor, para may napaglilibangan ka.

Napangisi ako nung minura ako ng bakla atsaka tuwang tuwang nagpasalamat para sa ideya.

"Sira talaga."

Ailee:

Bakla! Sasama ka ba or magcocontribute ka na lang din sa pamasahe?

Me:

Baka contribution na lang, mas tipid yon eh. Sasama ka ba? Kung oo tabi tayo sa room ha!

Ailee: 

Oo, para makapili din ako ng pwesto natin kung sakali! I miss you!

Me:

I miss you too! Okay sige. See you soon!

May dumating ulit na text galing kay Zac kaya binuksan ko na ang mga menshae niya

Zeus Andrew:

You already home? Eat your dinner on time.

Zeus Andrew:

Text me when you have time, please.

Napangisi ako. Nakakainis ang isang to.

Zeus Andrew:

Can I call? I miss you...

Imbes na magreply kaagad ay napapikit pa muna ako at paulit ilit iyong binasa. Shit Scianna! Umayos ka! Hindi yan ang priority mo sa ngayon!

Me:

Nakahiga na ako... Sige...

Wala pang isang minuto ay nagvibrate na ang cellphone ko. Kaagad ko namang sinagot yon.

"Hello?" isang buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya.

"Hello? Zac?" sabi ko ulit nung nakalipas na ang dalawang minuto at hindi pa din ito nagsasalita. Parang tanga.

"Hi.. How's your day?" narinig koa ng pagbukas at sara ng pintuan, mukhang lumabas siya ng kwarto.

Ikinwento ko ang nangyari sa araw ko, tahimik naman siyang nakikinig. Habang tumatagal parang bumabaliktad ang sitwasyon. Ako na yung nagiging madaldal habang siya tahimik na nakikinig na lang sa akin. Pero pag magkasama kami siya yung laging salita ng salita, tapos panay pa ang pang-aasar. Magulo din ang isang to e.

Mag-iisang oras na kaming nag-uusap at medyo dinadalaw na ako ng antok.

"Are you sleepy?"

"Hmm.. Medyo... Ikaw ba?"

"Not yet, my cousins want to drink. Okay lang ba?"

Magkakasama silang magpipinsan ngayon at nasa rest house daw nila sila sa pangasinan. Nagkwento ito kanina kung gaano kaganda doon. Nakakainggit. Kapag nakaangat na kami gusto ko ipasyal sina mama at Jelai sa magagandang beach ng bansa. I mean, I know my mother already experienced that pero noon pa yon, nung dalaga pa siya at okay pa siya sa pamilya niya. Alam kong namimiss niya na yun, at alam kong gusto rin ni Jelai yon.

Kung nandito lang sana si papa. Paniguradong pati siya ay isa sa pangarap yon. Kakaisip ko ng mga pwedeng gawin matupad lang lahat ng gusto kong mangyari, di ko na namalayan na nakatulog ako.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa bago unti-unting hinila ng antok.

"Good night Scianna... See you soon..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status