Share

Chapter 10

Naalimpungatan ako noong mga alas tres na ng umaga, lumipat ako sa kwarto para makatulog pa dahil inaantok pa ako. Nakatulugan ko si Zac kagabi at hindi ko alam kung anong oras niya pinatay ang tawag.

Nagising ako ulit noong alas cinco na. Napabalikwas pa ako ng bangon dahil alas kwatro kami umaalis ni mama para magpunta sa bayan pero nung tingnan ko siya ay mahimbing pa din siyang natutulog. Maybe we need some rest today.

Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili, naghilamos at toothbrush na ako atsaka sinimulan ang gawaing bahay. Ganito ang ginagawa ni mama kada umaga noong kaya pa ng katawan niya, sobrang hirap pero tuwing naiisip ko na si mama ay ginagawa ito para sa amin, alam kong kaya ko ding gawin to para sa kanila.

Nagluto muna ako ng agahan namin, matapos magluto ay nagwalis na ako sa palibot ng bahay. Mapuno kasi sa amin, kapag umiihip ang hangin ay nagsisilaglagan ang mga tuyong dahon kaya kinabukasan ay nakakalat na ito sa daan. Maaga din kaming naglilinis sa palibot dahil mamaya ay iinit na. Hindi naman sa takot kami sa araw pero sa panahon ngayon kasi ay sobrang sakit na nito sa balat.

Hindi pa ako tapos sa pagwawalis ng nagising si mama at Jelai. Sila naman ang naging abala sa paglilinis sa loob ng bahay. Minsan napapaisip ako, kung hindi ba naging malupit ang pamilya nina mama sa kanila ni papa ay maganda din kaya ang buhay namin ngayon? Hindi kaya aatakihin si papa? Hindi kaya kami makakaramdam ng inggit sa ibang tao?

But thinking about that, I'm still happy now though. Because we learned a lot of lessons in life, and we are still learning. May mga bagay na hindi mananatili sa dating ayos. Pwedeng ngayon mayaman ka, bukas makalawa wala ka ng pera. Pwede ding ngayon mahirap ka, pero sa susunod na araw ay nabibili mo na lahat ng gusto mo. In order for that to happen, you need to work hard and be thankful for what you have now.

What our parents always taught us, is not to belittle others. Mayaman man o mahirap, walang karapatang manghamak ng kapwa. You need to stop saying something about others' business and start minding your own. You need to stop minding someone's mistakes and start correcting yours. All of us have flaws, nothing's perfect.

Alas dies na ng umaga noong natapos kami sa lahat ng gawain. Nakapaglaba at sampay na din kami kaya pagtutupi na lang mamaya kapag natuyo na ang mga damit. I checked my phone and saw messages from Zac.

Naging ganoon ang mga araw hanggang sa ilang araw na lang at internship na. Kasama ko sina Ailee ngayon, nandito kami sa kanila dahil dito ako matutulog. Ihahatid kasi kami ni Tito sa Bulacan bukas, sa mismong dorm. Alam naman ni Ailee ang pagpunta kaya siya na ang bahala. Mauuna na kami sa dorm dahil mag-aayos pa kami ng gamit atsaka gustong libutin muna ni Ailee ang lugar. Susunod na lang daw ang iba pa naming kasamahan.

I'm kind of excited and nervous. This is the first time I'll be away to my family and to our home. Hindi ako sanay at paniguradong mahohome sick ako kahit pa sabihing may mga kasama ako sa dorm at maaaliw naman. The internship will last for six months. Dapat one year, kaya lang applicable pa iyon sa mga susunod na batch. Nasali kasi kami sa old curriculum. Hindi ko alam kung matutuwa ako doon. Kasi hindi madadagdagan ng taon ang pag-aaral namin. Yun nga lang sabi nila ay mas malaki daw ang magiging opportunity ng mga masasali sa K-12.

Para sa akin, alin man doon ay ayos lang, basta ba makakapagtapos ka madami pa ding oportunidad para sayo. Pero madalas ay mas nakakakuha ng malaking oportunidad ang mga taong may kaya sa buhay lalo na ang mga may back up sa malalaking kumpanya. Sa mga taong ganoon siguro ay maituturing mong masaya yon, pero sa mga taong kagaya ko na hindi naman ganoon ay mahirap iyon. That's why my plan for this internship is to be friendly to our staff and to be a useful intern in the laboratory. I want to earn the best intern award. Malaki kasi ang maitutulong noon sa akin kung sakali. Dagdag din iyon sa resume ko.

"I'm not really sure what to feel, kinakabahan ako dahil first time kong magiging independent! Ni hindi pa man din ako marunong magluto!" natatarantang sabi ni Ailee habang inaayos ang pangalawang maleta niya. Napatingin ako sa mga gamit niya kumpara sa mga ganit na dadalhin ko, mayroon din akong dalang isang lumang maleta na may mga damit at uniform ko at isang malaking backpack para sa personal hygiene at iba pang gamit. Samantalang siya ay may dalawang maleta ng nakahanda pero mukhang hindi pa din tapos sa pag-aayos.

"Ako din naman... Maybe, we'll adjust after a few days of stay?" sabi ko habang tinutulungan siyang magtupi.

"Are you planning to bring all of your clothes there, Ai?" nakataas kilay kong tanong. Nanlaki naman ang mga mata nito na tila ba gulat na gulat talaga sa sinabi ko.

"Of course not! Hindi iyon magkakasya doon kapag dinala ko lahat!" 

Yeah, right. Sa dami ba naman ng damit niya eh. Magsasalita pa sana siya ng biglang sabay na tumunog ang cellphone namin, siya para sa isnag tawag at ako ay sa ilang texts.

I recieved 3 messages. Isa galing kay Jelai, Isa kay Barbs, at Isa kay Zac. Una kong nireplyan si Jelai.

Jelai:

Ingat ate, update mo daw kami bukas sabi ni mama. Magsleep ka din daw ng maaga mamaya. We'll miss you!

Napangiti ako atsaka nagtipa ng sasabihin sunod kong binasa ang kay Barbs na naguupdate lang na malapit na raw sila, mukhang sila din naman ang kausap ni Ailee kaya hindi na ako nag-abalang magreply. Huli kong binuksan ang mensahe ni Zac. Kaninang umaga pa kami magkatext at nasa Subic naman daw sila ngayon, mukhang inuubos nilang magpipinsn ang bakasyon sa mga beach.

Zac:

Your friends are already there?

Me:

Malapit na daw

Hindi pa nag iisang minuto ay nakatanggap na kaagad ako ng reply.

Zac:

Alright. What are you doing now?

Hindi ba ito magsiswimming? Paano ito mag-eenjoy kung panay cellphone ang hawak?

Me:

I'm helping Ailee with her things. Are you not swimming?

Ibinaba ko ang cellphone ko atsaka isa-isang ipinasok sa bag ni Ailee iyong undergarments niya. May pang gym attire pa itong dala e hindi pa naman kami sigurado kung malapit lang ba ang gym doon.

Tumunog muli ang cellphone ko, pagtingin ko ay tumatawag na si Zac. I pressed the answer button.

"Hello?" I said, rinig ko ang ingay sa kabilang linya, simbolo na nagkakatuwaan talaga sila.

"Hi.." hindi ko napigilan ang pag ngiti saktong pagbalik ni Ailee sa pwesto niya kanina. Hindi ako nakatakas sa mapang-asar nitong mga tingin pero pinili na lamang na manahimik. But I know her, kapag binaba ko na ang tawag ay paliliguan niya ako ng pang-aasar!

"Bakit hindi ka pa naliligo?" narinig kong tinawag siya ng ilang pinsan pero sumagot lamang ito na susunod na lang atsaka muling itinuon sa pag-uusap namin ang atensyon.

"I just want to check you. Makikisali na din ako kapag nandyan na ang mga kaibigan mo." sumenyas ako kay Ailee na lalabas lang sa may veranda niya saglit, pabiro niya naman akong hinampas.

"Landi!" she whispered pero pinakawalan din ako. Tumawa kami bago ako tuluyang nakalabas sa veranda.

"Kumpleto kayo?"

"Yup. Nandito din ang ilan naming kaibigan." wala pa akong gaanong nakikilala sa mga kaibigan niya. Well, not that it's required for me to know! We're just friends too!

"Baka kami magmovie marathon lang dito, pero pupunta muna siguro kami sa grocery store para bumili ng ilang pagkain."

"That's great, I hope I can be with you next time or you can be with me." napatigil ako sa paghinga. Shit! Wag kang ganyan Zac! Nagiging marupok ako!

"O-oo naman, I like to have some bonding with your cousins, and isa pa kaibigan ka na din naman nina Ailee." well, not that close but... Medyo?

Tumawa ito kaya hindi ko na din napigilang matawa. Natigil lamang kami noong tinawag ulit siya ng mga pinsan niya saktong natanaw ko naman ang kakapasok lang na sasakyan nina Yves.

"Sige na.. Sumali ka na. Baka isipin pa nila ang KJ mo."

Huminga siya ng malalim. "I don't care, as long as I can talk to you." ugh! Kunwari akong tumawa na parang biro lang ang sinabi niya.

I know that this is not friendship. And like what I am always saying to myself, I don't know what status do we have now but I'm contented with it.

"Baliw, andyan na din sina Barbs, baba na din kami para salubungin sila."

"Hm. Alright.. I'll join them now so you can be with your friends."

"Okay.."

Kagat labi kong ibinaba ang cellphone, nakadungaw ako ngayon sa  taas at noong tumingla si Kisses ay kumaway ako.

"Bakla ka ng taon bumaba na kayo dito! Welcome your guests!" sigaw nito na siyang nagpababa na nga samin ni Ailee ng tuluyan.

Hindi na muna pumasok ang tatlo at dumiretso na kaming umalis para mag grocery. Gusto kasi nilang gumawa ng graham at coffee jelly e walang stock na ibang ingredients kina Ailee. Gusto din nilang bumili ng light drinks kaya nagdesisyon na talaga napumunta sa grocery store. Maglalunch pa lang naman kaya madami pang oras sa pagluluto ng mga dessert na gusto nila para mamayang gabi. Hapon pa bukas ang alis namin kaya ayos lang na magpuyat. Pinagtitinginan kami noong bumaba kami ng sasakyan ni Yves. Kahit naman kasi nakapambahay lang itong si Ailee ay maganda pa din siya, samantalang itong isang lalaki at dalawamg 50/50 na kasama namin ay di din maipagkakailang gwapo. Nag ggym din kasi sila kaya maganda din ang pangangatawan.

Habang busy kami sa pagtingin ng mga dapat bilhin ay nagpunta sina Yves at Kisses sa banda ng mga alak. Naiwan naman kasama namin ni Ailee si Barbs na busy ngayon sa pagcheck ng mga kulang pa naming bibilhin. Sa di kalayuan ay may dalawang babae ang nakatayo at nakangiting nakatingin kay Barbs, mukhang kasing edad namin ang mga ito or mas bata lang ng isang taon! Lumapit ito sa amin at kinikilig pang nagtulakan. Di naman pinapansin yon ni Barbs pero alam kong alam niya na siya ang ipinunta nung mga babae.

"Uh.. H-hi po! Ang pogi niyo naman po... Pwede bang magpapicture?" tiningnan sila ni Barbs atsaka tumayo ng tuwid.

"Ask my girl friends... Selosa ang mga yan eh." napatingin ang dalawang babae samin habang humagalpak naman kami ng tawa ni Ailee! Kakaiba talaga ang boses lalaki ni Barbs!

Ngumisi ako. "Okay lang, loyal yan. Masarap jowain, may single ba sa inyo?"

Pinanlakihan ako nito ng mata atsaka inaya na lang na magpicture iyong dalawa. Noong nakaalis na sila ay humarap samin si Barbs atsaka umirap. Hymagalpak nanaman kami ng tawa kaya inis niyang kinuha ang cart sakin atsaka itinulak iyon palayo.

"Sundan na natin! Napakapikon!" humalakhak ulit si Ailee.

Hindi naman itinatanggi ni Barbs kung ano talaga siya. Well, bisexual lang naman ito. Attracted siya sa dalawa. Samntalang si Kisses ay babaeng tunay. Attracted sa lalaki.

Inasar pa namin si Barbs, pinagitnaan namin ito atsaka pabirong tinulak gamit ang balakang. Pinagkukurot niya naman kami sa may tiyan kaya tawang tawa kami! Pinagtitinginan tuloy kami ng mga taobdahil ang iingay namin.

Noong tapos na kami sa mga gagawin sa grocery store ay nagdesisyon naman silang magpunta sa palengke para bumili ng kamatis, sibuyas at iba pang condiments. Inaya ko nga sila sa pwesto namin pero tumanggi sila dahil alam nilang ibibigay iyon nina mama ng libre.

"Sige na! Yon na nga lang ang ambag ko e!"

"Hindi na! Okay ng ambag ang presensya mo!"

"Bahala kayo! Di ako kakain!"

Inirapan nila ako at sa huli ay wala din silang nagawa. Nagpunta kami sa pwesto at naabutan doon sina mama at Jelai. Sakto lamang ang mga taong bumibili kaya medyo nakasingit kami. Noong nakita nila kami ay kaagad nagliwanag ang mukha nila. Napangisi ako.

"Ate!"

"Scianna!"

Lumapit ako sa kanila atsaka yumakap.

"Ano ba yan, kakaalis ko pa lang ng bahay kaninang umaga, miss niyo na ako kaagad?"

"Syempre wala ng magluluto ng agahan!"

"Mama! Marunong naman ako!"

"Pero mas masarap iyong sa ate mo." sumimangot si Jelai kaya nagatawanan kami.

"O ano bang sadya ninyo?"

"Tita, bibili sana kami ng..." sinabi ni Yves ang mga bibilhin, tama nga ang sabi nila na ibibigay iyon ni mama ng libre pero makulit ang mga kaibigan ko kaya sa huli ay nagkasundo sila na half price na lang ang bayaran.

"Oh tita, una na po kami ha. Wag niyo kaming masyadong mamimiss!"

"Assuming kisses, ako lang no!"

Inirapan ako nito atsaka nagflying kiss pa kina mama. Lumingon naman ako sa kanila at nakitang nakangito silang nakatingin sa akin. Mama mouthed 'good luck' with a smile while Jelai positioned her hand and form into a fist saying 'fighting' ngumisi ako atsaka tumango at kumaway. Pagkatalikod ko ay kaagad na tumulo ang luha ko.

I'll really miss them so bad... Dahil hindi sila makakasama sa paghahatid bukas parang ito na iyong pagpapaalam namin sa isat isa. Mananatili muna kasi kami doon ng isang buwan bago makabalik para sa pagsisimula ng sem 2...

Don't worry Ma, Jelai, Pa.. Pagbubutihin ko po doon and I'll make you really really proud..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status