Share

Chapter 08

Hindi ko alam kung matutuloy ba si Zac sa pagpunta rito ngayon, hindi namin alam ang numero ng isa't-isa, wala namang humingi sa amin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin.

Maaga pa lamang ay nasa palengke na kami ni mama, paunti unti ay bumabalik naman na ang dating sigla niya, but I know, it still hurt and she's doing this for us that's why I'm really proud of her, nawala sa kanya ang katuwang niya sa buhay at sigurado akong sobrang hirap nito para sa kanya at mas doble pa sa sakit na nararamdaman namin.

Naging abala kami sa pag-aasikaso sa pwesto sa palengke. May pasok si Jelai ngayon kaya kami lang ni mama ang nandito, paminsan kapag walang customer sina aling Cecil ay ipinapatulong niya sa amin ang isa sa mga anak niya. Gaya na lamang ngayon. Pinagpahinga muna namin si mama dahil kanina pa ito nakatayo, ayaw niya pa kaya nagdesisyon na si aling Cecil na ipatulong sa akin si Robert.

"Wala kang pasok?" He asked. Mas matanda ito ng dalawa o tatlong taon sa akin, graduate na din ito at nagtatrabaho, pero madalas ay sa pwesto nila siya tumutulong.

"Wala na. Internship na namin ang susunod." nilingon ko ito atsaka ngumiti bago nilapitan ang kadarating lang na namimili.

"Woah! Talaga? Congrats!" ngumisi ulit ako atsaka nagpasalamat. Nilingon ko iyonh bumibili.

"Ano po 'yon ma'am?" I asked. Nakatingin na lang ito kay Robert na ngayon ay busy din sa isa pang customer.

"Pogi naman niyang kasama mo, single ba yan?" natawa ako sa sinabi nito atsaka siya binulungan,

"Single ma'am, kaso mukhang ang nanay niya muna ang dapat ninyong ligawan." sabi ko atsaka inginuso si Aling Cecil na nakikipag-usap kay mama.

"Ay, sige nga. Makapagmano nga sa future mother-in-law ko!" nagtawanan kaming dalawa kaya napatingin sa amin si Robert. Nagtaas siya ng kilay kaya mabilis akong umiling.

Gwapo si Robert at maging ang nakababata nitong kapatid na si Albert. Nakuha nila ang matangos na ilong ng mama nila habang ang bilugang mga mata at makakapal na kilay naman ay sa kanilang papa. Moreno sila, dahil na din siguro sa buhay namin dito sa probinsya. Ang alam ko din ay maraming nagkakandarapa dyan sa dalawa lalo na noong nag-aaral pa itong si Robert. Well, Albert is still in college at laman ito ng pageants sa school. Umaayaw siya parati pero sa huli ay walang nagagawa. Alam ko dahil paminsan na kaming nanood ng pageant niya, inanyayahan kasi kami noon ni Aling Cecil at nakakahiya na dahil palagi na lang kaming tumatanggi.

Hapon na noong naubos ang paninda namin. Nagpahinga pa kami ng halos isang oras bago nagdesisyong umuwi. Sumabay kami kina Robert dahil sinundo sila ng papa nito na kasamahan din ni papa. Isang jeepney driver.

"Maraming salamat po!" ngumiti ako at kumaway kina Aling Cecil. 

Napatingin si Albert sa likod ko, siya kasi ang nasa harapan habang si Robert naman ang nagdrive, pinagpahinga na nila si Mang Rico sa likod kasama namin kanina.

"Mukhang may bisita kayo, ate." Anito kaya napalingon din ako sa tinitingnan niya. May isang sasakyan ang nakaparada doon pero hindi ako sigurado kung kanino. Napakunot noo ako hanggang sa maalala ko ang usapan namin ni Zac. Ibang aasakyan ito ngayon pero siya lang naman ang ineexpect naming bisita. Maliban na lang kung kasama ni Jelai ang mga kaklase niya. Mukhang nakauwi na din naman si Jelai at nandodoon na sila sa loob.

"Mukha nga. Baka kasama na ni Jelai doon sa loob." ngumiti ako at tumango naman siya. Nagpaalam pa si mama kina Aling Cecil at muling inanyayayaan na pumasok muna pero tumanggi ang mga ito. Gusto na din naman daw nila magpahinga kaya siguro ay sa susunod na lang.

"Sige po tita, Sci, una na kami."

Noong nakaalis na sila ay naglakad na din kami ni mama papasok.

"Mukhang tumuloy si Zac, nandyan kaya ang mga pinsan niya? Magluluto muna ako ng hapunan at para dito na sila makakain." tumango ako.

"Tulungan ko na kayo ma."

"Huwag na! Si Jelai na lang, tutal ay bisita mo sila dapat ikaw ang mag entertain sa mga ito."

"Di naman ako mukhang clown ma, mas mukha pa si Jelai e." tumawa ako kaya binatukan niya ako. 

Grabe! Makabatok!

Tama nga ang hinala namin. 

Pagkapasok ng bahay ay sabay sabay na tumayo iyong tatlo. Hindi ko pa alam ang buong pangalan ng mga ito. Tinatawag ko lang itong Cosimo I, II, and III. Well, except for Zac kaya noong iniwan kami nina mama at Jelai ay kaagad kong kinalabit si Zac.

"Why?"

"What's their name?" kumunot ang noo nito.

"Why?" this time ay ako naman ang kumunot ang noo. Anong why?

"I don't remember."

"And why do you need to remember?" napapikit na lang ako, bakit ba nagsusungit ang isang to. Nawala ang tingin ko sa kanya noong humagalpak ng tawa si Cosimo III. Nakangisi naman si Cosimo I kaya lito akong nagpabalik balik ng tingin sa kanilang tatlo.

"Fuck. Stop laughing, Matt!"

"Huy, marinig ka ni mama. Bawal magmura dito!" may diing bulong ko... Napapikit naman siya, marahil ay sa inis. Lalo tuloy natawa iyong dalawa.

"Anyway, you already forgot our names huh. Are we not that attractive to you?" nakangising sabi ni Matt, which is si Cosimo III.

Umiling ako. Oo, gwapo sila pero di ko naman sila type.

"Woah! So you forgot Zac's name too, right?" he added. Tumango ako. "Meaning he's not attractive enough, I see."

"Matt," napatingin ako kay Zac na mukhang naiinis na sa nangyayari. "At least now, he remembered." dagdag niya pa.

Hindi ko maintindihan anong problema ng mga 'to. Nagpatuloy kami sa kwentuhan. Ipinakilala naman nila sa akin ang mga sarili nila. Cosimo I is Daryl Antonio Cosimo. Mukha itong suplado pero pilyo rin kagaya ng mga pinsan. Cosimo III is John Mattias Cosimo, pinakamaingay at pinakapilyo. Sakit sa ulo ang lalaking ito sa magiging kasintahan niya, panigurado. But I doubt that now. Mukha itong playboy. And of course, Cosimo II is Zeus Andrew Cosimo o mas tinatawag na Zac.

"Handa na ang hapunan, kain muna tayo?" matapos ang isang oras ay nakapagluto na sina mama. Maaga kaming kumakain, pagkatapos ay magpupuyat dahil sa mga need tapusin. Projects, reviews, at kung ano-ano pang Acads related.

Kung wala namang gawain ay maaga kaming natutulog.

Habang nasa hapag ay panay ang tanong nina mama sa tatlo. Tahimik naman iyong mga lalaki, siguro ay hindi sanay na nagsasalita habang kumakain.

"Ano ba ang mga kurso ninyo?" tanong ni mama. Nagpatuloy lang naman ako sa pagkain.

"Medtech din po tita." Sagot ni Zac.

"Ah ganon ba. Magpipinning na din ba kayo?"

"Opo tita, actually sabi ni Zac ay sinabihan niya na si Scianna kahapon, baka di niya pa nasasabi kaya sabihin po namin ulit ngayon," si Matt.

"Jelai, paabot nga ng tubig." siniko ko pa ang kapatid ko pero busy ito sa pakikinig kina mama. Nakakainis naman tong bruha na to!

Aabutin ko na sana iyong tubig noong tumayo si Zac para abutin ito atsaka nagsalin sa baso ko. Nagpasalamat naman ako.

"We would like to invite you po sana, sa internship ceremony namin."

"Oh? Pwede ba kami doon? Ang mga magulang ninyo?"

Ngumiti ang mga lalaki.

"Busy po sila sa trabaho eh," magalang na sabi ni Anton.

"Edi sino ang sasama sa inyong maglakad sa red carpet kuya?"

"Kaya nga gusto sana namin kayong imbitahan para na din kayo ang kasama namin sa paglalakad."

Madami pang itinanong sina mama at Jelai kaya minsan ay sinasaway ko na sila.

Napadalas iyong pagbisita ni Zac sa amin, minsan kasama ang dalawamg pinsan at si Dawn, pero madalas ay siya lang dahil busy raw ang mga pinsan niya. Nasasanay na din sila mama na laging nandyan si Zac kaya parati nila itong tinatanong sa akin.

"Good morning! Are you ready?"

"Yup."

"Okay, I'll be there in 10 minutes." napangisi ako bago ibinaba iyong cellphone. Nakaupo ako ngayon sa sala at inaantay na matapos sina mama.

Napapayag nila sina mama na dumalo sa pinning nila. Binalaan pa nila kami na sana daw kung hindi man maganda ang resulta ay wag magbago ang tingin namin sa kanila. Naguluhan pa ako doon pero hindi ko na lamang pinansin.

Natigil lang ako sa pag-iisip nung may bumusina na sa labas.

"Ma! Jelai! Tara na po!"

Lumabas na ako ng bahay para puntahan si Zac. Nakasandal ito sa sasakyan niya habang inaayos ang buhok niya. Napatingin ito sa gawi ko. Napangisi ako. Ang gwapo.

"Hey, congrats!" I said atsaka inabot iyong gift namin nina mama. "Don't expect too much. Simple lang yan pero pinaghirapan namin nina mama.."

"Damn. It's actually too much! Thank you!" ngumisi ito atsaka ako niyakap.

I don't know what status do we have. Pero kung ano man yon, ayos na ako sa ganito. Sure I'm attached, but if he can only offer friends then I'll gladly accept it. Ugh, ewan ko sayo Scianna! Napailing na lang ako sa sariling naisip.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status