Share

Chapter 12

My phone rang again, hindi ko alam kung ilang beses na itong nagring. Nakuha na nitong malowbat kakatawag ni Zac. Ugh that guy. Napakahilig mampikon!

"Why are you not in the mood? Do you want us to postpone it for a while? We can go later." Umiling ako kay Ailee. 

Zac's bluffing. He's not here. He's still at manila because they just got home from subic. He was just teasing me and yes, he won. I got really pissed.

Itinuloy namin ang pag-gogrocery at paglilibot sa malapit. Sa puregold na muna kami bumili ng ibang isstock tapos ay sinilip namin iyong building malapit sa mcdo. Tatawid pa kami sa kabila kaya noong nakatawid na ay tawa kami ng tawa. Nakakatakot kasi dahil mabibilis iyong mga sasakyan. Masyadong matagal kung magooverpass pa kami kaya noong nakakita kami ng mag-jowang tumatawid ay nakisabay na kami.

"That's dangerous!" tatawa tawang sabi ni Ailee. Padangerous pang sinasabi pero natatawa naman.

Pumasok kami sa building. Mula sa labas ay halatang luma na ito, wala din gaanong tao kaya naman nagulat kami nong pumasok kami dahil sobrang daming kainan at botiques.

"Woah! Why is this underrated!?" napatango-tango ako.

Mas madami ang kainan rito. May cafe, meron ding shop na pang nitrogen ice cream, wala nito sa tarlac kaya manghang mangha ako! Or they have and I just don't know where in tarlac? Gusto ko sanang picturan kaya lang ay wala ang cellphone ko. Iniwan ko sa sobrang inis at hindi ko din naman magagamit dahil lowbat iyon. Alam nina Jelai na magiging busy kami ngayon kaya hinayaan ko na lang ding palowbat ang cellphone.

"Let's eat here sometime! Tapos ay ayain natin ang barkada!"

"Pwede yon. They will like it here, malakas tayo kumain pero mas madami silang bulsa sa tyan." nagtawanan kami atsaka umakyat sa second floor, kung mangha na kami sa baba ay mas namangha kami dito. 

Mayroong samgyhan, eat all you can buffet at may sunflower cafe din! Nakakapagtaka talagang walang tao masyado dito. It's either hindi masarap, di pa nakikilala, or hindi lamg talaga mahilig ang mga taga dito sa ganito. Pero... Sino ba ang hindi mahilig sa ganito?

Kumuha pa kami ng ilang litrato at noong satisfied na sa mga nakuha ay nagdesisyon ng umuwi. Nakapagpagupit na rin siya kanina at bunagay naman sa kanya iyong buhok niya.

"Hey, you in the mood na?"

"Yup, sorry medyo badtrip lang kanina." Tumango siya at may sasabihin pa sana nung biglang nagring ang cellphone niya. She mouthed Yves atsaka sinagot iyong tawag.

"Hello? Yeah, why? Huh? Nasa dorm--- Oh..." Wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ni Ailee kaya inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid. We decided to walk back. Madadaanan namin ang ospital sa daang ito pabalik ng dorm. Kanina kasi ay sa kabila kami dumaan at pakiramdam ko mas malayo doon dahil sumakay kami ng tricycle non. May tig isa kaming supot ng puregold. We bought some foods to store at the dorm at ilang mga personal hygiene. Sobrang tipid ang ginawa ko dahil ayokong makagastos ng sobrang laki.

Medyo malayo din pala kapag dito dumaan. Sa loob kasi ng capitol iyong ospital, sa likod naman ng ospital iyong dorm. Madadaanan mo yung munisipyo nila at iba pang facilities. Madadaanan mo din ang Malolos Juvenile Jail na malapit sa University nila, kasunod naman non ang ospital kung saan kami papasok.

"Sci, it's Yves." sabi nito habang iniaabot sa akin ang cellphone niya. Kumunot ang noo ko pero tinanggap ko pa din.

"Hello?"

"What happened? Zac's being too nosy. Gusto ko na siyang sapakin---Hey!" nanlaki ang mga mata ko noong narinig ang boses ni Zac sa kabilang linya. Magkasama sila?

"Pakisapak for me, please."

Nakarinig ako ng mahinang mura at ilang tawa. Doon ko napagtantong mukhang nakaloud speaker iyong tawag.

"Yves!"

He laughed a little. "I'm sorry, naka off na ang loud speaker."

Napairap ako atsaka itinanong kung ano ang kailangan niya. I also explained that my phone's at the dorm at nalowbat.

"Bakit di ka nagcharge?" Tanong nito. Sasagot pa sana ako nung may dinugtong pa siya. "Not a question from me. It's from someone here."

"Kasalanan niya. Nalowbat kakatawag niya."

"Oh kaya pala badtrip!" dinig ko pang sabi ni Ailee kaya kaagad kong inilayo ang cellphone sa kanya atsaka siya pinanlakihan ng mata. Bumungisngis ito at saka nagpeace sign.

Natahimik ang kabilang linya hanggang sa may nagsalita ulit.

"Hey... I'm sorry. I won't do that again..." namamaos nitong sabi. Hindi ko alam kung maaawa, maiinis, o matatawa ako sa kanya. Para siyang tuta na ipapaampon.

Maaga pa lang pero halos wala ng tao sa daan. Nakakatakot tuloy lalo pa noong dumaan kami sa may kulungan dahil sumisipol iyong mga preso. Kaagad tumabi sa akin si Ailee.

"Scary..." bulong bulong ni Ailee.

"What was that?" nakalimutan kong may kausap pa pala ako.

"Napadaan kasi kami sa Juvenile Jail. Pauwi na kami at dadaan kami sa ospital para sumilip."

"Can we talk until you are home?" napailing ako pero napangiti din sa huli.

"Uy! Bat ka ngumingiti dyan ha!" Sinamaan ko ng tingin si Ailee.

"I'm not!" nakakahiya talaga ang babaeng ito! Sinundot sundot niya pa ako sa tagiliran. Naiinis na ako pero at the same time ay natatawa rin.

Narinig ko din ang halakhak ni Zac sa kabilang linya kaya napasimangot ako. "Don't laugh. Let's talk later. Di pwedeng may kausap ako at baka madapa ako habang naglalakad."

"Alright. Text me when you got home, but did you passed that jail first?"

"Yes, don't worry, harap din naman ng Jail ang police station. Let's talk after dinner. I'll charge my phone first."

"Sige. I miss you." natigilan ako. Napakurap kurap.

"Oh.. Yeah... Uhm bibili na kami ng street food. Bye." kaagad kong binaba ang tawag atsaka ibinigay kay Ailee na pinapanood akong natataranta.

"Anong sinabi niya? Pulang-pula ka!"

"Hindi. Naiinitan ako e."

Panay ang asar niya sa akin kaya ang ending ay hindi na kami nakasilip sa ospital at hindi na din nakabili ng street food. Dumiretso na lang kami sa pag-uwi.

Nagtatawanan pa kami habang binubuksan ang gate ng dormitory. Napatingin kami sa mga labas pasok mula sa dorm. Nagulat kami noong nakita ang iilang schoolmates na kararating lang. Kaagad kaming lumapit para bumati sa nga magulang at sa mga ilang kakilala. Nagbless din kami tanda ng pag-galang.

"Kararating niyo lang?" tanong ni Ailee, and obviously yes. Pero syempre wala din naman kaming masabi at maitanong kundi yon. Tumango si Ben, nagkwentuhan kami saglit bago nagpaalam na tutulong muna siyang mag akyat ng gamit at ganoon din kami na iaakyat lang ang mga pinamili.

Tumulong kami sa ilang magagaang dala nila. Mababait ang parents nila, may iilang hindi din sinamahan gaya ko pero sa kadahilanang busy sa mga negosyong hawak. Matapos ang halos isang oras ay nagpaalam na din sila dahil palalim na ang gabi at mag aayos pa ng gamit ang mga kasama namin.

Sabay-sabay kaming nagdinner, naghati hati na lang kami para hindi na lumabas. At dahil kami naman ni Ailee ang walang ginagawa ay kami na ang nagpresintang magluto.

Bukas ay orientation na namin at sa susunod na araw ay start na ng Internship. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Pero alam kong dapat naming harapin iyon ng matapang.

Buhay ng pasyente ang hawak namin, kahit pa sabihing internship pa lng ito ay kailangang pahalagahan namin ang bawat ginagawa namin.

Noong natapos na ang lahat ng gagawin para sa gabi ay tiningnan ko na ang cellphone ko. Maya't maya ang paguupdate ko kina mama pero alam ko na kapag nag-umpisa na ang duty namin ay magiging bihira na lang yon. Chinarge ko din ito kanina pagkarating.

Nagtext ako kay Zac, napakadami niyang tinext sa akin simula pa kanina kaya isinilent ko na din ang cellphone ko dahil sa ingay nito. Panigurado naman kasing aasarin ako ni Ailee kapag narinig niyo ang mga tunog na yon!

Hindi pa nag-iisang minuto ay lumitaw na ang pangalan nito, tumatawag. Huminga ako ng malalim at nagbilang ng hanggang tatlo bago sinagot ang tawag.

"Hi..." namamaos nitong bati na para bang ngayon lang ulit siya nagsalita. Hindi ako sumagot. Napanbuntong hininga siya kaya hindi ko maiwasan ang pag-ngisi.

"Sorry na.. Di ko na uulitin.." dagdag niya na parang bata. Hindi ko napigilan at natawa na ako! Hindi ko kayang manatiling galit kapag ganito! Matapang lang ako sa text o chat dahil hindi ko naman kita iyong reaction niya!

Napamura siya pero sa huli ay natawa na lang din.

"What the hell, Sci! I thought you're mad!" hysterical nitong sabi.

"I was! Hindi ko lang kaya ang matagal na magalit." I giggled, bumukas iyong pintuan ng kwarto at pumasok si Ailee na kakatapos lang maligo. Lumipad kaagad sa akin ang tingin niya noong narinig ang mahinang pagtawa ko.

"Who's that?" inirapan ko ang kaibigan dahil binabato niya ako ng mga mapanuksong tingin. Humalakhak siya noong hindi ako sumagot.

"Are you going to sleep already?" Zac asked. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko kaya mula sa tenga ay inilipat ko iyon sa harapan ko. It's just 8:30pm. Ibinalik ko ang cellphone sa tenga.

"Maybe at 9:00pm.. Ikaw ba?"

"I'll sleep when you sleep."

Pinipigilan ko ang pagngisi dahil baka ipangalandakan nanaman ni Ailee kay Zac na kinikilig ako. Simpleng banat lang yon pero nag-iinit na ang buong mukha ko.

"Saang center ka kaya mapupunta?" I ask noong wala na kaming imik na dalawa.

"Sana dyan din. I'm doing my best here para payagan nilang sa bulacan ako."

"Huh? Paano yon?"

"Nagpapakabait ako sa mga teachers." natawa ako. Pasaway daw kasi ang mga ito sa school nila. Hindi naman sobra.

I'm so amazed with them. They can easily manipulate the faculty of their department because of their status in life but they never did. They keep their profile low. Silang magpipinsan.

"Buti at hindi nila kayo kaagad pinapaburan?" 

"We don't like that. Ganoon ang tingin ng halos lahat sa amin noong una. Na kaya kami nakakapasa dahil sa kung anong estado namin sa buhay. I already told you that right?"

"Yep, sorry I was just kidding."

"No, it's fine. Tinanong ko lang dahil baka ikwento ko ulit at magsawa ka na." tumawa siya.

"Why would I? You telling me stories about your life will never tired me."

"Damn... Kinilig ako don ah."

Napailing na lang ako. Nagpatuloy kami sa kwentuhan. 

Kapag nalaman niya na daw kung saang center siya mapupunta, hindi niya daw kaagad sasabihin sa akin. Tsaka na lang daw kapag first day na nila. Hindi ko maintindihan kung anong trip niya sa buhay pero hinayaan ko na lang. Madami siyang kwento, dahil sa aming dalawa, mas madaldal siya. Minsan ay ako kapag madaming nangyari sa araw ko.

Napag-usapan din namin yung about sa kulungan malapit sa university at ospital. Pinagsasabihan niya ako na wag lalabas ng gabi at huwag lalabas ng mag-isa. Imposible ang hindi ko paglabas ng gabi dahil nga may night duty, atsaka sa labas maraming bilihan ng merienda pero hindi na ako umangal.

"That's why I should be with you in that hospital!"

Napakunot ang noo ko. Hanggang ngayon ay ipinipilit niya pa din na sana ay dito siya. Gusto ko rin naman yon kaya lang nasa department head pa din nila ang solusyon. Naalala ko pa na medyo hindi nga pala maganda ng relasyon nila sa mga ibang prof nila dahil doon sa nangyari nung internship ceremony nila.

Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko pero ang kausap ko ay parang sobrang dami pa ring energy sa katawan. Hindi rin siya nauubusan ng kwento kaya ayos lang ang pagiging tahimik ko.

Hindi ko na matandaan kung anong oras ako nakatulog basta ang alam ko lang ay natulugan ko siya. Daldal kasi e. Para akong hinehele ng boses.

"Maybe you fell asleep already.. Good night Sci..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status