Inicio / Romance / Prince In My Dream (Book 1) / Day 07 [Dream At Stake]

Compartir

Day 07 [Dream At Stake]

Autor: Kei Abordo
last update Última actualización: 2024-01-13 10:35:11

"ROBIN, BAKIT NGAYON KA LANG? SAAN KA GALING?"

Pasado alas-dyes na ng gabi ng nakauwi si Prince Robin ng palasyo galing sa lakad nila ni Jaime.

Mula sa Reynang nagsalita lumipat ang nakakatakot niyang tingin kay Adee na nasa bandang likuran ng Reyna.

Simula sa gabing iyon ay sa palasyo na rin titira si Adee. At magsisimula sa gabing iyon ang nakakatakot niyang panaginip.

Pinagpapawisan ng malamig si Adee sa matatalim na tingin ni Robin. Seryoso ang itsura nito at kahit hindi niya sabihin kitang kita sa mukha nito na hindi siya natutuwang makita ulit si Adee.

Napaatras si Adee.

'A-Ang mga tingin niya... nakakatakot...'

"Nagkita kami ni Jaime. Nagkwentuhan lang." Malamyang sagot ni Robin sa Reyna.

"Alam mo namang ngayon ang paglipat ni Adee dito sa palasyo, sana sinamahan mo siya kunin ang mga gamit niya."Batid sa tono ng Reyna na pinipigilan nito na tuluyang magalit kay Prince Robin.

Inismiran ni Robin ang Reyna. "What's the use? Nandyan naman si Sir Vladimir."

"Ah...Ok lang po Mahal na Reyna. Wag niyo na pong isipin ‘yon... Tinulungan naman po ako ng kaibigan kong si Sarah." Si Adee.

"Kaibigan mo? Mabuti naman. I would like to meet her someday..." Ngumiti ang Reyna kay Adee.

"Talaga po?!"

"Oo naman. Para makapagpasalamat na rin ako ng personal sa pag-aalaga at sa pagiging mabuting kaibigan niya sayo."

"Siguradong matutuwa siya pag nalaman niyang gusto niyo siya makilala!"

"Sigurado yon Adee!"

Nagtawanan ang Reyna at si Adee habang tahimik na nanunuod si Robin sa kanila. Hindi niya gusto ang nakikita niya. Pero at least, nawala na sa kanya ang atensyon ng kanyang lola.

***

"PASENSIYA KA NA ADEE, hija, kung kailangan mo muna magstay sa guest room ngayong gabi. Hindi pa kasi totally ayos yung room mo, kulang pa sa mga gamit. But don't worry, iyon ang pinakamalaking guest room dito sa palasyo..." Paliwanag ng Reyna kay Adee habang naglalakad sila papunta sa guest room na gagamitin ni Adee.

"Wala pong problema sa akin yon Kamahalan. Kahit nga po sa sofa niyo ako patulugin okay lang po." Pabirong sabi ni Adee sa Reyna.

"Edi sa sofa ka na lang matulog..." bulong ni Robin sa sarili.

"Ano ka ba Adee? Dalawampung taon kang nawala at gusto kong bumawi sa mga pagkukulang ko sayo bilang isang prinsesa. Wag kang mag-alala, magbabago na ang buhay mo." Sincere ang ngiti ng Reyna kay Adee.

Pumasok sila sa malaking guest room. May malaking kama sa loob nito, mga cabinet, sofa, tv at may sarili rin itong banyo. Marami ring mga painting ang nakasabit sa dingding at mga figurine at vase ang nakadisplay sa ibabaw ng mga drawer.

Namangha si Adee sa laki ng kwarto.

"Dito po ako matutulog?” Tanong ni Adee, habang inililibot pa rin ang tingin sa paligid.

"Oo Adee pero isang gabi ka lang matutulog dito. Bukas siguradong tapos na ang kwarto mo." Paliwanag ng Reyna."Oh pano, maiwan kana namin dito. Magpahinga ka na.. "

Nakamasid lang si Robin mula sa likuran ni Queen Helia.

"Robin, wala ka na bang sasabihin kay Adee?"

"Anong sasabihin ko sa kanya? Pupunta na rin ako sa kwarto ko, gusto ko na rin magpahinga."

Lumakad na paalis si Robin.

Sinundan lang siya ng tingin ni Adee at ng Reyna.

"Wag mo na lang pansinin ‘yon Adee. Magpahinga ka na rin."

"Opo. Good night po Mahal na Reyna." Pilit ang ngiti ni Adee.

"Good night din Adee."

Umalis na ang Reyna at naiwan na si Adee sa malaking kwarto. Inilibot niya muli ang tingin sa paligid.

"Ang laki ng kwartong ito para sa isang tao..."

Umupo si Adee sa kama at hinawakan ang malambot na sapin nito.

'Monarkiya talaga ang bansa...

Nasa palasyo na ako...

At isa talaga akong prinsesa.

Hindi ba talaga to isang panaginip?'

Nahiga si Adee sa malaking kama at tumitig sa kisame ng kwarto kung saan may nakasabit na mamahaling chandelier.

'Ang Prinsipe..

Nararamdaman kong...

Hindi niya ako gusto.

Hindi niya ako gusto hindi bilang fiance,

Kundi bilang ako.

Dahil siguro isa lang akong simpleng babae.

Dahil, hindi ako bagay maging isang prinsesa.

Magkakasundo kaya kami?

Tama kaya ang desisyon kong tanggapin ang pagiging prinsesa at manatili dito sa palasyo?

Pero, hindi ko naman to desisyon!

Gusto ba talaga ni papa na maging prinsesa ako at maging Reyna ng bansang ito?

Bakit niya tinanggap ang singsing mula sa Hari?

Ganun ba talaga magkalapit ang Hari at si papa?”

Nakatulugan na lang ni Adee ang mga bagay bagay na nasa isip niya.

Ang daming tanong, pero ni isa sa mga ito ay wala siyang mahanap na sagot.

***

NAGISING SI ADEE SA SIKAT NG ARAW mula sa binta ng kwarto na tumatama sa kanyang mukha. Kinusot niya ang mata niya at inaninag ang paligid. Nasa kwarto pa rin siya ng palasyo.

Totoo ang lahat.

Ilang sandali pa nakarinig ng dahan dahan na katok si Adee na nagmula sa pinto at pumasok ang isang dalaga.

"Magandang umaga Kamahalan. Gising na po pala kayo. Ako po si Lyka, ako po ang personal maid niyo simula ngayong araw."

"P-Personal maid?" Napaupo si Adee mula sa pagkakahiga.

"Opo. Maghanda na po kayo kamahalan. Kasabay niyo po mag-aalmusal ang Mahal na Reyna at ang Mahal na Prinsipe. Hinanda ko na rin po ang pampaligo niyo at ang isusuot niyo sa trabaho." Masayang sabi ni Lyka.

"Ha?! Hinanda mo na ang lahat?!"

"Opo. Tawagin niyo lang ako kamahalan kung may kailangan kayo."

Bago pa maproseso ni Adee ang lahat ng pangyayari ay umalis na si Lyka. Kakagising niya lang at hindi pa rin gaanong nagsisink in sa kanya na nasa palasyo siya, sinundan na ito agad ng isa pang malaking pagbabago sa buhay niya.

"May personal maid ako?!"

***

"MAGANDANG UMAGA ADEE." Bati ni Queen Helia ng dumating si Adee sa dining area.

Nakaupo na sa dating pwesto ang Reyna at si Prince Robin. Tahimik at maingat na naglakad at umupo si Adee sa pwesto niya.

"Magandang umaga rin po Mahal na Reyna." Bati rin ni Adee sa Reyna, tsaka siya tumingin kay Robin. "Magandang umaga...Prince Robin."

Hindi man lang siya tinignan ni Robin at seryoso ito sa pagkain.

"Kamusta hija? Nakatulog ka ba ng maayos?" Masayang tanong ng Reyna.

"Opo. Ang lambot lambot po nung kama kaya nakatulog ako nang mahimbing. Uhm, Kamahalan... yung tungkol po sa personal maid ko..."

"Oh? Nagustuhan mo ba siya?" Inosenteng tanong ng reyna sa masaya pa ring tono.

"Naisip ko lang po... sa tingin ko po, hindi ko na po kailangan ng personal maid. Kaya ko naman pong asikasuhin ang sarili ko. Tsaka, isa pa po, hindi ko po kayang utusan ang ibang tao." Nahihiyang sabi ni Adee sa Reyna.

"Wag kang mag-alala Adee. Isang malaking karangalan para sa kanya na mapaglingkuran ang Prinsesa ng bansa. Maniwala ka sa akin..."

Alangan pa ring ngumiti si Adee sa Reyna.

"Siya nga pala Adee, mamaya pagkatapos mo sa trabaho ay sasamahan ka ni Vladimir at ni Lyka na mamili ng mga bago mong gamit. Pasensya na Adee, hindi kita masasamahan, marami pa akong meetings mamaya." Ang Reyna.

"Wag po kayong humingi ng pasensya. Naiintindihan ko naman po."

"Ang mabuti pa, samahan mo si Adee mamaya na mamili, Robin. Hindi ka pwedeng humindi." Pautos ang tono ng Reyna ng sabihin niya ito kay Robin.

"Hindi ako pwede mamayang hapon, may usapan na kami ni Jaime."

"You can't say no, Robin. Believe me..." bahagyang pinandilatan ng Reyna si Robin. Seryoso ang mukha nito.

Sa mga tingin pa lang ng lola niya ay alam na agad ni Robin kung anong gustong iparating nito sa kaniya.

Hindi iyon napansin ni Adee dahil all along kay Robin siya nakatingin.

Napabuntong hininga si Robin. "Opo. Sasamahan ko na siya mamaya."

Napangiti si Adee sa sinabi ni Robin.

'Sasamahan ako ni Prince Robin mamaya…' isip ni Adee.

***

NAGPARK ANG ISANG ITIM NA KOTSE malapit sa entrance ng opisina ni Adee, pero doon sila dumaan sa gate na hindi dinadaanan ng mga empleyado. Ayaw ni Adee na may makaalam ng kahit ano tungkol sa kanya.

Binuksan ni Vladimir ang pinto ng kotse para kay Adee.

"Salamat Sir Vladimir." Bumaba na si Adee sa kotse.

"Susunduin ko po kayo mamaya. Nawa’y maging maganda ang araw niyo sa opisina, kamahalan."

Sa hindi kalayuan isang babae ang nakakita kay Adee at kay Vladimir. “Si Adee ba ‘yon? Sino yung matandang kasama niya?”

***

"MAGANDANG UMAGA!"

Bati ni Adee sa mga kasamahan ng pumasok na siya sa department niya. Hindi siya tinugon ng bati ng mga ito.

Dumiretso na lang siya sa table niya at nakita niya si JV na nakaupo sa harap ng table nito.

"Hi JV. Magandang umaga!" Nginitian pa ni Adee si JV pero seryoso lang siya nitong tinignan. "May problema ba?"

"Akala ko may sakit ka. Hindi ka man lang tumawag o nagchat sa akin." Nagtatampong sagot ni JV.

"Sorry JV. Nag-alala ka ba? Biglaan kasi kaya hindi ko nasabi agad sayo..."

"Buti na lang nagpunta si Sarah sa bahay mo at sinabi niya sa aking okay ka lang."

"Sorry na JV..." pang-asar ang tono ni Adee.

Inismiran lang siya ni JV.

"Teka, anong biglaan ba yung sinasabi mo? Lately, parang napapadalas ang paglabas mo..."

"Ha? Ang hirap kasi sabihin, di ko alam kung paano pero wag kang mag-alala JV sasabihin ko rin sayo agad ang tungkol doon."

Nginitian pa ni Adee si JV bago siya nagstart na sa pagtatrabaho.

Naiwang nag-iisip si JV dahil sa sinabi ni Adee.

Nilapitan ni Joyce si Adee at ipinatong ang makapal na mga papel sa lamesa nito.

"Adee! Utang mo sa akin lahat ng ito. Wala ka kahapon, natambakan tuloy ako ng mga papeles! Ayusin mo yan!"

"Ha?"

Bago pa makapagsalita si Adee ay umalis na si Joyce at bumalik sa table niya.

Napakamot na lang ng batok si Adee sa dami ng trabahong naghihintay sa kaniya. Habang tahmik na nanunuod si JV mula sa lamesa niya.

To Be Continued>>>

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Comentarios (1)
goodnovel comment avatar
Emelita Ubaldo Cruz
lahat nlng wlang katapusan.next chapter nga pls.
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • Prince In My Dream (Book 1)    DAY 22 [ Doctor Sato ]

    "KAMUSTA ANG KALUSUGAN KO, DOCTOR SATO?" Kakatapos lang kunan ng blood pressure ni Queen Helia nang ngumiti ang doktor. "Maayos naman po ang kalagayan niyo, Kamahalan. Huwag niyo lang pong masyadong pagurin ang katawan lalo na sa mga pag byahe. Palagi niyo rin pong inumin ang mga vitamins na nireseta ko. Importante rin na mapanatili ninyong kalmado ang isipan." Sandaling tumigil ang doktor at tiningnan ang Reyna. "Lately ata marami kayong iniisip?" Una ay seryoso ang tono ng boses ni Doctor Sato habang inililigpit ang kanyang gamit, ngunit sa huli ay nagbiro rin siya, na para bang sinusubukan pagaanin ang usapan. Si Doctor Romeo Sato, nasa late 50s, ang Royal Doctor—ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng pamilya sa kanilang kalusugan. Mula pa noong panahon ni King Ongpauco, lolo sa tuhod ni Robin, ay ang pamilya Sato na ang humahawak ng usaping medikal ng mga Ongpauco. Kaya naman, higit pa sa doktor, matalik na kaibigan na rin ang turing ng pamilya sa kanila. "I guess you’re right, Do

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 21 [ Truth Seeker ]

    "JAZPER!" "Yes, Dad?!" Nag-aayos na si JV para pumasok sa opisina nang puntahan siya ng kanyang ama sa kwarto. Maayos ang suot nito—naka-americana, mahigpit ang kurbata, at kuminang pa ang leather shoes sa ilalim ng liwanag. Kahit nasa early 50’s na, bata pa ring tingnan ang kanyang ama, marahil dahil sa matikas nitong tindig at disiplinadong aura. Laging pormal, laging diretso, para bang laging nasa opisyal na pagpupulong kahit nasa bahay lamang. "I'm planning to have a dinner with the royal family maybe next week. So, I guess, you should make a room for it on your schedule." Seryoso ang tono ng ama, matatag ang boses habang nakatayo pa rin sa tabi ng pinto—parang isang heneral na nag-uutos. Napakamot ng gilid ng kilay si JV, napalunok ng bahagya. "Dad?!" "More than five years ka nang nandito sa Philippines, Jazper, and yet ayaw mong ipaalam sa kanila na nakabalik ka na? Ano ba talaga ang dahilan mo?" Parang tumigil ang oras kay JV. Napatingin siya sa sahig, nakakunot ang noo

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 20 [ Dream And Doubt ] part 2

    “HMM… KAMUSTA NAMAN SA OFFICE NUNG WALA AKO?” Nakafocus si Adee sa paghimay sa chicken na nasa plato niya, kaya tinanong nya ito nang hindi nag aangat ng tingin kay JV. Pero sa totoo lang… hindi niya magawang tumingin kay JV dahil natatakot siya sa isasagot nito. Ngumiti pa si Adee sa sarili niya, aminado siya ang absurd ang sunod niyang itatanong. “Sinong nagpophotocopy ng mga mga documents na kailangan nila? Sinong nag-aayos ng mga table nila o bumibili ng kape para sa kanila bago mag coffee break? Tinitigan muna ni JV ang kaibigan ng ilang segundo. ‘Adee’s just too kind to a fault.’ Ang naglalaro sa isipan ni JV. Pero ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto nya protektahan si Adee. He sighed. “Nung unang araw na wala ka, hinanap ka ni Miss Joyce. Nung sinabi naming naka vacation leave ka, nagulat siya. Hindi siya naniwala.” Tumawa si Adee. “Hindi ko siya masisisi JV. Hindi nga naman kasi kapanipaniwala na magbabakasyon ako bigla. Sa ilang taon kong pagtatrabaho

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 20 [ DREAM AND DOUBT ]

    "WELCOME BACK BOTH OF YOU!"Bati ng Mahal na Reyna ng makapasok sa palasyo sila Adee at Robin. Inaabangan talaga sila ng Reyna dahil excited ito kung may pagbabago sa relasyon ng dalawa.Galing sila Adee at Robin sa three days and two nights nilang bakasyon na ang Reyna mismo ang nagplano. Nais ng Reyna na magkausap ang dalawa at kahit papaano ay maging magkaibigan. Masyado kasing mailap si Robin kay Adee at talagang pinapakita nito na ayaw niya sa dalaga.Umaasa ang Reyna na dahil sa bakasyon na iyon ay magkaroon ng chance na marinig ni Robin ang side ni Adee at maintindihan niya ito. Gusto rin ng Reyna na makita ni Robin ang beautiful sides ni Adee na hindi importante ang panlabas na itsura. Kahit hindi ito maporma, kahit hindi ito marangya mamuhay, kahit hindi ito nag-i-stand out sa ibang babae ay may taglay pa rin itong ganda na hindi basta basta makikita ng mga mata. Ito ang mga bagay na gusto ni Queen Helia na marealize at maintindihan ni Prince Robin.'Adee's so beautiful, it j

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 19 [ HEART’S TURBULANCE ]

    Ipinikit ni Adee ang kaniyang mga mata at dinama ang mga malambot na labi ni Robin. Nang mag-angat si Robin ng mga labi ay agad suminghap si Adee ng hangin. Hindi pa rin makapaniwala si Adee na nagawa siyang halikan ni Robin. Hindi rin niya lubos maisip kung bakit niya tinugon ang halik ng binata.Biglang naconcious si Adee nang titigan siya ni Robin. Hindi siya makapagsalita."I think I have to explain this to you. You see, Adee… Kissing is now a very common act. It's not like the old days where kissing is very symbolic. Kissing means nothing if not done with the one you love. I kissed that girl earlier but I don't love her. And I did it with you but I don't even like you."Tahimik na pinapakinggan ni Adee ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Robin. At pilit niya rin itong iniintindi."When you kiss the one you love it should be more passionate and full of emotions, diba?"

  • Prince In My Dream (Book 1)   Day 18 [ FIRST KISS ]

    NAGISING SI ADEE DAHIL SA SINAG NG ARAW NA NAGMUMULA SA BINTANA NG KWARTO. Pagmulat ng mga mata niya ay nilibot niya ang tingin sa paligid. 'Sa kwarto ko?' Inalala niya ang mga nangyari nung gabi. Yung pagsama niya sa grupo ni Justin sa night bar. Yung paginom niya ng alak. At yung dalawang lalaking kumausap sa kanya sa bar. 'Leave my girl alone!' Biglang nag-echo sa isip niya yung mga salita, pati na rin ang boses, ni Robin. "Tinulungan ako ni Robin kagabi?" Bahagyang hinimas ni Adee ang gilid ng kanyang ulo, unti unti na siyang nakakaramdam ng pagsakit nito. "Hindi ba… panaginip lang iyon?" 'MY GIRL.' Tila ba'y isang chant na paulit-ulit naririnig ni Adee ang mga salitang 'yon sa kanyang isip. "Sinabi ba niya talaga yon? Bakit?" Umupo si Adee. Napatingin siya sa suot niyang T-shirt. Bigla ring pumasok sa isip niya yung umalis na sila ni Robin sa bar at inabot sa kanya yung shirt nito. Ngumiti si Adee. Pasimple niyang inamoy yung damit ni Robin. "Ito nga yung pabango ni

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status