"OH BRO! KAMUSTA? EMERGENCY BA?!"
Bati ni Jaime kay Robin ng magkita sila sa lagi nilang tinatambayan na coffee shop.
Si Jaime ang matalik na kaibigan ni Robin. Mayaman din ang pamilya nito na kilala sa field ng business and law.
Umorder na sila ng maiinom at makakain at saka naupo sa bakanteng pwesto.
"Kapag magkasalubong yang kilay mo at lalo pang naniningkit yang mga mata mo, I could tell that there's definitely something wrong." Komento ni Jaime na may halong pang-aasar sa tono.
Naglabas si Robin ng kahon ng sigarilyo at nagsindi ng isa. Hindi niya pinansin yung sinabi ni Jaime at nag hithit-buga lang ng usok.
"Plus the cigarettes!" Dagdag pa ni Jaime na may malaki at mapang-asar na ngiti sa labi.
"Diba alam mo naman yung tungkol sa nawawalang 'Crowned Princess'?" Umpisa ni Robin habang nakatitig sa malayo.
"Yeah. Siya yung fiance mo na matagal ng hinahanap ng Mahal na Reyna–"
Napatigil si Jaime sa pagsasalita ng dumating ang waiter at inilapag sa lamesa ang order nila. Nang umalis na ito ay nagpatuloy na si Jaime.
"So, what about her?"
Hindi ulit sumagot si Robin.
"Don't tell me… nakita na siya ng lola mo?!"
Nagkibit balikat si Robin sabay ang paghigop sa inorder niyang Spanish Latte.
Nanlaki ang mga mata ni Jaime. "Kung ganun? Nakita na nga sya?! How? When? Where? What does she looks like?!""Sabi ni lola, si Sir Vladimir ang nakakita sa kanya. Nakita sa kanya ang singsing ng dad ko and napatunayan na siya nga ang Crowned Princess." Simpleng paliwanag ni Robin.
"Wow! Had you met her? Anong itsura niya? Model figure ba? Doll liked face or mala-Anne Curtis?"
"Mas ordinaryo pa siya sa ordinaryo Jaime. Believe me, you wouldn't want to meet her..."
Napakunot ng noo si Jaime. "Ouch! Can you describe her more? I want to know, bakit mo nasabi ang mga bagay na yon."
Nagisip saglit si Robin. "Well, like I’ve said, she's ordinary... I mean, all of her! Her face, her hairstyle, the way she dresses, her body... Halatang hindi siya galing sa aristocracy. And ito pa! She works at a company as an assistant, in short, isa siyang utusan. Tell me, how can she be my fiance?! For pete's sake! Darn!"
"Pero may magagawa ka ba? And how about, Yumi-chan?"
Natahimik si Robin.
"She knows naman about the lost crowned princess ‘di ba? She's your best friend so I guess she'll understand." Dagdag pa ni Jaime.
"Kung sana nagtapat na ako sa kanya bago pa siya pumunta ng Europe, siguro hindi ako maaapektuhan ng ganito diyan sa Adee na yan!" Medyo napalakas ang boses ni Robin. Hindi na niya nakocontrol ang galit nya.
"Sssshhh! Ano ka ba Prince Robin wag kang sumigaw…” Bulong ni Jaime.
"Kung ayaw mong makilala ako dito, wag mo akong tawaging 'Prince', ok?" bumulong din si Robin kay Jaime.
"Yeah! So... Adee's her name? Nice name, huh?"
"Nice name ka dyan? Even her name is so plain..."
Natawa si Jaime sa inaarte ni Robin. Halata sa itsura nito na naiirita talaga siya.
"I really want to meet that Adee..."
"Nang-aasar ka ba?"
"Hindi ahh! So, anong plano mo dyan sa Adee na ‘yan? Sigurado akong kakampi niya ang lola mo." Nagsindi rin si Jaime ng isang sigarilyo.
"I don't know. Wala pa akong plano. Hindi madaling makatakas sa arranged marriage na ganito. Ever since the reign of my great great grandfather, this is how they pass down the crown. The prince next to the throne should marry the woman who has that ring..."
"In short, kailangan mong pakasalan si Adee." Patuloy ni Jaime.
Masama ang tingin ni Robin sa kanya.
"No. It's time for a change..."
Nagtaka si Jaime sa sinabi ni Robin. "What do you mean? Hoy Robin, wag mong sabihin na dadaanin mo sa dahas?!"
Makahulugang ngiti lang ang sinagot ni Robin kay Jaime.
***
NAGLALAKAD SI ADEE SA KALSADA PATUNGO SA APARTMENT NYA. Sa sahig siya nakatingin at malalim ang iniisip.
'Wag mo na lang pansinin si Robin, ganun lang talaga yon kapag hindi pa niya kilala ang tao... pag nagkausap na kayo ng mabuti, siguradong magiging mabait na sya sayo...' naalala ni Adee yung usapan nila ng Reyna.
'Ayusin mo lang ang mga gamit mong dadalhin tapos ipapasundo na kita kay Sir Vladimir ng 8pm. Ok?' Ang Reyna ulit.
Tumango lang si Adee.
Napabuntong hininga si Adee.
Pagdating niya sa apartment ay nakita niya si Sarah na nag-aabang sa harap ng kanyang pintuan.
Agad nilapitan ni Adee ang kaibigan. "Sissy, anong ginagawa mo dito?"
"Sis! Saan ka nagpunta? Bakit ngayon ka lang?" Sabi ni Sarah na may bahid ng pag-aalala sa tono.
"Halika, pumasok muna tayo sa loob."
At pumasok silang dalawa sa bahay ni Adee. Kumportableng umupo si Sarah sa sofa.
"Ok ka naman pala! Nag-alala pa naman ako sayo. Tumawag kasi sa akin si JV kanina, sabi hindi ka raw pumasok ngayon. Baka raw may sakit ka kaya sinabi niya na puntahan kita. Pagdating ko, wala namang tao, chinachat kita hindi ka naman online. Saan ka ba galing?!"
Naglapag si Adee ng maiinom sa maliit na lamesa na nasa harapan ni Sarah.
Walang imik si Adee. Di nya alam kung sasabihin na niya ang lahat ng mga nangyari nitong mga nagdaang araw lalo na ang tungkol sa kanyang pagiging 'Crowned Princess'. Kahit paano niya isipin, sinong maniniwala sa ganoong kwento.
"May tinatago ka ba sa akin?" Seryosong tanong ni Sarah.
Halos masamid si Adee sa tanong ng kaibigan.
"Oh bakit?!" Si Sarah."W-Wala..."
"Wait ite-text ko lang si JV, nagaalala na yun eh..."Kinuha ni Sarah ang phone niya sa bag at nag-umpisang magtype dito.
Humugot ng malilim na hinga si Adee bago nagsalita, "Sissy, may sasabihin sana ako..."Busy pa rin si Sarah sa pagtetext."Ano yun sis? Teka lang..."Hinintay muna ni Adee na matapos si Sarah sa ginagawa nya bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.
"Sis... hindi ko alam paano ko to sisimulan. Pero bago ang lahat, sana isekreto mo sis ang tungkol dito, kahit kay JV..."
>>>>
"KAMUSTA ANG KALUSUGAN KO, DOCTOR SATO?" Kakatapos lang kunan ng blood pressure ni Queen Helia nang ngumiti ang doktor. "Maayos naman po ang kalagayan niyo, Kamahalan. Huwag niyo lang pong masyadong pagurin ang katawan lalo na sa mga pag byahe. Palagi niyo rin pong inumin ang mga vitamins na nireseta ko. Importante rin na mapanatili ninyong kalmado ang isipan." Sandaling tumigil ang doktor at tiningnan ang Reyna. "Lately ata marami kayong iniisip?" Una ay seryoso ang tono ng boses ni Doctor Sato habang inililigpit ang kanyang gamit, ngunit sa huli ay nagbiro rin siya, na para bang sinusubukan pagaanin ang usapan. Si Doctor Romeo Sato, nasa late 50s, ang Royal Doctor—ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng pamilya sa kanilang kalusugan. Mula pa noong panahon ni King Ongpauco, lolo sa tuhod ni Robin, ay ang pamilya Sato na ang humahawak ng usaping medikal ng mga Ongpauco. Kaya naman, higit pa sa doktor, matalik na kaibigan na rin ang turing ng pamilya sa kanila. "I guess you’re right, Do
"JAZPER!" "Yes, Dad?!" Nag-aayos na si JV para pumasok sa opisina nang puntahan siya ng kanyang ama sa kwarto. Maayos ang suot nito—naka-americana, mahigpit ang kurbata, at kuminang pa ang leather shoes sa ilalim ng liwanag. Kahit nasa early 50’s na, bata pa ring tingnan ang kanyang ama, marahil dahil sa matikas nitong tindig at disiplinadong aura. Laging pormal, laging diretso, para bang laging nasa opisyal na pagpupulong kahit nasa bahay lamang. "I'm planning to have a dinner with the royal family maybe next week. So, I guess, you should make a room for it on your schedule." Seryoso ang tono ng ama, matatag ang boses habang nakatayo pa rin sa tabi ng pinto—parang isang heneral na nag-uutos. Napakamot ng gilid ng kilay si JV, napalunok ng bahagya. "Dad?!" "More than five years ka nang nandito sa Philippines, Jazper, and yet ayaw mong ipaalam sa kanila na nakabalik ka na? Ano ba talaga ang dahilan mo?" Parang tumigil ang oras kay JV. Napatingin siya sa sahig, nakakunot ang noo
“HMM… KAMUSTA NAMAN SA OFFICE NUNG WALA AKO?” Nakafocus si Adee sa paghimay sa chicken na nasa plato niya, kaya tinanong nya ito nang hindi nag aangat ng tingin kay JV. Pero sa totoo lang… hindi niya magawang tumingin kay JV dahil natatakot siya sa isasagot nito. Ngumiti pa si Adee sa sarili niya, aminado siya ang absurd ang sunod niyang itatanong. “Sinong nagpophotocopy ng mga mga documents na kailangan nila? Sinong nag-aayos ng mga table nila o bumibili ng kape para sa kanila bago mag coffee break? Tinitigan muna ni JV ang kaibigan ng ilang segundo. ‘Adee’s just too kind to a fault.’ Ang naglalaro sa isipan ni JV. Pero ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto nya protektahan si Adee. He sighed. “Nung unang araw na wala ka, hinanap ka ni Miss Joyce. Nung sinabi naming naka vacation leave ka, nagulat siya. Hindi siya naniwala.” Tumawa si Adee. “Hindi ko siya masisisi JV. Hindi nga naman kasi kapanipaniwala na magbabakasyon ako bigla. Sa ilang taon kong pagtatrabaho
"WELCOME BACK BOTH OF YOU!"Bati ng Mahal na Reyna ng makapasok sa palasyo sila Adee at Robin. Inaabangan talaga sila ng Reyna dahil excited ito kung may pagbabago sa relasyon ng dalawa.Galing sila Adee at Robin sa three days and two nights nilang bakasyon na ang Reyna mismo ang nagplano. Nais ng Reyna na magkausap ang dalawa at kahit papaano ay maging magkaibigan. Masyado kasing mailap si Robin kay Adee at talagang pinapakita nito na ayaw niya sa dalaga.Umaasa ang Reyna na dahil sa bakasyon na iyon ay magkaroon ng chance na marinig ni Robin ang side ni Adee at maintindihan niya ito. Gusto rin ng Reyna na makita ni Robin ang beautiful sides ni Adee na hindi importante ang panlabas na itsura. Kahit hindi ito maporma, kahit hindi ito marangya mamuhay, kahit hindi ito nag-i-stand out sa ibang babae ay may taglay pa rin itong ganda na hindi basta basta makikita ng mga mata. Ito ang mga bagay na gusto ni Queen Helia na marealize at maintindihan ni Prince Robin.'Adee's so beautiful, it j
Ipinikit ni Adee ang kaniyang mga mata at dinama ang mga malambot na labi ni Robin. Nang mag-angat si Robin ng mga labi ay agad suminghap si Adee ng hangin. Hindi pa rin makapaniwala si Adee na nagawa siyang halikan ni Robin. Hindi rin niya lubos maisip kung bakit niya tinugon ang halik ng binata.Biglang naconcious si Adee nang titigan siya ni Robin. Hindi siya makapagsalita."I think I have to explain this to you. You see, Adee… Kissing is now a very common act. It's not like the old days where kissing is very symbolic. Kissing means nothing if not done with the one you love. I kissed that girl earlier but I don't love her. And I did it with you but I don't even like you."Tahimik na pinapakinggan ni Adee ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Robin. At pilit niya rin itong iniintindi."When you kiss the one you love it should be more passionate and full of emotions, diba?"
NAGISING SI ADEE DAHIL SA SINAG NG ARAW NA NAGMUMULA SA BINTANA NG KWARTO. Pagmulat ng mga mata niya ay nilibot niya ang tingin sa paligid. 'Sa kwarto ko?' Inalala niya ang mga nangyari nung gabi. Yung pagsama niya sa grupo ni Justin sa night bar. Yung paginom niya ng alak. At yung dalawang lalaking kumausap sa kanya sa bar. 'Leave my girl alone!' Biglang nag-echo sa isip niya yung mga salita, pati na rin ang boses, ni Robin. "Tinulungan ako ni Robin kagabi?" Bahagyang hinimas ni Adee ang gilid ng kanyang ulo, unti unti na siyang nakakaramdam ng pagsakit nito. "Hindi ba… panaginip lang iyon?" 'MY GIRL.' Tila ba'y isang chant na paulit-ulit naririnig ni Adee ang mga salitang 'yon sa kanyang isip. "Sinabi ba niya talaga yon? Bakit?" Umupo si Adee. Napatingin siya sa suot niyang T-shirt. Bigla ring pumasok sa isip niya yung umalis na sila ni Robin sa bar at inabot sa kanya yung shirt nito. Ngumiti si Adee. Pasimple niyang inamoy yung damit ni Robin. "Ito nga yung pabango ni