Share

Chapter 40: Prinsesa?

Prinsesa Atyrrah POV

Lumakas ang ulan dahilan para lumamig. Sumasabay pa ang galit ng hangin. Ayaw akong kausapin ng hangin basta galit na galit siya.

"Aireen, bakit ayaw akong kausapin ng hangin?" Tanong ko habang yakap ang aking sarili gamit ang dalawang braso. Kanina pa kami naglalakad ni Aireen sa gitna ng ulan. Mabigat na rin ang aking trahe de boda. Ang pulang ilaw mula sa pakpak ni Aireen ay nagbibigay-liwanag sa madilim na gabi.

"Hindi ko alam, Prinsesa. Nasaan na ang iyong luha?" Tanong niyang muli. Kanina niya pa ko gusto paiyakin ngunit wala nang tubig ang gustong lumabas sa aking mga mata. Tapos na kong umiyak. Wala nang pighati sa aking puso. 

"Wala nga, Aireen! Gusto mo kong lumuluha, acrinim?" Tanong ko sa naiinis na tono. Ayaw niya ring sabihin kung para saan ang luha't gusto niyang ako pa ang magbigay no'n sa kaniya. "Kung gusto mo ng luha ay ikaw ang umiyak!" 

Nakarating kami sa gusali kung saan unang nagtagpo ang mga la

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status