Share

Chapter 44: Pagpapakilala .1

Prinsesa Atyrrah POV

Nakangiti kong pinagmamasdan ang aking sariling repleksyon sa salamin habang sinusuklay ang aking buhok. Nakasuot ako ng puting pares ng pangtulog.

Masaya ako sa nangyari. Mula sa muli naming pagkikita ng Ginoo hanggang sa makabalik kami rito sa palasyo. Hindi ko mailarawan ang saya dahil sa pag-iyak nila Shayla at Biyola na kalauna'y naging yakap. 

"Prinsesa" napatingin ako sa katre nang magsalita ang mumunting tinig. Nakangiti akong naglakad papunta sa kinaroroonan ni Aireen. 

"Ano iyon?" Malumanay kong tanong. Nakangiti siya pero alam kong may kinikimkim siya sa kaniyang loob-loob. May gustong sabihin na nauwi sa pagbuntong-hininga.

"Masaya akong makita kang masaya" ani niya nang nakatingala sa'kin.

"Hindi halata sa'yo" ani ko. Alam kong gusto niya na kong akayin pabalik sa aming mundo ngunit gusto kong dito na manatili. Dito ako masaya. Dito ko naramdaman ang sayang matagal ko nang hinahanap.

"N-Nag-

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status